You are on page 1of 2

Pagsulat ng Kritik sa Akdang

“Ang Munting Bariles”

Pagpapakilala sa akda:

Ang Munting Bariles ay isinulat ni Henri Rene Albert Guy de Maupassant o mas kilalang bilang Guy de
Maupassant. Isang tanyag na manunulat na pranses si Guy de Maupassant. Itinuturing siyang pinakadakilang
manunulat ng Pranses. Mahigit tatlondaang maikling kuwento at anim na nobela na ang kanyang naisulat. Ang
kanyang mga naisulat ay nagpapakita sa makukulay na detalye ng pang-araw-araw na buhay sa Pransya noong
ika-19 na siglo. Siya’y isinilang sa Chateu de Miromesniel,Dieppe, Seine – Inferieure( na ngayo’y kilalang Seine-
Maritime) noong Agosto 5, 1850. Siya’y nagmula sa isang kilala at mayamang pamilya. Ang kanyang ina ang
nagmulat sa kanya sa pagkahilig sa mga klasikong panitikan lalo na ang mga likha ni Shakespeare. Ang kanya
namang kakayahan sa pagsulat ay umunlad sa ilalim ng paggabay ni Gustave Flaubert. Si Gustave ang
itinuturing na pinakadakilang nobelista ng Panitikang Kanluranin. Naging maikli lamang ang kanyang buhay
sapagkat siya’y namatay sa edad na apatnapu’t tatlo pagkatapos ng pakikibaka hindi lamang sa mga pisikal na
sakit kundi gayundin ng mga karamdamang pangkaisipang nagdala sa kanyang maagang kamatayan noong
Hulyo 6, 1893.

Nilalaman:

Ang Munting Bariles na sisinulat ni Guy de Maupassant ay madaling maintindihan. Konektado at hindi malalim
ang mga salitang ginamit sa kuwento. Hindikomplikado ang kuwento. Makatotohanan at malinaw ang
paglalahad ng kuwento. Epektibo ang pagkuha ng atensyon ng manunulat sa mga mambabasa dahil naipakita
na agad ang katayuan ng mga tauhan. Naipabatid ng maayos ng may-akda ang mensahe o aral na nakapaloob
sa kuwento.

Ang genre ni Guy de Maupassant sa kanyang panitikan ay naturalismo at realismo. Nagsesentro sa problema
ng tao ang mga akda ni Guy. Nagkasakit ng Syphilis si Guy de Maupassant, tumagal at lalong lumala ang
kanyang sakit. Naapektohan ang paggana ng kanyang utak dahil sa kanyang sakit. Dahil dito, si Guy ay parating
binabangungut. Sinasabing ang kanyang sakit ay nakaimpluwensysa sa kanyang mga akda,kabilang na ang
maikling kuwento ng “Ang Munting Bariles”. Ang mga akda ni Guy de Maupassant ay may malalim na
kahulugan,sapagkat dahil sa kanyang kalagayan ay kakaiba ang kanyang mga nabubuong akda.

Sa pagbabasa ng kuwento, malalaman na ang suliranin sa kuwento ang mas nagpapatibay sa akda. Umiikot
ang kuwento sa isang matalino at tusong negosyante na si Jules Chicot na may katangian na maiihalintulad sa
isag tuso at makasariling lipunan.Si nanay Magloire naman ay maiihalintulad sa mga tao ngayon na madali lang
maakit at malinlang sa mga bagay na hindi naman makabuluhan. Makikita ang labis na pag-aasam ni Chicot sa
lupain ni nanay Magloire at angpagbabago ng matanda na nagsimula ng mahumaling sa alak. Sa kagustuhan ni
Chicot na maangkin ang lupain ng matanda,talaga nga namang naghanap siya ng paraan upang maangkin ang
lupain na matagal a niyang inaasam-asam. Sinimulan niyang padalhan ang matanda ng munting bariles ng alak
na sa huli ay naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Sa kabuuhan ng kuwento ay maayos at maganda daloy nito. Akma ang mga katangian sa daloy ng kuwento.
Naiparating ni Guy de Maupassant ang layunin ng mga tauhan sa kuwento at nagbibigay aral ito. Wala ng
dapat baguhin o idagdag pa sa akda.

Konklusyon:

Sa aking pananaw, ang akdang “Munting Bariles” ay sumesentro sa dalawang bagay: ang masamang dulot ng
bisyo sa’tin at ang pagiging hangal at makasarili. Alam naman natin na matanda na nang matuto si Magloire na
uminom. Ito’y nangangahulugan na walang kinikilalang edad ang bisyo at ito’y nagdudulot ng mga negatibong
epekto, mapabata man o matanda. Kaya naman ito ang isa sa mga naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Hindi lang ang pag-inom ng alak ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw dahil ang nagtulak sa kanya na
malulong sa bisyong ito ay ang kanyang pagkahangal at pagkamadamot sa pera. Nasilaw siya sa alok ni Jules
Chicot na siya ay bibigyan ng pera araw-araw at kapag naipon niya, ay napakalaking halaga. Sa huli, ang plano
ni Jules Chicot ang nanaig ngunit nagpatunay lamang ito na siya ay makasarili at gagawin ang lahat para lang
makuha niya ang kanyang kagustuhan kahit ito’y nakakasama na. Sa kabuoan, ang kuwentong ito ay may
maraming kapupulutang aral na maari nating magamit sa ating buhay. Ang mga aral na ito ay, dapat na iwasan
natin ang bisyo lalong-lalo na ang pag-iinom ng alak at dapat na makalawang isipin ang bawat desisyon na ating
gagawin sa ating buhay. Isa pa ay dapat na hindi tayo basta-basta na magtiwala sa ating mga kaibigan sapagkat
hindi natin alam ang kanilang tunay na pakay sa atin.

Inihanda nina:

Jude Pool Generalao- Pagpapakilala sa akda

Aprille Joyce Gasco – nilalaman

Paul Vincent Reyes- konklusyon

You might also like