You are on page 1of 45

INTRODUKSYON SA

PAGSASALIN(FIL 102)
WEEK 8:
Kabanata II: Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas

Inihanda:
MERCY M. ALMONTE
Instruktor I
INTRO:
• Pagbati: Isang malugod at Mapagpalang umaga sa ating lahat.
• Panalangin: Bago natin simulan ang ating Pormal na talakayan ay damhin
muna natin ang presensya na ating Panginoon.
• Lead me Lord by Garry Valenciano
Panalangin
Lead Me Lord
WEEK 8
Muli isang mapagpalang umaga sa ating lahat. Gusto kong bitawan ang tanong na Kumusta ka? Nawa’y
ang lahat ay laging ligtas at malayo sa kapahamakan.
Simulan natin ang talakayan ng may ngiti at galak sa ating puso. Naway ang pagkatuto sa araw na ito sa
ating talakayan ay inyong matamo.
Layunin:
Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Ang mga mag-aaral ay inaasahang nakapagbabahagi ng kanilang opinion at nabibigyang halaga ang
kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas.
• NAkapagsasalin ng ilang pahayag mula wikang Ingles sa Wikang Filipino.
KABANATA II: KASAYSAYAN NG
PAGSASALING-WIKA SA PILIPINAS
Kamakailan lamang ay pahapyaw na nating natalakay ang unang yugto na kasiglahan ng
pagsasaling-wika sa Pilipinas. Tingnan nga natin kung may naalala pa kayo sa tinalakay
natin.
Pagbabalik tanaw: Sino ang makapagbabalik-aral?
Ang kasaysayan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nahahati sa limang yugto: Panahon
ng Kastila; Panahon ng Amerikano; Panahon ng Patakarang Bilinggwal; Panahon ng
Pagsasalin ng Panitikang Di-Tagalog at Panahon ng Afro-Asian Literature
Tumpak tunay ngang kayo’y ay may natutuhan sa nakaraang talakayan.
Talakay: Ang unang yugto ng pagsasalin (Panahon ng Kastila)
PAUNANG PAGTATAYA
Bago tayo dumako sa pormal na talakayan ay magkakroon muna tayo ng isang gawain.
Paunang pagtataya: (Pagsulat ng Sanaysay)
• Panuto: Sa loob ng 5 minutu sumulat ng isang sanaysay na ang paksa ay ang
mahalagang papel na ginagampanan o maaaring gampanan ng pagsasakling-wika
tungo sa konsolidasyon at kaunlaran ng bansang Pilipinas.
Unang Yugto ng kasiglahan (Panahon ng
Kastila)
Ang pagsasaling-wika sa
Pilipinas ay masasabing
nagsimulang magkaanyo
noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila,
kaugnay ng pagpapalaganap
ng Kristyanismo.
Unang Yugto ng kasiglahan (Panahon
ng Kastila)
• Kinailangan ng mga panahong yaon na isalin sa
Tagalog at sa iba pang katutubong wika sa
kapuluan ang mga katesismo, mga akdang
panrelihyon, mga dasal. at iba pa, sa ikadadalr ng
pagpapalaganap ng Iglesia Catolica Romana
Unang Yugto ng kasiglahan (Panahon ng
Kastila)
• Mababanggit na bagamat nadiskubre ni Magellan ang ating kapuluan
noong 1521. ang aktwal na pananakop o kolonisasyon ng Espanya ay
nagsimula noon lamang 1565 nang dumaong sa Cebu ang ekspedisyong
pinamumunuan ni Adelantado Miguel Lopez de Legaspi. kasama ang
sundalong-pare na si Fr. Andres de Urda~ neta. Tatlundaan at tatlumpu’t
tatlong (333) taon na napasailalim sa kapangyarihan ng bansang Espanya ang
Pilipinas. Sa mga panahong iyon ay pinairal ng mananakop ang kanyang
dalawang magkakawing na layunin ang Kristyanisasyon at Hispanisasyon ng
bansang Pilipinas;
Unang Yugto ng Kasiglahan ng
Pagsasaling wika (Panahon ng Kastila)
• Subalit, gaya ng nasasaad sa kasaysayan, naging bantiIawan o urung-sulong ang
naging sistema ng pagpapalaganap ng wikang Kastila sa Pilipinas. Sa ibang salita,
hindi naging konsistent ang Pamahalaang Espanya sa pagtuturo ng wikang Kastila sa
mga “Indios” na kanilang sakop. Kalimitan, ang nagiging hari ng Espanya ay may
matapat na paniniwala na mabisang mapalalaganap ang ang Kristyanismo sa
pamamagitan ng wikang Kastila. Subalit ang kanilang mga dekreto ay hindi sinunod
ng karamihan ng mga prayle na haIi-haliling namuno sa Pilipinas. Ang dahilan: Batay
sa kanilang karanasan sa Timog at Hilagang Amerika, higit na nagiging matagumpay
ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng mga wika ng
mga katutubo. Sa ibang salita, mas madali ang sila ang mag-aral hg mga wika ng mga
katutubo kaysa ang mga katutubo ang mag-aral ng wikang Kastila.
Unang Yugto ng Kasiglahan ng
Pagsasaling wika (Panahon ng Kastila)
• Ikalawang dahilan: Mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na
ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita
ng Diyos. Mapapansin, kung sabagay, na ang mga mahahalagang salita ng
doktrina'ay nanatili, tulad ng “misa, rosaryo(rosario), sermon,
katoliko(cato|ico), krusipiho(crucifijo), nobena(novena), doktrina kristyana
(doctrina cristiana), Biblya (Biblia), kumbento(convento), altar, at marami
pang iba.
Unang Yugto ng Kasiglahan ng
Pagsasaling wika (Panahon ng Kastila)
• Ang ikatlong dahilan na hindi Iantarang inihayag ng
mga Kastila; May lihim silang pangamba na baka
kung matuto ang mga “Indies" ng wikang Kastila ay
maging kasangkapan pa nila ito tungo sa pagkamulat
sa kanilang kalagayang pulitikal at siia ang bankan
Unang Yugto ng Kasiglahan ng
Pagsasaling wika (Panahon ng Kastila)
• Anupat sa pangkalahatan, I Imaganap ang Kristyanismo sa masang
Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mga katutubong wika.
• Sa gayong paraan unti-unting itinakwil ng mga paganong katutubo
ang kinagisnang paniniwala at niyakap ang Kristyanismo. At
mangyari pa, ang mga “Indios” na hindi makuha sa pamamagitan ng
“krus” o “santong dasalan,” wika nga, ay nilupig sa pamamagitan ng
“espada” o “santong paspasan.”
Unang Yugto ng Kasiglahan ng
Pagsasaling wika (Panahon ng Kastila)

• Ang panahong ito ng pananakop ng


mga Kastila ang maituturing na unang
yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-
wika sa Pilipinas.
Pagsasanay

Sa loob ng 5 minuto gumawa ng isang paglalagom sa


inyong natutuhan sa unang yugto ng kasiglahan ng
pagsasaling-wika sa Pilipinas.
Paglalagom: Unang Yugto ng Kasiglahan ng
pagsasaling-wika sa Pilipinas (Panahon ng Kastila)

• Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay nagsimula sa


pangangailangang mapalaganap ng mga
mananakop na Kastila ang relihiyong Iglesia
Catolica Romana. Kinailangan ang pagsasalin sa
Tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga
dasal at mga akdang panrelihiyon.
Paglalagom: Unang Yugto ng Kasiglahan ng
Pagsasaling wika (Panahon ng Kastila)

• Ngunit hindi naging konsistent ang mga Kastila sa pagtuturo ng


wikang Kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa kanilang karanasan
sa pananakop, higit na nagiging matagumpay ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga
katutubo at naging mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang
marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika
sa pagtuturo ng salita ng Diyos.
Paglalagom: Unang Yugto ng Kasiglahan
ng Pagsasaling wika (Panahon ng Kastila)
• Ang ikatlong dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga
Kastila ay ang pangamba na kung matuto ang mga
Pilipino ng wikang Kastila ay maging kasangkapan pa nila
ito sa pagkamulat sa totoong kalagayan ng bansa. Sa
paglisan ng kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas,
nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang nasa
wikang Kastila.
PAGLALAGOM

• Sa bahaging ito‘y malalagom natin na ang naging tuon ngmga


isinagawang pagsasalin noong panahon ng Kastila ay tungkol sa
mga,materyales na panrelihyon, kaugnay ng pagpapalaganap ng
Kristyanismo. Pansinin na hindi na itinala rito ang tungkol sa mga
naging pagsasalin sa iba't ibang katutubong wika na mga orihinal
na sinulat sa wikang Kastila.
KATANUNGAN AT PAGLILINAW
• Naunawaan ba at naging malinaw sainyo ang unang yugto ng kasiglahan ng
pagsasaling-wika?
• Bago tayo dumako sa pagtalakay ng ikalawang yugto ng kasiglahan ng
pagsasaling-wika. Huwag mahihiyang magtanong.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
Nang pumalit ang Amerika sa Espanya
bilang mananakop ng Pilipinas, nabago
na rin, mangyari pa, ang papel na
ginampanan ng pagsasaling-wika. Ang
naging isa sa »pangunahing kasangkapan
ng pananakop noong panahon ng
Kasma ay krus o relihyon; noong
panahon naman ng Amerikano ay aktat
o edukasyon sa pamamagitanng wikang
Ingles.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Dapat banggitin sa bahaging ito, kung sabagay. na kahit hindi na sakop ng Espanya
ang Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga pyesang orihinal na nasusulat
sa wikang Kastila. kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang pambansa ng mga
nasusulat sa lngles. Narito ang ilan sa mga salin na hinalaw din sa aklat ni Agoncillo:
'
Maikling Nobela
• Dianzon, Leonardo A. & Gerardo Chanco. “Ang Buhay ay Pag-ibig” (mula sa "Vivir
es Amar" ni Manuel Ibo Alfaro. Sa Ang MITHI. Okt. 1917- Mar. 1918.
• Laknmana. Francisco. 'Dugo sa: Dugo" (mula sa ‘Lucha de Razas” ni Bradon, sa
TALIBA, 1921.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Maikling Kwento
Mariano. Patricio. ‘Mga Alamat“ (mula an ‘El Filibusterismo' ni Jose P. Rizal.
MULING PAGSILANG, 1904.
• Rosario. Deogracias A. 'Dafne at Apolo" . “Alamat no Laurel”, (mula as “A
Book of Fables” ni Bulfinch. ANG DEMOCRACIA, Hunyo, 1913).
• Dula
• BaImaseda. Julian C. "Ang Hampas-Lupa" (mula sa Iisahing tagpong ”The
Vagabond” ni Jacinta Venavente. SAMPAGITA, Disyembre 8. 1925;
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Ang Tagalog Periodical Literature ni Agoncillo ay nakapagtala ng
mga sumusunod na salin: Maikling Nobela: 10, Maikling
Kwento; 109. Drama: 19. Nobela: 87, Tula: 51. Panrelihyon: 109.
• Ang pagtitipon ay hanggang noon lamang 1925. Kung maisasama
sa talaan ang lahat ang mga salin sa wikang pambam sa mula
noong 1926 hanggang sa kasalukuyan, tiyak na magiging
napakakapal ng aklat.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghalsa mga teatro‘ Noong mga panahong
iyon ay teatro ang siyang pinakapopular na Iibangan ng mga tao sapagkat wala pa
noong mga sinehan at telebisyon. Mapapansin din ang dami ng mga salin sa iba't
ibang uri o genre ng panitikan sapagkat sa panahon ng Amerikano nagsimulang
makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang mga iyon mula sa Kanluran.

• Naging masigla noon ang pagsasalin sa wikang pambansa, lalo na ng mga akdang
klasika. Ang panahong ito ang maituturing na ikalawang yugto ng kasiglahan sa
pagsasaling-wika sa Pilipinas-nang pumalit sa Espanya ang Amerika bilang bagong
mananakop.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Ang pakikipag-ugnayang intelektwal sa ibang bansa ng mga Pilipino na
nasimulan bagamat naging limitadung-limitado noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila ay naging liberal sa panahon ng Amerikano. At
sapagkat ang pagtatamo ng edukasyon ang pangunahing patakarang pinairal
ng Amerika sa Pilipinas. masasabing “bumaha” sa ating bansa ang iba't ibang
anyo at uri ng karunungan mula sa-Kanluran. Sa larangan ng malikhaing
panitikan, masasabi ring uhaw na uhaw na tinanggap ng mga .manunulat na
Pilipino ang mga bagong kaalaman sa paasulat na hindi nila naranasan sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Anupat hindi nagbago ang kasiglahan ng mga tagapagsaling-wika
sa pagsasalin ng nabanggit na mga uri ng panitikan sa paglakad ng
mga taon.-Ang totoo, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang
pagsasalin sa Filipino ng mga akdang klasika ng daigdig bagamat
karamihan ng mga pagsasalin ay sa paraang di-tuwiran. Sa ibang
salita, ang isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa
na ring salin. Kalimitan, ang nagigino tulay na wika ay lngles.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Sa panahong ito, naging masigla ang pagsasalin sa wikang
pambansa ng mga akdang klasikang nasa wikang Ingles.
Edukasyon ang pangunahing patakarang pinairal ng Amerika kaya
naman “bumaha” sa ating bansa ang iba’t ibang anyo at uri ng
karunungan mula sa Kanluran lalo na sa larangan ng panitikan.
Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di-
tuwiran, ibig sabihin ang isinasalin ay hindi ang orihinal na teksto
kundi ang isa na ring salin.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Mababanggit na marami pang mga du‘ang isinann si Tinio, mga kasikong akdang
pandulaan na lumaganap sa Europd at ipinalabas niya sa mga piling teatro sa
Kamaynilaan, \a\o na sa Cultural Center of the Philippines. Layunin niyang
mapaaboi sa kanyang mga kababayan ang mga kilalang pyesang pandu\aan ng
daigdig sa pamamagitan ng wikang higit n‘uang naunawaan at tumatalab sa kanilang
kamalayan.
• Mababanggit na rin dito ang isang magandang proyekto na isinagawa ng National
Book Store noong 1971. \p'masal‘m ng NBS ang mga popular na nobela at
kwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa mga paaralan. Ha\os \ahat ay
salin rig salin at Ingles ang naging wikang tu\ay.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
Isa sa mga tagasaling marami ang naisaling
klasikong akda ay si Rolando Tinio. Ang
mga dulang isinalin niya ay ipinalabas sa
mga piling teatro sa Kamaynilaan lalo na
CCP.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
Isang magandang proyekto rin ang isinagawa
ng National Bookstore (1971) kung saan
ipinasalin ang mga popular na nobela at
kwentong pandaigdig at isinaaklat upang
magamit sa paaralan. Ang ilang halimbawa ay
ang mga kwentong “Puss N’ Boots”,
“Rapunzel”, “The Little Red Hen” at iba pa.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
• Ang Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng
koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle,
Aquinas, Kant at iba pa. Ang Children’s Communication
Center naman ay nagsalin at naglathala ng mga akdang
pambata tul ad ng “Mga Kuwentong Bayan Mula sa Asia,
Rama at Sita”, Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at
iba pa.
Ikalawang Yugto – Panahon ng mga
Amerikano
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan –
Patakarang Bilinggwal
• Ang ikatlong yugto ay ang pagsasalin sa
Filipino ng mga materyales pampaaralan
na nasusulat sa Ingles tulad ng mga aklat,
patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan – Patakarang
Bilinggwal
• Kaugnay ito ng pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistema ng
edukasyon. Ayon sa Department Order No. 25, s. 1974, higit na marami ang
mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles. Nangangahulugan, samakatwid
na lalong dapat pasiglahin ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga kagamitang
pampagtuturong nasusulat sa Ingles. Ang ilan sa mga halimbawang isinalin sa
panahong ito ay ang mga gabay pampagtuturo sa Science, Home Economics,
Good Manners and Right Conduct, Health Education, at Music. Isinalin din
ang Tagalog Reference Grammar, Program of the Girl Scouts of the
Philippines at iba pa.
Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan –
Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang
Di-Tagalog
• Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang
makabuo ng panitikang pambansa. Ang tinatawag nating “pambansang
panitikan” ay panitikan lamang ng mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya
na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-etniko ng bansa. Upang
maisakatuparan ito nagkaroon ng Proyekto sa Pagsasalin ang LEDCO
(Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary
Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng
Ford Foundation.
Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan –
Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang
Di-Tagalog
• Inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing
manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wika ng bansa (Cebuano,
Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan. Pinagdala
sila ng piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang bernakular upang
magamit sa pagsasalin. Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa
ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor
na wika ng bansa.
Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan –
Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang
Di-Tagalog
• Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL
(Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano. Pumili ang
mga manunulat na Ilocano ng mahuhusay na
kwento sa wikang Iloco at isinalin sa Filipino,
pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at tinawag na
KURDITAN. Sa pamamagitan ng pagsasalin, ang
mga kwentong orihinal na sinulat sa Iloco ay
nalagay na sa katayuan upang mapasama sa
pambansang panitikan sapagkat meron nang
bersyon sa wikang pambansa.
Ikalimang Yugto ng Pagsasalin –
Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian
• Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng
mga panitikang Afro-Asian. Kinailangan ang
pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng
ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-
Asian.
Ikalimang Yugto ng Pagsasalin –
Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian
• Ayon kay Isagani Cruz, “Para tayong mahihina
ang mga matang mas madali pang makita ang
malayo kaysa mga likha ng mga kalapit bansa
natin.” Ang pagsasama sa kurikulum ng
panitikang Afro-Asian ay masasabing
pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong
mga nakaraang panahon mas binigyang halaga
ang pagsasalin ng panitikang Kanluranin at
hindi ng panitikan ng mga kalapit na bansa.
Ikalimang Yugto ng Pagsasalin –
Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian

• Kaugnay nito nagkaroon ng pagsasalin ng isang


pangkat ng mga manunulat ng mga piling panitikan
ng mga kalapit na bansa (pinondohan ng Toyota
Foundation at Solidarity Foundation) na tinawag na
Transalation Project.
Ikalimang Yugto ng Pagsasalin –
Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian
• Pinangunahan naman nina Rolando Tino at Behn Cervantes ang pagsasalin
ng banyagang akdang nasa larangan ng drama.
Mga Pagsasanay
Mga Gabay na Tanong
• Sinasabing ang dalawang magkakawing na layunin ng Espanya sa pagsakop sa
Pilipinas ay “Kristiyanismo at Hispanisasyon.” Ipaliwanag ang ibig sabihin ng
dalawang layunin.
• Sinasabing “Tayo ay mga nawawalang kaluluwa’ sa ating sariling bayan.”
Ipaliwanag ang mahalagang papel na dapat gampanan ng pagsasaling-wika
upang matagpuan natin an gating sarili.
Pangwakas na Pagtataya
Pangwakas na Pagtataya: (Reaksyong Papel) 100 puntos
Gabay na tanong:
• Sang-ayon kaba sa sumusunod na sinabi ng kritikong si Isagani Cruz: “Para tayong mahihina ang mga
matang mas madali pang Makita angmalayo kaysa mga likha ng mga kapitbansa natin.” Bakit?

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG REAKSYONG PAPEL

Pamantayan Bahagdan (%)


a. Punto de bista - 45%
a. Organisasyon ng mga salita – 25%
a. Lapit sa paksa – 20%
a. Hikayat – 10%
Kabuuan: 100%
SALAMAT SA PAKIKINIG!

HANGGANG SA MULI
NATING PAGKIKITA
PAALAM!!

You might also like