You are on page 1of 4

Ang Munting Prinsipe

(Suring Basa)

Ipinasa ni:

Hannah Joyce Medel


St. Michael
I. PANIMULA
a. Uri ng Panitikan – ang kwento ng munting prinsipe ay isang
uri ng nobela na mas maikli pa sa karaniwang nobela at mas
mahaba sa maikling pabula at alegorya

b. Bansang Pinagmulan – nobela mula sa Pransiya na salin ni


Desiderio Ching ng kwentong “The Little Prince” ni Antoine
de Saint-Exupery.

c. Pagkilala sa may Akda – ang kanyang paglipad ay nagdulot sa


kanya ng inspirasyon at halaga sa kanyang mga pagsusulatang
mga pilosopiyang sanaysay at pantasya.

d. Layunin ng Akda – isinulat ito upang ipakita at iparamdam sa


atin na sa ngayong panahong makikita mong pareparehas ang
lahat ng bagay ngunit makikitaan mo lamang ito ng
importansya o halaga kung ito’y iyong iningatan, inalagaan
at minahal.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN


a. Tema o Paksa ng Akda – ang tema ng akda ay patungkol sa di
pag saying ng oras at panahon upang malaman ang mga bagay na
gusto nating malaman.

b. Mga Tauhan o Karakter sa Akda – ang pangunahing tauhan sa


may akda ay ang munting prinsipe na umakyat sa isang mataas
na bundok upang tingnan ang tatlung bundok na ang taas ay
abot hanggang tuhod at nakilala niya duon ang naging
kaibigan na si Alanid na nagturo sa kanya kung gaano
kahalaga ang bawat oras at panahon.
c. Tagpuan at Panahon – nagpatunay lang na ang munting prinsipe
ay may sariling mundo na marami pang kailangan malaman.
d. Balangkas ng Pangyayari – sa aking pagkabasa ang nilalaman
ay may pagkakaiba sa karamihang kwento o istorya pagka’t
ito’y may paglalarawan sa ganap na nangyayari sa aking
mundong ginagalawan.

e. Kulturang masasalamin sa Akda – kahit kathang isip lamang


ang kwentong ito, si Antoine de Saint-Exepury bilang isang
piloto ay naging isnpirasyon upang isulat niya ang akda.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN


a. Mga Kaisipan – matutong makuntento sa isang bagay na
pinahahalagan mo ng sobra dahil natatangi lang yun sayo na
hindi mo mahahanap sa iba.
Tunay na pagmamahal at pagkakaibigan

b. Estilo ng Pagkasulat ng Akda – epektibo ang pagkakasulat ng


akda sapagkat naipapakita nito ang mga element ng nobela.

IV. TEORYANG PAMPANITIKAN


- Malalapat ang teoryang romantisismo sa istorya. Makikita sa
istorya ang teoryang romantisismo dahil sa ugnayan at sa
nararamdaman ng munting prinsipe para sa kanyang rosas.

V. BUOD
- Sa akda ay pinakilala ang munting prinsipe. Pinakilala
siyang napakainosente at naghahanap ng makakausap o ng
magiging kaibigan. Nagtangka ang munting prinsipe na hanapin
ang mga tao ngunit una siyang napadpad sa hardin ng mga
rosas. Nanlumo siya nang makita niya ang isang hardin ng mga
rosas. Sapagkat ang sabi ng bulaklak sa kanya ay wala ng iba
pang tulad niya. Tila napahiya ang Prinsipe ng makita niya
ang napakaraming katulad nito. May nakilala naman na Alamid
ang munting Prinsipe at ang alamid na ito ang nagsilbing
tagapagturo niya ng aral na ang pagkakaroon ng ugnayan sa
kung ano man o sino man ay hindi mapapantayan ng kahit na
anomang kaparehas ng anyo nito sapagkat ang ugnayan nila ang
mismong nangingibabaw.

You might also like