You are on page 1of 4

FILIPINO 6

WORKSHEET #3

Paggamit ng Wastong Pangngalan at Panghalip sa


Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon
(IKALAWANG LINGGO)

TUKLASIN
Alam nyo ba kung paano tayo makatutulong na sugpuin ang sakit na COVID19?
Kilala nyo ba ang mga taong tumutulong upang masugpo ito?
 

Bawat tao ay may kakayahang maging bayani ng pamayanan na kanyang


kinabibilangan. Magkakaiba man ang hanapbuhay at estado sa buhay, malaki ang
papel na ginagampanan ng bawat isa.
Ngayon ay tuklasin natin ang mga bayani sa panahon ng krisis na ito.
 
Magiting, Matapang, Masunurin,
Bagong Bayani ng Bayan
 
Sa likod ng bawat ngiti at pagsaludo sa’yo,
Mapagkalingang haplos ng kamay sa noo,
Sa matiyagang pagtigil sa loob ng bahay mo,
Maituturing kang bayani ng henerasyong ito.
 
Pulis, sundalo, tanod, sila itong mamamayan,
Hindi alintana, maghapon sa arawan at ulanan,
Kahit pa nitong madla, pag-initan at sigawan,
Haharangan mga daan, upang ika’y protektahan.
 
Nars, doktor, siyentipiko at mga medical staffs,
Nagpapagod, nagpupuyat, serbisyong walang kupas,
Sa puso’y may takot at agam-agam sa isipan,
Ngunit mas matimbang, pagkalinga at pagdamay.
 
Travel goals mo man Macau, Hongkong o Palawan,
Mas mainam pa rin ang pumirmi sa tahanan,
Iwas COVID, iwas gastos, walang batas na nilabag,
Sa sariling bayan natin ito’y isang malaking ambag.
 
Superherong walang kapa, mga bayaning di-kinilala,
Magigiting, matatapang, malasakit ang sandata,
Kami’y nagpupugay, nagbubunying walang humpay
Mga bagong bayaning sa bayan ay ibinigay.
 Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Paano nakatutulong ang mga pulis, sundalo at tanod upang maprotektahan tayo
sa nakamamatay na COVID19?
2. Sino-sino ang mga itunuturing na bayani sa panahon ngayon ng krisis?
3. Ano ang kabutihang dulot kung tayo ay mamamalagi sa ating tahanan?
4. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang makaiwas sa sakit?
5. Pagkatapos ng umiiral na “Enhanced Community Quarantine” (ECQ), ano ang
unang-una mong gagawin para iyong kapwa?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1: Isulat ang mga pangngalan at panghalip na


ginamit sa tula.
 
Pangngalan Panghalip
   
   
   
   

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2: Uriin ang sumusunod na mga salita sa kahon
kung ito ay – Tao, Bagay, Hayop, Lugar o Pangyayari. Isulat ang sagot sa kahon.

bata langgam
tipaklong Pasko
lapis silid-aralan
sapatos paruparo
nanay SM Batangas

TAO BAGAY HAYOP LUGAR PANGYAYARI

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.3: Basahin ang mga pangungusap. Ano ang
pinatu- tukuyan o hinahalinhan ng mga salitang may salungguhit?

Tukuyin mo kung ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit.


1. Si Celia ay maganda. Siya ay may mahabang buhok.

2. Bumili ng laptop si Dindo. Ito ay kanyang gagamitin sa pasukan.

3. Nabigla kaming lahat nang sabihing may nagpositibo ng COVID19 sa aming


bayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.4: Basahin ang usapan. Piliin ang mga pangngalan
at isulat ito sa kolum ayon dalawang uri ng pangngalan.

Willie: Hayan na si lola Conching. Pihadong may sermon na naman tayo.

Lassie: Kasi kasalanan naman natin. Hindi natin inuubos ang pagkain.

Willie: Kasi nga, dala ni lola ang bigas mula sa probinsya, kaya nagagalit siya kapag
hindi natin inuubos ang kanilang plato.

Lassie: Tama naman siya, hindi ba? Pasalamat nga tayo at dindalhan tayo ng
sakusakong bigas na ani sa bukid nina lola.

Pambalana Pantangi

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.5: Piliin ang mga panghalip at isulat sa kahon.

1. Kami ay pupunta sa Baguio sa bakasyon.

2. Mamamsyal tayo sa magagandang pook doon.

3. Sasakay ako sa kabayo bukas ng umaga.

4. Mamasyal sila sa Trinidad.

5. Sa kanilang bahay kami matutulog.


 

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1: Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng 5-6 na


pangungusap. Gumamit ng mga angkop na pangngalan at panghalip.

 Paano ka makatutulong sa iyong kapwa sa panahong may krisis?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.2: Gumawa ng maikling awit o pagbati para sa mga
frontliners gamit ang pangngalan at panghalip upang ipakita ang pagpapahalaga sa
kanilang ginagawang pagsisilbi sa bawat mamamayan sa ating bayan.

ISAISIP  (KOKOPYAHIN ITO SA INYONG NOTEBOOK SA FILIPINO)


Ngayon ay isaisip mo ang mga kaalamang ito:
 
 Pangngalan ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari.
 
May dalawang uri ang pangngalan:
 
1. Pangngalang Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan sa tao, bagay, hayop, pook
o pangyayari.
2. Pangngalang Pambalana - tumutukoy sa di-tiyak na ngalan sa tao, bagay,
hayop, pook o pangyayari.

Halimbawa:

  tao bagay Hayop lugar pangyayari


Pantangi Miss Adidas Bruno SM Pasko
Reyes Batangas

Pambalana guro sapatos Aso pamilihan pista

 Panghalip- tumutukoy sa salitang ginagamit bilang panghalili sa mga pangngalan.

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, siya, kanila, siya,
kaniya, ito, iri/ire, niri/nire, nito ganito, ganiri, iyan, niya, ayan, hayan, diyan, ayun,
hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon

PAGNINILAY (sasagutan sa notebook)

Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang


nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod :

Nauunawaan ko na ____________________________.
Nabatid ko na _________________________________.

You might also like