You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Batangas City
Batangas City New District
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City



Pangalan:_____________________________________ Baitang:_____________


UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO VI

I.PAKIKINIG: Tingnan ang Manwal ng Guro( 1-5)

II.PAGSASALITA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.

Anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod? ( 6-10)

6. Bilisan mo ang lakad mo.
7. Sunog! Sunog!
8. Bakit ayaw nilang magbago kahit alam nilang mali sila?
9. Pakiabot mo nga sa akin iyong aklat sa Filipino 6.
10.Maraming dumating sa piyesta sa Tondo ngayong taong ito.

A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pautos
D. Pakiusap
E. Padamdam
F. Parirala

Anong kayarian ng pangungusap ang mga sumusunod (11-13)

11. Awitin natin ang pambansang awit at isapuso natin ito.
12. Masarap at masustansiya ang mansanas.
13. Naging masigla siya dahil sa pakikinig sa magaganda at masasayang musika.

A. Payak
B. Tambalan
C. Hugnayan
D. Sugnay


14. Alin ang malayang sugnay sa pangungusap na ito? Kapag pinagbuti mo ang pag-
aaral, tiyak na matatamo mo ang tagumpay.
A. Kapag pinagbuti mo C. Tiyak matatamo mo ang tagumpay
B. Tiyak na matatamo mo D. Kapag pinagbuti mo anhg pag-aaral

15. Mas maganda ang iyong kinabukasan kung ikaw ay may pinag-aralan. Anong uri ng
sugnay ang may salungguhit sa pangungusap?
A. Makapag-iisa B. Di- makapag-iisa C. Tambalan D. Hugnayan

16. Umuunlad ang buhay ni Mang Luis. Masisipag sila.
A. datapwat B. dahil C. kung D. upang

17. Magbasa ka muna riyan ng pahayagan________ iniintay mo si Madam.
A. kapag B. kung C. habang D. tuwing

18. Matanda na pala ang nanay niya. Alin ang simuno sa pangungusap?
A. matanda na pala C. nanay
B. matanda D. matanda na

19. Alin ang panaguri sa pangungusap na ito? Ang mga Muslim ay sumasamba sa
Mecca.
A. Muslim C. Sumasamba sa Mecca
B. Ang sumasamba D. Mecca

20. Isang kahanga-hangang bansa ang Pilipinas. Ang pangungusap na ito ay
nasa__________ ayos.
A. Karaniwan B. Di-karaniwan C. Parirala D. Sugnay

21. Ang maging mapanuri sa kanilang kapaligiran ay likas sa mga kabataan. Ang
pangungusap na ito ay____________.
A. Karaniwan B. Di-karaniwan C. Parirala D. Sugnay

22. Ang pag-ibig ay dapat taglayin ng lahat. Isalin ito sa karaniwang ayos.
A. Dapat taglayin ng lahat ang pag-ibig.
B. Dapat mag-ibigan ang lahat.
C. Lahat ay dapat taglayin ang pag-ibig.
D. Lahat ay dapat umibig.

23. Sa _______________ natin natutuhan ang ibat-ibang paraan ng pagpapahayag ng
sariling wika.
A. HEKASI C. Agham
B. Matematika D. Sining ng Komunikasyon sa Filipino

24. Maghahandog ang pamahalaan ng parangal para sa mga beterano. Alin ang di-
tuwirang layon sa pangungusap?
A. Maghahandog C. ng parangal
B. Ang pamahalaan D. para sa mga beterano

25. Napiling natatanging mag-aaral ng taon si Dennis. Alin ang simuno sa
pangungusap?
A. Dennis B. mag-aaral C. napiling D. natatangi

26. Si Madam Curie ay nakatuklas ng radyum. Alin ang tuwirang layon sa
pangungusap?
A. Madam Curie B. nakatuklas C. radyum D. ng

27. Gagawa ako ng saranggola para sa kaibigan ko. Ang salitang may salungguhit
ang_____________ ng pangungusap.
A. Simuno B. Panaguri C. Tuwirang layon D. Di-tuwirang layon

28. Ang kanyang ama ay isang doktor. Ang salitang may salungguhit ang
___________ng pangungusap.
A. Simuno B. Panaguri C. Tuwirang layon D. Di-tuwirang layon



III.PAGBASA
Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

29. Ipinaaabot ang matagal na nilang reklamo sa pangulo.
A. pagsang-ayon B. panganib C pagtutol D. pananalig

30. Balisang- balisa ang tatay. Akyat-manaog siya sa hagdan.
A. pabalik-balik sa hagdan C. nasa hagdan
B. ayaw lumakad D. umiiyak

31. Marami sa mga kababayan natin ang maituturing na anak-pawis.
A. mahirap o nagdarahop C. tanghali
B. mayaman D. amoy araw

32. Bawat desisyon ay isang hamon.
A. pagsubok B. pangako C. pangarap D. tagumpay

33. Mahiyain si Ben. Kapag inaalok siya ng pagkain ng kanyang mga kaibigan
tinatanggihan niya ito.
A. inaamin B. itinatapon C. namimigay D. di-tinatanggap

34. Sumaklolo ang mga sundalo sa mga bihag na dayuhan.
A. dumalo B. dumating C. kumampi D. tumulong

35. Isang dambuhalang baboy ramo ang naminsala sa mga tao at pananim.
A. nanalanta B. nanagasa C. nagbigay panganib D. nagbigay tulong

Panuto: Piliin ang kasalungat ng salitang may salungguhit.

36. Matapat sa tungkulin ang mga guro.
A. mandaraya B. mabait C. masungit D. masunurin

37. Malupit sa hayop ang matandang iyan.
A. mapagmahal B. maalalahanin C. matakaw D. masungit

38. Humupa ang tubig pagkaraan ng maraming araw.
A. natuyo B. bumaba C. naubos D. tumaas


Panuto: Hanapin sa talaan ng tamabalang salita ang binibigyang kahulugan sa
pangungusap. (39-42)

A. anak-araw C. kisapmata
B. bahag-buntot D. takaw-mata

39. Napakaputi ng kanyang balat, ang kanyang buhpk ay kulay ginto, ngunit sila ay
silaw sa sikat ng araw.

40. Si Mang Pepe ay takot na takot sa kanyang asawang si Aling Mercy.

41. Biglang nawala sa paningin ang bagay na iyon.

42. Itong batang ito, kahit ano ang makita ay binibili hindi naman kinakain.


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Piliin sa talaan sa ibaba ang tamang
sagot. (43-45)

43. Kapag ibig mong maglibang habang nagbabasa, alin ang dapat mong basahin?

44. Kung gusto mong maghanap ng trabaho, aling bahagi ng pahayagan ang babasahin
mo?

45. Saang bahagi ng pahayagan matatagpuan ang pinakamahalagang balita?
A. anunsyong klasipikado C. editoryal
B. pamukhang pahina D. lathalain


Panuto: Iugnay ang mga larawan na nasa Hanay A sa Hanay B.
A B
46. A. bar graph



47. B. line graph

48. C. pictograph








49. D. circle graph



Panuto : Ibigay ang sanhi at bunga sa mga sumusunod na bilang. Isulat ito
sa grid na nasa ibaba:
50. Ako ay nag-aral kagabi kaya mataas ang nakuha ko sa pagsusulit.
51. Naiwan si Gabby dahil hindi siya nagising ng maaga.
52. Pagod na pagod siya sa pag-uwi sa bahay dahil maghapong naglaro sa
lansangan si Miko.
53. Bihirang magkasakit si Mang Andoy dahil alagang-alaga niya ang kanyang
kalusugan.
54. Umaani nang masagana ang magsasaka dahil sa paggamit ng pataba.

Sanhi

Bunga






















IV. PAGSULAT
Panuto: Punan nang wasto ang pormularyong nasa ibaba:


55.__________________ _____________________ _______________
Apelyido Pangalan Gitnang Inisyal


56.__________________________________________________
Tirahan

57.__________________________________________________
Relihiyon

58._________________________________________________
Petsa ng Kapanganakan

59._____________________________________________________
Guro sa Filipino

60._____________________________________________________
Punong- Guro

You might also like