You are on page 1of 4

Ipinasa ni: Trisha Mae R.

Llaguno
Ipinasa kay: Gng. Rona Castro
Maynila Sa Kuko ng Liwanag

1. Ang pamagat na “Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag” ay talagang naaayon sa


kwento na umikot sa buhay ng magkasintahang sina Julio at Ligaya na kapwa
lumaki sa probinsya. Inilahad sa kwento ang kanilang pakikipagsapalaran sa
lungsod ng Maynila.

2. Maaring ang may akda ay nakaranas din ng matinding pakikipagsapalaran sa


Maynila gaya ng karakter na kanyang nilikha sa kanyang obra. Siya din marahil ay
biktima ng pangaalipusta. O di kaya’y nagkaroon siya ng mapait na karanasan sa
pagibig gaya ng sinapit ni Julio.

Ligaya Paraiso Julio Madiaga

3-4.Si Julio, isang mahirap na mangingisda. Isang araw umalis si Ligaya ang
kanyang kasintahan na kasama ang isang babaeng may pangalang Ginang Cruz na
pinangakuang makakapag-aral at makapaghanapbuhay sa Maynila si Ligaya.
Kaya't sinundan ni Julio sa Maynila ang kanyang nobyang si Ligaya. Noong nasa
Maynila na, naging biktima si Julio ng mga mapanlamang na mga tao sa lungsod.
Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng
konstruksiyon at pagbebenta ng sariling katawan para lang kumita ng malaking
pera.
Unti-unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit
nagbago ang lahat ng muli niyang makita si Ligaya at malaman mula sa kasintahan
na naging biktima ito ng prostitusyon at pinagmamalupitan ng intyek na
kinakasama. Nagbalak na tumakas ang dalawa ngunit gaya ng sabi ni Ligaya kaya
siyang patayin ng kinakasama pag ito ay nahuling tumatakas. Dumaan ang gabi at
sa pag gising ni Julio ay patay na si Ligaya. Ginantihan ni Julio si Ligaya at pinaslang
ang kinakasama nitong intyek subalit maraming nakasaksi at pinagmalupitan si
Julio hanggang sa ito ay mawalan din ng hininga.

5. Gamit ang teoryang realisismo ay makakakita natin ang iba’t ibang sakit ng
lipunan, gaya na lamang ang pagpasa sa nakatatandang kapatid ng responsibilidad
sa pagpapaaral ng mas nakababata. Isa din ditto ang mga illegal recruiters gaya ni
Mrs. Cruz.

Huling-huli din ng nobela ang ingay, at kalaswaan ng Maynila. Akmang-akma ang


pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari, at tauhang mapupuntahan,
mararanasan, at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang
isang napakamakatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at Kasawian.

Kung babasahin mo ngayon ang nobela, maiisip mong maaari pa ring mangyari
ang kuwento ito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lang ang mga pangalan ng
kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan mo lang ng cellphone  sina
Mister Balajadia at Misis Cruz, gawin mo lang mas moderno ang tindahan ni Ah
Tek, pasakayin mo lang kahit minsan si Julio sa LRT, atbp. Sa tingin ko pa nga, kung
may makakaisip mang gawin muling pelikula ang librong ito, uubra pa rin ito kahit
ilagay sa kasalukuyang taon ang pruduksyon nito.

Ngunit lubog man sa man sa dumi at alikabok ang Maynilang isinalalarawan sa


nobela, mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang
mga nakilala ni Julio ay mabubuting tao, kapos man sila mismo sa materyal na
mga bagay at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-
araw nilang pangangailangan ay nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at
kabaitan kay Julio. Sino pa ba naman ang magtutulungan, Ika nga.

Isang mabisa, walang-kupas, at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela.


Mabisa, sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ay ipinapakita ito
sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isa-isantabi. Sa makatotohanan
nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.

Malungkot mang isipin, ang kuwento nga ay kuwento ng libo-libong Julio at


Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap
na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging
mas mahirap pa.
Makatotohanan ito, sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad ng
lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon ng
mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang tagalungsod,
ang diskriminasyon ng ilang tao, at ang bulok na systema na nag papatakbo dito.

Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan ni


Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kanya. Hindi
siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kanyang kapalaran. Hindi
siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari sa
kanya. Si Julio ay hindi si Ibarra na iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot
sa kanya ng kanyang mga kaaway. Ngunit hindi rin naman siya si Simoun na
naniniwalang na kasamaan din ang dapat idulot sa mga kanyang kaaway.

6. Ang aking rekomendasyon

Sa pamahalaan ay sana mapagtuunan nila ng pansin ang mga pangunahing tao na


nangangailangan ng tulong gaya na lamang ng mga mahihirap lalong-lalo na ang
mga pamilya sa probinsya. Lapatan din sana nila ng karampatang parusa ang mga
illegal na nagrerekrut sa mga kapwa natin Pilipino na karamihan ay nawalay na
nga sa pamilya ay lalo pang naghirap.

Sa lipunan ay huwag sana tayo maging bulag at bingi sa tunay na nangyayari sa


ating lipunan. Alam nating masyado nang madami ang sakit ng lipunan bakit kaya
hindi natin ito bawasan sa pamamagitan ng pagsisimula sa sarili.

Sa paaralan ay sana huwag nang dumagdag pa sa sakit ng lipunan bagkus ay


maging isa sa pagalis nito sa pamamagitan ng paghubog ng mga kabataan at
pagmulat sa kanila sa mga bagay na hindi na dapat nila kasanayan.

Sa pamilya sana ay matuto tayo sa mga pagkakamali na nagawa ng ating mga


ninuno, sana ay huwag na nating ulit-ulitin pa ang mga kamalian na noon pa ma’y
nasa lipunan na.

Sa sarili sana ay masimulan mo ang inaasam mong pagbabago ng lipunan sa


pamamagitan ng paguumpisa sa iyong sarili.

You might also like