You are on page 1of 10

Q4-05/31/23

Aljean Lim & Shiela Togonon


M G A TA U H A N S A
K A B A N ATA TAT L O N G P U

• Huli (Juli)
• Hermana Bali
• Basilio
• Padre Camorra
• Tandang Selo
M G A TA G P U A N S A
K A B A N ATA TAT L O N G P U

• San Diego
• Kulungan
• Carolinas
• Kumbento
K A B A N AT A 3 0 :
SI HULI
Sumiklab ang kalungkutan sa
San Diego dahil sa pagkamatay
ni Kapitan Tiago at pagkakapiit
kay Basilio. Higit sa lahat, labis
na apektado si Juli sa
pangyayari.
Nasa isip ni Juli ang
pagpapalaya sa kanyang
minamahal. Naisip niyang
lapitan si Padre Camorra, dahil
alam niyang may kapangyarihan
ang pari na palayain si Basilio
mula sa kulungan.
Dahil sa kaba, hindi mapakali si
Juli kung lalapit siya sa pari o
hindi. Paglipas ng ilang araw,
nalaman niyang tanging si Basilio
na lamang ang natitirang
nakakulong, habang ang iba ay
nakalaya na.
Wala si Basiliong tagapagtanggol o
kamag-anak, lalo na’t kamakailan
lang ay namatay na si Kapitan
Tiago. Balak daw ipatapon si
Basilio sa Carolinas.
Bagama’t ayaw ni Juli na
lumapit kay Padre Camorra,
wala siyang mapagpipilian
kundi humingi ng tulong sa
kanya. Pumayag din siya sa
pakiusap ni Hermana Bali, na
sa tingin niya ay huling pag-
asa ni Basilio.
Sa kasamaang palad, ginahasa
ni Padre Camorra si Juli sa
gabing iyon. Kinagabihan,
usap-usapan ang pagtalon ni
Juli mula sa bintana ng
kumbento na ikinamatay niya.
Dali-daling lumapit si Hermana
Bali sa kanya at bumaba sa
pinto ng kumbento. Sa labas,
nagwawala si Tandang Selo, ang
lolo ni Juli, na hindi makakaya
ang sakit na dulot ng nangyari
sa apo niya.
Sa kawalan ng hustisya, naisip
na lang ni Tandang Selo na
sumama sa mga tulisan.
MGA ARAL SA
EL FILIBUSTERISMO
KABANATA 30
Ang paglaban sa pang-aabuso ng kapangyarihan: Ipinapakita ng kabanatang ito na ang kapangyarihan ay
dapat gamitin sa mabuting paraan at hindi upang abusuhin ang iba. Ang pang-aabuso sa kapangyarihan ay
nagdudulot ng pagdurusa at kawalan ng hustisya sa lipunan.

Ang paghahanap ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa lipunan: Ang paghahanap ng hustisya ay isang


mahalagang aspeto ng lipunan upang maiwasan ang paglaganap ng krimen at pag-aabuso. Ang kabanatang ito ay
nagtuturo na dapat labanan ang mga mapang-abusong tao at institusyon para sa pagkakapantay-pantay at
hustisya.

Ang sakripisyo at pagmamahal para sa minamahal: Sa pagmamahal, kailangan nating harapin ang iba’t ibang
pagsubok at handang gawin ang lahat para sa ating minamahal. Ang pagmamahal ay nagbibigay ng lakas sa atin
upang harapin ang mga hamon at ipaglaban ang ating mga karapatan.

Ang pagtanggap sa realidad at pagharap sa mga pagsubok sa buhay: Ang buhay ay puno ng pagsubok at
dapat nating tanggapin ang realidad upang maunawaan ang tunay na halaga ng ating mga karanasan. Sa pagharap
sa mga pagsubok, nakakatuklas tayo ng ating lakas at kakayahan na malampasan ang mga ito.

Ang kahalagahan ng pagkakaisa at tulong sa kapwa: Sa panahon ng kagipitan, mahalaga ang pagkakaisa at
tulong sa isa’t isa upang malampasan ang mga pagsubok. Sa kabanatang ito, makikita natin kung paano sana
nagbago ang takbo ng kwento kung nagkaisa at nagtulungan ang mga tauhan.
P R E S E N TAT I O N T I T L E
10
THANK YOU!!
ALJEAN LIM & SHIELA TOGONON

20XX

You might also like