You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Binalonan, Pangasinan
AMAMPEREZ AGRO INDUSTRIAL HIGH SCHOOL
Villasis, Pangasinan

FILIPINO 7
SUMMATIVE TEST

PANGALAN: ___________________________________________________ MARKA: ___________


SEKSYON: _____________________________________________________ PETSA:____________

I.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

____1.Ito ay tumutukoy sa tiyak na kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo.


a. Denotasyon b. Intonasyon c. Konotasyon d. Antala
____2. Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa pangkaraniwang pakahulugan.
a. Denotasyon b. Intonasyon c. Konotasyon d. Antala
____3. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinahahayag.
a.Denotasyon b. Intonasyon c. Diin at Haba d. Antala
____4. Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na inuukol sa pagbigkas ng pantig ng salita.
a. Diin at Haba b. Intonasyon c. Konotasyon d.Aantala
____5. Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas ng salita at haba na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita.
a. Diin at Haba b. Intonasyon c. Denotasyon d. Antala
____6. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang hindi uri ng pasalindilang panitikan?
a. Epiko b. Kuwentong-Bayan c. Alamat d. Mito
____7. Ito ay elemento ng kuwento na tumutukoy sa lugar at panahong pinangyarihan ng kuwento.
a. Tauhan b. Tagpuan c. Tunggalian d. Banghay
____8. Ito ay bahagi ng banghay ng kuwento na kapana-panabik.
a. Panimula b. Kasukdulan c. Resolusyon d. Papataas na pangyayari
____9. Ito ay banghay ng kuwento kung saan inilalahad ang mga tauhan, tagpuan at tunggalian ng kuwento.
a. Panimula b. Kasukdulan c. Resolusyon d. Papataas na pangyayari
____10. Ito ay elemento ng kuwento na inilalahad ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan.
a. Tauhan b. Tagpuan c. Tunggalian d.Banghay
____11. Suriin ang pangungusap “Mga pare, please lang kayo’y tumabi pagkat dala ko’y sandatang
walang kinikilala-ang aking manibela.” Anong uri ito ng kaalamang-bayan?
a. Tulang Panudyo b.Tugmang De- Gulong c,Bugtong d.Palaisipan
____12. Tumatalakay sa mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo,
pelikula, tanghalan, at iba pa.
a. balitang Pambansa b. balitang Pandaigdig c. balita d. balitang Panlibangan
____13. Ang ________ ng balita ang siyang nagbibigay ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa mga datos na
binabanggit sa pamatnubay.
a. radio broadcasting b. balitang Panlokal c. katawan d. panghuling bahagi
___14. Ito ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon o balita sa pamamagitan ng telebisyon.
a. pagbabalita b. katawan c. panghuling bahagi d. balita
____15. Ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa.
a. Scripwriter b. Technical Director c. News Presenter d. Director
____16. Tumatalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa politika.
a. balitang pampolitika b. balita c. balitang Pandaigdig d. balitang Pamban
____17. Ito ay isang uri ng akdang patula na may layuning manlibak, manukso o mang-uyam.
a. Tulang Panudyo b.Tugmang De- Gulong c.Bugtong d.Palaisipan
____18. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at kalimitang
maiksi lamang.
a. Tulang Panudyo b.Tugmang De- Gulong c.Bugtong d.Palaisipan
___19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pag-uugnay na Kataporik?
a. Natatakot akong magpunta ng Maynila sapagkat hindi ko kabisado ang lugar na ito.
b. Ang matatanda ay maraming pangangailangan. Ibigay natin sa kanila ang mga pangangailangang ito.
c. Sila ay masayang naglaro roon. Sina Miguel at Megan ay magkasamang nagpunta sa palaruan
___20. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pag-uugnay na Anaporik?
a. Ito ay inaasahang umunlad sa kasalukuyang panahon. Ngunit ang Pilipinas ay nananatiling mahirap na
bansa.
b. Ang kuwago at paniki ay pawang mga hayop na gising sa gabi subalit magkaiba sila sa anyo at katangian.
c. Siya ay may malaking malasakit sa matatanda. Si Miriam Defensor Santiago ay nagsulong ng bagong batas
para sa mga senior citizen.

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 1. Ang mga tauhan ang bumibigkas ng diyalogo, nagbibigay buhay sa iskrip at ang nagpapakita
ng iba’t ibang damdamin.
__________2. Ang tunog/musika ang tumutukoy sa pag- iilaw, komposisyon, galaw at iba pang teknik na
may kaugnayan sa kamera.
__________3. Ipinapakita kung paano pinagsasanib ng direktor ang lahat ng sangkap ng dulang pampelikula
sa direksyon.
__________4. Sa nilalaman nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas.
__________5. Ang diyalogo ay makatotohanang paglalahad ng kalagayan ng mga tauhan at mga pangyayari
sa kanilang buhay

__________6. Ang pagbubuod ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa


tekstong binasa.
__________7. Habang binabasa ang akda, iwasang salungguhitan ang mga mahahalagang punto o detalye.
__________8. Nakatutulong din ang pagbabalangkas (outlining) upang hindi magkaroon ng pag-uulit ang
pagsasalaysay at maging maayos ang daloy ng buod.
__________9. Isa-isang ilista o pangkatin ang mga magkakaparehas ang ideya. Sa bawat talata ay may
pangunahing ideya (mga importante), ang mga pantulong na ideya (mga ideyang sumusuporta sa
pangunahing ideya).
__________10. Magbigay ng sariling opinyon o komento sa pagbubuod ng teksto.

You might also like