You are on page 1of 16

Filipino 323 – Filipino Epics

(Epikong Pilipino)
DARANGAN
LAYUNIN SA PAGKATUTO

Pagkatapos nito, inaasahang:

 Makikilalaang natatanging kakanyahan ng epiko


mula sa Mindanao at magkakaroon ng malalim na
pag-unawa rito.

 Masusuriang paraan ng pagkabuo ng epiko at


malalantad sa tradisyon,kaugalian at paniniwala
ng mga tao sa panahong kinabibilangan ng akda.

 Napahahalagahan ang iba’t ibang aspeto ng buhay-


personal, moral, sosyal na lantad sa epiko na
kapupulutan ng aral sa buhay.
BUOD
Mayroong isang hari sa malayong kaharian sa
Mindanao ang may dalawang anak na lalaki.
Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang
nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang
edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng
magagandang katangian na higit sa kanyang
nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali.
Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang
ama na si prinsipe Bantugan ay napakatalino.
Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng
espada at palaso. Taglay niya ang lakas na
kayang makipaglaban sa tatlo o limang katao
sa mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging
isang magaling na sundalo ay nang makita
siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang
malaking buwaya na nakapatay sa ilang
taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga
taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos
ng pagtutuos.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa
kanyang kabinataan, siya ay naging
pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi
niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa
labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa
kalabang kaharian.
Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng
lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na
kaharian. Hindi nagtagal ay wala ng kaharian
na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan
at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil sa
natamo nilang respeto at pagkilala ng mga
kalapit na kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang
nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali
ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng
protesta ang mga nasa ranggo. Nais nila na si
Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari.
Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay
nagsasabi na si prinsipe Bantugan ang mas
karapat-dapat maging hari sa dalawang
prinsipe.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan.
Alam niya na ang kanyang kapatid ang
karapat-dapat na tagapagmana ng trono
dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa
kanilang dalawa. Siya mismo ang
nagpatunay para sa kanyang kapatid.
Tumango na lamang ang mga ministro at
mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak
sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe
Madali. Sapagkat si prinsipe Bantugan ay
hindi lamang matapang, siya rin ay
napakakisig. Kahit ang mga babaeng gusto
ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay
sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at
inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
“ Hindi ko gusto na kahit sino ang makipag-
usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan.
Sino man ang makita na nakikipag-usap sa
kanya ay parurusahan ng malubha”.
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng
kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na
parang mayroong nakahahawang sakit. Lahat
ay lumayo sa kanya, kahit ang mga
kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang
minahal. Walang gustong kumausap sa kanya
sa takot na baka makulong at maparusahan ng
hari.
Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito,
nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian
at manirahan sa malayong lugar kung saan siya
nanirahan ng habambuhay.
 ito ay may 25 kabanata at nasusulat ito sa
wikang Maranaw

 mga pasalaysay na patula hinggil sa


kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga
gawaing kahanga-hanga at di sukat
mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan ng
mga mandirigmang Muslim

 Ang Darangan ay hindi iisang epiko. Ito ay


kalipunan ng mga kuwento ng kabayanihan.
Ang lalong popular sa lahat ay ang Bantugan.

 kinilala ng Unesco bilang Masterpiece of the


Oral Intangible Heritage of Humanity
PAGSUSURI
Ang mga tauhan sa epiko na Darangan ay ang
mga sumusunod:
 si Prinsipe Bantugan

 si King Madali

 si Miskoyaw

 si Prinsesa Datimbangan

 ang ibong parrot
 Si Bantugan ay isang prinsipe na tanyag sa kanyang
angking lakas at tapang. Walang sinuman ang
nangangahas na lumaban sa kanya.
 
 Si Haring Madali ay may nararamdamang inggit sa
kanyang kapatid. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga
taong kanyang pinamumunuan ang kausapin si
Bantugan.

 Si Maskoyaw ang mahigpit na kalaban ni Prinsipe


Bantugan. Siya ay sumalakay sa kaharian ng malaman
na namatay ang prinsipe.

 Si Datimbang ang prinsesang nakahanap at nagbalik


kay Bantugan sa Bumbaran.

 At ang parrot ang nagsilbing mensahero sa epiko.


Ang darangan o darangen ay salitang
Maranaw at pangkalahatang tawag sa
kanilang pag-awit. Ngunit naging
pamagat itong Darangan sa
napakahabang epikong-bayan ng mga
Maranaw.
Ang guro at misyonerong si Frank
Laubach ang unang nakapagtala at
nakapaglathala ng Darangan noong
1930. Nakuha niya ang epikong-bayan
habang nakasakay sa barko kasama
 ang may 35 Maranaw.
Habang nagbibiyahe, kinanta ng mga
kasama niya ang Darangan maghapon araw.
Nang dumaong ang sinasakyang barko,
naghanap si Fr. Laubach ng mga taong may
kakayahang kantahin ito.
Ayon sa mismong tala niya, inaabot nang
halos 11 oras ang pagkanta nito. Kalahati
lamang ang naisalin niya sa Ingles. Si
Bantugan (o Bantogen), kapatid ng hari ng
Bembaran (o Bumabaran), ang pangunahing
tauhan ng Darangan. Hinahangaan siya sa
tapang at lakas. Sa isang bahagi ng epikong-
bayan, hinarap niyang mag-isa ang isang
hukbong lumulusob sa kaharian habang
nakasakay sa kaniyang mahiwagang kalasag.
Sa kasalukuyan, may 17 bahagi ng
Darangan ang nasaliksik na at nailathala.
Ilan sa mga naidokumentong episodyo ang
Ang Unang Pinuno: Diwata Ndaw Gibon ng
Illiyan a Bembaran, Ang Kuwento ni
Madali, Paano Namatay si Bantogen sa
Ilalim ng Bundok sa Tabing-Dagat, Paano
Bumalik si Bantogen mula Langit, at Ang
Labanan sa Bagombayan.
SALAMAT
LEVI N. PAGUNTALAN
MED FILIPINO

You might also like