You are on page 1of 7

BRIGHTWOODS SCHOOL

High School Department


SY 2015-2016

Filipino 8
Ikalawang Markahan
Pangkalahatang-ideya
Ang Pilipinas ay mayaman sa ibat ibang anyo ng panitikang
naglalarawan sa kulturang Filipino. Sa handout na ito, makikilala mo ang isang
anyo ng panitikan sa Pilipinas. Ilalarawan dito ang tanyag na mga halimbawa ng
pelikulang pantasya at mga awiting isinalin mula sa banyagang wika sa ating sa
ating sariling wika Filipino.
Naririto ang apat na araling tatalakayin sa handout na ito:
Aralin 1 Pag-uugnay ng Sariling Kaugalian sa mga Tagpo ng Napanood na Pelikula

Pelikulang Komedya

Aralin 2 Pagsusuri sa Nilalaman ng Binasang Akda

Kontemporaryong Panitikan

Aralin 3 Pagbibigay ng Komentaryong Nakapanghihikayat Tungkol sa Binasang Akda


Aralin 4 Talasalitaan

Aralin 1

PAGHAHANDA: Pag-uugnay ng Sariling


Kaugalian sa mga Tagpo ng Napanood na
Pelikula Pelikulang Komedya
karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa,
magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali
at ilang ulit ako dapat bumawi
Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

Basahin Natin Ito


Ang paggamit ng komedya sa mga pelikula ay isa sa paborito ng mga
Pilipino. Para sa masa, nakaaaliw ang mga eksenang nagdudulot ng tawanan at
halakhakan.
Ang Pelikulang Komedya ay pelikulang nagpapatawa na kung saan ang
mga karakter o tauhan ay inilalagay sa mga hindi maisip na situwasyon. Ito ay
ginagamit kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong
pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.
Ibat ibang uri ng komedya ang matatagpuan sa mga pelikulang Pilipino. Meron iyong
nakalulugod na romantic-comedy. Mayroon din mga parodiya na ang layunin ay
pagtawanan ang ibang mga seryosong pelikula, mga inaakalang horror sa simula
pero komedya pala. Isa rin sa mga paboritong uri ng komedya ng mga Pilipino ay
yaong mga nasa ikatlong kasarian ang bida.

Aralin 2

PAGTATANIM: Pagsusuri sa Nilalaman ng


Binasang Akda
Ang Kwento ng Matandang Lalaki na Binuhay ang Patay na Puno
[Hanasaka Jiisan ()]
Ni: Yei Theodora Ozaki
Source: Ozaki, Y.T. (1908). Japanese Fairy Tales. New York: A.L.Burt
Company.Readability:FleschKincaid Level: 7.2
Genre: Fairy Tale/Folk Tale
I. Buod
Noong unang panahon mayroon mag-asawang walang anak na mahal na mahal
ang kanilang alagang aso.
Isang araw bigla na lamang naghukay ang aso at sila ay nakakita ng mga ginto.
Nakita ito ng kanilang kapitbahay at naisip niyang dapat niyang hiramin ang aso sa
kanila para maghanap ng ginto. Pinaghukay niya ang aso at ito ay nakakita lamang ng
mga buto at mga basura nainis, ang kapitbahay at pinatay niya ito.
Pinagluksa at inilibing ng mag-asawa ang kanilang aso sa ilalim ng puno na kung
saan nila ito unang nakita. Isang gabi napaniginipan ng matandang lalaki ang aso nila
na pinapaputol nito ang puno at gawing isang pandikdik (pestle). Kinausap niya ang
kanyang asawa na sundin nila ang sinabi ng aso. Nang ginawa nila ito at naglagay ng
kanin ito ay naging ginto. Nakita na naman ito ng kanilang kapitbahay at hiniram nila
ang pandikdik, naglagay sila ng maraming kanin at muli hindi ginto ang lumabas kung
hindi mga nasisira ng mga prutas. Sa sobrang inis ng mag-asawa sinira at sinunog nila
ang pandikdik.
Muli nanaginip na naman ang matanda, nakausap na naman niya ang kanilang
aso at sinabi nitong, kunin nila ang abo ng nasunog na pandikdik at isabog sa ilang
mga puno ng cherry. At ng gawin nila ito, walang ano-ano ay namulaklak ang puno ng
cherry kasabay nito ang pagdaan ng isang mayamang may-ari ng lupa sa kanyang
pagkamangha ay binigyan niya ng mga regalo ang mag-asawa.
Muli nakita ito ng kanyang ganid na kapitbahay, kanyang isinaboy ang mga abo
ngunit ito ay napunta lamang sa mata ng mayaman na may-ari ng lupa. Sa galit nito
ay kanya nitong pinakulong. Nang siya ay makalaya ay di na nais ng taga nayon na
doon pa siya manirahan kaya pinaalis nila ito. At dahil sa sakim niyang pag-uugali ay
nahirapan siyang makahanap muli ng matitirhan.

Aralin 2
III. Pagsusuri:
A. Uri ng panitikan:
3

Ang uri ng panitikan ay Maikling Kwento sapagkat ito ay isang maiksing


salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining
na anyo ng panitikan.
B. Istilo:
Ang istilo ng pagkakasulat ng kwento ay kumbensyunal. Ito ay sinimulan
ng may-akda sa isang panimula, gitna at ng isang wakas. Madetalye ang naging
pamamaraan sa pagkakasulat ng akda. Nakalahad ang bawat pangyayari, ito ay
kinapapalooban ng simula gitna wakas.
C. Layunin ng akda o may-akda:
Ang kwentong bayan na ito ay isinalin ni Yei upang ipakita ang moral,
halaga at kung anong pamumuhay maroon ang bansang Japan. Kasabay ng
pagsasalin ni Yei ay dinadagdagan niya ang kwento upang mas maging
makabuluhan at mas maintindihan ng kanyang mga mambabasa. Sabi nga niya
- These stories are not literal translations, and though the Japanese story and
all quaint Japanese expressions have been faithfully preserved, they have been
told more with a view to interest young readers of the West than the technical
student of folk-lore. Ang mga ito ay hindi isinulat sa mga iskolar na pagkolekta
kung hindi ipakita ang pagmamahal sa sariling bansa [Japan] at panatilihin ang
kanilang mga namanang kwento. Ipaalam sa mga murang isip ng mga bata na
walang alam sa kultura ng Japan.
D. Paksa ng akda:
Ang kwento ay tungkol sa mabait na mag-asawa na nakapulot sa isang aso
na nagbibigay ng biyaya at sa isang sakim nilang kapitbahay na walang nakuha
at napala sa inggit kung hindi kamalasan.

Aralin 3

PAGTATANIM: Pagbibigay ng Komentaryong


Nakapanghihikayat Tungkol sa Binasang Akda

"Basahin mo kahit pambalot ng tinapa, ang madalas na payo ng mga


matatanda noon. Ang problema, plastik na ang madalas kong nakikita na
pambalot ng tinapa at ang isa pang problema, paano kung di kayo madalas
kumain ng tinapa?
Sinasabi lamang nito na basahin mo ang lahat nang mapasadahan ng
mata. Tutukan mo agad. Damputin mo agad. Ano pa mang paksa ang sinasabi
nyan. Maliit na post man iyan sa FB o Twitter. Diyaryo man o libro. Manipis man o makapal.

Basahin Natin Ito


Ang Komentaryo ay ang pasalita o pasulat na paglalahad ng iyong
opinyon o reaksyon patungkol sa isang bagay halimbawa ay aklat, tao at iba pa.
Halimbawa ng isang pagbibigay ng komentaryo sa isang aklat:

Pagsusuri at pagbibigay komentaryo sa Aklat: 'Gap ni Lualhati


Bautista
Detalye ng Aklat:
Pamagat: Gapo
Pangalawang pamagat: at isang puting Pilipino, sa ng mga Amerikanong
kulay brown
May-akda: Lualhati Bautista
Linggwahe: Tagalog / Filipino
ISBN: 9711901153
Genre (Anyo o Estilo): Drama, Fiction
Limbagan: Cacho Publishing House, Inc.
Petsa ng Pagkalimbag: 2001
Unang Nailimbag: 1988
Unang Limbagan: Carmelo & Bauermann
Aralin 3
(Basahin ang aking rebyu ng aklat na ito sa ibaba)
5

Aralin 4
guro sa Kasaysayan .
klat. May mga nakatatawang tagpo kapag nababanggit na ang pangalan ni Alipio. May parte rin na may rasismo s
pa kasi ang petsa ng pagkakalimbag sa librong ito na nabili ko.

SALITA

KAHULUGAN

SALITA

KAHULUGAN

1. masa

taong bayan o ang


madla, sila ay ang mga
karaniwang tao

8. pagitan

layo, agwat (distance)

2. namumutawi

utter; pronounce;
declare

9. agos

flow

3. luksa/pinagluksa

in mourning; grieving

10. karanasan

kaalaman ng isang tao na


nakukuha sa pamamagitan ng
paggawa ng isang bagay o
gawain o pagpapanood ng
ibang taong gumagawa ng
isang bagay o ng isang
gawain (experience)

4. abo

labi ng isang nasunog na 11. tagpo


bagay, pulbos na
nagmula sa pagsabog
ng bulkan, kulay ng abo,
na pinaghalong itim at
puti (ash)

isang partikular na lugar na


pinangyarihan ng isang
eksena mula sa akda/kwento
(scene)

5. ganid/sakim

makasarili (selfish)

12. pahiwatig

hindi direktang pagpapahayag


sa isang bagay, ideya, o
saloobin

6. biyaya

grasya (grace)

13. gantimpala

Anumang ibinigay o
tinanggap bilang kapalit ng
mahusay na paglilingkod,
kanais-nais na katangian o
paghihirap at iba pa (rewards)

7. batid

alam o nalalaman

TALTASALITAAN

You might also like