You are on page 1of 6

Ang Munting Prinsipe

Ken Drake E. Santos 6-Edsa CN:32


I.Aklat: Ang Munting Prinsipe
II.May akda: Antoine de Saint-Exupery
A.Tungkol sa may akda:Si Antoine Jean-Baptiste Marie Roger de
Saint-Exupery ay isang pilotong Pranses.Bukod sa kanyang pagiging
piloto,bantog din siya at pinagpipitaganang manunulat.Ang
pinakakilalang akda niya ay ang Le Petit Prince o Ang Munting Prinsipe
na hanggang ngayon ay nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.Siya ay
isang magaling na manunulat at kilalang komersyal na piloto sa
Pangalawang Digmaang Pandaigdigan.Ipinanganak siya sa Lyon,France
noong Hunyo 29,1900 at namatay noong Hulyo 31,1944.
III.Tagpuan:
A.Pook: Disyerto ng Sahara
B.Panahon: Noong masira ang makina ng eroplano at ito ay bumagsak.
IV.Mga Tauhan:
A.Pangunahing Tauhan:
B.Iba pang tauhan:
Munting Prinsipe-may mabuting puso,may pag-unawa sa ibang tao.Higit
na mababa ang tingin nya sa kanyang sarili kaysa sa iba.Siya ay
mapagkumbaba.
Piloto-mabait,matulungin,may sariling talino pero walang tiwala sa
sarili.Magaling magguhit pero hinihingi ang opinyon ng iba kaya di nya
itinuloy ang pagguhit.Pinasok ang responsibilidad ng pagiging isang
piloto at napadpad sa isang disyerto na malayong malayo.
Ang Tagasindi ng Ilaw-nakatira sa isang asteroid kung saan sapat lang
ang lugar para sa ilaw at tagasindi.Noon,inatasan siya na maging
tagasindi ng ilaw sa gabi,at taga-patay sa umaga.sa paglipas ng
panahon,bumilis ang ikot ng planeta,hanggang naging patay-sindi ang
ilaw kada minuto,walang pahinga.ganoon na lang ang dedikasyon ng
tagasindi sa kanyang trabaho kaya hinangaan sya ng munting prinsipe.
Ang Lasenggo-tahimik na umiinom para makalimot sa kanyang
ikinahihiyang pag-inom.Bumigat ang loob ng munting prinsipe sa
kanyang pagbisita sa lasenggo.
V.Buod:
Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor.Subalit ay
napalitan ito ng isang pangarap sa dahilan na pinatigil syang gumuhit at
pinagsabihang pagtuonan na lamang ng pansin ang
Heograpiya,Matematika,Kasaysayan,at Wika.
Siya ay naging isang piloto ng sasakyang panghimpapawid.Nasira ang
makina ng eroplano na kanyang sinasakyan kaya ito ay bumagsak sa
isang disyerto sa Sahara.Sa kanyang pag-aayos sa nasirang
makina,may nakita syang isang bata na nakasuot nang damit na
pang-prinsipe.Isang bata na naligaw sa disyerto ng Sahara.Marami itong
naikwento tungkol sa kanyang buhay/pamumuhay.Kung saan ito
nakatira,na maliit lamang ang kanyang planeta na tinitirhan at marami
pang iba.Kwinento din nito ang mga taong nakilala nya papunta.Naging
magkaibigan sila at naging malungkot nang kailangan na nila mapaalam
sa isa’t isa,umalis na ang prinsipe at ang piloto.Hinarap na nila ang
kanilang sariling buhay.
VI.Tema:
Ang lahat ng bagay ay may pakinabang,pwedeng ang bagay na ito ay
isang problema.Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng isang problema na hindi
natin makakayang malampasan.
VII.Pagsusuri sa Piling Tauhan
Tauhan sa nobela:Munting Prinsipe Totoong kakilala:Ama

Munting Prinsipe Ama


Pagkakaiba: Pagkakatulad: Pagkakaiba:
nakatira sa ibang planeta mabait nakatira sa Earth/lupa
walang pamilya matulungin may pamilya na inaaruga
walang trabaho masipag may trabaho

VIII.Ebalwasyon:
Ang aklat o istorya na ito ay irerekomenda ko dahil maraming aral ang
matututunan ng mga bata at ang mga mambabasa.Maganda ang estilo
na ginamit ng akda para maipresesenta ng maayos at para magustuhan
ito ng mga mambabasa.

You might also like