You are on page 1of 1

Ang Ibong Nakahawla

Ni Maya Angelou

Isang ibon ang umigpaw Ang ibong nakahawla’y umaawit


sa likod ng hangin nang may kasindak-sindak na tinig
at nagpalutang pababa sa may ilog ng tungkol sa di-batid na mga bagay
hanggang sa magwakas ang agos ngunit minimithi ang kapayapaan
at nagtawtaw ng kanyang mga pakpak at ang kanyang himig ay naririnig
sa kahel na silahis ng araw sa malayong burol
at nangahas angkinin ang langit. sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan.

Ngunit ang isang ibong nanlilisk -Salin ni Rogelio G. Mangahas


sa kanyang makitid na hawla
ay bihirang makasilip
sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit
mga pakpak niya’y pinutulan at
mga paa’y tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang
makaawit.

Ang ibong nakahawla’y umaawit


nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan.

Ang malayang ibong nama’y nag-iisip ng


ibang simoy
ng hanging malamyos sa mga punong
nagbubuntonghininga
ng matatabang uod na naghihintay sa
damuhang
sinisinagan ng umaga
at ang langit ay itinutiring na kanyang sarili.

Ngunit ang ibong nakahawla’y nakatayo sa


puntod ng mga pangarap
anino niya’y sumisigaw sa tili ng isang
bangungot
mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y
tinalian
kaya siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.

You might also like