You are on page 1of 18

FIL 218: PANUNURING PAMPANITIKAN

PAGSUSURI NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

IPINASA NINA:

Abobo, Christine Mae C.

Calingacion, Cristine Joy C.

Enriola, Allyssa Marie C.

BSED 3 – FILIPINO
IMPENG NEGRO

Maikling Kwento ni Rogelio R. Sikat

I. KAHULUGAN NG PAMAGAT

Ang pamagat ng maikling kwentong "Impeng Negro" ni Rogelio Sikat ay

tumutukoy sa pangunahing karakter ng kwento na si Impen, na kilala sa

kanyang itim na balat. Ito ay nagpapakita ng diskriminasyon at kahirapan na

nararanasan ng mga taong may maitim o kakaibang kulay ng balat sa

lipunang kanilang ginagalawan. Gayunpaman, ang kwento ay nagpapakita rin

ng determinasyon, kakayahan, at halaga ng bawat tao sa kabila ng kanilang

hitsura o katayuan sa lipunan.

II. MAY AKDA

Ipinanganak noong Hunyo 26, 1940 sa San Isidro Nueva Ecija at

sumakabilang buhay noong 1998. Siya ay isang premyadong nobelista,

kuwentista, mandudula, at tagasalin. Naging guro ng panitikan, malikhaing

pagsulat, wika at pagsasalin sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng

Pilipinas. Kinilala siya bilang University Professor ng Unibersidad ng Pilipinas,

ang pinakamataas na titulong pang-akademiko na iginagawad ng Lupon ng

mga Rehente ng UP System. Kabilang din siya sa mga mahuhusay at

kinikilalang manunulat sa Pilipinas na nagtaguyod ng paggamit sa wikang

Filipino sa malikhaing pagsulat at pananaliksik. Siya ay naging isang

campus writer at literary editor ng The Varsitarian, tinuloy niya


hanggang siya ay maging isa sa mga sikat na pioneer’s ng Philippine

Literature sa pamamagitan ng pagpili sa lenggwaheng Filipino sa kanyang

pagsusulat at sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pag-alala at

pakikipagtagpo sa mga “Western writers.” Hanggang sa kasalukuyan,

kinikilala pa rin siya bilang isa mga muhon ng panitikan ng Pilipinas.

III. BUOD

Nagsimula ang kwento sa isang batang nagngangalang Impen na

naninirahan sa isang iskwater na lugar kasama ang kaniyang ina at mga

kapatid. Sa tuwing aalis ng bahay si Impen bilang isang agwador ay

lagi siyang pinagbibilinan o pinagsasabihan ng kaniyang ina na umiwas sa

pakikipag-away lalo na kay Ogor. Si Ogor ang siga sa lahat ng

agwador sa kanilang lugar. Madalas nitong tuksuhin si Impen dahil

sa panlabas na anyo nito. Si Impen ay anak ng kaniyang ina sa isang

Negrong Amerikano. Mayroon siyang kapatid na anak naman ng kaniyang

ina sa isang Amerikanong puti kaya ganon na lamang ang panunukso sa

kaniya ng mga tao sa kanilang lugar. Isang araw sa kaniyang pag-iigib ay

muli na naman siyang sinubukan ni Ogor. Pilit na isiningit ni Ogor ang balde

nito kahit na si Impen na ang nasa unahan ng pila. Nakiusap si Impen kay

Ogor na hayaan na lamang siyang matapos sa pag-iigib ngunit hindi

ito pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi. Subalit sa kaniyang

paglakad ay pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa

nabitiwang balde ng tubig. Dahil sa dugong dumaloy sa kaniyang


pisngi ay agad nitong tiningala ang kaaway at tinawag ang

pangalan nito. Nagulat si Ogor at mabilis siya nitong sinipa at gumulong siya

sa mga balde. Nagpambuno ang dalawa. Nagtawanan ang mga tao.

Biglaang paglakas ni Impen. Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat

ni Impeng ang paa kaya't pumailalim si Ogor at si Impeng ang nasa ibabaw.

Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang humina at sumuko. Natalo

at napasuko niya si Ogor. Tumayo at nagtinginan ang mga tao, ang mga ito

ay nahihiya na sa kaniya. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng mga

kapwa niya agwador. Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na

taglay at nadama ang tibay, katatagan at kapangyarihan. Sa pagkakataong

ito, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga iyon. Sa gitna ng sikat ng araw,

siya'y naging sugatang mandirigma na ang tangning hiling ay ang

kapayapaan kahit na siya ay iba sa lahat.

IV. MGA TEORYA / PANANALIG PAMPANITIKANG NAKAPALOOB SA AKDA

Teoryang Sosyolohikal

Ang maikling kwento na “Impeng Negro” ni Rogelio R. Sikay ay kakikitaan

ng teoryang sosyolohikal dahil dito makikita natin ang kalagayan at suliraning

panlipunan na kinakaharap ni Impen. Ang akdang ito ay tumatalakay o

nagbibigay diin sa mga usaping panlipunan. Ipinakita rito ang pagkakaroon

ng diskriminasyon sa lahi na kung saan ang mga inaapi ay ang mga taong

may maritim na kulay ang balat. Hindi na bago sa atin na may mga taong

mabababa ang pagpapahalaga sa sarili dahil sa diskriminason katulad sa


nangyari kay Impen. Dahil sa diskriminasyong kaniyang dinaranas sa

kanilang lugar wala siya ni isang kaibigan dahil lahat sila ay pinagtatawanan

at tinutukso si Impen dahil sa kaniyang kulay ng balat.

Teoryang Realismo

Ang maikling kwento rin na ito ay kakikitaan ng teoryang realism dahil ito

ay sumasalamin sa katavuan o tunav na kulay at kaganapang nangyayari o

nagaganap sa ating lipunan. Tulad na lamang ng paghihirap. pangungutya,

panghuhusga at pagmamataas ng mga tao kina Impen. Narito ang ilang

dahilan kung bakit ito naging teoryang realismo; Una, sa pagkakaroon ng iba’t

ibang asawa ng ina ni Impen na naging dahilan ng pangungutya sa kaniyang

pisikal na hitsura. Pangalawa, ang kanilang bahay na tinitirahan na iskwater

and lugar at ang pananamit ng mga tauhan. Pangatlo, ang panghuhusga o

pangungutva ng mga tao alinsunod sa kaniyang pisikal na personalidad ang

pagiging maitim. Pang-apat, ang palaging pangunngutya ni Ogor at ang pag-

aabuso sa pagiging tahimik ni Impen sa kaniyang mga pangungutya.

Panghuli, ang pagbabagong naganap kay Impen matapos subukin ang

kaniyang kakayahan at ang sitwasyon ng kaniyang ina na lubos niyang

ikinagagalit.
LUHA NG BUWAYA

Nobela ni Amado V. Hernandez

I. KAHULUGAN NG PAMAGAT

Ang pamagat ng nobela ni Amado V. Hernandez na "Luha ng Buwaya"

ay nagpapahiwatig sa pagiging mapanlinlang at mapanakit ng mga nasa

kapangyarihan sa lipunan, gayundin ang pagdurusa at pighati ng mga taong

mahihirap at inaapi. Tumatalakay rin ito sa ginagawang panggigipit ng may

kayang pamilya sa mga maralita at kung paano nagkaisa ang nasabing mga

dukha upang lutasin ang kanilang problema. Ang buwaya ay simbolo ng

kasamaan at abuso ng kapangyarihan, samantalang ang luha ay simbolo ng

sakit at hirap na dulot ng mga pang-aapi at katiwalian. Sa pamamagitan ng

pamagat na ito, ipinapakita ng may akda ang kalagayan ng lipunan at ang

pangangailangan ng pagtutulungan at paglaban laban sa katiwalian at pang-

aapi.

II. MAY AKDA

Si Amado V. Hernandez ay hinirang na Pambansang Alagad ng

Sining sa Panitikan noong 1973. Siya ang bukod tanging makata at

manunulat sa Pilipino na nagtamo ng Republic Cultural Heritage Award for

Literature at Gantimpala ng Lungsod ng Maynila sa Kultura, ng dalawang


Gantimpala ng Commonwealth bago magkadigma, at ng apat na taong sunod

na premyo sa dula noong taong 1958-1961 ng Palanca Memorial Literary

Award. Siya ay naging editor ng "'Mabuhay" at kolumnista ng "Taliba", naging

konschal ng Maynila, pambansang pangulo ng Congress of Labor

Organizations, Major ng Anderson Guerillas (kinilala ng gobyerno ng US at ng

RP) at kagawad ng International War Crimes Tribunal sa London at

Stockholm. Siya rin ay kasapi sa Civil Liberties Union of the Philippines at sa

National Press Club. Makailan siyang naglakbay sa daigdig, kabilang ang

dalawang buwan sa China. Hinirang siya ng Ateneo de Manila University na

magturo ng "Advanced Tagalog" at chairman din siya ng lupon sa Patnubay

ng Kalinangan ng siyudad ng Maynila.

III. BUOD

Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng

mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa

bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones.

Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong

upang humalili sa dating punong-guro na nagbakasyon muna dahil sa

karamdaman na dinaranas. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking

handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman

na tao sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina

Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang

pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa


kanilang mga magsasaka at hindi lamang ngayong malapit na ang piging

ngunit kahit noon pa man. Sila'y laging walang-awang naniningil o sumisingil

ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka.

Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay ang ilang araw matapos ang

handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan

ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera

upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na

asawa. Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga

mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para

mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing

punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao

sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit

patuloy na umiral ang kasamaan at kasakiman ng mga Grande at tinangka

nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon'

at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano.

Hindi nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa

pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa

panliligaw sa magandang dalagang si Pina, sila'y gumawa ng paraan upang

matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni

Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang naki-isa

sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan

nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit

nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Hindi


naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa

halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay

napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

IV. MGA TEORYA / PANANALIG PAMPANITIKANG NAKAPALOOB SA AKDA

Teoryang Markismo

Sa nobelang ito, kakikitaan ng teoryang markismo dahil hindi lang ito

tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng distribusyon ng kayamanan at

kapangyarihan. Tinatalakay rin dito ang kahalagahan ng paglalaban ng mga

iba't ibang uri ng tao sa lipunan. Layunin ng teoryang ito na ipakita na ang

mga tao ay may sariling kakayahan upang umangat sa buhay at suliraning

panlipunan at pampulitika. Ipinapakita rin dito ang mga paraan ng pag-ahon

mula sa kalungkutan ng akda upang ito ay maging modelo para sa mga

mambabasa.

Teoryang Realismo

Ginamitan din ng teoryang realismo ang nobelang ito dahil ito ay isang

makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotoong pangyayari

sa buhay. Ang mga pangunahing tauhan sa nobelang ito ay nagtataglay ng

ordinaryo at hindi eksaheradong suliranin. Wala itong elementong

supernatural at mistiko at nakabase ang tagpuan sa mga makatotohanang

lugar. Dagdag pa rito, ang mga usapan ng mga tauhan sa nobela ay

ginamitan ng tuwid at natural na wika.


GOYO: ANG BATANG HENERAL

Pelikula Ni Jerrold Tarog at Rody Vera

I. KAHULUGAN NG PAMAGAT

Sa pelikulang "Goyo: Ang Batang Heneral", ang salitang "Goyo" ay

tumutukoy sa pangunahing karakter na si Gregorio del Pilar. Siya ay isang

batang heneral na naging kilala sa kanyang katapatan kay Heneral Emilio

Aguinaldo at sa kanyang angking husay bilang sundalo ng Pilipinas. Ang

pelikula ay naglalahad ng buhay at pakikipagsapalaran ni Goyo sa panahon

ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ito ay isang epikong pelikula na

nagpapakita ng kanyang mga pagsubok, tagumpay, at kamatayan sa labanan

ng Tirad Pass.

II. MAY AKDA

Ang pelikula ay idinirehe ni Jerrold Tarog at ito ay isinulat ni Jerrold Tarog

at Rody Vera. Si Jerrold Tarog ay isang Pilipinong direktor ng pelikula,

kompositor, at manunulat ng screenplay. Siya ay kilala sa kanyang mga gawa

sa industriya ng pelikulang Pilipino, lalo na sa mga pelikulang "Heneral Luna"

at "Goyo: Ang Batang Heneral." Si Tarog ang nagdirek at kasama niya sa

pagsusulat ng screenplay ng "Goyo: Ang Batang Heneral" si Rody Vera,


isang Pilipinong manunulat ng dula, manunulat ng screenplay, at makata.

Nagtulungan sila sa pagsulat ng screenplay ng pelikula, na nagdulot ng

buhay sa kuwento ni Gregorio del Pilar sa malaking screen.

III. BUOD

Sa pelikulang "Goyo: Ang Batang Heneral", ang kwento ay naglalahad ng

buhay at pakikipagsapalaran ng batang heneral na si Gregorio del Pilar o

Goyo. Ito ay isang epikong pelikula na nagpapakita ng kanyang mga

pagsubok, tagumpay, at kamatayan sa labanan ng Tirad Pass.

Simula ng kwento, ipinakita ang pag-angat ni Goyo sa katayuan bilang

batang heneral dahil sa kanyang katapatan kay Heneral Emilio Aguinaldo,

ang unang pangulo ng Pilipinas. Sa kabila ng kanyang kabataan, ipinakita

niya ang kanyang angking husay bilang isang sundalo ng Pilipinas. Nagpakita

siya ng tapang at galing sa mga labanan, na gumawa sa kanya bilang isang

lider na hinahangaan ng kanyang mga kasamahan.

Ngunit, sa paglipas ng kwento, ipinakita rin ang mga pagkakamali at mga

kahinaan ni Goyo. Ipinakita na hindi lamang siya isang bayani, ngunit

mayroon din siyang mga pagkakamali at mga personal na laban. Ito ay

nagpapakita ng kanyang pagkatao bilang isang tao na may mga kahinaan at

hindi perpekto.

Sa huli, ipinakita ang laban ng Tirad Pass, kung saan nagtagumpay si Goyo

sa pagtatanggol ng kanyang mga kasamahan laban sa mga Amerikano.


Gayunpaman, sa dulo ng labanan, si Goyo ay namatay sa kamay ng mga

kalaban.

Ang pelikula ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kontribusyon ni Goyo

sa kasaysayan ng Pilipinas, ngunit hindi rin nagkukubli sa mga pagkakamali

at kahinaan ng isang bayani. Ito ay isang paglalahad ng buhay ng isang

batang heneral na nagpakita ng katapangan at katapatan sa panahon ng

digmaang Pilipino-Amerikano.

IV. MGA TEORYA/ PANANALIG PAMPANITIKANG NAPAPALOOB SA AKDA

Teoryang Historikal

Ang "Goyo: Ang Batang Heneral" ay naglalahad ng mga pangyayari sa

digmaang Pilipino-Amerikano at ang papel ni Goyo sa kasaysayan ng

Pilipinas. Ang pag-aaral ng konteksto ng kasaysayan ay makakatulong sa

pag-unawa sa mga motibasyon at desisyon ng mga karakter sa pelikula.

Teoryang Realismo

Sa "Goyo: Ang Batang Heneral", ang paggamit ng teoryang realismo ay

maaaring magpahayag ng mga tunay na pangyayari at karanasan ng mga tao

sa panahon ng digmaan. Ito ay nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa

mga pangyayari at nagpapahalaga sa mga detalye at katotohanan.

Teoryang Eksistensyalismo

Ang "Goyo: Ang Batang Heneral" ay maaaring maipaliwanag sa konteksto

ng eksistensyalismo sa pamamagitan ng pagpapakita ng paghahanap ni


Goyo sa kanyang sariling kahalagahan at kahulugan sa gitna ng digmaan at

pagiging isang bayani.

Teoryang Kultural

Sa "Goyo: Ang Batang Heneral", ang teoryang kultural ay maaaring

magamit upang suriin ang mga kultural na elemento, mga tradisyon, at mga

paniniwala na ipinapakita sa pelikula. Ito ay magbibigay ng mas malalim na

pag-unawa sa konteksto ng mga karakter at mga pangyayari sa pelikula.


WALANG SUGAT

Ni Severino Reyes

I. KAHULUGAN NG PAMAGAT

Ang "Walang Sugat" ni Severino Reyes ay isang dula o sarswela na

isinulat noong panahon ng Rebolusyon ng 1896. Ito ay naipalabas noong

1902 sa Teatro Libertad. Ang dula ay naglalahad ng kuwento ng pag-iibigan,

pagtataksil, at pagiging makabayan. Ito ay nagpapakita ng pagpukaw ng

damdaming makabayan sa gitna ng pagkakaisa at pagdadamayan ng mga

Pilipino sa mga panahon ng kagipitan at paghihirap. Ang "Walang Sugat" ay

isang obra na naglalayong magbigay ng mensahe tungkol sa kawalan ng

hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ito ay

patungkol sa mga suliraning panlipunan at pampolitiko na nagpapahiwatig ng

mga isyung pangkasalukuyan ng lipunan.

II. MAY AKDA

Si Severino Reyes, kilala rin bilang "Lola Basyang," ay isang kilalang

manunulat, aktor, at direktor sa panahon ng Kastila at Amerikano sa Pilipinas.


Siya ay isinilang noong Pebrero 11, 1861, sa Sta. Cruz, Maynila, at namatay

noong Pebrero 12, 1942. Si Reyes ay kinikilalang "Ama ng Sarswela" dahil sa

kanyang malaking kontribusyon sa larangan ng sining ng sarswela sa

Pilipinas. Isa sa kanyang pinakasikat na akda ay ang sarswelang "Walang

Sugat," na naisulat niya noong 1902. Ang "Walang Sugat" ay naglalahad ng

pag-iibigan, pagtataksil, at pagiging makabayan sa panahon ng Rebolusyon

ng 1896. Bukod sa pagsusulat, si Severino Reyes ay isang aktor at direktor

sa teatro. Siya rin ang nagtatag ng Teatro Porvenir (Teatro ng Kinabukasan),

isang grupo ng mga aktor na nagtatanghal ng mga dula at sarswela na may

pambansang tema. Sa kabuuan, si Severino Reyes ay isang mahalagang tao

sa kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas, na nag-ambag ng mga akda na

patuloy na nagpapahalaga sa kultura at identidad ng bansa.

III. BUOD

Ang "Walang Sugat" ni Severino Reyes ay isang kilalang dula o sarswela

sa panitikang Pilipino. Ito ay isinulat noong panahon ng Rebolusyon ng 1896

at ipinakita sa Teatro Libertad noong 1902.

Ang dula ay naglalahad ng kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, at pagiging

makabayan. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng mga

tauhan na sina Tenyong at Julia. Si Tenyong ay isang mangingibig na sundalo

at si Julia naman ay isang dalagang Pilipina.

Sa kuwento, ipinakita ang pag-ibig nina Tenyong at Julia na nasubok at

sinubok ng mga pagsubok at mga kaguluhan ng digmaan. Pinakita rin ang


pagtataksil ni Julia sa pag-ibig ni Tenyong dahil sa impluwensya ng isang

dayuhan. Sa gitna ng pagkakabuwag ng kanilang pag-iibigan, ibinunyag ni

Tenyong ang kanyang pagiging makabayan at tapang sa pamamagitan ng

paglaban sa mga Kastila.

Ang "Walang Sugat" ay isang obra na nagpapahayag ng mga suliraning

panlipunan at pampolitiko noong panahon ng mga Kastila. Ito ay naglalayong

ipakita ang kawalan ng hustisya at kalayaan na naranasan ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng mga karakter at pangyayari sa dula, ipinapakita rin ang

pag-asa at katatagan ng mga Pilipino sa harap ng mga pagsubok at

kahirapan.

Ang "Walang Sugat" ni Severino Reyes ay patuloy na pinapangalagaan

bilang isang mahalagang bahagi ng panitikang Pilipino. Ito ay nagpapahiwatig

ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura.

V. MGA TEORYA/ PANANALIG PAMPANITIKANG NAPAPALOOB SA AKDA

Teoryang Realismo

Ang "Walang Sugat" ay isang dula na naghahayag ng mga pangyayari at

karakter na naglalarawan ng reyalidad at katotohanan. Ang teoryang realismo

ay maaring magamit upang suriin ang paglalarawan ng mga pangyayari at

mga karakter sa dula sa isang natural at totoong paraan. Ito ay nagbibigay ng

mas malalim na pag-unawa sa mga pangyayari at nagpapahalaga sa mga

detalye at katotohanan.

Teoryang Historikal
Ang "Walang Sugat" ay isinulat noong panahon ng Rebolusyon ng 1896,

kaya maaaring maunawaan ang mga pangyayari at mga karakter nito sa

ilalim ng konteksto ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang paggamit ng teoryang

historikal ay nagbibigay ng mas malalim na pag-intindi sa mga pangyayari at

nagpapahayag ng kahalagahan ng konteksto sa pag-aaral ng panitikan.

Teoryang Feminismo

Sa "Walang Sugat," ay maaangkop sa teoryang feminismo sa

pamamagitan ng pagsusuri sa mga karakter na babae tulad ni Julia. Ang

pagtataksil ni Julia at ang kanyang mga desisyon ay maaaring maging daan

upang talakayin ang mga isyung kalayaan, pagkakapantay-pantay, at

karapatan ng mga kababaihan. Ito ay nagbibigay-daan sa pag-unawa sa mga

isyung pangkasarian na maaaring nakalatag sa dula.

You might also like