You are on page 1of 13

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

Banghay-Aralin

Ipinasa Nina:
Abobo, Christine Mae C.
Acorato, John Razel
Alegre, Lady Diane
Barbacena, Julius
Calingacion, Cristine Joy C.
Enriola, Allyssa Marie C.
Jemiera, Kyla A.
Liquigan, Desiree Joy

BSED 3Filipino

Technology For Teaching and Learning II


Ipinasa Kay: G. Ray Mon Pereyra
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

Banghay-Aralin Filipino 7

I. MGA LAYUNIN
A. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang
maikling kuwento. (F7PN-IIIh-i-16)
B. Naipahahayag ang sariling saloobin, pananaw at damdamin tungkol sa
ilang napapanahong isyu kaugnay ng isyung tinalakay sa akda.
(F7PS-IVc-d-22)
C. Naisusulat ang isang orihinal na akdang nagsasalaysay gamit ang mga
elemento ng isang maikling kuwento. (F7PU-IIi-11)

MGA INAASAHANG BUNGA:

Pagkatapos ng talakayan, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

1. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa "Sandaang


Damit" ni Fanny Garcia;
2. Nakakapagpahayag ng kanilang mga sariling saloobin, pananaw, at
damdamin tungkol sa mga napapanahong isyu na nabanggit sa akda; at
3. Magagamit ang mga elemento ng maikling kuwento sa susunod pang
tatalakayin na aralin.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: “Sandaang Damit” ni Fanny Garcia
Kaisipan:
Uri ng Teksto: Maikling Kwento
Sanggunian: Studocu. (n.d.). Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia Maikling
Kuwento - Secondary Education - Studocu.
Kagamitan: Laptop, Projector, Powerpoint Presentation
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Rutinang Pansilid-aralan
1.1 Panalangin
1.2 Pagbati
1.3 Pagsasaayos ng silid-aralan
1.4 Pagtatala ng liban sa klase
1.5 Pagwawasto ng takdang-aralin

B. Pagganyak
Gawain: Break the Code
Panuto: Buohin ang hinahanap na salita sa pamamagitan ng mga letrang
katumbas ng code.

(inaasahang sagot)
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

C. Talasalitaan
Gawain: PALA-ISIPAN
Panuto: Kumpletuhin ang crossword puzzle sa ibaba. Ilapat ang angkop na mga
salita na inilalarawan sa bawat bilang. Gamitin ang talahanayan ng hints upang
masagutan ang bawat bilang.

masagutan ang bawat bilang.

(inaasahang sagot)
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

D. Kaligiran ng Kaalaman

TRIVIA:
Alam niyo ba na ang Malabon ay Ang Malabon ay nabibilang sa
dating kilala bilang “Home of 2 Large CAMANAVA na binubuo ng
Tobacco Factories”? Ang La Princesa "Caloocan, Malabon, Navotas at
Tabacalera sa Barrio Hulo (Brgy. Valenzuela". Kung saan ang
Hulong Duhat) at ang Insular-Yebana salitang "Malabon" ay nagmula
Tobacco Company sa Brgy. Tugatog. sa salitang "Maraming Labong"
kung saan isa ito sa pinaka
orihinal na snagkap sa paggawa
ng tanyag na pancit Malabon.

E. Pagtatalakay sa Aralin

Si Fanny A. Garcia ay ipinanganak noong


Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na sa
kasalukuyan ay Malabon City.

Isa siyang guro, manunulat, mananaliksik, editor,


at tagapag- salin. Nagtapos ng Bachelor of
Science sa edukasyon sa Unibersidad ng
Pilipinas.

Nakapaglathala na siya ng anim na


libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling
Kuwento
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

“SANDAANG DAMIT”
ni Fanny Garcia

BUOD
May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang klase. Ang
kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. At ang
mga bagay na ito ang dahilan kung bagit siya inaasar ng kanyang mga kaklase.
At naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. At isang araw biglang
nagkatinig ang bata, nagmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang damit.
Ikinuwento niya sa kanila ang bawat detalye ng kanyang damit. At simula noon
ay naging malapit na siya sa kanyang mga kaklase.
Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang
kanyang mga guro at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang
bata sa kanilang tahanan. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit
hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata, at
nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing mga drowing
lamang.

Para sa mas malinaw na impormasyon, narito ang bidyo:


https://www.youtube.com/watch?v=zH1AC3TuEzw

Elemento ng Maikling Kwento

Tauhan
Tauhang Bilog
 batang mahirap
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

 mga kaklase

Tauhang Lapad

 Ina

Tagpuan

 Paaralan/silid-aralan
 Bahay

Panimula
Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay na tungkol sa isang
mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
at problema lamang. Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang
babae. Inilarawan niya ito bilang isang batang walang imik, madalas na nag-iisa at
mahiyain. Ipinahayag din ang panunuksong nararanasan nito.

Saglit na Kasiglahan
Unti-unti nang nakakaunawa ang batang mahirap sa kalagayan na mayroon sila
ng kanilang pamilya. Pinili niyang sarilihin ang kanyang nararamdaman at hindi na siya
nagsusumbong sa kanyang ina kung ano ang nangyayari sa kanya sa paaralan.

Suliranin
Ang suliranin na kinakaharap ng batang mahirap ay ang panunukso o
diskriminasyon ng kanyang mga kaklase sa kung anong katayuan ang mayroon siya
kaya nagawa ng batang mahirap na magsinungaling.

Tunggalian
 Tao laban sa lipunan
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

Dahil sa panghuhusga na natatanggap ng batang mahirap sa kanyang mga


kaklase.

Kasukdulan
Matapos mapagtanto ng batang babae na sarilihin na lamang ang suliraning
kanyang nararanasan, siya ay nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Dahil sa panunukso
ng kanyang mga kamag-aral, nagsinungaling siya na mayroong siyang sandaang damit.
Noong una ay hindi makapaniwala ang kanyang mga kamag-aral, ngunit nang ilarawan
niya ang iba't ibang klase ng kanyang damit ay humanga ang mga ito. Ilan na lamang
sa mga damit na kanyang inilarawan ay damit na pantulog, pambahay, pampaaralan,
pang simbahan at iba pang mga kasuotan ang kanyang ipinagmalaki.

Kakalasan
Matapos niyang maibahagi na mayroon siyang sandaang damit ay naging kaibigan
na niya ang kanyang mga kamag-aral, dahil interesado sila na malaman kung ano pa
ang iba't ibang damit na mayroon ang batang babae. Ang dating batang mahiyain ay
nagkaroon ng kumpiyansa sa kanyang sarili, siya ay naging masiyahin at sa tuwing siya
ay walang baon binibigyan na siya ng pagkain ng kanyang mga kamag-aral.

Wakas
Nagwakas ang kwento nang minsan ay hindi na pumasok ang batang babae.
Lumipas ang araw at isang linggo, nanatiling liban pa rin ang batang babae. Labis na
nag-alala ang kanyang guro at kamag-aral, kaya't napagpasyahan nilang magtungo sa
tahanan ng batang babae. Nang makarating sila sa tahanan ng batang babae,
nadatnan nila na nakaratay ito at may iniindang karamdaman. Nagulat sila na ang lahat
na inilarawang damit ng batang babae ay kawangis ng mga papel na nakadikit sa
dingding, ang pawang kwento ay nagpapakita ng obrang guhit lamang ng batang
babae.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

GAWAIN 1: TUKUYIN MO!


Panuto: Tukuyin ang tamang kasagutan na hinahanap sa bawat katanungan.
2. Ano ang tema ng aklat na "Sandaang Damit" ni Fanny Garcia?
3. Paano nailalarawan ang batang mahirap sa kuwento ng "Sandaang
Damit"?
4. Ano ang reaksyon o pagtingin mo sa aklat na "Sandaang Damit" ni Fanny
Garcia?
5. Ano ang iyong paboritong kuwento o bahagi nito at bakit?
6. Paano inilarawan ni Fanny Garcia ang mga tauhan o karakter sa
"Sandaang Damit"?

F. Pangkatang Gawain

Unang Pangkat: Paghambingin mo!

Sa pamamagitan ng graphic organizer,


ilagay ang mga katangian/ugaling ipinakita
ng bawat tauhan sa kwento. Ipaliwanag
kung paano ito nakaapekto sa ibang tauhan
sa oras ng presentasyon.

Ikalawang Pangkat: Guhit mo, simbolo

Gumuhit ng simbolong maaaring maiugnay


sa karanasan ng batang babae sa kwento
at bigyan ito ng paliwanag.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

Ikatlong Pangkat: Slogan Making

Lumikha ng sariling “slogan” patungkol sa


diskriminasyon at ipaliwanag kung ano ang
nais ipakahulugan sa nalikhang katha.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

G. Pagbuo ng Sintesis
Panuto: Gamit ang hashtag (#ITIGILANGDISKRIMINASYON), bilang isang
mag-aaral ano ang iyong natutuhan sa nabasang maikling kwento na
makakapagbibigay importansya na kung bakit kailangan nating iwasan ang
diskriminasyon pagdating sa ating kapwa. Bumuo lamang ng 5 pangungusap sa
pagpapaliwanag at isulat ito sa kalahating bahagi ng papel (cross wise).

H. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

7. Ano ang tunggalian na namayagpag sa kwentong binasa?


a. Tunggalian laban sa sarili
b. Tunggalian sa tao
c. Tunggalian laban sa lipunan
d. Tunggalian laban sa kalikasan o kapaligiran
8. Ano ang naging reaksyon ng mga klasmeyt ng babae nang sinabi niya na
mayroon itong sandaang damit?
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

a. Nalungkot sila dahil wala silaang mga gan’tong damit


b. Nainggit at gusto rin nilang magkaroon ng mga damit
c. Nagulat sa ganda ng mga damit na mayroon siya
d. Namangha sa mga disenyo ng mga damit
9. Anong sangkap ng maikling kwento ang ipinakikita sa ibaba.
a. Saglit na Kasiglahan
b. Kasukdulan
c. Wakas
d. Panimula
10. Ang kwento ng ‘Sandaang Damit’ ay isang uri ng _________.
a. Epiko
b. Maikling Kwento
c. Pabula
d. Parabula
11. Makukulay at puno ng ______ ang paglalarawan ng batang babae sa
kanyang mga damit.
a. Disenyo
b. Tela
c. Tali
d. Abubut

I. Takdang Aralin
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba nang pa-sanaysay.

1. Ano ang taglay na bisa na mayroon ang kwentong ‘Sandaang Damit’


2. Ano ang Kamalayang Panlipunan na mayroon ang ‘Sandaang Damit’
3. Ano ang kahalagahan na mayroon ang pagbabasa ng mga akda na mayroong
aral tulad ng ‘Sandaang Damit’ sa buhay ng mga estudyante?
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

COLLEGE OF EDUCATION
Ikalawang Semestre TP 2023-2024

You might also like