Professional Documents
Culture Documents
Filipino 8
LAS 1
Mga Anyo ng Kontemporaneong
Panitikan
Pahayagan
Tabloid
Mga Antas ng Wika
II. Layunin:
Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
Paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita,
pagbuo ng pangungusap at pagbuo ng talata (F8PB-IIIa-c-29)
III. Pagpapakilala ng Aralin:
Ang PAHAYAGAN o tinatawag ding peryodiko ay isang uri ng
paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Ito
ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes at kadalasang
inililimbag araw-araw.
Halimbawa: The Manila Times, The Daily Inquirer, Philippine Star,
Ang Filipino Ngayon atbp.
Ang TABLOID ay isang uri ng pahayagan na mas maliit ang sukat ng
pahina kaysa sa broadsheet. Ito ay tinuturing na dyaryong pang-
masa dahil ito ay nakalathala sa Tagalog. Mas mura rin ito at abot
kaya ang halaga kumpara sa broadsheet. Ang binibigyang diin ng
tabloid ay mga kwento, istorya, kolumn, o impormasyon na tungkol
sa karahasan.
Halimbawa: Remate, Bulgar, Bandera, Abante atbp.
IV. MGA GAWAIN:
A. Panimulang Pagtataya (Unang Gawain)
Isulat ang wastong sagot sa sumusunod na bilang.
_______1. Sa pahinang it mababasa ang pinakamainit na balita.
_______2. Ito ang seksiyon kung saan mababasa ang paninindigan
ng pahayagan sa isang mainit at napapanahong isyu.
_______3. Ito naman ang seksiyon kung saan mababasa ang
paglalarawan sa isang tao, lugar o samahan na
maaaring
magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.
_______4. Sa seksiyong ito mababasa ang mga balita tungkol sa
mga
hinahangaang tao.
_______5. Ito ang pahinang paborito ng mga kalalakihan sapag
dito
mababasa ang mga balita hinggil sa kanilang mga
paboritong laro.
B. Pagtalakay sa Aralin (Ikalawang Gawain)
Ang pahayagan at tabloid ay nahahati sa iba’t ibang bahagi.
Magkakaiba rin ang paraan ng kanilang paglalahad ng
impormasyon. Bagamat ito ay isang pahayagan o tabloid ay
nagkakaiba-iba rin ang tono, pananaw, gamit ng salita at pagbuo
ng mga pangungusap. Ang seksiyon ng editoryal ang
pinakamaingat na bahagi ng pagpapahayag sapagkat ito ay
nangangailangan ng isang kritikong pag-aanalisa at pagninilay
bago tuluyang isulat. Ito ay kailangang maging obhektibo ang
pagtalakay. Samantalang sa seksiyon ng lathalain ay magaan
lamang ang pagtalakay at ay nagbibigay inspirasyon sa mga
mambabasa, sa bahagi naman ng entertainment o libangan ang
pahinang nagbibigay aliw sa mga mambabasa.
Sa paglalahad ng mga impormasyon sa pahayagan pormal
ang wikang ginagamit kadalasang Wikang Pambansa ang
ginagamit. Maingat ang paglalahad ng mga manunulat
samantalang sa tabloid ay di-pormal ang gamit ng mga salita.
Maaaring gamitin ang iba’t ibang antas ng wika katulad ng balbal,
kolokyal at jargon depende sa isinasaad ng sitwasyon. Ang
manunulat ay tila ba nasa himig nakikipag-usap lamang sa
kanyang mga mambabasa.
C. Pagsasanay (Ikatlong Gawain)
Suriin ang mga sumusunod at tukuyin kung anong uri ng
pagpapahayag ang isinasaad. Piliin ang sagot mula sa mga salita
sa loob ng kahon.
Balitang Isports, Pangunahing Balita, Libangan, Editoyal,
Lathalain
VI. Pagninilay:
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng print media sa lipunan,
sumulpot man ang mga elektronikong komunikasyon, mananatiling
may espasyo ang mga pahayagan at tabloid sa lipunang Pilipino.
VII. Sanggunian:
1. Panitikang Pilipino 8-Filipino Modyul para sa Mag-aaral
Dep-Ed Bureau of Secondary Educatio
Curriculum Division
2. Google.com/ Search
a. Wikepedia
Susi sa Pagwawasto
Unang Pagtataya:
1.Front Page
2.Editorial Page
3.Feature Page/Life Style
4. Entertainment
5. Sports Page
Pagsasanay:
1.Pangunahing Balita
2. Balitang Isports
3.Libangan
4.Editoryal
5. Lathalain
Pagtataya:
1.A
2.D
3.E
4.C
5.B