You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
Bansud District

Ikatlong Markahang Pagsusulit


FILIPINO 8
Pangalan: ________________________________________________________ Antas: ____________________________________________
Guro: ______________________________________________________ Petsa: ____________________________ Iskor: ______________

Panuto: Piliin ang angkop na paksa sa inilalahad na kaisipan ng bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa gilid ng bawat bilang.
_____1. Ano ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan?
a. balbal b. kolokyal c. sarbey d. lalawiganin
_____2. Ito ay isang kilos o proseso ng pagkakaroon ng kongklusyon tungkol sa isang bagay mula sa mga kilalang katotohanan o ebidensya.
a. hinuha b. opinion c. katotohanan d. personal na interpretasyon
_____3. Ano ang komunikasyon ng mga tunog sa pamamagitan ng mga alon o waves upang maghatid ng musika, balita, at iba pa?
a. newspaper b. pantelebisyon c. pahayagan d. radio broadcasting
_____4. Ito ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
a. hinuha b. opinion c. katotohanan d. personal na interpretasyon
_____5. Anong uri ng pahayagan ang karaniwang may sukat na 11 hanggang 17 pulgada?
a. pahayagan b. tabloid c. broadsheet d. komiks
_____6. Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas.
a. pahayagan b. tabloid c. broadsheet d. komiks
_____7. Anong uri ng pahayagan ang na karaniwang nasa 15 pulgada ang lapad hanggang 20 o higit pang pulgada ang haba?
a. pahayagan b. tabloid c. broadsheet d. komiks
_____8. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahayag ng isang ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi
mapapasubalian kahit sa ibang lugar?
a. hinuha b. opinion c. katotohanan d. personal na interpretasyon
_____9. Sa aking palagay, hindi matutuloy ang pagsusulit bukas. Ang pangungusap na ito ay isang halimbawa ng ______.
a. hinuha b. opinion c. katotohanan d. personal na interpretasyon
______10. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan
at taliwas sa kanilang nakasanayan.
a. balbal b. kolokyal c. sarbey d. lalawiganin
_____11. Anong uri ng broadcasting ang purong pagbabalita lamang at walang halong patalastas?
a. Radyong Pampubliko b. Radyong Pangkomersiyo c. Radyong Pangkampus d. Radyong Pangkomunidad
_____12. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito.
a. balbal b. kolokyal c. sarbey d. lalawiganin
_____13. Ang salitang gurang ay isang halimbwa ng anong impormal na komunikasyon?
a. balbal b. kolokyal c. sarbey d. lalawiganin
_____14. Alin sa mga sumusunod na salita ang isang halimbawa ng komunikasyong balbal?
a. pabakal b. aywan c. meron d. tsikot
_____15. Ito ay isang pamamaraan sa pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong nang harapan o birtuwal.
a. likert scale b. interview c. sarbey d. pahayagan
______16. Ang layunin ng estratehiyang ito ay upang makakuha ng mga impormasyon, partikular na ang bilang o dami ng mga tao sa isang
partikular na kondisyon o opinyon.
a. likert scale b. interview c. sarbey d. pahayagan
______17. Ito ay isa sa mga paraan kung papaanong sinusukat ng isang tao ang kaniyang sarili.
a. likert scale b. interview c. sarbey d. pahayagan
_____18. May punto ang kaniyang iminungkahi ngunit ito’y hindi kapakipakinabang. Ang pangungusap na ito ay isang halimbawa ng anong
pahayag?
a. positibong pahayag b. negatibong pahayag c. sanhi d. bunga
_____19. Tunay na malakas ang kaniyang loob dahil hindi siya nagpapaapekto sa mga bumabatikos sa kaniya. Ang pangungusap na ito ay
isang halimbawa ng anong pahayag?
a. positibong pahayag b. negatibong pahayag c. sanhi d. bunga
_____20. Ang pahayag na ito ay kabaliktaran sa inihahatid ng positibo.
a. positibong pahayag b. negatibong pahayag c. sanhi d. bunga
_____21. Anong uri ng radio broad casting naglalayong ilahad ang mga impormasyon ukol sa mga ineendorsong produkto na pagmamay-ari ng
mga pribadong sektor na naglalayong kumita?
a. Radyong Pampubliko b. Radyong Pangkomersiyo c. Radyong Pangkampus d. Radyong Pangkomunidad
_____22. Ito ay ang paglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang pangyayari sa loob ng isang komunidad
a. Radyong Pampubliko b. Radyong Pangkomersiyo c. Radyong Pangkampus d. Radyong Pangkomunidad
_____23. Nag-iingat siyang mabuti __________ nakaiwas siya sa sakit.
a. dahil b. dahil sa c. kaya d. upang
_____24. Alin sa mga sumusuod ang hindi kabilang na kawsatib na naghuhudyat ng resulta o bunga?
a. dahil b. dahil dito c. kaya d. kaya naman
_____25. Ito ay ang saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng eksena.
a. take two b. cut c. Lights, camera, action d. break! Break!
_____26. __________ patuloy na pagsisilbi ng mga doktor sa bayan, sila ay binigyan ng parangal.
a. Dahil b. Dahil sa c. Kaya d. Sapagkat
_____27. Nagbahay-bahay ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Gapan __________ mamahagi ng food packs bilang ayuda sa bawat
pamilya.
a. dahil b. dahil sa c. kaya d. para
_____28. __________ regular na pag-eehersisyo, napananatili ni Mac ang normal na timbang at pagkakaroon ng malakas na resistensiya.
a. Dahil b. Dahil sa c. Kaya d. Upang
_____29. Ito ay eksklusibo lamang sa loob ng isang pamantasan o paaralan na naghahayag ng mga kasalukuyang pangyayari sa loob ng
kampus gayundin ang mga mahahalagang anunsiyo mula sa mga namumuno ng eskuwelahan.
a. Radyong Pampubliko b. Radyong Pangkomersiyo c. Radyong Pangkampus d. Radyong Pangkomunidad
_____30. Ano ang maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao?
a. newspaper b. programang pantelebisyon c. pahayagan d. radio broadcasting
_____31. Ito ay ang intensiyong tinutukoy sa isang akda.
a. layon b. tono c. paksa d. pagsusuri
_____32. Ito ay ang bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap.
a. layon b. tono c. paksa d. pagsusuri
_____33. Ano ang tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat?
a. layon b. tono c. paksa d. pagsusuri
_____34. Ito ay ang proseso ng paghimay ng isang paksa sa maliit na bahagi upang magkaroon ng mas mainam na pagkaintindi sa paksa.
a. layon b. tono c. paksa d. pagsusuri
_____35. Ang tanyag na mga linya o kataga na may kaugnayan sa tema o ipinapahayag ng tauhan sa pangyayari.
a. gamit na salita b. tema c. layon d. tauhan
_____36. Siya ang bida sa isang pelikula.
a. antagonista b. kontrabida c. protagonista d. tema
_____37. Ito ang tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw sa pelikula.
a. tauhan b. bida c. derek d. kontrabida
_____38. Siya ang taong nagwawasto o nag-edit ng kopya na isinulat ng isang reporter.
a. derek b. copy editor c. artista d. reporter
_____39. Siya ang katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang pelikula.
a. tauhan b. bida c. derek d. kontrabida
_____40. Ang salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa pag-arte o may eksenang hindi maaayos ang pagkakagawa ay ____.
a. take two b. cut c. Lights, camera, action d. break! break

Prepared by:
NOVELYN L. SAJO
Teacher I
Checked and Noted by:
AARON V. VILLARUEL
Teacher-In-Charge

Malo High School


Bansud District, Bansud, Oriental Mindoro 5210
e-mail: malohighschool@gmail.com / 309161@deped.gov.ph
Malo High School
Bansud District, Bansud, Oriental Mindoro 5210
e-mail: malohighschool@gmail.com / 309161@deped.gov.ph

You might also like