You are on page 1of 49

MTB/MLE-3

PAGSULAT NG
REAKSYON AT OPINYON
TUNGKOL SA BALITA AT
MGA ISYU
Pagmasdan ang larawan..

Tanong:
1. Ano ang iyong
sariling opinyon at
reaksyon tungkol sa
larawan.?
Add a little bit of body text
TUKLASIN..
Lito: Marina, nabasa mo na ba ang balita tungkol sa
programa ng ating lungsod para sa ating mga mag-aaral?
Marina: Ah, iyon ba ang Balik Eskwela Program?
Lito: Oo, iyon nga. Natutuwa ako dahil ayon sa balita
8,358 na mga tulad nating mag-aaral sa elementarya ang
nabahaginan ng kumpletong
TUKLASIN..
gamit pang-eskwela dahil sa taunang Balik-Eskwela
Program.
Marina: Tama ka, sa aking palagay maraming tulad nating
kapos sa pambili ng mga kagamitan ang natutulungan ng
programa ng ating lungsod. Lito: Sang-ayon ako sa iyong
sinabi. Paspas talaga ang serbisyong pang-edukasyon sa
ating lungsod
TUKLASIN..
Marina: Kaya dapat huwag nating sayangin ang tulong na
ito. Dapat tayong mag-aral nang mabuti.
TANONG..
1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang mag-
aaral?
2. Ilan ang mag-aaral na natulungan ng programa? 3. Ano
ang layunin ng Balik-Eskwela Program? 4. Bakit natutuwa
ang dalawang bata sa progroma? 5. Paano nagbigay ng
kanilang opinyon ang mga bata tungkol sa nabasa nilang
balita?
TALAKAYIN NATIN!
Natutuwa ako dahil ayon sa balita 8,358 na mga tulad
nating mag-aaral sa elementarya ang nabahaginan ng
kumpletong gamit pang-eskwela dahil sa taunang Balik-
Eskwela Program.
• Ang reaksyong ito ni Lito ay nagpapahayag ng
damdamin hinggil sa isang balita o isyu. Ito ay ang
pagbibigay REAKSYON..
TALAKAYIN NATIN!
Tama ka, sa aking palagay maraming tulad nating kapos sa
pambili ng mga kagamitan ang natutulungan ng programa
ng ating lungsod.
• At ito naman ang pagpapahayag ng pansariling
saloobin ni Marina hinggil sa isyu batay sa paniniwala
ng isang tao.. Ito ay ang pagbibigay ng OPINYON.
SUBUKIN MO!
Panuto: Tukuyin kung reaksyon o opinyon ang sumusunod
na pahayag.
1. Sa aking palagay, mas makabubuti kung lilikas ang mga
taong nakatira malapit sa dagat.
2. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko ang sopas kaysa
sa pansit.
SUBUKIN MO!
3. Galit si Aling Minda sa mga kabataang lumalabag sa
batas.
4. Sang-ayon ako sa ordinansa na bawal lumabas ang mga
bata dahil may COVID-19 pa.
5. Namangha siya sa ganda ng Valenzuela People’s Park.
TANDAAN! KUMPLETUHIN
MO
Ang pagbibigay ng ___ ay ayon sa pansariling isipan,
damdamin at karanasan ng isang tao.

Ang pagbibigay ng ___ ay pagpapahayag naman ng


pansariling saloobin hinggil sa balita o isyu batay sa
paniniwala ng isang tao.
TAYAHIN..
1. Ang lungsod ng Valenzuela umani ng mga parangal. Ano
ang iyong reaksyon tungkol sa balitang ito?
A. nababahala C. natatakot
B. nalulungkot D. natutuwa
___2. Nagkalat ang mga basura sa daan matapos ang
palatuntunan. Ano ang iyong damdamin tungkol dito?
A. nababahala C. natutuwa
B. nalulungkot D. nagtataka _
TAYAHIN..
___3. Isang residente ang nagwala matapos pagbawalang
mamasyal sa parke dahil siya ay lasing.
A. naiinis C. nasasabik
B. nagtataka D. natutuwa
__4. Isulat ang iyong pansariling opinyon tungkol sa isyu o
sitwasyon. Kailangang bigyan ng oras ang mga bata na
makapaglaro at makapagpahinga. _
TAYAHIN..
___5. Naipamalas ng isang lalaki ang kanyang
kabayanihan sa pagligtas ng isang matandang babae na hindi
makalabas ng bahay dahil sa baha. Ano ang iyong saloobin
tungkol dito?___________________________
WASTONG SAGOT..
1. D
2. A
3. A
4. MAGKAKAIBA NG SAGOT
5.MAGKAKAIBA NG SAGOT
MTB/MLE-3

PAGSULAT NG
REAKSYON AT OPINYON
TUNGKOL SA BALITA AT
MGA ISYU
MAGBIGAY NG
SARILING OPINYON
TUNGKOL SA LARAWAN
__________
TANDAAN!
Ang pagbibigay ng reaksyon ay ayon sa pansariling isipan,
damdamin at karanasan ng isang tao.

Ang pagbibigay ng opinyon ay pagpapahayag naman ng


pansariling saloobin hinggil sa balita o isyu batay sa
paniniwala ng isang tao.
TAYAHIN!
Piliin ang angkop na reaksyon sa sa loob ng kahon. Isulat
ang letra ng tamang sagot
1. May paparating na malakas na bagyo.
2. Bigla kang inabutan ng pagkain ng taong hindi mo kilala.

A. MAGTATAKA
B. MATATAKOT
TAYAHIN!
3. Marami ang nawalan ng bahay dahil sa sunog.
4. Nabalitaan mong darating ang pinsan mong matagal ng di
mo nakikita.
5. Napanood mo sa telebisyon na nanalo sa patimpalak ang
paborito ng mang- aawit.
C. MAAAWA
D. MATUTUWA
E. MASASABIK
WASTONG SAGOT!
1. B
2. A
3. C
4. E
5. D
MTB/MLE-3

BAHAGI NG PAHAYAGAN
Ayusin ang ginulong titik upang mabuo ang salita

AGAYAPAH NA
Ayusin ang ginulong titik upang mabuo ang salita

AGAYAPAH NA

PAHAYAGAN
PAGMASDAN ANG LARAWAN
Tanong:
1. Ano kaya ang ipinapakita ng
bata? Alam mo ba kung ano ito?
2. Mahilig ka bang magbasa ng
dyaryo o pahayagan?
Panuto: Punan ang mga patlang ng wastong letra upang
mabuo ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan.

1. B _ l _ t _ ng i_p_rt_
2. O _ i t _ _ r _ o
3. L _ b _ _ g _ n
4. _ d _ _ o _ y_ l
5. B _ l_ t _ _ g P _ n _ k a _ u _ _ y _ n
TALAKAYIN NATIN...
• ANO ANG PAHAYAGAN O DYARYO?

- ITO AY NAGLALAMAN NG BALITA,


IMPORMASYON AT PATALASTAS KADALASAN
ITONG INILALATHALA NG ARAW-ARAW O
LINGGUHAN.
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:
• makikita rito ang headline o
pinakaulo ng mga balita. Naririto rin
ang iba pang mahahalagang mga
balita na ang karugtong ay makikita
sa ikalawang pahina. Kung minsan
nasa huling pahina ang karugtong

1. PAMUKHANG
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:
• mababasa rito ang kuro-kuro ng
publisher o tagalathala tungkol sa
mainit na isyu. Kasama rin sa
pahinang editoryal ang mga liham sa
patnugot at mga pitak ng mga
kolumnista.

2. EDITORYAL
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:

• mababasa rito ang mga balita mula


sa mga lalawigan ng ating bansa o
baltang lokal

3. BALITANG
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:

• mababasa sa pahinang ito ang mga


balitang nagaganap sa iba't-ibang
bahagi ng mundo.

4. BALITANG PANDAIGDIG
SUBUKIN MO..
TAMA o MALI?
1. Mababasa sa pahayagan ang mga balita, patalastas at
anunsyo.
2. Mababasa sa editoryal ang mga balita mula sa mga
lalawigan.
3. Sa pamukhang pahina makikita ang headline o
pinakaulo ng balita.
SUBUKIN MO..
TAMA o MALI?
4. Balitang isports ang babasahin tungkol sa kuro-kuro ng
publisher.

5. Mababasa sa balitang pandaigdig ang mga balitang


nagaganap sa iba't ibang bahagi ng mundo.
TANDAAN..
Tunay na napakahalaga ang pagbasa at
matukoy ang iba't-ibang bahagi ng
pahayagan dahil nakatutulong ito na
mapagaan ang takbo ng buhay.
TAYAHIN: PAGTAMBALIN ANG
LARAWAN SA BAHAGI NITO. PILIIN SA
KAHON ANG SAGOT

1 2. 3 4.
.
A. EDITORYAL B. BALITANG PANLALAWIGAN
C.PAMUKHANG PAHINA D. BALITANG
PANDAIGDIG
MGA SAGOT:

1B
.2. D
3. C
4. A
MTB/MLE-3

BAHAGI NG PAHAYAGAN

Day 4
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:

• naglalaman ito ng mga


balitang pampalakasan tulad
ng basketball, boxing at iba
pa.

5. BALITANG ISPORTS
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:
• makikita rito ang mga
anunsyo para sa iba't-ibang
uri ng hanapbuhay,
bahay,lupa, sasakyan at iba
pang kagamitang ipinagbibili.

6. ANUNSYO/KLASIPIKADO
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:
• Ang pahinang ito ay para sa
mga taong namatay na.
Nakasaad dito kung saan
nakaburol at kung kailan
ililibing ang namatay.

7. OBITWARYO
MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN:
• Ito ang pahina ng mga balita
tungkol sa artista, pelikula,
telebisyon, at iba pang sining.
Naririto rin ang mga
krosword, komiks at
horoscope.

8. LIBANGAN
TAYAHIN: Hanapin sa loob ng
KROSWORD puzzle ang mga
bahagi ng pahayagan at bilugan ito.

1. Anunsyo 5.Isports
2. Obitwaryo
3. Isports
4. Libangan
TAYAHIN: Hanapin sa loob ng
KROSWORD puzzle ang mga
bahagi ng pahayagan at bilugan ito.

1. Anunsyo 5.Isports
2. Obitwaryo
3. Editoryal
4. Libangan
Gawain: Basahin at isulat ang titik ng sagot.
1. Nais mong alamin ang pananaw o
pakahulugan ng publisher tungkol sa mga
hakbang ng gobyerno sa pagpuksa ng
nakamamatay na sakit.

A. editoryal B. Anunsyo
Gawain: Basahin at isulat ang titik ng sagot.
2. Aling bahagi ng pahayagan ang babasahin mo
upang malaman ang pinakabagong balita tungkol
kay sarah Geronimo?

A. Obitwaryo B. Libangan
Gawain: Basahin at isulat ang titik ng sagot.
3. Nawalan ng trabaho ang iyong nakatatandang
kapatid. Aling bahagi ng pahayagan ang
titingnan niya kung siya ay maghahanap muli?

A. Anunsyo B. Libangan
Gawain: Basahin at isulat ang titik ng sagot.
4. Nais mong malaman ang mga pangalan ng
manlalaro ng basketball na lalapit na olympis.
Anong bahagi ng pahayagan ang babasahin mo?

A. Anunsyo B. Isports
Gawain: Basahin at isulat ang titik ng sagot.
5. Balak bumili ng sariling bahay at lupa ng
iyong ama upang hindi na kayo mangungupahan.
Aling bahagi ng pahayagan ang dapat niyang
tingnan?

A. Anunsyo B. Editoryal
MGA SAGOT:
1. A
2. B
3. A
4. B
5. A

You might also like