You are on page 1of 1

ROMA DOCOT FALLARCUNA

SIPI NG PAGTATASA

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS

1. Ano ang layunin ng mga misyonerong Kastila at ng mga Amerikano sa pag-aaral ng iba’t ibang
pangunahing wika sa Pilipinas?
2. Ano-ang masasabi mo sa pag-aaral sa mga wika na isinagawa noong panahon ng
Amerikano?
3. Magbigay ng dalawang liggwista noong panahon ng Amerikano at ibigay ang kanilang nagging
ambag sa larangan ng aghamwika sa Pilipinas.
4. Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng aghamwika sa Piipinas pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagang pangyayari. Ibigay ang
nabanggit na mahahalagang pangyayari.
5. Bakit sinasabing ang Pilipinas ay “laboratory” ng mga linggwistang karamihan ay Amerikano?
6. Ano ang dalawang pag-aaral na isinagawa ni Conant batay sa kanyang pananaliksik?
7. Ibigay ang tatlong bahagi ng pagsusuri ni Bloomfield.

KASAGUTAN:

1. Ang layunin ng mga misyonerong kastila sap ag-aaral ng katutubong wika ay upang
ipalaganap ang relihiyong kristiyanismo samantala sa panahon naman ng Amerikano ay
upang maihasik sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.
2. Mula sa pagtalakay sa panahon ng amerikano, masasabi ko na nagging malawak ang pag-
aaral ng pagdating sa wika sapagkat maraming linggwista ang nagsagawa ng pag-aaral ito
man ay nasa Pilipinas o nasa Estados Unidos.
3. Bloomfield-masusing pagsusuri sa gramatika ng tagalg. Pagkakalathala ng aklat na may
pamagat na Language noong 1933 na kinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sa
gramatikang tagalog. LOPEZ- pagkapalimbag ng manwal patungkol sa gramatika ng wikang
Pambansa sapagkat nang sulatin ang nasabing manwal ay kapoproklama lamang sa Tagalog
bilang batayan ng wikang Pambansa sa Pilipinas.
4. Una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng Summer Institute of Linguistic noong 1953, pangalawa ay
ang paggamit ng makalinggwistang pamaraan sa pagtuturo ng Ingles ang huli ay ang gradwal
na pagdami ng mga linggwistang Pilipino.
5. Masasabing laboratory ng mga linggwistang karamihan ay Amerikano ang Pilipinas sapagkat
karamihan sa mga nagsipag-aral ng wika sa Pilipinas ay mula sa Estados Unidos.
6. The RGH Law in Philippine Languages 1910 at ang The Pepet Law In Philippine Languages
1921 na tumatalakay sa nagaganap na pagbago sa mga tunog ng iba’t ibang wika sa
kapuluan.
7. Bahagi I-kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa transkripsyong
pamponemika, kasunod ang katumbas sa Ingles, Bahagi II-kinapapalooban kanyang
pagsusuri sa Tagalog na hinati niya sa Phonetics, Syntax at Morpology, Bahagi III-
katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng glossary

You might also like