You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
Bansud District

Second Quarterly Examination


FILIPINO 8
Name: ________________________________________________________Grade/Section: ____________________________________________
Teacher: ______________________________________________________ Date: ____________________________ Score: ______________

Panuto: Piliin ang angkop na paksa sa inilalahad na kaisipan ng bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa gilid ng bawat bilang.
_____1. Ito ang pinakapopular na lugar upang mapagkunan ng mga materyales na magagamit sa isinasagawang pananaliksik.
A. Internet B. Aklatan C. Pahayagan
_____2. Kailangan nito ang kaalaman sa paggamit ng kompyuter upang makakuha ng mga impormasyon na nais hanapin.
A. Pahayagan B. Video C. Internet
_____3. Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas.
A. Video B. Pahayagan C. Internet
_____4. Pakikipag-usap, pagtatanong o pag-uusisa sa taong may kaugnayan sa paglilinaw sa paksang napili o isinasagawa.
A.Interbyu B. Pahayagan C. Magasin
_____5. Isang materyal na kailangang panoorin bago makakuha ng mga nais na impormasyon.
A. Magasin B. Tesis C. Video
_____6. Ang paggamit ng kompyuter ay magbibigay ng kagalingan sa isang indibidwal.
A. Napaaayos nito ang paghahanda ng alinmang ulat gamit ng iba’t ibang software.
B. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na apektado ng virus.
C. Umasa ng tulong mula sa gobyerno at pribadong organisasyon ang hindi na makapaghanapbuhay.
_____7. Sinikap ng DepEd na maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya.
A. Labis na naapektuhan ang mga bata kung may krisis.
B. May mga magulang na nais patigilin ang kanilang mga anak dahil sa Covid 19.
C. Naghihintay ang bawat isa sa hatol na haharapin.
_____8. Dumami ang kaso ng COVID 19 sa mga rehiyon ng bansa nang ipatupad ang Balik-Probinsya Program.
A. Napaaayos nito ang paghahanda ng alinmang ulat gamit ng iba’t ibang software.
B. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na apektado ng virus.
C. Umasa ng tulong mula sa gobyerno at pribadong organisasyon ang hindi na makapaghanapbuhay.
_____9. Ang pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho sa bansa ay nakababahala.
A. Napaaayos nito ang paghahanda ng alinmang ulat gamit ng iba’t ibang software.
B. Pansamantalang ipinatigil ang pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga lugar na apektado ng virus.
C. Umasa ng tulong mula sa gobyerno at pribadong organisasyon ang hindi na makapaghanapbuhay.
______10. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga kabataan.
A. Labis na naapektuhan ang mga bata kung may krisis.
B. May mga magulang na nais patigilin ang kanilang mga anak dahil sa Covid 19.
C. Naghihintay ang bawat isa sa hatol na haharapin.
_____11. Ano ang tawag sa pahayag na naglalahad ng mga katibayan upang paniwalaan?
A. Pakikipag-usap B. Paglalahad C. Pagsasalita
_____12. Ano ang layunin ng taong nangangatwiran?
A. Maglahad B. Makipag-usap C. Manghikayat
_____13. Ang pagtango ba o pag-iling ay naghuhudyat ng pagsang-ayon o pagsalungat?
A. Hindi B. Oo C. Medyo
_____14. Ano ang ipinapahiwatig ng pagtango?
A. Hindi pagsang-ayon B. Pagsalungat C. Pagsang-ayon
_____15. Ano ang ipinapahiwatig ng pag-iling?
A. Hindi pagsang-ayon B. Pagsalungat C. Pagsang-ayon
______16. Wala na ngang pagbabago _______ mayroon pa ring pag-asa.
A. sang-ayon ako B. subalit C. tama
_____17. Siya ay mas kilala bilang Lola Basyang at itinuturing na ama ng Sarsuwelang Tagalog. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat
ng dula.
A. Severino Reyes B. Atang Dela Rama C. Juan Abad
_____18. Siya ang tinaguriang “Reyna ng Sarsuwela” sa Pilipinas.
A. Severino Reyes B. Atang Dela Rama C. Juan Abad
_____19. Ang _____________ ay nagbibigay sa atin ng tiwala para mahalin ang sariling bayan at mga taong ating minamahal, ipinapakita ang
sitwasyon ng mga Pilipino sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
A. Sanasay B. Balagtasan C. Sarsuwela
_____20. Ang ____________ ay isang uri ng panitikan na tinatalakay ang isang pangyayari upang maibigay o mailahad ang kaukulang paliwanag
sa ikalilinaw ng paksang pinag-uusapan.
A. Sanasay B. Balagtasan C. Sarsuwela
_____21. Ito ay paglalahad na di nangangahulugan ng gawaing pananaliksik bago mailahad ang kaisipan.
A. Impormal B.Pormal C. Di-pormal
_____22. Ito ang sanaysay na nabubuo sa tulong ng isinasagawang pananaliksik ng manunulat
A. Impormal B.Pormal C. Di-pormal
_____23. Siya ang suulat ng “Hiwaga ng Pag-ibig.
A. Severino Reyes B. Welmar Laorden C. Juan Abad
_____24. Ito ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento.
A.Tema B. Tauhan C. Tunggalian
_____25. Ang tawag sa panahon at pook na pinangyayarihan ng kuwento.
A.Tema B. Tauhan C. Tunggalian
_____26. Tawag sa balangkas ng pangyayari sa kuwento.
A. Tauhan B. Tunggalian C. Banghay
_____27. Ito ay mga kathang tao na dumaraan sa karanasan ng pagbabago habang tumatakbo ang salaysay.
A. Tauhan B. Tunggalian C. Banghay
_____28. Ito ay ang pagtingin sa kung sino ang nagsasalita sa kuwento, o kung kaninong punto de vista nagaganap ang kuwento.
A. Banghay B. Pananaw C. Tagpuan
_____29. Ito ang tawag sa panahon at pook na pinangyayarihan ng kuwento.
A. Banghay B. Pananaw C. Tagpuan
_____30. Isang genre ng pasalaysay na akdang pampanitikan na umiinog sa paglalahad ng isang pangyayari.
A. Salaysay B. Maikling Kwento C. Tula
_____31. Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod.
A. Salaysay B. Maikling Kwento C. Tula
_____32. Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.
A. Malayang taludturan B. Maikling tula C. Tradisyunal na tula
_____33. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang maymalalim na kahulugan.
A. Malayang taludturan B. Maikling tula C. Tradisyunal na tula
_____34. Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.
A. Saknong B. Talinhaga C. Kariktan
_____35. Tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod.
A. Saknong B. Talinhaga C. Kariktan
_____36. Isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa.
A. Kariktan B. Tugma C. Sukat
_____37. Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
A. Kariktan B. Tugma C. Sukat
_____38. Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan.
A. Kariktan B. Tugma C. Sukat
_____39. Mawala man ang lahat,________ na ika’y mananaliti.
A. hindi ako B. nananalig ako C. subalit ako
_____40. Matalinong naturingan _______ tamad naman.
A. tama B. totoo C. ngunit
_____41. Ayon sa aking napakinggan,________ sa iyong sinabi.
A. hindi ako B. tama ako C. sang-ayon ako
_____42. Hangga’t may buhay, _________ na may pag-asa.
A. tunay B. mali C. ngunit
_____43. ________ ka, ang mga kabataan ngayon ay higit na mulat sa mga nangyayari sa kapaligiran.
A. tama B. totoo C. ngunit
_____44. Maaaring mas malaya nga sila ngayon __________ makikita sa kanilang mga kilos ang pag-unawa sa responsibilidad nila sa
pamayanan.
A. sang-ayon ako B. subalit C. tama
_____45. _________, Ginoong Pangulo panig po ako sa inyong pala-palagay tungkol sa mga kabataan.
A. Tunay B. Opo C. Tama
_____46. __________ maraming dinaranas na pagsubok ang bayan, lagi silang umaagapay sa sinumang nangangailangan.
A. Subalit B. Talaga C. Bagama’t
_____47. __________ nga, handa nilang isakripisyo ang pansariling kaginhawahan para lamang makatulong.
A. Tunay B. Talaga C. Tama
_____48. Ang sining ng ____________ ay isang pagpapahayag na may layunin na masubukan ang katatagan at katayuan ng isipan o talinong
taglay ng isang tao.
A. Pangangatwiran B. Pagpapakahulugan C. Kasalungat
____49. Ang ___________ ay dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.
A. Pangangatwiran B. Pagpapakahulugan C. Kasalungat
_____50. Ang _________ na kahulugan ay kabaliktaran ng isinasaad ng salita.
A. Pangangatwiran B. Pagpapakahulugan C. Kasalungat

Prepared by:
NOVELYN L. SAJO
Teacher I
Checked and Noted by:
AARON V. VILLARUEL
Teacher-In-Charge

Malo High School


Bansud District, Bansud, Oriental Mindoro 5210
e-mail: malohighschool@gmail.com / 309161@deped.gov.ph
Malo High School
Bansud District, Bansud, Oriental Mindoro 5210
e-mail: malohighschool@gmail.com / 309161@deped.gov.ph

You might also like