You are on page 1of 3

Name: Cartagena Matthew David

Section: G11 Newton


WEEK 5
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Unang Bahagi)

ARALIN 8:
Gawain 1:
PANUTO: Maraming mga teorya ang lumabas na nagtangkang ipaliwanag ang pinagmulan ng
wika. Ang bawat pahayag ay nagpapaliwanag ng isa sa mga teoryang tinalakay. Tukuyin kung ano
ito at isulat sa linya bago ang bilang.

Teoryang BOW-WOW 1. Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga
tunog na lnilkha ng mga hayop.

Teoryang DING-DONG 2. Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog ng kalkasan.

Teoryang TA-TA 3. Ayon sa teoryang ito may koneksyon ang kumpas o galaw ng dila. Ito raw ay
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.

Teoryang POOH-POOH 4. NAgmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng
sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damadamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan at pagkabigla.

Teoryang YO-HE-HO 5. Nagmula raw ang wika sa pagsasama ng mga tao kapag nagtatrabaho o
nagtitipon-tipon.

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangyayari at tiyakin kung ano ang naging sanhi o
ano pa ang ibinunga nito. Bilugan ang titik ng iyong sagot.
1. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating ang ating mga ninuno ay nagmula sa tatlong
malalaking pangkat na nandayuhan sa ating bansa. Ano sng ibinunga nito sap ag-unlad ng
wika?
a. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mha ninuno.
b. Walang isang wikang nanaig sa bansa.
c. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno.

2. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa-ang
baybayin. Nang dumating ang mga Espanyol sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng
pagsunod ng mga ito?

a. Labis ang pagkamuhi ng mga Espanyol sa mga katutubo. Gusto nilang buwagin
ang simbolong pagkakaisa ng mga ito.
b. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin, Hindi sila magkakaunawaan kung
ito ang gagamitin.
c. Ayon sa kanila ito raw ay gawa sa diyablo, pero ang totoo naisip nilang
makahahadlang ito sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo,

3. Noong panahon ng mga Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa


mga mamamayan. Ano ang sanhi nito?

a. Naniniwala ang mga Espanyol na mas mapalaganap nila ang pananampalataya


kung wikang nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin.
b. Nabatid ng mga Espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa
kanilang wika.
c. Nagduda ang mga Espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong
wika.

4. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.


Ano ang ibinunga nito?

a. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng mga tagasalin upang makipag-


ugnayan sila sa mga katutubo.
b. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
c. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol.

5.Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa”?

a. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pamabansa ang Tagalog.
b. Pinilit ng mga manghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol.
c. Nabatid ng mga manghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang
mapagbuklod ang mga kababayan nila.

Gawain 3:
Panuto: Isulat ang sagot sa yellow pad:

1. Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol nang sakupin nila ang Pilipinas?
Dahil and kanilang layunin ay ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang kristiyanismo.
2. Paano inilalarawan ng mga nandayuhang Espanyol ang mga katutubo noong panahong iyon?
“Las Islas de los Pintados” o the island of the Painted ones.
3. Bakit hindi lumago ang wikang katutubo sa panahon ng mga Espanyol?
Dahil pinatupad ang batas na nagsasaad na ang hindi magsalita sa wikang kastila ay may
katumbas na parusa.
4. Ano ang damdaming namayani nang panahon ng Rebolusyong Pilipino?
Tumindi ang kanilang nasyonalismo at nagtungo sa ibang bansa upang kumuha ng
karunungan.

You might also like