You are on page 1of 2

URI NG PANITIKAN

 
          Isinulat ng may-akda ang mahabang piksyon bilang isang nobela kung saan ito ay nahati sa iba’t ibang
kabanata. Gumamit ito ng malikhain at maguni-guning paglalahad upang pumukaw ng damdamin ng mambabasa
para ito’y maging kawili-wili. Ito ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
          Ito ay naglalayong gumising ng diwa at damdamin ng mambabasa gayundin ang manawagan sa talino at guni-
guni, mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay ng aral, magsilbing daan tungo sa pagbabago, at higit sa
lahat, magbigay ng inspirasyon sa mambabasa.

LAYUNIN NG AKDA

          Ang layunin ng may-akda ay matutuhan ng mga mambabasa na kailanman ay hindi aksidente ang
pagkakaibigan. Na sa kabila ng pagkakaparepareho, may isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo
dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga para sayo.
          Sabi nga ng alamid, “Narito ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso, makakakitang mabuti.
Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay.” Nais nitong ipaalam sa mga mambabasa na ang mga
mahahalagang bagay sa buhay ay hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.

TEMA O PAKSA NG AKDA

          Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa mga sumusunod: pagpapahalaga ng pagkakaibigan, hindi
pagkakaroon ng makitid na pag-iisip, paglalakabay, adbentura, at pagkakaroon ng relasyon na nagtuturo ng
responsibilidad.

MGA KARAKTER/TAUHAN SA AKDA

          Ang pangunahing tauhan sa kwento ay ang piloto kung saan siya ang nagsasalaysay ng kwento. Nariyan din
ang munting prinsipe na bida sa kwento na nagmula sa ibang planeta. At ang huli ay ang alamid kung saan siya ang
nagturo sa prinsipe ng napakahalagang bagay.
          Ang iba pang mga tauhan ay ang mga sumusunod: ang rosas, ang hari, ang hambog, ang lasenggo, ang
mangangalakal, ang tagasindi ng ilaw, ang heograpo, ang ahas, at ang bulaklak sa disyerto.

TAGPUAN/PANAHON

          Dahil ang akda ay hango sa naging karanasan ng manunulat, masasabi natin na ito ay naganap sa Disyerto ng
Sahara. Nabanggit din dito ang Planeta B-612 o 325, at maging ang iba’t ibang planeta.
          Walang tiyak na panahon kung kailan ito nangyari ngunit ang nobela ay unang nailimbag noong Abril 1943
kung saan ang mga pangyayari dito ay nagiging inspirasyon at aral nasaan ka man hanggang sa kasalukuyan.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

          Sa simula ng akda, bumagsak ang eroplano ng isang piloto sa Disyerto ng Sahara. Habang pinag-iisipan niya
kung paano ito aayusin at kung saan siya makakahanap ng makakain at maiinom, dumating naman ang munting
prinsipe. Nagpaguhit ito sa kanya ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit ay nagustuhan na ito ng munting
prinsipe. Habang inaayos ang eroplano, nagkwento ang prinsipe tungkol sa mga lugar na napuntahan at natutuhan
niya. Nabanggit niya rin ang pagmamahal niya sa rosas at kung bakit siya umalis sa kanyang planeta. Nakakilala ang
prinsipe ng isang alamid. Nang maamo na niya ito, nalaman niya ang tunay na mahalagang bagay sa ating buhay.
Naghanap ng balon ang piloto at ang munting prinsipe. Nang makakita sila nito, mahahalata sa pananalita ng
prinsipe ang pananabik na makabalik sa planeta nila upang makita ang rosas. Nakipagusap siya sa ahas para siya ay
maibalik na sa kanyang planeta. At sa wakas, dumating na rin ang araw kung kailan nakabalik ang munting prinsipe
sa kanyang daigdig dahil sa pagtuklaw ng ahas sa kanya. Ikinalungkot ng piloto ang pag-alis ng munting prinsipe.
Sa pagdaan ng panahon, ang pangungulila ng piloto ay napupunan sa pagtingin niya sa mga bituin sa langit kung
saan naaalala niya ang kanyang munting prinsipeng kaibigan.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
         
          Ang mga sumusunod ay mga ideya o kaisipang nakapaloob sa tula:
               •             Ang pagkakaibigan ay nangyari sa isang tiyak na dahilan.
               •             May isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang taglay na
halaga para sayo.
               •             Ang mahahalagang bagay ay hindi nakikita o nahahawakan kundi nararamdaman ng puso.
               •             Ang pagkakaroon ng relasyon ay nagtururo ng responsibilidad.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/PANITIKAN

          Gumamit ng mga larawan at simbolismo ang may-akda bilang istilo.


          May iba’t ibang teoryang pampanitikan din ang makikita sa akda. Ito ay ang mga sumusunod:
               •             Imahismo - gumamit ang akda ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya at saloobin, at iba pang nais ibahagi ng may-akda.
               •             Realismo - ang nangyari sa akda ay nangyayari talaga sa tunay na mundo
BUOD

          Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor. Subalit ito ay napalitan ng isang pangarap sa
kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at pinagsabihang magtuon na lamang sa Heograpiya, Matematika,
kasaysayan at wika. Siya ay naging isang piloto ng sasakyang panghimpapawid . Nasira ang kanyang sasakyan sa
isang disyerto sa Sahara. Sa kanyang pagkukumpuni ng eroplano, kanyang nakita ang isang batang lalaki at may
suot na prinsipe. Isang bata na naligaw sa gitna ng disyerto. Marami itong
naikwento tungkol sa kanyang buhay, sa planetang kanyang tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang nakatira .
Maliit lamang ito. Halos maiikot mo lamang ng isang minuto. Naikwento rin niya ang iba’t ibang taong kanyang
nakasalamuha nang siya’y maglakbay. Iba’t iba ang mga ito: may pag-uugaling kung minsan ay masama o mabuti,
may pag-uugaling nakasanayan nang gawin, ang iba ay seryoso ,nakakalungkot at
nakawiwili. Naransan rin niyang mainggit sa ibang taong kanyang nakakasalamuha. Hanggang isang araw na pag
bisita sa isang planetang kakaiba sa kanya at sa iba pang planeta. Natagpuan niya dito ang isang Heograpo. Isang
Heograpo ngunit kakaiba ang gawain . Tinuro sa kanya ang kagandahan ng buhay at paligid. Sa kanilang
paglalakbay, napag-isipan ng piloto na bumalik sa eroplano at ayusin ito. Habang nakaupo ang prinsipe sa ibabaw
ng nakatayong pader, may isang ahas ang dumating. Kinakaibigan niya ito subalit bigla itong tinuklaw. Sa
kagustuhan man ng
piloto na iligtas ang kaibigang prinsipe, hindi naging madali ito. Namatay ang prinsipe subalit itinatak ng piloto sa
kanyang puso’t isipan na nagkaroon siya ng kaibigan na naging isang tagapagpayo at maaalalahanin na nariyan lang
at nakaalalay sa kanya kahit kailan.

You might also like