You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
SANGAY NG MARINDUQUE

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan: _______________________________________ Petsa: __________________________


Pangkat/Seksyon: _________________________________ Marka:_________________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Basahin at unawain ang mga tanong at mga pahayag. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang katabi ng bawat
bilang.

_______1. Ito ay tumutukoy sa isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagpapaliwanag at may sanligan at
impresiyon ng sumulat.
A. Tanging Lathalain B. Dyornalismo C. Balita D. Komentaryo
_______2. Naglalarawan ng mga kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng bansa.
A. Balita B. Komentaryo C. Tanging lathalain D. Dyornalismo
_______3. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa balita?
A. Dapat na wasto ang pangalan ng tao/ mga taong ibinabalita
B. Naglalarawan ng mga kasaysayan
C. Naglalaman ng kuro-kuro ng sumulat
D. Kahit anong petsa ang isinasaad basta ito ay maipahayag
_______4. Ito ay makabagong paraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamit ang social networking site. Mga
katagang gumuguhit sa damdamin ng isang tao.
A. Pahayag B. Hugot Lines C. Comment D. Reaksyon
_______5. “Bro, pakipadalhan mo pa ako ng mga komiks ha. . . asahan ko.” – ay isang pahayag na halimbawa nito.
A. Ekspresib B. Representatib C. Direktib D. Deklaratib
_______6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagiging ekspresib?
A. “Komiks. . . libangan ng mga Pinoy, larawan ng buhay.”
B. “Ramdam ko, marami akong matututuhan sa pagbabasa ng komiks.”
C. “Para maging meaningful ang komiks sa iyo, unang dapat gawin ay ang acceptance na maganda talaga ito.”
D. “Salamat talaga sa ipinadala mog komiks, hobby ko nang magbasa nito.”
_______7. Kilala rin bilang sine at pinilakang-tabing, isang larangan na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
A. Pelikula B. Dula C. Palabas D. Drama
_______8. Pelikula na nagpakita ng pagmamahal ng isang ina na ginampanan ni Vilma Santos.
A. Alone/Together B. Anak C. Ang OFW D. Pinas
_______9. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng suring basa maliban sa;
A. Gawing malinaw kung anong pelikula ang tinutukoy
B. Igawa ng buod
C. Gumamit ng mga salitang makakalito sa mga babasa ng pagsusuri
D. Huwag hayaang mahaluan ito ng pahayag ng mga nakagawa nan g pagsusuri.
_______10. Daing ng ilang mamamayan ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Problema B. Maghirap C. Pamilihan D. Reklamo

II. PAGTUTUKOY
A. Isulat ang Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya, o Negosyo kung ang mga salita ay may kaugnayan
sa mga terminong ito.

________________________________11. penology

MATAAS NA PAARALAN NG HUPI


Hupi, Santa Cruz
Email: hupi_nhs@yahoo.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
SANGAY NG MARINDUQUE

________________________________12. Swero
________________________________13. Air time
________________________________14. Anggulo
________________________________15. Kapital

B. Suriin ang salita o mga salitang may salungguhit kung angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
tsek ( / ) kung angkop ito, ekis ( X ) naman kung hindi.
____________ 16. Mayaman sa impormasyon ang anumang balita.
____________ 17. Isang libangan ang pagtingin sa pelikula.
____________ 18. Naglalaman ang magasin ng maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
____________ 19. Sa pelikula man o sa telebisyon, iba‘t ibang uri ng dokumentaryo ang ating nababasa na tumatalakay
sa iba’t ibang paksa o isyu.
_____________20. Ang magasing Entrepreneur ay para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

III. TAMA o MALI


Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong impormasyon at MALI kung hindi.
_____________________21. “Marikit daw ang dilag na may respeto sa sarili.” – Ang pahayag ay nagpapakita ng
pagbibigay kahulugan ng dalagang maganda.
_____________________22. Bahagi ang president ng bansa, samakatuwid, parte s’ya n gating pag-unlad.
_____________________23. Mahalagang mapili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.

_____________________24. Baryasyon ang particular na gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.

_____________________25. Isang panlipunang salik na isinasaalang-alang kaugnay ng baryasyon ng pananalita ng


indibidwal ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit.
_____________________26. Maagham ang pag-aaral ng wika. Pokus ng pag-aaral ang ponolohiya o palatunugan,
morpolohiya o palabuuan ng mga salita, at sintaksis o palaugnayan ng isang wika tulad ng
Filipino.
_____________________27. Isang sanaysay ang naglalahad ng mga pangyayari.
_____________________28. Ang pagsulat ng sanaysay ay limitado lamang sa mga taong may matataas na kaisipan.
_____________________29. Sa sanaysay na nagsasalaysay, namumulat ang isipan ng bumabasa sa kasinungalingan.
_____________________30. Ang sanaysay ay nagmula sa pahayag na “sanay sa pagsasalaysay”.

IV. PAG-AANALISA
Basahing mabuti at analisahin ang mga pahayag. Tukuyin ang layunin ng pahayag. Piliin ang tamang sagot sa mga
salitang nasa kahon

___________________________________31. “Sunog! Nasusunog ang bahay ko.”


___________________________________32. “Nakamamatay ang likidong iyan.”
___________________________________33. “Hindi naman masamang pumili ng iibigin.”

MATAAS NA PAARALAN NG HUPI


Hupi, Santa Cruz
Email: hupi_nhs@yahoo.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
SANGAY NG MARINDUQUE

___________________________________34. “Kaya ko ito. Makakapasa ako!”

Paghingi ng saklolo Pagbibigay babala Paghingi ng tawad

Pagpapakita ng determinasyon Pangangatuwiran Paghingi ng atensyon

V. PAG-IISA-ISA
A. Katangian ng Pananaliksik
35.

36.

37.

38.

B. Mga Hakbang sa Pananaliksik

39.

* Pagbuo ng Konseptong Papel

40.

* Paggamit ng iba’t ibang sistema ng dokumentasyon

* Pagkuha, Paggamit, at Pagsasaayos ng mga Datos

41.

42

VI. PAGSULAT
A. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod:
43. Sarbey

44. Empirikal

45. Pananaliksik

MATAAS NA PAARALAN NG HUPI


Hupi, Santa Cruz
Email: hupi_nhs@yahoo.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
SANGAY NG MARINDUQUE

46. Obhetibo

B. 47-50. Ilarawan at Ipaliwanag ang pagsulat ng panimulang pananaliksik. (5 puntos)

MATAAS NA PAARALAN NG HUPI


Hupi, Santa Cruz
Email: hupi_nhs@yahoo.com

You might also like