You are on page 1of 12

Banghay Aralin sa Filipino

I. Mga Layunin:
Sa loob ng sang oras na talakayan inaasahan sa mag-aaral ang:
1. Naisa – isa ang mga panahon sa kasaysayan ng linggwistika sa pilipinas.
2. Nailalahad ang kahalagahan ng kasaysayan ng linggwistika.
3. Nakagagawa ng maikling buod sa kasaysayan ng linggwistika sa pilipinas.
II.Paksang Aralin:
A. Paksa: Kasaysayan ng Linggwistika saPilipinas
B. Sanggunian: Internet (https://cupdf.com/document/kasaysayan-ng-linggwistika.html)
C. Mga Kagamitan: Laptop, Cellphone at PPT

III.Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pangunahing Gawain

 Panalangin
“Magandang Hapon sa lahat, bago natin (Magdarasal at makinig sa panalangin ang
simulan ang ating talakayan ngayong araw lahat)
na ito, tayo muna ay mananalangin“

 Panimulang Pagbati
“Magandang hapon sa lahat.”
(Magandang hapon din po Binibini)

“Kamusta ang araw ninyo?”


(Mabuti naman po, opo)
“Mabuti naman, masaya akong marinig
iyan”

“Ngayon handa na ba kayo sa bagong


paksa na ating tatalakayin?” Opo!

“Mabuti naman”

 Pagtala ng mga lumiban

“Bago tayo magsimula alamin muna natin


ang mga lumiban sa klase.”

“Mabuti naman kung ganon”

 Pagbabalik aral
“Noong nakaraang linggo ay tinalakay
ninyo ang tungkol sa Kasaysayan ng
Linggwistika sa Daigdig.
Bago tayo dumako sa ating bagong paksa
may ibibigay muna ako sa inyo na isang
maikling pagsusulit tungkol sa tinalakay
nyo noong nakaraang linggo. Pakibuksan
na lang ang link na aking e popost at
sagutan ninyo ito ng mabuti sa loob ng
limang minuto at pakipasa ng patunay na
kayo ay nakasagot sa ating pagsusuli.Narito
ang aking fb acct. Angelyn De la Cruz.

“Maraming Salamat”

B. Paglinang na Gawain

 Pagganyak
“Bago natin simulan ang panibagong paksa
sa umagang ito, magkakaroon tayo ng
maikling gawain.”
“Handa na ba kayo?”

“Ang gawain natin ngayong araw ay


tatawagin natin itong FIX ME UP! “Opo!”
“May ipapakita ako sa inyong mga salita at
buuin ninyo ito.”

1. Onstatncnio-Constantino
2. Ipilpnsai- Pilipinas
3. Arikanmoe-Amerikano
4. Lakanaya- Kalayaan
5. Astilka- Kastila

“Sino ang makapagsagot ng unang


bilang?”

Constantino
“Magaling!”

“Sino pa ?”

“Tama” Pilipinas

“Sino naman sa ikatlong bilang?”

Amerikano

“Magaling!”

“Sino namn sa susunod na bilang?”

Kalayaan

“Sino naman ang gustong sumagot sa


huling bilang?”
Kastila

“Tama!”

 Paglalahad

“Ang ginawa ninyong maikling gawain


ay may kaugnayan sa ating paksang
tatalakayin sa araw na ito.”

“Handa na ba kayong makinig?”

“Kung handa na kayong makinig umupo “Opo!”


na ng maayos at paki buksan ang
inyong mga kamera para malaman ko
kung sino sa inyo ang nakikinig ng
mabuti sa ating talakayan.”

“Pagkatapos ng talakayan na ito kayo ay


inaasahang

Natutukoy ang kasaysayan ng lingwistika sa


Pilipinas.
Nailalahad ang kahalagahan ng kasaysayan
ng lingwistika. At nakagagawa ng maikling
buod batay sa kasaysayan ng lingwistika sa
Pilipinas.

C. Pagtalakay sa Aralin

Pagtalakay sa Kasaysayan ng
Lingwistika saPilipinas.

• Ayon kay Constantino (1972)


 Ang pag-aaral sa mga wika ay
mapapangkat sa tatlong panahon:
 Panahon ng mga Kastila
 Panahon ng mga Amerikano
 Panahon ng Kalayaan o Kasalukuyang Panahon
o  Panahon ng mga Kastila
 Nagsimula noong ika-16 na daantaon
at natapos noong ika-19 na daantaon.
 Ayon kay Scheerer, ang pag-aaral sa
mga wika ay isinagawa ng mga
misyonerong Kastila na karamihan ay
mga paring Heswita at Dominikano sa
layuning mapabilis ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
dakong ito ng daigdig.
 Napatunayan ng mga misyonerong
Kastila na higit na madali na sila ang
mag-aral sa mga katutubong wika
kaysa ang mga ‘Indios’ ang turuan ng
wikang Kastila.
 Ganito ang naging karanasan ng mga
misyonerong Kastila sa Timog at
Hilagang Amerika. (c.f. Phelan 1955).
 Kaya’t nang dumating sa Cebu noong
Pebrero 13, 1965 ang 6 na paring
Augustinian na kasama ni Adelantado
Miguel Lopez de Legaspi, ay gayon nga
ang kanilang isinagawa sa
pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko (Ang mga estudyante ay nakikinig)
Romano.
• Ang mga pag-aaral sa wika na isinagawa ng
mga prayle, kung sabagay, ay mga pag-aaral na
hindi sopistikado.
• Natural lamang na magkagayon sapagkat ang
linggwistika ay hindi pa gaanong nalilinang ng
mga panahong iyon, bukod sa mga prayleng
nagsagawa ng mga pag-aaral ay hindi
nagkaroon ng pormal na pagsasanay sa
larangan ng aghamwika.
• Gayunpaman, ang isinagawang pag-aaral ng
mga prayle ay maituturing na napakahalaga
bilang mga panimulang pag-aaral sa ating mga
katutubong wika.
• Sa larangan ng wikang Tagalog na naging
saligan ng wikang pambansa, masasabing
bahagi ng kasaysayan ang sumusunod na mga
isinagawang pag-aaral ng mga prayle at ilang
nakapag-aral na Pilipino:
 Nauukol sa Gramatika

1. ‘Arte y Vocabulaŕio de la Lengua Tagala’


 ni Pari Juan de Quiñones.
 Nilimbag noong 1951.
 Maraming naniniwala na ito ang
kauna-unahang pananaliksik na
isinagawa ng mga prayle ukol sa
wikang Tagalog. (cf. Phelan 1955) (Ang mga estudyante ay nakikinig)
2. ‘Arte y Reglas de la Lengua Tagala’
 ni Pari Francisco Balancas de San Jose,
O. P.
 Nilimbag ni Tomas Pinpin (Ama ng
Limbagang Pilipino) noong 1610.

•  Ang itinuturing na pinakadahilan kung


bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang
katutubo noong panahon ng Kastila ay ang
pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na
Orden noong 1594, bilang pagsunod sa
kautusan ni Haring Felipe II.
• Ang pagkakahati-hati ay gaya ng ss:
 Ang Kabisayaan ay hinati sa mga
Augustinian at Jesuitas.
 Ibinigay diin sa mga Augustinian ang
Ilocos at Pampanga.
 Ang mga Intsik at ang mga lalawigan ng
Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa
mga Dominican.
 Ang mga Franciscan naman ang
pinangasiwa sa Kabikulan.
 Ang Katagalugan ay hinati rin sa apat
na Orden.
• Sapagkat nagkaroon ng kanya-kanyang tiyak na
pangangalagaan ang bawat Orden, nagkaroon
ng sigla ang pag-aaral sa mga katutubong wika
na humantong sa paglilimbag ng mga
gramatika at diksyunaryo.
• Ngunit kapansin-pansin na sinadya man o hindi
ay napakaraming naisagawang pag-aaral sa
Tagalog.
• Ayon kay Phelan:
 hindi kukulangin sa 24 na aklat ang
nalimbag tungkol sa wikang Tagalog,
 Samantalang 5 lamang sa mga wikang
Bisaya.
 Ang dahilan marahil ay sapagkat
Tagalog ang wikang ginagamit sa
Maynila na siyang pinakasentro ng
pamahalaan.

• Panahon ng mga Amerikano


 Ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
ang naging sanhi ng panibagong pagtingin sa
pag-aaral sa mga wikang laganap sa kapuluan.
 Ang mga linggwistang paring Kastila’y napalitan
ng mga linggwistang sundalong Amerikano.
D. Ano ba ang pinagkaiba ng layunin ng mga
Kastila sa pag-aaral ng ating wika, sa layunin
ng mga Amerikano?
 Kung ang pangunahing layunin ng mga
Misyonerong Kastila ay mapabilis ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan,
ang mga Amerikano naman ay maihasik sa
sambayanang Pilipino ang ideolohyang
demokratiko.
• Ang naging suliranin ng mga prayleng Kastila at
ng mga sundalong Amerikano ay iisa:
 Ang kawalan ng isang wikang
magiging daluyan ng
komunikasyon upang
maisakatuparan ang kani-
kanilang layunin.
• At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mga
Amerikanong higit na madali kung sila ang
mag-aral ng mga pangunahing wika sa
kapuluan kaysa kanilang hintayin na matuto ng
Ingles ang nakararaming Pilipino.
• Isa pa, inisip din ng mga Amerikano na higit na
magiging madali ang pagtuturo ng Ingles sa
mga Pilipino kung mauunawaan ng mga guro
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles sa
iba’t-ibang wika sa kapuluan.
• Noon nagsimula ang pagsusuri sa mga
pangunahing wika sa kapuluan, lalo na sa
Tagalog.
• Ilan sa mga isinagawang pag-aaral noon ang
mga ss:
 “Handbook and Grammar in Tagalog”
ni MacKinlay (1905)
 isang “Grammar of Ilocano”
ni Henry Swift (1909) at
 isang “Primer and Vocabulary of
Maguindanao” ni R. S. Porter (1903).
 May ilan ding pagsasaling-wika na
isinagawa noon tulad ng:
 pagsasalin ni C. C. Smith (1906) sa
Ingles ng isang aklat sa gramatika ng
wikang Magindanao na sinulat sa
Kastila ni J. Juanmarti, at ang
 pagsasalin ni O. T. Mason sa Ingles ng
isang pananaliksik na sinulat ni F.
Blumentritt sa wikang Aleman noong
1899 tungkol sa mga tribo sa kapuluan
at ang kani-kanilang wikang sinasalita.
(c.f. Constantino 1972)

 Ngunit hindi lubhang lumawig ang


pagsusuring-wika na isinagawa ng mga
dalubwikang sundalong Amerikano (Ipapakita sa PPT)
dahil sa pagkakapalit ng pamahalaang
sibil sa pamahalaang militar noong
1901.
• Pumalit sa mga sundalong Amerikano ang mga
dalubwikang may higit na kakayahan at
kasanayan sa pagsusuring-wika dahil
karamihan sa mga ito’y propesor sa mga
unibersidad sa Estados Unidos at sa
Unibersidad ng Pilipinas na itinatag noong
1908.
• Ayon kay Constantino, sa mga pangunahing
linggwista noong Panahon ng mga Amerikano,
ay nangunguna ang mga ss:
 Cecilio Lopez (isang Pilipino),
 Otto Scheerer at H. Costenoble (mga
Aleman),
 Morice Vanoberbergh (misyonerong
Belhikano),
 Carlos Everett Conant, Frank R. Blake,
at Leonard Bloomfield (mga
Amerikano)
• Karamihan sa mga pagsusuring wika ay
maituturing na historikal at deskriptiba
(historical at descriptive)
• Sina Conant, Costenoble, at Scheerer
ang kinilala sa disiplinang historikal.
• Ngunit ang higit na kilala ay si Conant.
• Kung sabagay, hindi lamang sa larangan ng
linggwistang historikal nakilala si Conant. Isa
rin sya sa mga unang nagsasagawa ng pag-
aaral sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa
kapuluan.
• Ang totoo, ang itinuturing na una nyang
artikulo sa linggwistika ay tungkol sa mga
tunog na f atv sa mga wika sa Pilipinas.
• Sinabi nyang karamihan sa mga wika sa
Pilipinas ay walang f atv, mga tunog na
karaniwan sa wikang Malay.
• Ganunpaman ay nakatagpo sya ng kataliwasan
nito.
• Sinabi nyang ang mga wika sa dulong timog at
hilaga ng kapuluan, tulad ng:
• Ibanag (at mga diyalekto nitong
Itawis),
• mga wika ng Igorot sa Bontoc at
Benguet.
• sa gawing Timog,
• at ng Tiruray,
• Bilaan at
• Tagakaolo sa gawing hilaga
… ay nagtataglay ng mga tunog na f at v.
Ito, anya, ay naiiba sa sinabi ni Brandstetter na ang
wikang Malay lamang ang nagtataglay ng f sa mga
wikang kanluranin ng Malayo-Polinesyo. (cf. Conant 1908);
• Conant
(Ipapakita sa PPT)
• Maraming isinagawang pag-aaral si
Conant tungkol sa mga wika sa
Pilipinas,
• ngunit ang pinakakilala sa kanyang
mga pananaliksik ay ang kanyang “The
RGH Law in Philippine Languages”
(1910) at
• “The Pepet Law in Philippine
Languages” (1912) na tumatalakay sa
nagaganap sa pagbabago sa mga tunog
ng iba’t-ibang wika sa kapuluan.
 Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo
 (kilala rin sa tawag na Austronesian)
 Pangalawang pinakamalaking angkan
sa buong daigdig. (pinakamalaki ang
Indo-European)
 Lumaganap ito sa mga kapuluan sa
Pasipiko at sa gawing kanluran ng
Madagascar.
 Sa mga wikang buhat sa angkang ito ay (Ipapakita sa PPT)
kabilang ang mga ss. na lumaganap sa
gawing kanlurang Pasipiko:
 Malay- na lumaganap sa
Sumatra, Malaya, Borneo at
iba pang karatig na pook;
 Indonesyo-wikang opisyal ng
Indonesya
- sinasabing nakabatay sa wikang Malay
 Javanese -ng Java
 Balinese- ng Bali
 Dayak-ng Borneo
 Makassar- ng Celebes
• Ang mga wika sa Pilipinas, (maliban sa
Chavacano, lumaganap sa Cavite, Zamboanga,
at Ermita, buhat sa wikang Espanyol ng
Angkang Romance) ay sinasabing nagmula sa
wikang Indonesyo.
• Sa mga wikang ito ng Pilipinas na tinanatayang
hindi kukulangin sa 80 (hindi kabilang ang mga
diyalekto), ay higit na kilala ang Tagalog,
Bisaya, at Iloco.
• Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamit
ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng
mga wika sa Pilipinas noong mga unang
panahon ng ating pagkabansa.
 Mga Wikang lumaganap sa gawing Silangang
Pasipiko na buhat sa Angkang Malayo-
Polinesyo
 karaniwang hinahati sa Micronesian,
Polynesian, at Melanesian.
 Sa mga pangkat na ito ay maibibigay na mga
halimbawa ang Hawaiian, Tahitian, Samoan,
Maori at Fijian.
 Sa kasalukuyan, ang mga wikang kaangkan ng
Malayo-Polinesyo ay binubuo na ng
napakaraming iba’t-ibang wika.
 Ang mga wikang ito, bagama’t buhat sa iisang
angkan, ay nagkaroon na ng pagbabago sa
pagdaraan ng maraming taon.
 Nagkaroon na ng pagkakaiba ang mga ito sa
palatunugan, sa palabuuan, sa palaugnayan.
 Halimbawa: Sa ibang salita, ang isang orihinal
na tunog na buhat sa inang-wika na Malayo-
Polinesyo ay nagkakaiba-iba na sa mga wikang
kaangkan nito.
• 3. Panahon ng Kalayaan
• Nagsimula ang panahong ito pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at makamit ng
Pilipinas ang kalayaan noong 1946.
• Sa panahong ito ay masasabing dumami na
nang dumami ang pagsusuri sa mga wika sa
Pilipinas (cf. Constantino 1972)
• Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng
aghamwika sa Pilipinas pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagang
pangyayari:
(1) Ang una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng ‘Summer
Institute of Linguistics’ noong 1953.
 Mula noon ay marami nang
mga linggwistang misyonero
na kasapi sa nasabing
organisasyon ang nagtungo
rito sa Pilipinas at nagsagawa
ng mga pagsusuri sa mga iba’t-
ibang wika at wikain sa
kapuluan.
 Ginamit ng mga linggwistang
ito ang kanilang natutuhan sa
mahigit na maunlad na
paaralan ng linggwistika sa
Estados Unidos.
(2) Ang ikalawa ay ang paggamit ng makalinggwistikang
pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na
lumikha ng malaganap na pagnanais upang suriin ang
mga wika sa kapuluan.
• Ang ganitong interes ay humantong sa
pagtatag noong 1957 ng ‘Philippine Center for
Language Study’ sa ilalim ng pangangasiwa ng
Departamento ng Edukasyon ng Pilipinas at ng
Unibersidad ng California sa LA.
• Ang ikatlo ay ang gradwal na pagdami ng mga
linggwistang Pilipino, lalo na pagkaraan ng
1960.
• Masasabi hanggang noong matapos ang 1950
ay iisa ang Pilipinong maituturing na linggwista
sa tunay na kahulugan nito.
• Ngunit pagkaraan ng ilang taon dahil sa
patuloy na nagiging impluwensya ng Amerika
sa Pilipinas ay naragdagan na nang naragdagan
ang mga linggwista sa kapuluan.
• Ang mga linggwistang Pilipinong ito ay
mahahati sa dalawang pangkat:
(1) Mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng Estados
Unidos at ng Canada. Mababanggit dito ang ilang
kilalang mga linggwista sa kasalukuyan, tulad nina
Constantino at Casambre ng UP, Sibayan at Otanes ng
PNC, Gonzales ng De la Salle, Llamzon at Pascasio ng
Ateneo, Natividad ng DEC, atbp.;
(2) Mga nagsipagtapos sa Pilipinas. Sa Ateneo-PNC
Consortium for a Ph.D. in linguistics, halimbawa ay
mayroon ng walong nakatapos- Ma. Lourdes Bautista,
Elvira Vergara, Gloria Chan-Yap, Rosa Soberano, Sis.
Ma. Isabelita Riego de Dios, Casilda Luzares, Teresita
Rafael at Emma S. Castillo.
• Mapapansin na ang Pilipinas ay nagiging
laboratoryo o larangan ng mga linggwistang
dayuhan na karamihan ay mga Amerikano.
• Sa katotohanan, di-iilang wika sa Pilipinas ang
ginagamit upang subukin ang mga modelong
pangwika, prinsipyo o pamaraan.
• Sa kasalukuyan ang pag—aaral sa mga wika sa
Pilipinas ay masasabing isinasagawa ng iba ’t-
ibang pangkat ng mga linggwista.
 Ang pinakamalaki at pinakamalaganap sa mga
ito ay ang sangay sa Pilipinas ng ‘Summer
Institute of Linguistics’.
• Masasabing higit na pinag-uukulan ng pansin
ng pangkat na ito ang mga wikang di gaanong
malaganap.
• Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing
pangkat ang Bibliya at iba pang babasahing
panrelihiyon.

• Ang mga panaliksik-wika sa iba’t-ibang wika sa


Pilipinas ay mapapansing isinasagawa hindi
lamang ng mga linggwista sa Pilipinas kundi
gayon din ng mga linggwista at mag-aaral sa
mga unibersidad sa Amerika, tulad ng
Unibersidad ng Yale, Unibersidad ng Michigan,
Unibersidad ng California sa Los Angeles, at
Unibersidad ng Hawaii.
• Masasabi rin na ang mga isinasagawang pag-
aaral sa wika ay mauuri sa tatlo:
(1) pag-aaral na nauukol sa pagkaklasipika ng mga
wika sa Pilipinas, at
(2) mga pagsusuring historikal, at
(3) mga pagsusuring palarawan.
• Masasabi ring karamihan sa mga pag-aaral na
isinagawa noon ay nakalundo sa ponolohiya ng
isang wika.
• Ngunit nang mga dakong 1960 ay dumami na
nang dumami ang mga pagsusuring
tumutugon sa gramatika o sintaksis ng isang
wika.
• Cebuano.
 Si Anderson, sa kanyang disertasyon sa
pagdodoktorado noong 1965, ay
nagsagawa rin ng paghahambing sa
pagsusuri sa Cebuano at Ingles na
ginamitan naman ng ‘transformational
model’ ni Chomsky.
 Si John Wolff, (1966 at 1967), ay
magkasunod na nagpalathala ng
dalawang bolyum ng mga aralin sa
Cebuano. Ang gramatika ng Cebuano
ay inilarawan nya ayon sa modelo ni
Bloomfield.
• Ilocano.
 Ang unang deskripsyong isinagawa
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandagdig sa mga gramatika ng
Ilocano ay inilahad sa ‘Intensive
Course’ nina H. McKaughan at J.
Forster (1952).
 Ang nasabing gramatika ay inihanda
upang magsilbing patnubay o modelo
sa paghahanda ng katulad na mga
gramatika sa ibang wika sa Pilipinas sa
darating na mga taon.
 Ibinatay ito sa ‘Outline of Ilocano
Syntax’ ni Bloomfield.
• Kapampangan.
 Isang tesis sa M. A. ni Castrillo noong
1955 ang nasulat sa UP na tumalakay
sa balangkas ng mga pangungusap sa
Kapampangan na ginamit ang modelo
ni Bloomfield;
isang disertasyon sa Ph. D. ni Clardy noong 1958 na
sumusuri sa mga ponema ng Kapampangan, ang
kanilang mga alopono at distribusyon.

 Hiligaynon.
 Ang balangkas ng Hiligaynon
ay sinuri at inihambing sa
balangkas ng Ingles nina
Juntado (1961) at Ruiz (1963)
sa kani-kanilang disertasyon sa
Ph. D.

• Pangasinan.
 Ang Pangasinan ay sinuri ni Schachter
noong 1959 sa kanyang disertasyon sa
Ph. D. at pagkatapos ay inihambing
niya sa Ingles.
 Ang paglalahad sa disertasyong ito ay
batay sa modelong transpormasyonal
ni Chomsky sa kanyang ‘Static
Structures’ .
• Waray.
 Sina J. at I. Wolff noong 1967 ay
sumulat ng isang aklat, “Beginning
Waray-waray”.
 Batay din sa modelo ni Bloomfield ang
kanilang pagkakasuri sa nasabing wika.
• Tatlong pambansang samahang pangwika ang
nakatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ng
disiplinang ito –
 Linguistic Society of the Philippines
 Pambansang Samahan sa
Linggwistikang Pilipino
 Philippine Association for Language
Teaching
“ Naunawaan ba ng lahat?”

“Mabuti naman kung ganon”

“Ngayon kumuha kayo ng isang malinis na papel


dahil magkakaroon kayo ng maikling pagsusulit.”

“Maraming salamat sa lahat,


At sa pagtatapos ng ating araling ay may ibibigay
ako sa inyo na takdang aralin.”

“Opo”

IV. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto : Isulat ang tamang sagot.
1. Siya ang sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa Tagalog, at isang
katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong 1852.

2. Sila ang kinilala sa disiplinang historikal.


3. Sila ay kilala rin sa tawag na Austronesian.
4. Ito ay nilimbag noong 1951.
5. Ito ay Nilimbag ni Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino) noong 1610.
6-10: Magbigay ng limang linggwista na nangunguna sa Panahon ng Amerikano.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng maikling boud batay sa kasaysayan ng Linggwistika sa Pilipinas.

You might also like