You are on page 1of 2

SUMATIB NA PAGSUSULIT

para sa
Ikalawang Markahan

Panuto: Suriin ang mga kohesiyong gramatikal kung ito ay (A). ANAPORA o (B) KATAPORA.

_________1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
________ 2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng Lourdes.
________ 3.Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag at tiyaga talaga ang karaniwang
susi sa pagtatagumpay.
________ 4. Si Rita ay nakapagturo sa paaralang – bayan, diyan siya nakilal ng iyong anak.
________ 5. Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang ginawa niya ay pangit.

Panuto: Napipili ang wastong kohesiyong gramatikal na akma sa pangungusap.

____ 6. Matutuwa ____ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-aaral.
a. ikaw b. dito c. doon d. sila
____ 7. Nagwika ____ na “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ipinaliwanag ni Jose Rizal ang tungkulin na
ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
a. siya b. doon c. tayo d. sila
____ 8. Maraming natutunan ang mga mag-aaral sa paggamit ng ICT, _____ ay maraming impormasyon ang
kanilang makukuha.
a. dito b. sila c. doon d. tayo
____ 9. Sa panahon ng _____ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang kailangan upang makamit ng mga
mag-aaral ang inaasam na diploma.
a. kanila b. sila c. kami d. kayo
____ 10. Ang pagmamahal ng guro sa kanyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian, ____ ay taglay niya
hanggang kamatayan.
a. dito b. iyan c. ito d. doon

Panuto: Piliin kung anong elemento ng pabula at maikling kuwento ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
A. Simula B. Tunggalian C. Kasukdulan
D. Kakalasan E. Wakas
_____11. Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa sukdulan.
Dito ay kababasahan ang pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
_____12.Sa bahaging ito, pinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan. Nagsisimula ito sa unang
kalagayan na makapupukaw ng interes ng mga mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa ng akda.
_____13. Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda. Dito
inihuhudyat ang pababang aksyon na nagbibigay daan sa nalalapit na katapusan ng akda.
_____14. Dito ang bahagi na ipinakikita ang pinakamadulang bahagi at kapana-panabik na sanhi ng damdamin
o pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
_____15. Ang kinahinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad dito.

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa sumusunod na pangungusap.


__________16. Maikling tula mula sa Japan na binubuo ng 31 pantig.
__________17. Ito ay mas pinaikling tanka na may 17 na pantig.
__________18. Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may tigpipitong pantig bawat taludtud ng
bawat saknong.
__________19. Anong paksa ang tinatalakay sa tulang haiku na ito.
Matandang sapa
Ang palaka’y tumalon
Lumalagaslas

__________20. Batay sa tulang haiku na ginamit sa taas, ilan ang sukat ng bawat taludtud nito?

Panuto: Piliin ang titik na nagsasaad ng tamang sagot.


_____21. Napakahirap ng buhay kapag walang pera ang tao. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa
pangungusap.
a./Bu:hay/ b. /bu:hay/
_____22. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito. “Hindi, ako ang doktor.”
a. Itinatanggi ng nagsasalita na siya ang doktor.
b. Sinasabi ng nagsasalita na hindi siya doktor.
c. May tinutukoy siyang ibang tao.
d. Tinutukoy ng nagsasalita na siya ang doctor.
_____23. Ang wastong tono ng salitang kahapon na may pag-aalinlangan.
a. 321 b. 231 c. 213 d. 123
19. Tukuyin ang hindi ponemang suprasegmental.
a. impit b. diin c. antala/hinto d. tono
20. Anong pangungusap ang mabubuo mula sa sitwasyon na nakalahad sa ibaba?
Sasabihin mo sa iyong nanay na si Kat ang may kasalanan.
a. Nanay, si Kat, ang may kasalanan c. Nanay si Kat, ang may kasalanan
b. Nanay, si Kat ang may kasalanan d. Nanay sikat ang may kasalanan.

Panuto: Piliin ang titik na nagsasaad ng kasingkahulugan sa mga di lantad na salita sa mga pangungusap.
_____21. Ang puwing sa mata ng ating lipunan ay nakakabahala na.
A. populasyon C. produksiyon
B problema D. pabahay
_____22. Manok ni tatay ang magsasaka na iyan.
A. hayop C. ayaw
B. gusto D. pinapakain
_____23.Sinasagasaan niya ako sa kanyang ginawa.
A. tinikis C. sinampal
B. sinaktan D. pinagwalang bahala
_____24. Matangkad ang anak ko.
A. mataas C. mababa
B. pandak D. matayog
_____25. Madalas makaligtaan ni Ana ang kanyang obligasyon.
A. karapatan C. paninilbihan
B. tungkulin D. awtoridad

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Isulat lamang ang titik.
Mga Pagpipilian:
a. Nagsasaad ng posibilidad c. Hinihinging Mangyari
b. Nagsasaad ng pagnanasa d. Sapilitang Mangyari

____26. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula.


____27. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
____28. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
____29. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay?
____30. Kailangan kong matulungan ang aking pamilya.

You might also like