You are on page 1of 6

MODYUL 21: PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING/ EDITORYAL

Isang gawaing pasulat na naman ang iyong matututuhan sa modyul na ito. Kung sa
nakaraang modyul ay natutuhan mo ang paraan ng pagsulat ng balita, sa modyul na ito ay
mapag-aaralan mo ang pagsulat ng editoryal. Itinatanong mo kung paano nagkakaiba ang
pagsulat ng balita sa pagsulat ng editoryal?
Malaki ang pagkakaiba, kaibigan. Magkaiba ang uri ng balita at editoryal. Magkaiba rin
ang paraan ng pagsulat ng mga ito. Nasasabik ka nang malaman kung anu-anong pagkakaiba ang
tinutukoy ko, ano? Kaya dapat mong basahin at pag-aralan ang kabuuan ng modyul na ito.

Inaasahang Pagkatuto
Sa katapusan ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng editoryal

2. Nakakasulat ng sariling editoryal higgil sa napapanahong isyu.
Inilaang oras : Isang oras

MAGSANAY TAYO!!!
I.Pagtatapat-tapat
Subukin mong hanapin ang angkop na pangalan ng mga bahagi ng editoryal sa HANAY
A at iugnay mo sa HANAY B gamit ang palaso.

1. nameplate

polyo
2.

pitak
3.

4.
masthead

5.
kartun

Sanggunian: www.ateneo.edu.ph
tS
d
k
io
 H
y
b
w
p
s
h
lti
u
g
n
a
m
M
B
T
I.G
r,
II. ISIPIN NATIN:

Panuto: Basahin ng tahimik at unawain.

4
5
EDITORYAL
Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng
isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan
kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang
magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa
natatanging araw.

1 .6
3 2
Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang
isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-
linaw sa kahuluguhan ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang editoryal sa layuning magkaroon ng
pagbabago para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang pagtuligsa ay hindi kailangan
makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuri ang editoryal kung may dapat pahalagahan. May
mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang
opinyon.
(Ceciliano, Cruz 2003, Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo)

.
PARAAN NG PAGSULAT NG EDITORYAL
III. Magsanay Tayo:

A.Basahin ang editoryal. Kilalanin ang mga bahagi nito. Gamit ang organizer isulat panimula,
katawan at wakas ng editorial.
Makibahagi Tayo sa Solusyon

1
Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang malagpasan
natin ang krisis sa pananalapi na bumabalot sa atin.
2.
Kailangan ang solusyon para tayo makaahon. Kailangan ng mga kongkretong
hakbang kung gusto nating makaalpas sa krisis na ito. At ang mga solusyon at hakbang ay
mangangailangan ng partisipasyon ng lahat. Hindi lang sa gobyerno, Hindi lang ng mga
negosyante. Hindi lang malalaking kumpanya.
3.
Konting bawas lang sa konsumo ng kuryente at gas. Kaunting pagtitipid lang sa pang-
araw-araw na gastos. Pansamantalang suspensyon lang ng mga luho sa katawan. Ang bawat
kaliit-liitang higpit ng sinturon na ating gagawin ay isang malaking kontribusyon sa kalutasan ng
problema. At sa totoo lang, tulong na rin natin ito sa ating sarili.
4
Iyan lamang naman ang kailangan nating solusyon, iyong pwedeng gawin. At lahat ng
paraan ay gagawin natin nang sama-sama.
P
a
K
W
im
n
w
t
s
k
lu
SUBUKAN NATIN !!!
B. Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Iguhit ang
nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro at iguhit naman ang .
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
sa patlang na
kung nag pahayag ay totoo.

_____ 1. Walang dapat gawin ngayon ang mga government prosecutors kund
ituluy-tuloy ang pag-iimbestiga buhat sa impormasyong ibinigay sa America.
_____ 2. Ayon sa impormante, hindi raw sakahan ang 35 hektarya ng mag-asawa

____ 5.
kundi coconut plantation sa Atimonan, Quezon.
_____ 3. Ang Filipino Gifted Child ay isang mahalagang yaman na dapat pag ingatan at
pagyamanin.

_____ 4. Umaasa ang mga lider sa Kamara na ang dalawang oras ng pagkikita
Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at US President George W. Bush ay
magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa Pilipinas.

Hinimok ni Senador Richard Gordon ang mga nasa oposisyon na

makipag kapit-bisig sa administrasyon sa pagresolba ng maraming
problemang kinakaharap ng bansa

. HULI NA TO :
nina
Gamit ang semantic map dagdagan ng pantulong na kaisipan ang pangunahing kaisipan na nasa
gitna na bilog.

Susulat tayo!!!

Mula sa mga detalye sa semantic map sumulat ng isang napapanahong editorial.

_______________________________________________________________________

You might also like