You are on page 1of 19

MAGANDANG

UMAGA, GRADE
10
Dumating na ba sa punto ng iyong buhay
ang maanyayahan sa isang pagtitipon? Ito
ba ay pagtitipon ng mga maykaya o
kabilang sa mga may matataas na estado
ng pamumuhay?
Namroblema ka na ba ng kung ano ang
isusuot sa isang pagtitipon at inisip na
nararapat lamang na ikaw ay
magmukhang kaaya-aya at siyang
hahangaan ng lahat?
Nasubukan mo na bang manghiram o
di kaya’y mangutang para lang
matustusan ang pangangailangan sa
isang pagtitipon?
Atinnang tuklasin ang isang
kuwentong naglalahad sa
karanasan ng isang ginang na
maihahalintulad sa mga
katanungang nabanggit.
 Matatandaang ang maikling kuwento ay isang kathang
pampanitikan na ang layunin ay maglahad o magsalaysay ng
isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Bukod sa pagiging maikli ay may iba’t
ibang elemento rin ang maikling kuwento tulad ng tagpuan,
tauhan, banghay, tunggalian, kasukdulan at wakas. Isang
natatanging katangian ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng
kakintalan sa mambabasa.
 Si Guy de Maupassant (1850-1893) ang may-akda ng babasahin nating maikling
kuwento ngayon na pinamagatang “Ang Kuwintas.” Siya ay isang tanyag na
manunulat mula sa Pransya na itinuturing na magulang ng mga modernong
maikling kuwento at kilala sa paggamit ng estratehiyang realismo sa kaniyang
mga akda. Layunin niyang iparating sa mga mambabasa na ang taong hindi
marunong makuntento sa buhay ay hindi magiging maligayang tunay at ang
pagiging maluho ay maaaring magdala sa atin sa ating sariling kapahamakan.
Ang akdang ito ay sumasalamin sa kultura at katangian ng mga Pranses na
nagpapakita ng kanilang kahiligan sa mararangyang kagamitan at pamumuhay.
Ang kuwentong ito ay nagpapaalala rin sa pagkakaiba-iba ng estado ng
pamumuhay at nag-iiwan ng aral at ng katanungang pang magsisilbing
repleksiyon sa kaugalian ng mambabasa na hindi gumagamit ng mga bagay o
pangyayaring kathang isip sa kuwento.
GAWAIN

SIMULA
SAGLIT NA KASIGLAHAN
SULIRANIN
KASUKDULAN
KAKALASAN
WAKAS

You might also like