Professional Documents
Culture Documents
COLLEGE DEPARTMENT
BACACAY, ALBAY
FILIPINO BILANG
IKALAWANG WIKA
MGA TAGAPAG-ULAT
MARICRIS BERIA
QUENNIE ADAMOS
VICKY BALUNCIO
MTCHIE BARAQUIEL
MIKE BERIDO
LINGGWISTIKA
KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA
Ayon Constantino (1972)
Ang pag-aaral sa mga wika ay napapangkat sa tatlong panahon:
1. Panahon ng mga Kastila
2. Panahon ng mga Amerikano
3. Panahon Kalayaan o kasalukuyang Panahon.
Panahon ng Kastila
Nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong ika-19 na daantaon. Ang pag-
aaral sa mga wika sa Pilipinas:Ayon kay Scheerer (1918), ay isinasagawa ng mga
misyunerong Kastila na karamihan ay mga paring Heswita at Dominikano sa layuning
mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa dakong ito ng daigdig.
Napatunayan ng mga misyonerong Kastila na higit na madali na sila ang mag-aral sa mga
katutubong wika kaysa ang mga 'Indios' ang turuan ng wikang Kastila.
Kaya't nang dumating sa Cebu noong Pebrero 13, 1965 ang 6 na paring Augustinian na
kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legaspi, ay gayon nga ang kanilang isinagawa sa
pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Romano. Ang mga pag-aaral sa wika na
isinagawa ng mga prayle ay mga pag-aaral na hindi sopistikado.
Natural lamang na magkagayon sapagkat ang linggwistika ay hindi pa gaanong nalilinang
ng mga panahong iyon, bukod sa mga prayleng nagsagawa ng mga pag-aaral ay hindi
nagkaroon ng pormal na pagsasanay sa larangan ng aghamwika
Gayunpaman, ang isinagawang pag-aaral ng mga prayle ay maituturing na napakahalaga
bilang mga panimulang pag-aaral sa ating mga katutubong wika.
Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang
katutubo noong panahon ng Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na
Orden noong 1594
Ang kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuitas
Ibinigay din sa mga Augustinian ang Ilocos at Pampanga
Ang Intsik at mga lalawigan ng Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican.
Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa sa kabikulan. Sapagkat nagkaroon ng
kanya-kanyang tiyak na pangangalagaan ang bawat Orden, nagkaroon ng sigla ang pag-
aaral sa mga katutubong wika na humantong sa paglilimbag ng mga gramatika at
diksyunaryo.
Ngunit kapansin-pansin na sinadya man o hindi ay napakaraming naisagawang pag-aaral
sa Tagalog.
Ayon kay Phelan
Hindi kukulangin sa 24 na aklat ang nalimbag tungkol sa wikang Tagalog,
Samantalang 5 lamang sa mga wikang Bisaya.
Ang dahilan marahil ay sapagkat Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang
pinakasentro ng pamahalaan.
Panahon ng Amerikano
Ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging sanhi ng panibagong pagtingin
sa pag-aaral sa mga wikang laganap sa kapuluan.
Ang mga linggwistang paring Kastila'y napalitan ng mga linggwistang sundalong
Amerikano.
Ano ba ang pinagkaiba ng layunin ng mga Kastila sa pag-aaral ng ating wika, sa layunin
ng mga Amerikano?
Kung ang pangunahing layunin ng mga Misyonerong Kastila ay mapabilis ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan, ang mga Amerikano naman ay maihasik
sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko.
Ang naging suliranin ng mga prayleng Kastila at ng mga sundalong Amerikano ay iisa:
Ang kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang
maisakatuparan ang kani-kanilang layunin.
At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mga Amerikanong higit na madali kung sila ang
mag-aral ng mga pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilang hintayin na matuto ng
Ingles ang nakararaming Pilipino.
Isa pa, inisip din ng mga Amerikano na higit na magiging madali ang pagtuturo ng Ingles
sa mga Pilipino kung mauunawaan ng mga guro ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
Ingles sa iba't ibang wika sa kapuluan.
Noon nagsimula ang pagsusuri sa mga pangunahing wika sa kapuluan, lalo na sa
Tagalog.Ilan sa mga isinagawang pag-aaral noon ang mga sumusunod:
"Handbook and Grammar in Tagalog" ni MacKinlay (1905)
isang "Grammar of Ilocano" ni Henry Swift (1909) at
isang "Primer and Vocabulary of Maguindanao" ni R. S. Porte (1903). May ilan ding
pagsasaling-wika na isinagawa noon tulad ng:
Pagsasalin ni C. C. Smith (1906) sa Ingles ng isang aklat sa gramatika ng wikang
Magindanao na sinulat sa Kastila ni J. Juanmarti, at ang
Sinasabi ang isang gurong may malalim na pagkaunawa sa linggwistika ay may malalim na
kaalaman sa kakayahang pagtuturo at nakatutulong sa kanya sa pagtukoy sa layuning ang
pagkatuto, paraan sa pagtuturo, pagtataya sa mga pagbabago sa wika at pag-aayos ng mga dapat
ituro sa wika.
1. Pagbibigay importansiya sa mga Aklat- Pambalarila
Hindi madaling sumulat ng isang aklat, nangangailangan ito ng masusing paglikom ng mga
datos upang makabuo nito. Mga aklat sa balarila na pinaghanguan ng mga sumusulat ng mga
aklat upang magamit ng guro sa pagtuturo ng wika.
Narito ang mga hanguang aklat sa mga sumusunod:
Balarila ng wikang Pambansa ni Lope K. Santos
A Manual of the Philippine National Language ni Cecilio Lopez
Tagalog Text ni Leonard Bloomfield
Tagalog Reference Grammar nina Schanachter at Otanes
Binagong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino 2013 ng KWF (Komisyon sa
Wikang Filipino)
EDPITAF (Educational Development Projects Implementating Task Force).
2. Paglutas sa Suliranin Ukol sa Balarila ng Wika
Hindi lingid sa ating kaalaman ang problemang kinakaharap natin tungkol sa wika na
tiyak na malaki ang pakinabang na maidudulot ng mga linggwista.
3. Pagpapaunlad ng wika.
May dalawang prinsipal na paraan sa pagpapaunlad ng wika.
a. Literatura o Panitikan
b. Gramatika o Balarila
MALAYO O POLYNESIAN
Ang malay ay may malaking impluwensiya sa ating wika at panitikan. Mahahalintulad
ang sinaunang alpabeto na baybayin sa wikang ito. Gayon din ang mga wikang Bisaya,
Bikol, Tagalog, Kapampangan, Pangasinense at Ilokano.
ABACEDARIO (Ika-15 siglo)
Mula sa baybayin ay naipalaganap ang paggamit ng alpabetong romano bilang
palatitikang Filipino. Binubuo ito ng 30 titik, limang paying at 25 ang katinig.
Nang dumating ang unang mananakop na Espanyol ay saka lamang pumasok ang mga
tunog na /e/at/o/ dahil sa mga hiram na salitang Romano na may ganitong tunog. Ang
tunog na /r/ ay sinasabing hirma din sa kanila. Wala pang /r/ sa baybayin.
Sapilitang itinuro ang Abecedario sa mga katutubong Filipino upang mas madaling
magamit at mapalaganap ang kristyanismo.
TAGALOG NG KATIPUNAN (1897)
Itinakda noong Nobyembre 1, 1897 sa panahon ng himagsikan, ang Saligang Bats ng
Biak na Bato na nag-aantas na ang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng mga
Pilipino.
Ito ang naging midyum sa paghatid-sulat at Dokumento ng Katipunan
Partikular itong tinukoy sa Artikulo VII na nagsasaad na “Ang Wikang Tagalog ay isang
magiging Opisyal na Wika ng Republika”
INGLES (1901)
Sa kapangyarihan ng batas Blg.74 ng Komisyong Pampilipinas noong 1901, ipinag-utos
na gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa paaralang bayan (De Vera,2010)
Ang mga sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga nagging guro noon.
ALPABETONG INGLES (1901)
-Matapos ang pananakop ang mga Espanyol sa Filipinas, sumusunod naman ang mga
Amerikano na nagdala sa bagong alpabetong Ingles na may 26 na titik, limaang patinig at
21 na katinig.
INGLES AT KASTILA (1935)
Alinsunod sa binanggit na Artikulo 13, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, Ang
Pambansang Assembleya, itinakdang batas na Ingles at Kastila ang kinikilalang mga
wikang Opisyal.
PAKIKIBAKA SA TAGALOG (1936)
Dahil sa pakikibaka sa wikang tagalog ay naitatag ang Surian ng Wikang Pamabansa sa
ilalim ng Batas Komonwelt Bilang 184 noong Nobyemvre 13, 1936 (Pambansang
Asembleya).
ABAKADA (1940)
Mula sa baybayin ay napalaganap ang paggamit sa alpabetong Romano bilang
palatitikang Filipino.
Ito ang nagiging batayan ni Lope K. Santos sa kanyang binuong ABAKADANG Tagalog
nang kangyang isinulat ang Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940.
TAGALOG AT HAPON (1942)
Ang panahon ng hapon ang tinaguriang Gintong Pampanitikan ng mga Tagalog sapagkat
sumiklab ang paggamit ng katutubong wika particular ang wikang Tagalog.
Sa bias ng Militar Order Blg.13/2, na ibinaba noong 1942, nag utos na gawing wikang
opisyal ang Tagalog at Hapon (Nihongo).
TAGALOG AT HAPON (1941-1945)
Batay sa Laurel Constitution, Saligang Batas 1943, Artikulo 9, seksiyon 2,
Pagpapalaganap ng Filipinismo at Ideolihiyang Japones.
WIKANG PAMBANSANG PILIPINO (1946)
Mula sa Tagalog, ito ay nagging Wikang Pambansang Pilipino noong 1946 alinsunod sa
Batas Komonwelt Blg. 570.
Kasabay ng pamamayagpag ng batas na ito ang mga sumusunod na proklamasyon.
Ang Proklamasyon Blg.12 (Marso 26, 1954) na nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay, Pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 Abril 4 at Araw ni
Balagtas tuwing Abril 2.
FILIPINO (1969)
Panahong Marcos. (Paghikayat sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at opisyal
na korepondensya).
FILIPINO (1973)
Itinakda sa Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, Seksyon 3, ang Ingles at Filipino pa rin
ang kinikilalang mga wikang opisyal ng bansa.
Sa larang ng Edukasyon, itinakda ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10,
1974), ang patakarang Edukasyong Bilingguwal.
PINAGYAMANG ALPABETONG NG (1976)
Naging puristiko o masyadong tradisyonla o makaluma ang paraan o atake ng palatitikan
sa Abakada ni Lope K. Santos kaya noong 1976 ay pinalitan ng SWP, ang sistema ng
pagsulat sa Filipino.
Ito ay sa pamamagitan ng DEC Memorandum Blg. 194 serye ng 1976 na may pamagat na
"Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino Kaya ito tinatawag na "pinagyamang alpabeto"
sapagkat sa kasaysayan ay nagtataglay ito ng pinakamaraming bilang ng titik o letra.
FILIPINO (1987)
Nang sumapit ang 1987, tuwirang inihayag ng Saligang Batas sa ilalaim ng Artikulo 14,
Seksiyon 6 na ang Wikang Pambansa ay Filipino. Kasabay nito bilang wikang panturo o
auxiliary languages at Ang Opisyal na Wika ng Filipinas ay Filipino at Ingles (Seksiyon
7)
Sa panahong din ito nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP), alinsunod sa
Kautusang Tagapagpalaganap Blg. 117 bilang pamalit sa SWP (Surian sa Wikang
Pambansa).
PAGSILANG KWF (1991)
Agosto 14, 1991. Itinatag ang KWF (Kumisyon sa Wikang Filipino) ayon sa Batas
Republika Blg. 7104 bilang kapalit sa LWP (Linangan ng mga Wika sa Pilipinas)
Proklasmasyon Big 1041 (1997) na nilagdaan ni Fidel V. Ramos, isang buwan ng Agosto
ipagdiriwang ang Wikang Pambansa.