You are on page 1of 10

PANIMULANG LINGGWISTIKA

Matutuhan ang proseso o interaksyong umiiral sa mga salik na kailangan


upang makapagsalita ang tao IRP 2. Matutuhan ang pangkalahatang
paraan sa pagbubuo ng salita. IRP 3. Mapahalagahan ang mga tuntunin
sa tamang pagbubuo ng mga salita at pangungusap. IRP 4.
Mapahalagahan ang mga bahagi ng katawan na kasangkot sa pananalita
IRP 5..Makapagsalita nang mabisa sa lahat ng pagkakataon. IRP 6.
Makapagpahayag ng damdamin sa maayos na pamamaraan.

Ano ang inyong inaasahan sa kursong ito? Ang mga paksang-aralin sa


modyul na ito: Aralin I: Ang Linggwistika at Guro ng Wika a.
Kahulugan b. Ang Linggwistika sa Paglinang ng Filipino Aralin II: Ang
Wika a. Simula ng Wika b. Ang Angkang Malayo-Polinesyo at ang mga
Wika sa Pilipinas c. Ang Wika at Dalubwika d. Ang Wika at Kultura
Aralin III: Kasaysayan ng Linggwistika

Panimulang Lingguwistika

a. b. c. d.

Kasaysayan ng Linggwistika sa Daigdig Pilipinas Kastila Amerikano

Aralin IV: Ang Pagsasalita a. Pagbigkas ng mga Tunog b. Pagkontrol sa


Tono ng Tinig c. Ang Patunugan Aralin V: Ponolohiya a. Punto at
Paraan ng Artikulasyon b. Klaster at Diptonggo c. Pares Minimal d.
Ponemiko e. Alopono f. Ponema g. Morpema h. Kernel/Pangungusap
Aralin VI: Paghahambing ng Dalawang Modelo ni Chomsky a. Aspects
1965 b. Structures 1957

ARALIN I: Ang Lingguwistika at Guro ng Wika Layunin:  Matukoy


ang kahulugan ng lingguwistika at ang kaligiran nito.  Maipaliwanag
ang kahalagahan ng lingguwistika sa edukasyon at lipunan.

Kahulugan Ito ang makaagham na paraan ng pag-aaral ng wika. Ang


isang taong nagsasagawa ng maagham na paraan ng pag-aaral ng wika
ay tinatawag na linggwista.

Panimulang Lingguwistika Dr. Cecillio Lopez - “ Ama ng


Linggwistikang Pilipino” sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ang kauna-
unahang nagturo ng mga kurso sa linggwistika sa nasabing unibersidad.
Ang isang linggwista ay hindi laging nangangahulugang maraming alam
na wika. Maaaring matawag na linggwista ang isang tao kahit isa,
dalawa, o tatlong wika lamang ang kanyang alam. Iba ang linggwista sa
tinatawaga na polygot . Ang polygot ay isang taong maalam o
nakakapagsalita ng iba't ibang wika, nguni't iyon ay hindi
nangangahulugang siya'y isa nang linggwista. Ano ang pagkakaiba ng
linggwistika sa anawnser? Ang isang anawnser ay mahusay magsalita o
gumamit ng wika ngunit nangangahukugang siya'y isa nang linggwista.
Gayundin naman , ang isang linggwista ay ay mahusay magsagawa ng
maagham na pagsusuri sa mga wika, ngunit hindi dapat laging asahang
katukad siya ng isang ananwser na mahusay magsalita. Kahalagahan ng
Lingguwistika Ang isang linggwistika ay karaniwang natutulad sa
doktor. Nagpapakadalubhasa siya sa larangan ng wika. Maagham ang
kanyang paraan ng pag-aaral at pagsusuri sa wika. Ano ba ang nagagawa
ng isang linggwista na hindi nagagawa ng isang karaniwang guro? Kung
ang pag-uusapan ay ang iba't ibang paraan ng pagtuturo sa wika, ang
linggwista naman ang siyang magiging arbularyo at ang guro ang siyang
magiging doktor. Ang linggwistika sa paglinang ng wikang filipino a. Sa
pagbubuo at paggawa ng mga patakarang pangwika. Ano ang mga
sulirang pangwika? Kung paanong mapapaunlad ang wikang Filipino
bilang isa sa mga tatak at kasangkapan natin sa pakikipag-ugnayan
bilang malayang lahi. Kung paaanong mapapanatili ang Ingles bilang
wikang tulay natin sa pagdukal ng karunungan at pakikipag-ugnayan sa
daigdig. Dept. Order NO. 25. Series of 1974 Ang pagpapairal ng
bilingguwalismo sa ating sistema ng edukasyon. b. Sa paghahanda ng
mga kagamitang panturo. Nang pairalin ang patakarang bilingguwalismo
ay lumitaw ang mga suliranin, ang kakulangan sa kagamitang panturo sa
mga asignaturang ituturo sa Pilipino. ( Educational Development
Projects Implementing Task Force ) EDPITAF Sila ang naghanda ng
mga kailangang aklat at iba pang kagamitang panturo. Araling
Panlipunan - Dibisyong Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura Edukasyong Panggawain - Philippine College of Arts and
Trades Agham at Matematika - Science Education Center ng
Unibersidad ng Pilipinas

Panimulang Lingguwistika Wika - Language Study Center ng


Dalubhasaang Normal ng Pilipinas. c. Ang pagkakaroon ng guro ng
kaalaman at malawak na pananaw sa kalikasan ng wika. Kapag malawak
ang pananaw ng isang guro sa wika, kung ang lahat ng salik ay patas,
magiging higit siyang mabuting guro kaysa iba na walang gayong uri ng
pananaw. Nagiging malalim ang pagtuturo ng isang guro kapag may
malalim siyang pagkakaunawa sa kalikasan at kakanyahan ng wika.
PAGLALAGOM Magkaiba ang mga layunin ng guro ng wika at ng
linguist. Subalt sila'y may gantihang pakinabang.. ang mga teknika at
pamamaraan ng linguistics ay makatutulong sa pagpapaunlad sa gawain
ng guro ng wika...hindi siya maaaring magkibit-balikat sa hitik na bunga
ng linguistics - ang maagham na pag-aaral ng wika Direktor Pineda “
Agham Wika sa Filipino” Surian ng Wikang Pambansa

ARALIN II: ANG WIKA SIMULA-SIMULA NG WIKA Layunin: 


Matukoy ang naging kasaysayan at simula ng pagkakaroon ng iba’t
ibang pangkat ng wika sa Pilipinas.  Maisa-isa ang iba’t ibang pangkat
ng wika sa Pilipinas.  Mapahalagan ang mga wika sa kasalukuyang
panahon. Naniniwala ang mga antropologo na ang wika ng mga kauna-
unahang tao sa daigdig, kung mayroon mang wikang masasabi noon ay
isang uri ng wikang halos katuald ng sa mga hayop. Dahil nga sa likas
na talino ng tao ay napaunald niya nang napaunlad ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng kanyang pagkontrol ng maraming bahagi ng kalikasan
hanggang sa tuluyan na niyang naibukod ang kanyang sarili sa mga
hayop. Lahat halos ng wika sa kasalukuyan ay mayroon ng kasalimuotan
at lahat ay maituturing na may kasapatan upang magamit ng may wika
sa pagpapahayag ng anumang diwang nakapaloob sa kanyang kultura.
Gaya ng pagkakaalam natin, walang taong walang wika at wala ring
hayop na may wikang tulad ng sa tao. Kung ang pagbabatayan ay ang
mga nahukay na mga labi o artifacts na gawa ng mga unang tao sa
daigdig, masasabing ang pagkakaroon ng wika ng tao, sa tunay na
kahulugan ng wika ay mayroong humigit-kumulang sa isang milyong
taon. Iba-iba ang paniniwala ng mga palaaral tungkol sa kung marami o
iisa ang pinagmulan ng wika sa daigdig. Ano ang Teorya ng Wika ayon
sa Bibliya? Genesis 11: 1-9

Panimulang Lingguwistika

Sa umpisa’y iisa ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang


pagpapalipat-lipat, nagawi sila sa silangan, sa isang kapitagan sa Sinar.
Dito sila huminto at namayan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming
tisa at lutuing mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at
alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila’y “ Ngayo’y magtayo tayo
ng isang Lungsod na may toreng abot langit upang matanyag tayo
huwag magkawatak-watak”. Bumaba si Yahweh upang tingnan ang
lungsod at ang toreng itinatayo ng mga tao. Sinabi niya “ Ngayon ay
nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang
ito ng kanilang mga binabalangkas;hindi magluluwat at gagawa sila ng
anumang kanilang maiibigan. Ang mabuti’y puntahan natin at guluhin
ang kanilang wika upang huwag silang magkaunawaan” At pinangalat ni
Yahweh ang mga tao sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng
lungsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo’y
ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, pinapangalat nga
niya ang mga tao sa buong daigdig. Teorya ng Wika Lunsod ng Babel at
Tore ng Babel na ang ibig sabihin ay “City of Confusion” o “Tower of
Confusion” Anupa’t sa mga aklat ay marami pang mababasa tungkol sa
iba’t ibang teorya kung paano nagsimula at lumaganap ang wika. Ang
Eksperimento ni Haring Pssammitichus Bekos isang salita sa wikang
Phrygian ( isa na ngayong patay na matandang wikang IndoEuropeo) na
ang ibig sabihin ay bread. Mga Prinsipal na Angkan ng Wika Ang
pagkilala at pagpapangkat –pangkat ng halos 5,000 na wika sa daigdig
ayon sa kani-kanilang pinagmulan ay hindi biru-birong gawain. Sa
payak na paglalarawan ang ganitong gawain ay naisasagawa ng mga
antropologo at dalubwika sa pamamagitan ng pagtutuald-tulad sa iba’t
ibang wika. Upang alamin kung ang mga ito’y may pagkakahawig,
kundi man pagkakatulad, sa palatunugan, sa palabuuan, sa palaugnayan,
at sa talasalitaan at leksikon. 1. Indo-European- ito ang napakalaking
angkan. Nakapaloob dito ang: A. Germanic-Trutonic 1. English- Frisian
- sinasalita sa baybayin ng Netherlands at Alemanya Engliah -
pinakamalaganap sa kasalukuyan 2. Ducth – German -Dutch ng
Netherlands -German ng Alemanya -Flemish ng Belgium - Ang
Afprikana , isa sa dalawang wikang opisyal ng Unyon sa Hilagang
Africa buhat sa Dutch; Ang Yidiah na gumagamit ng Alpabetong Ebreo
ay buhat sa Aleman 3. Scandinarian -Daniah ng Denmark

Panimulang Lingguwistika -Swedish ng Sweden at Finland -Icelandic ng


Iceland -Anglo- Saxon ng Britanya B. Celtric 1. Breton ng Timog-
Kanlurang Prasya 2. Weish ng Waleo 3. Irsih ng Ireland 4. Scots Gaelic
ng Scotland C. Romance 1. Portuges ng Portugal at Brazil 2. Espanyol
ng Espanya, Latin Amerika at Brazil 3. Pranses ng Pransya at mga
bansang sakop; isa sa opisyal na wika ng Belhika , Belgian Congo
Switzerland at Canada 4. Italyano ng Italya 5. Rumanian ng Romanya 6.
Sardinian 7. Rhato- Romantic a. Romanich- isa sa apat na opisyal na
wika ng Switzerland ( ang iba Aleman, Pranses at Italyano) 8. Haitian
Creole 9. Catalan at Galician ng Espanya 10. Latin – ito ang sinasabing
kauri ng mga pinakaugat na wika ng mga wikang Romance D. Slaric ng
Silangang Europa 1. Ruso- ito ay buhat sa rehiyon ng Moncow, kumalat
sa katimugan ng Asya; pangalawang wika ng U.S.S.R. ; pangalawa sa
Ingles sa dami ng nagsasalita. 2. Byitloniurian at Ukruinian - ito ay wika
sa hilagang Pransya. 3. Poluh ng Poland 4. Czech ng Czechoslovakia 5.
Slovar ng Sboakia 6. Serbo – croatian ng Yogotlavia 7. Bulgarian ng
Bulgaria E. Baltic 1. Lithuanian ng Lithuania 2. Latvian ng Latvia F.
Albanian G. Griyego ng Greece H. Iranian I. Indic- mga wika sa gawing
timog ng India at Pakistan 1. Hindi ng Republika ng India 2. Urdu ng
Pakistan 3. Bengali ng Bengai 4. Nepali ng Nepal 5.Sinhalese ng Ceylon
6. Sanskrito- ginagamit pa ring wikang pampanitikan at panrelihiyon sa
Indya II. Finno-Ungrian A. Finnish ng Finland B. Estonian ng Estonia C.
Hungerian ng Hungary
Panimulang Lingguwistika D. Lappish, Mordvin, Cheremiss- mga
wikang kaangkan ng kumalat sa gawing timog ng Europa at Asya. III.
Altase A. Turkie B. Mongol ng Mongolia C. Manchu- Tungua ng
Silangang Mongolia IV. Caucatian sa Rehiyon ng Caucama sa U.S.S.R.
A. South Caucatian b. North Caucatian V. Afro-Asiatic – timog ng
Africa at hilagang kanluran ng Asya A. Semetic- Ebreo ng Israel –
wikang ginagamit sa Lumang Tipan. 1. Arabiko ng Arabia 2. Maltese ng
Malta 3. Aseyrian ng Asyrian 4. Aramaic- sa wikang ito nasulat ang
unang Bibliya, wikang ginamit ni Hesukisto at kanyang mga disipulo. 5.
Phoenician- kahawig na kahawig ng matandang Ebreo, wika noon ng
komensya sa Meditarranean at pinagmulan ng ating matandang alpabeto.
B. Hamitic 1. Egyptian 2. Berber ng Timog Africa at ng Sahara
3.Cushitic ng Silangang Africa 4. Chad ng Nigeria C. Mande ng
Kanlurang Afrcia D. Kwa ng Gitnang Africa E. Sudanic ng Sudan F.
Bantu VI. Korean VII. Japanese A. NiponggoB. Ryuku ng Ryukyu
Islands sa Kanlurang Pasipiko VIII. Sinso-Tibertan ng Silangang Asya
IX. Malayo-Polonisean X. Papuan ( New Guinta at mga Kalapit na Pulo)
XI. Dienvidian ( Hilagang India) XII.Australian XIII. Austro- Asiatic
( Hilagang Kanlurang India) C. Ang Angkang Malayo-Polinesyo at ang
mga Wika Hindi nagkakaisa ang mga palaaral at mananaliksik tungkol
sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa kapuluan. Ngunit waring marami
ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybayingilog ng
Kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng
kulturang Indonesyo. Sa paglakad ng panahon, ang paglikas ng mga
tao(cf. Lopez 1967) at nahati, ang isang pangkat na lumikas pakanluran
patungong Indiya, Indo-Tsina at Indonesya. Sinasabing ang unang
sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa Alifbata ng
Arabia. Ito ay mapapanaligan sapagkat ang Bahasa Melayu na
pinaniniwalaan ang nagmula rin sa Alifbata ay naging lingua franca sa
Timog Silangang Asya sa pagitan ng A.D. 700 at A.D. 1500. Sina David
at Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay nagsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa kung paaanong lumaganap sa Pilipinas ang iba’t
ibang wikang nakilala sa ngayon.Sila’y naniniwala na mahahati sa
tatlong panahon ang malakihang paglaganap sa kapuluan ng mga wikang
buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
Panimulang Lingguwistika Noong 700 B.C. ang Philippine Stock ay
nahati sa tatlo; Northern Philippine Family, Southern Philippine Family
at Pangasinan. Noong 200 B.C. ang Northern Philippine Family ay
nahati sa hindi kukulangin sa tatlo; (1) ang mga wika sa lalawigang
bulubundukin ( Ifugao, Kankanai, Bontoc), (2) Ilokano at ang mga
wikang lumaganap sa kahabaan ng Ilog Cagayan ( Kalingan,Tinggian,
Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, Agta) at Inibaloi. Ang Southern
Philippine Family noong 100 B.C. ay nahati sa mga sumusunod na
pangkat ng wika; Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol, Cebuano,
Butuanon, Surigao, Kalagan, Mansaka,Batak,Cuyunon, Maranao,
Maguindanao, Binukid, Dibabao, Western Bukidnon, Manobo, Southern
Bukidnon Manobo, Subanun at Iba pa. May palagay din ang nasabing
mga mananaliksik na ang wika sa Borneo, Celebes, Kanlurang
Micronesia o Formusa ay kaangkan ng Philippine Stock. Pitong
Pangalan ang ginamit nina David at Healey sa pagpapangkat ng mga
wika sa Pilipinas; Southern Philippine Family, Northern Philippine
Family, Southern Mindanao Family, Chamic Family, Philippine Stock,
Malay Stock, at Philippine Superstock. Bagama’t hindi matatawaran ang
kakayahan ng mga mananaliksik na nabanggit, sa kabuuan ay
makapagbibigay tayo ng kahinaan ng kanilang isinagawang pag-aaral,
gaya ng mga sumusunod; 1. Hindi ibinigay ang tiyak na petsa ng
pinagmulan ng inang wika ( parent languange); 2. Ang mga talasalitaang
ginamit ay lubhang kakaunti upang magbigay ng mapapanaligang
resulta; 3.Limitado lamang sa mga talasalitaan ang isinagawang
pagsusuri ; wala sa morpolohiya at sntaksis; 4. Hindi isinaalang-alang
ang maaaring naganap na paghihiraman ng mga wika sa kapuluan
( interdialectial borrowing); 5. Walang sanligang matematikal ang teknik
o pamaraang ginamit. Sa klasipikasyon ni Conklin (1952) ay pinangkat
niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa: Iloko-Type at Tagalog-Type,
batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang
panlingguwistika. Ang Ilokano at Pangsinan ay isinama niya sa pangkat
sa Iloko-Type , samantalang ang Tagalos, Bicol, Hiligaynon at pati na
Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng Tagalog Type, Ang
Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito. Ang isa pang
pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ginamitan din
lexicostatistics ay ang kina Fox , Sebley at Eggan ( 1953). Gumawa sila
ng panimulang glottochronology para sa Katimugang Luzon. Ang
glottochronology ay isang paraan ng pagtataya na kung anong petsa o
panahon nahiwalay ang mga anak ng wika sa kanilang inang wika at
gayundin, kung anong petsa nagkahiwa-hiwalay o nagkawatak-watak
ang nasabing mga anak na wika pagkatapos mahiwalay sa ina. Sang-
ayon sa kanila , ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon ,
matangi sa Ilongot ay mapapangkat lamang sa isa. Ang Northern Luzon
Type, anila pa ay mahahati pa rin sa mga ; Northern Division, Central
Division, Southern Division,

D. Ang

Wika at ang Dalubwika

Iba’t iba may

ang wika sa daigdig, pagkakatulad o pagkakaiba ang mga

ito?

Panimulang Lingguwistika Ang mundo ay binubuo ng humigit


kumulang na 5, 000 wikang sinasalita ng iba’t ibang pangkat ng mga tao
sa mundo. Bagaman ang mga wikang ito ay magkakaiba , maituturing pa
rin itong magkakatulad sa paraang lahat ito ay binibigkas at
kinapapalooban ng mga tunog. Subalit sinasabi na wala ring maituturing
na unibersal na tunog. Kalipunan ng tunog, maaari bang mabigkas ito ng
isang tao sa paggamit ng wika? Ang tao ay may kakayahang lumikha at
umisip ng napakaraming tunog at halos walang katapusang uri ng tunog.
Subalit hindi lahat ng tunog na binibigkas ng isang tao ay ginagamit sa
isang wika.
Contact information

Ronald F. Clayton
 info@pdfcoffee.com

 Address:

46748 Colby MotorwayHettingermouth, QC T3J 3P0

 About Us
 Contact Us
 Copyright
 Privacy Policy
 Terms and Conditions
 FAQ
 Cookie Policy

SUBSCRIBE OUR WEEKLY


NEWSLETTER
Subscribe
Copyright © 2021 PDFCOFFEE.COM. All rights reserved.

Our partners will collect data and use cookies for ad personalization and
measurement. Learn how we and our ad partner Google, collect and use
data.

You might also like