You are on page 1of 2

Ang Aking Pag-ibig

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma y lalong iibigin kita.ANG AKING PAG-IBIG
ni Elizabeth Berrett Browning
(salin ni Rufino Alejandro)
MGA TAUHAN
Ang Umiibig
Ang taong nagsasalita ng mga wika sa tula. Ipinapahayag ng Umiibig ang kanyang p
agmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng pagsasalarawan
ng tunay na pag-ibig, ang kalakasan at katamisan nito, at ang paghahambing nito
sa iba t ibang bagay tulad mg kaluluwa, liwanag, lalaki, bayani, at isang musmos.
Ang Iniibig
Ang taong pinapahayagan ng taong Umiibig sa tula. Ang Iniibig ang nakikinig o na
kakabasa sa mga pinapahayag o sinasalarawan ng Umiibig tungkol sa katamisan at k
agandahan ng pag-ibig at ang paghahalintulad nito sa mga iba t ibang bagay upang m
aipakita at mapatunayan sa kanya ng Umiibig ang pagmamahal at pagsinta nito sa k
anya.
ANG BUOD

Sa pagkakasalaysay ng tula, nais malaman ng taong Iniibig kung bakit siy


a ang napiling mahalin ng taong Umiibig. Sa pangyayaring ito, tinanong ng Umiibi
g ang Iniibig kung batid ba nitong malaman ang gaano siya nito kamahal. Bagamat
maraming paraan upang maipahayag ang mga ito, minabuting isa-isahin ng Umiibig a
ng kanyang mga kadahilanan sa pagmamahal nito sa taong Iniibig. Inihalintulad ng
Umiibig ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa Iniibig sa kaluluwang malayang na
kakalipad at nais marating ang mga lugar na hindi lubos-maisip, sa liwanag at sa
dilim, sa malayang lalaking hindi paaapi, sa bayaning di ininda ang papuri, sa
banal na nanamlay kung wala at sa kamatayan kung ang pag-ibig ay wala. Sa bandan
g huli, pinahayag ng Umiibig ang lubos niyang pagmamahal sa Iniibig nang ipahaya
g nitong ang pag-ibig niya ay siyang lahat ng mabubuting kadahilanan sa mundo na
hanggang kamatayan, patuloy pa rin ang pagdaloy at pag-usbong.
ANG PAKSA
Tumutukoy ang tula sa tunay ng pag-ibig. Ito ang isang bagay na tinuturi
ng na nagpapa-ikot sa buhay ng tao. Ito rin ang sanhi ng maraming kabiguan at pa
ghihimutok. Ngunit, anupaman ang maihambing sa pag-ibig, ito pa rin ang magsisil
bing inspirasyon ng bawat tao upang mabuhay at magpatuloy sa buhay. Pinapahayag
lamang ng tula na hindi sapat ang lahat ng bagay sa mundo upang malaman ang kada
hilanan kung bakit nagmamahal ang isang tao. Kung isa-isahin man ito, ang listah
an ay walang katapusan dahil ang pag-ibig ay buhay. At tulad ng sabi ng tula, ka
hit sa kamatayan ay magpapatuloy pa rin ang pag-ibig dahil wala itong kawakasan.

You might also like