You are on page 1of 25

ANG MUNTING PRINSIPE

(LE PETIT PRINCE)

(ISANG NOBELANG
PRANSES)

ARALIN 3
PAGKILALA
SA MAY-
AKDA
ANTOINE DE-SAINT EXUPERY

Ipinanganak sa Lyon, France noong ika-19


ng Hunyo, 1900.
Nakapagtapos ng pag-aaral sa Saint-Croix-
du- Mans at sumubok sumali sa Navy sa
Switzerland.
Hinirang bilang pambansang bayani ng
Pransya.
Naging isang piloto kasabay ng kanyang hilig
sa pagsulat.
IMPORMASY
ON SA AKDA
ANG MUNTING PRINSIPE
(LE PETIT PRINCE)
Ang pinakatanyag na isinulat ni
Antoine de-Saint Exupery.
Kuwento ng isang pilotong
bumagsak sa disyerto kung saan
makikilala niya ang munting prinsipe
mula sa ibang planeta.
ANG MUNTING PRINSIPE
(LE PETIT PRINCE)

Ang nobelang Pranses na Le Petit


Prince salin sa Filipino na “Ang
Munting Prinsipe,” ay isang obra
maestra ng manunulat at pilotong si
Antoine de Saint-Exupery.
ANG MUNTING PRINSIPE
(LE PETIT PRINCE)

Sinasabing ang naging inspirasyon ni de


Saint-Exupery sa pagkakaroon ng isang
pilotong tagapagsalaysay sa tabi ng
kanyang bumagsak na eroplano sa
nobelang ito ay ang kanyang sariling
karanasan nang bumagsak ang eroplanong
sinakyan nila ng kanyang co-pilot na si
Andre Prevot.
Kalahok sila noon sa pabilisan ng
pagpapalipad ng eroplano mula Paris
papuntang Saigon, isang karerang
tinatawag na RAID nang bumagsak
ang kanilang eroplano sa disyerto ng
Sahara.
 Himalang nakaligtas sina de Saint-Exupery at
Prevot subalit matinding gutom at uhaw
naman ang naging kalaban nila. Kung hindi
sila natagpuan at tinulungan ng mga
Bedouino o mga taong pagala-gala sa disyerto
sakay ng mga kamelyo 3 araw pagkatapos
nilang bumagsak, malamang ay patay na sila
sa labis na gutom at uhaw.
 Gayunpaman, pagkatapos niyang maisulat
ang nobela ay ipinapalagay na namatay pa rin
siya habang nagpapalipad ng kanyang
eroplano noong panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig kung saan hindi na
matagpuan ang kanyang labi sa halip, mga
bahagi na lang ng kanyang kasuotan at ng
eroplanong pinapalipad niya.
 Sinasabing ang Munting Prinsipe ay
isang aklat pambatang isinulat para sa
matatanda.
 Makikita ito sa maraming pagkakataong
ipinamukha ng akda ang kahungkagan o
masasabing kahangalan ng mga
nakatatanda.
 Tulad ng laging sinasabi ng munting
prinsipe, hindi niya nauunawaan ang
mga nakatatanda, hindi rin tiyak na
mauunawaan ng isang bata ang pag-
aabala ng matatanda sa mga bagay na sa
mata ng isang bata ay wala namang
katuturan.
MGA TAUHAN
 Ang Munting Prinsipe- mula sa Planetang
325
 Piloto- ang tagapagsalayasay, nasiraan ng
eroplano sa gitna ng disyerto ng Sahara, at
naging kaibigan ng prinsipe.
 Alamid (Fox)- inalaagan ng prinsipe at
naging kaibigan.
 Rosas- ang pinakamahalaga at mahal ng
prinsipe.
BALANGKAS
NG AKDA
ANG MUNTING
PRINSIPE

1. Pagkakaaksidente ng tagapagsalaysay
(piloto) sa disyerto.
2. Pagkakakilala niya sa munting prinsipe.
3. Nagpaguhit ang munting prinsipe ng
larawan ng tupa.
4. Pagkuwento ng munting prinsipe sa
kanyang buhay.
ANG MUNTING
PRINSIPE
5. Paglalakbay ng munting
prinsipe.
6. Pagdating ng munting
prinsipe sa daigdig.
7. Pagpapaalam ng munting
prinsipe.
8. Pagtatapos ng kuwento.
BUOD NG
AKDA
Ito ay tungkol sa isang batang
prinsipe na naninirahan sa isang
napakaliit na planeta kasama
ang tatlong bulkan, mga
umuusbong na baobab, at isang
bulaklak.
Siya ay naglakbay sa iba’t ibang asteroid,
kung saan nakilala niya ang hari na wala
namang pinaghaharian, ang hambog na
wala naman talagang tumitingala, isang
lasenggero, isang negosyante, isang taga-
sindi ng ilaw, at isang heograpo, hanggang
mapadpad siya sa Lupa, ang planetang
pinaninirahan ng hindi mabilang na hari,
hambog, lasenggo, negosyante, at heograpo.

You might also like