You are on page 1of 5

Dr.

Juan G Nolasco High School


2252 Tioco St. Tondo Manila

SURING-BASA SA
FILIPINO 10
ANG KWINTAS
(PAMAGAT)

IPINASA NI: IPINASA KAY:


CLARK LOUPIN V. BUENAVENTURA GNG. FONTEJON
10 – VENN (16)

Ang Kwintas
Henri Rene Albert Guy de Maupassant
France

BUOD:
I.PANIMULA

Mayroong kagandahang taglay si Mathilde na hinahangaan ng marami. Gayunman, ang


magandang dalaga ay mahirap lamang.

Nakapangasawa rin siya ng isang lalaking kapos din at isang manunulat na maliit
lamang ang kita.

Isang araw, pag-uwi ng asawa ni Mathilde na si G. Loisel ay sinabi nitong inimbitahan


sila sa isang piging ng kaniyang amo. Malungkot naman si Mathilde dahil wala siyang
magarang dami. Binigyan siya ng asawa niya ng pambili ng damit.

Ngunit nais ni Mathilde na magkaroon siya nang maayos na alahas. Dahil walang
pambili ay nanghiram ito sa kaibigan at nakahiram naman.

Namukod-tangi ang ganda ni Mathilde sa piging. Marami ang humanga sa kaniyang


ganda. Pag-uwi nila, masaya ang mag-asawa dahil sa atensiyon.

Ngunit nawala ni Mathilde ang kuwintas. Upang hindi masira ang relasyon sa kaibigan
ay pinalitan nila ang kuwintas kahit mahal ang halaga nito.

Dahil sa pagbili ng kuwintas na mataas ang halaga, nabaon sa utang ang mag-asawa.
Dahil maliit lamang ang kita ni G. Loisel ay inabot sila ng sampung taon sa pagbabayad
ng utang.

Lumipas ang sampung taon ay nakita ng kaibigan ni G. Loisel si Mathilde. Nagulat ito
dahil ibang-iba na ang hitsura nito mula nang makita sa piging.

Sinabi ni Mathilde ang dahilan na naghirap sila dahil sa kuwintas na nawala. Sinabi ng
kaibigan na hindi naman daw tuna yang kuwintas na suot niya noong gabi at isang
imitasyon lamang.
Anyo ng panitikan:
Ang Kwintas ay isang maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang
maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga
sundalo.

Pagkilala sa may Akda:


Si Henry Rene Albert Guy de Maupassant o mas kilala bilang si Guy de
Maupassant ay isang manunulat na pranses. Nakilala o naging tanyag siya dahil sa
kanyang sinulat na maikling kwento na “Ang Kwintas”. Ang isa sa nag-udyok sa kanya
na maisulat ang akda na ito ay ang pagsisikap na maitatag ang Paris bilang larawan ng
lipunang Petiburges sa kinis, kislap, at gawi ng mga gitnang ring namumuhay sa
lungsod. Bilang produkto ng teoryang realismo, ang kaniyang mga kwento ay
nagtatanghal ng pagkaganid sa kayamanan at naglalaman ng madilim na aspekto sa
kalikasan ng tao.

Layunin ng may Akda:


Ang layunin ng may akda ay maiparating sa mga mambabasa na matutong
kuntento at maging masaya sa kung anong mayroon ka. Layunin din nito na matuto
tayong umamin kung tayo man ay nakagawa ng kasalanan o nagkasala.

II. PAG SUSURING PANGNILALAMAN

Tema/Paksa ng may Akda:


Napapanahon at makabuluhan ang paksa at tema ng kwentong "Ang
Kwintas" sapagkat ang tema ng kwentong ito ay maari nating iugnay sa mga nangyayari
sa atin sa realidad o sa tunay na buhay. Ang naging paksa naman ay naging
mapaghangad sa buhay ang tauhan sa akda.
Mga Tauhan/Karakter sa Akda:

Mathilde Loisel – Si Mathilde ay isang maganda at mapanghalinang babae ngunit


siya ay isinilang na mahirap. Napakasal lamang siya sa isang abang tagasulat. Sa
kanyang paniniwala,ang katulad niyang maganda ay hindi nababagay sa kahirapang
kanyang hinahaharap kung kaya siya ay labis na nagdurusa.

G. Loisel – Siya ang asawa ni Mathilde. Isang ordinaryong trabahador lamang sa isang
ordenaryong mangagawa lamang sa isang Instruksyong na pampubliko.

George Ramponneau- siya ang nag anyaya sa mag asawang Loisel sa isang sa isang
kasiyahan mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko.

Madam Forestier- siya ang matalik na kaibigan ni Mathilde na nagpahiram kay


Mathilde ng kwintas na ginamit niya sa pinuntahang kasayahan.

Tagpuan/Panahon:
Ang mga tagpuang nabanggit sa kwento ay ang bahay nina G. at Gng Matilde,
ang sayawan sa palasyo at ang bahay ni Madame Forestier. Sa bahay nina G. at Gng
Matilde ay dito siya madalas naglalagi at gumagawa ng mga gawaing pambahay. Dito
din niya parating naiisip ang ang pagkahabag sa kanyang sarili dahil sa uri ng buhay
meron siya. Sa palasyo ginanap ang kasiyahan na dinaluhan ng mag-asawa kung saan
lubos na naging maganda at kapansin-pansin ang kanyang kagandahan dahil sa suot na
bestida at kwintas. Sa bahay ni Madame Forestier din nanghiram ng kwintas si Matilde
para maisuot sa kasiyahan.

Nilalaman/Balangkas:
Masasabi ko na ang akdang ito ay hindi pa ganoong karaniwan dahil mayroon
pa rin naman itong mga taglay na kakaiba nilalaman. Iba pa rin ito sa ibang kwentong
ating ng nabasa sapagkat sa kwentong ito ay naka-ugat pa rin o ang naging pokus ng
akdang ito ay tayo o ang realidad na nangyayari sa ating mga tao at sa lipunang ating
ginagalawan. Naging maayos naman ang pagkakasunod-sunod ng pagkwe-kwento ng
akda dahil pag naman ito'y ating ng nabasa ay madali naman itong intindihin kung ano
ba ang gustong iparating sa ating mambabasa ng may akda.

Kulturang Masasalamin sa Akda:


Maraming masasalaming kultura at katangian sa kwentong "Ang Kwintas".
Isa na dito ang pagkahilig ng mga magagarang damit o bestida.Ang Paris ay kilala sa
matataas na uri ng fashion houses; ang mga taga-France ay kilala sa hindi
matatawarang mariringal na pananamit. Karamihan sa kanila ay sopistikado kung
manamit, disente at sunod sa uso (professional and fashionable style), ngunit hindi
sobra sa dekorasyon (overly fussy). Isa din sa mga kulturang masasalamin dito ay ang
pagkahilig nila sa kasiyahan o pagdiriwang tulad ng piyesta.

III. Pagsusuring Pangkaisipan

Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda:


Napaka ganda ang naging kaisipan o ideyan nakapaloob o taglay ng akdang
"Ang Kwintas" dahil nga sumasalamin ito sa nangyayari sa realidad na ang pangunahing
tauhan ay tayo, ang mga tao sa lipunan. Naging malinaw ang kaisipang taglay nito, (1)
Dapat na mas inuuna natin yung mga bagay na ating kailangan kaysa sa mga luho
lamang. (2) Hindi maitutuwid ang isang mali sa isa pang pagkakamali, mayroon isang
parte sa akda na nagpakita ng ganitong sitwasyon, dapat tandaan natin na ang isang
mali ay hindi dapat lulutasin o sosulusyunan gamiy ang isa pang maling paraan. (3) Ang
pinaka importante sa lahat ay yung dapat makuntento tayo kung ano lang ang mayroon
sa atin. Hindi dapat tayo mag asam ng mga bagay na wala tayo o mag asam na
magkaroon ng ganitong bagay sapagkat pwedeng humantong ito sa pagkakaroon ng
hindi magandang pangyayari sa ating buhay.

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda:


Naging epektibo at angkop naman ang mga salitang ginamit sa akda dahil
hindi ito masyadong malalim na salita ang ginamit sa akda, at naging angkop pa ito sa
panitikan na ginamit niya ang "maikling kwento". Naging sakto lang para sa mga
mambabasa na maintindihan ang akda at kung ano ang gusto niyang iparating gamit
yung naging estilo ng may akda.

You might also like