You are on page 1of 30

PANITIKANG

KONTEMPORARY
O
Naratolohiya
 Si Edgardo Reyes ay ipinanganak noong ika-20
ng Setyembre ng 1936 at namatay noong ika-15
ng Mayo ng 2012.

 Siya ay isang nobelista, kuwentista at


scriptwriter sa wikang filipino. Isa sya sa
pinaka-prolific na awtor ng kanyang panahon.
Karamihan ng kanyang akda ay unang lumabas
sa mga magasin na liwayway at bulaklak.

 Kasapi si Reyes sa Agos sa Disyerto Anthology


 Ang Maynila sa Kuko ng Liwanag ay orihinal na
isinulat ni Edgardo Reyes bilang isang nobela noong
1986 na na-serialize sa “Liwayway Magazine” noong
taong 1966 hanggang 1967. Nasa-pelikula lamang ito
noong 1975 sa tulong ng pag-direktor ni Lino
Brocka.
 Ang nilalaman ng o paksa ay patungkol sa pagiging makabayan,
nasyonalismo, nakatuon din sa isyung panlipunan na ang layunin ay
mang-aliw sa mga mambabasa.

 Dekada 70, Luha ng Buwaya, Ang Ibong Mandaragit at Daluyong


ay ilan lamang sa mga nobela sa pahanong iyon.
 Nilikha ang nobela sa panahong (1960’s) nag-uumpisa pa lamang ang mga
ilang isyung panlipunan na sa kasalukuyang panaho’y isa nang pangunahing
problema ng bansa. Halimbawa’y ang prostitusyon. Na ngayo’y hindi na
lamang nalilimitahan sa loob ng bansa at malayang nakapangyayari sa loob
at labas ng Pilipinas partikular sa mga Pilipinong OFW na tinitiis ang lahat
ng pasakit para lamang maitawid ang pamilya. Kung sa milyung ito nabuha’y
si Ligaya, maaring isa rin siya sa mga inosenteng Pilipinong nabiktima
ng human-trafficking sa kamay mismo ng kapwa Pilipinong kapit rin sa
patalim kagaya nang nangyari sa nobela. Ito ay bunsod ng mga di patas na
oportunidad para sa mga Pilipino sa usapin ng trabaho’t hindi maayos na
alokasyon ng gobyerno sa pondong kinukuha sa buwis ng mamamayan upang
masolusyunan ang pambansang kahirapan.
BUOD
Maynila sa Kuko ng
Liwanag
Si Julio, isang maralitang mangingisda ay lumuwas ng Maynila
upang hanapin ang kanyang kababata't kasintahang si Ligaya, na
matagal nang sumama sa isang Mrs. Cruz upang magtrabaho at mag-
aral sa lungsod. Sa paghahanap, naranasan ni Julio ang maging biktima
ng masasamang elemento ng lipunan, mapagsamantalahan sa loob at
labas ng konstruksiyon, mawalan lagi ng trabaho,makapatay ng taong
nang di sinasadya, magkagutom-gutom at makatulog sa kung saan-saan
na lamang... Sa gitna ng tensyon at kabiguan, siya'y nag-anyong
mabangis, siya mismo'y naging mapanganib. Nagkita rin sila ni Ligaya.
Nalaman na ang dalaga pala'y naging biktima ng prostitusyon: binili at
mistulang bilanggong kinakasama ng isang Tsino. Nagkasundo silang
tatakas si Ligaya, sa tulong ni Julio, anu man ang kanilang kahinatnan.
Continuum
 Pangkaraniwan na sa mga taga-probinsya ang lumuluwas
ng Maynila upang makipagsapalaran na kaya katulad ng
mga tauhan na sina Julio Madiaga at Ligaya.
Dala ng kahirapan at pangarap na makarating
sa siyudad ay napillitan na makipagsapalaran
sa Maynila.
 MAYNILA:
Isang lugar na nanaisin nino man na marating.
Isang lugar na kakikitaan ng pag-unlad at kasaganaan.
Sentro ng lahat ng pangangailangan ng isang bansa.
Ngunit sa kabilang banda ay maaaring kabaliktaran.
 MAYNILA:
Positibo at negatibong simbolismo.
Sumisimbulo sa pag-asa sapagkat ang tauhan na
katulad ni Ligaya na sa kabila ng mga pag-aalala ay
pinili pa rin na pumunta sa lugar na ito
nagbabakasakaling dito niya matutupad ang kanyang
pangarap sa tulong na rin ng isang mapagsamantalang
Mrs. Cruz
 MAYNILA:
Maaari din na ito ay sumisimbolo sa kahirapan,
kapaitan ng buhay, karahasan at kasawian. Makikita
sa nobela/pelikula ang malagim na sinapit o
kinahinatnan ng dalawang mahalagang tauhan.
Kakikitaan din ito ng hindi pagkakapantay-pantay ng
mga buhay ng mga Pilipino.
Always
Hystoricize
 Sinasabing malaki ang ginagampanan ng lugar ng
Maynila. Maraming mga tao ang dumarayo dito
upang maghanap ng trabaho o kaya naman ay
makipagsapalaran sapagkat bukod sa ito ang sentro
ng bansa ay dito rin naganap ang ilang
makasaysayang pangyayari. Ito ang naging
kabisera ng mga bansang sumakop sa atin.
 Saan mang sulok ng ka-Maynilaan ay makikita ang
mga iniwang bakas ng mga bansang minsang
naghari-harian.Isa na dito ay ang sikat na
Intramuros, mga simbahan. Naging sentro ng mga
makapangyarihang mayayaman.
 Sa paglipas ng mga panahong pananakop ay nag-
iwan ito ng ilang masasabing magandang simulain.
 Naging sentro ito ng mga komersyo, ng edukasyon
at lalo’t higit ay ang mga namumuno. Dahilan
upang maging sentralisadong lugar upang magtayo
ng malalaking negosyo. Puntahan ng mga
probinsyang mahihirap na nagbabakasakali na dito
mahahanap ang kanilang kasaganaan o ang
katuparan ng kanilang pangarap.
 Ngunit sa kabila ng kaularan ng ka-Maynilaan ay
hindi maikakaila na ito rin ang lugar na talamak
ang mga negatibong gawain. Maaaring mukha ng
kahirapan. Talamak ang korapsyon ng mga
namamahala. Puntahan ng mga taong nangngarap
na nasasadlak sa kahirapan dahilan upang dumami
ang mga tinatawag na squatter.
 Dahil sa hirap ng buhay ay dito nagsisimula ang
mga krimen na maaring hindi o sadya dala ng
kahirapan, gutom makaraos ang araw upang
mabuhay.
Katulad ng Maynila sa Kuko ng Liwanag,nakita ang
kahirapan ng buhay. mga talamak na masamang gawi
tulad ng prostitusyon. Isang kahit isang tukang
pamumuhay.
Orature as history o
Oraturang Pangkasaysayan
o Panitikang Pasalita
 LIGAYA- tumutukoy sa damdamin. Ito ay
nangangahulugang saya, tuwa, lugod o galak.

 TAIWAN(bansa)-pagbebenta ng sahod

 Call boy –lalaking prostitute


 Ginisa sa sariling mantika- biktima ng
pagsasamtala ng ibang tao
Power Relations
Makikita ang sitwasyon ng tauhan na si Julia
Madiaga na hindi siya makaalis sa kinasasadalakan
niya. Dala ng hirap na nararanasan tulad ng walang
permanenteng trabaho, walang bahay na matuluyan at
matulugan,pangungulila sa taong minamahal.
Gayundin ang kinasadlakan ni Ligaya sa pagsama
niya kay Mrs. Cruz na nag-alok ng trabaho ngunit
pagdating sa Manila ay ibang trabaho pala na hindi
inaasahan. Napasok sa isang prostitusyon na kung
sino-sinong mga lalaki ang nakakasalamuha
hanggang sa makilala ang isang Intsik. Bagama’t
naibibigay ng Intsik ang pangangailangan ni Ligaya
ay hindi ito pinapayagan na umalis ng bahay sapgakat
alam nito ang maaaring gawin sa kanya.
Katulad nga ng usapan nila ni Julio na tatakas sa
ganap na ika-3 ng umaga ay hindi sumipot ang babae
hanggang sa malaman na lamang ni Julio na namatay
na ito dahil sa Intsik.
Konklusyon
Bakit ito itinuring na kontemporaryong panitikan?

Ang nobelang Maynila sa Kuko ng Liwanag ay maituturing na


kontemporaryong panitikan sapagkat nasasalamin dito ang mga
kaganapan noon sa kasalukuyan. Ilan sa mga kaganapan na makikita
ay ang kalagayan ng buhay(nakatira sa squatter area na sa
kasalukuyan ay may mga tao pa rin na nakatira at , uri ng trabaho
(construction worker/ prostitusyon).
Ang nobelang ito sa aking palagay bagama’t niluma na ng panahon ay
hindi maluluma ang diwa sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay
masasalamin ang mga mahahalagang pangyayari na ipinakita.

Nasa makabagong panahon na ang lahat, ngunit ang katauhan ni


Ligaya bilang isang babaeng biktima ng prostitusyon dahil sa mga
mapagsamantalang tao ay masasalamin sa kasalukuyan sapagkat
ngayon ay mas makabago na ang pamamaraan. Isang problema na
hanggang sa ngayon ay hindi nasosolusyonan.
Gayundin ang isang katauhan ni Julio na maiuugnay sa mga tao mula
sa probinsya na nagbakasakali rin sa Maynila. Mga tao na walang
permanenteng trabaho, walang maayos na tirahan.

Mga krisis na makikita hindi lamang sa lipunan kundi pati na rin sa


ating mga sarili. Ipinakikita ang realidad ng buhay ng isang tao na
makikita hanggang sa kasalukuyan.

You might also like