You are on page 1of 1

Camille Beatriz L.

Ubaldo Filipino
10- Saint Daniel Ma’am Rosario Salita

Ang Kwintas
maikiling kwento ni guy de maupassant
Mga tauhan sa kwentong ang kuwintas
1. Mathilde Loisel- siya ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat, isang maganda at
kahalihalinang babae .
2. G. Loisel – siya ang asawa mi Mathilde, siya ay ordenaryong mangagawa lamang sa isang
Instruksyong na pampubliko.
3. George Ramponneau- siya ang nag anyaya sa mag asawang Loisel sa isang kasayahan.
4. Mme. Forestier- siya ang matalik na kaibigan ni Mathilde, siya rin ang nagpahiram kay
Mathilde ng kwintas na ginamit niya sa pinuntahan kasayahan.
Buod
Nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali na napatungan pa ng isang pagkakamali.
Si Mathilde ay nakapangasawa ng isang abang lalaki na hindi kayang ibigay ang lahat ng kanyang luho.
Dahil dito laging mainit ang ulo ni Mathilde sa kanyang asawa. Isang araw, naanyayahan ang mag-asawa
sa isang kasiyahan. Sa halip na masiyahan, si Mathilde ay nangamba at nagalit sa kanyang asawa dahil
wala siyang magarbong damit na isusuot at kahit ang kaniyang asawa ay hindi mabibili ang damit na
kaniyang nais. Sa kabila ng mga bayarin at pangangailangan, mas inuna pa ng mag-asawa na bilhin ang
damit. Ngunit hindi pa rin nakuntento si Mathilde dahil wala siyang alahas na susuotin, kaya’t sila ay
nanghiram sa isang kaibigan na si madam Forestier ng kwintas na ubod ng ganda.
Labis na nagsaya ang mag-asawa kaya’t 4:00 na ng umaga nang sila ay makauwi. Ngunit nagimbal ang
mundo ng mag-asawa ng mapansin nila na wala na ang kwintas. Sa ganda nito, tiyak na malaki ang
halaga na katumbas ng kwintas. Kaya’t ginugol nila ang kanilang panahon sa pagtatrabaho upang
mapalitan ito. Sa sobrang pagtatrabaho, tumanda ang itsura ni Mathilde, kaya’t ng makasalubong niya si
madam Forestier habang siya ay naglalakad, hindi siya nakilala.
Sa kanilang pag-uusap ipinagtapat ni Mathilde ang tunay na nangyari kay madam Forestier. Gulat naman
ang naging reaksiyon ni madam Forestier dahil sa lahat ng pinagdaanan na paghihirap ng mag-asawa,
ang lahat ng kanilang pagod ay para lang sa pekeng kwintas.
May Dalawang Estilo ng Pagsulat ang Akda ng Ang Kwintas ito ay ang: Deskriptibo at Allegorya
Teoryang Ginamit:
Teoryang Realismo sa teoryang ito ipinakita o ipinaglaban ang katotohanan kaysa kagandahan. Ang
sinuman tao o anumang bagay ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan at paglalahad.

Aral sa akda:
Ang aral na maaaring mapulot mula sa kwento ng "Ang kwintas" ay maikakapit sa buhay ng mga tao sa
sanlibutan ngayon sa buong mundo. Kung saan ang saapi at pera o kayamanan ang maaaring magpaikot
sa mga isispan g bawat isa. Ngunit sa huli ay hindi talaga ito ang nag-uuwi at nagdudulot ng tunay na
tagumpay sa isa.

You might also like