You are on page 1of 2

I- Pagkilala sa May-akda

Isinulat ni Gng. Alma M. Dayag ang Janitor ang Tatay Ko! upang ipihiwatig ang kanyang damdamin sa isang pangyayari

II- Uri ng Panitikan


Maikling Kuwento- ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talatay binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Sapagkat itoy may makitid na larangan, mabilis na galaw kayat tuluy- tuloy ang pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan,payak o karaniwan ang paksa, maikli ang panahong sinasako Ang maikling kuwento ay madaling maunawaan, kayat masasabing angkop sa lahat, lalo na sa mga taong mahilig magbasa ngunit kapos sa panahon. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

III- Tema Paksa o Akda


Mahalin ang ating ama, ipagmalaki at igalang natin siya

IV- Mga Tauhan o Karakter ng Paksa


Mauro- ama ni Donna. - janitor sa isang mamahaling restawran sa Makati. -isang iginagalang at tapat na janitor. -nakakita ng itim na bag sa isang sulok sa restawran na punong-puno ng salapi. -nag sauli ng itim na bag sa manedyer ng naturang restawran. Nanay- asawa ni Mauro. -nagtitinda ng barbecue at isda. -nabigyan ng isang pwestosa palengke. Donna- nag-aaral sa isang magandang paaralan. -ipinagkaloob sa kanya ang educational tuition. Banyaga- nag mamay-ari ng itim na bag na nakita ni Mauro. -nagbabalak mamuhunan sa bansa.

-nagbigay ng educational plan kay Donna.

V-Tagpuan o Panahon

You might also like