You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

Pagsusuri ng

Maikling Kwento

Pamagat:

Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas

Ni Sandy Ghaz

Sinuri ni:

Taruc, Carlo G.

BSED FIL 2B

Ipinasuri ni:

Ginoong Mike Irish Paguinto LPT.

Page 1 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

I. Batayang Kaalaman

A. Pamagat

“Ang mga Nawawalang sapatos ni Kulas”

Sa pagpapaliwanag ukol sa na isulat na akda ni Sandy Ghaz. Kung bakit iyon ang

pamagat na napili niya. Para sa akin ibinatay ng manunulat sa pangunahing tauhan na isang

lalaki na nasa katamtanang lamang ng estado ng buhay. Siya ay si Nicholas Cruz ngunit siya

ay kilala sa kalye na Kulas. Ito’y maaari maging inspirasyon ng mga bata patungkol sa

kaniyang pag-uugali na laging magsabi ng katotohanan at mapagbigay sa kapwa.

Ang kwento sa likod ng pamagat na akda ni Sandy Ghaz ay isang ordinaryong

pamilya, magulang na na may pagnanais lamang na mapabuti at maibigay ang mga

pangangailangan ng kanilang mga anak. Ipinapakita rito ang pagtulong sa kapwa. Hindi

nasusukat kung gaano karami ang hawak mong pera sa bulsa o ang estado ng buhay na mayroon

ang isang tao. Katulad ng pangunahin tauhan dito na si Kulas ay hindi naging hadlang ang

kanilang pamumuhay para makatulong at magkapagbahagi siya sa kaniyang kapwa.

B. Manunulat

Page 2 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

Ang may-akda ng maikling kwento na pinamagatang “Ang mga Nawawalang sapatos ni

Kulas” ay kilala sa pangalan ni Sandy Ghaz. Ang pagsusulat ay ang kaniyang minamaster at

nagawa niyang manatili sa publikasyon kahit sa panahon ng kaniyang high school at kolehiyo.

Si Sandy Ghaz ay nakapag-aral ng kursong Bachelor of Secondary Education (BSED) major

in English. Nang makatapos siya ng pag-aaral ay isang siyang regular na emplyado sa isang

kumpanya. At pumapasok siya bilang isang manunulat at nagsimula ng mga maikling kwento,

kwento na may iba’t ibang klase ng istorya ay leksyon. Si Sandy Ghaz rin ay nagsusulat sa

website ng paglalakbay, travel Philippines, na pinamamahalaan ng kumpanya. At sa ngayon

ay nagpapatuloy pa rin si Sandy Ghaz sa kaniyang pagsusulat at karaniwang mababasa ang

kaniyang mga akda. Ito’y iilan sa mga naging tanyag na kanyang naisulat tulad ng “Ang Bahay

na biglang nawawala sa Gabi”, “Si lucas at ang kaniyang kaibigan paging” at sumunod niyang

akda ay “Si Stella at ang mga kaibigan niya sa araw ng Pasko”. Ilan lamang yan sa mga tanyag

na naisulat ni Sandy Ghaz.

Ang estilo ng pagsulat ng may-akda sa maikling kwento na aking sinuri ay akademik. Base sa

nabasa ko at naobserbahan ko sa paraan ng pagsulat ni Sandy Ghaz ay ang pagkakaroon ng

malawak na kaisipan upang ihayag ng maayos ang kwento at maiparating niya agad sa

mambabasa ang nais niyang ipaabot na mensahe. Hindi siya gumamit ng mga malalim na salita

upang sa ganun ay agad na maunawaan ng mga batang magbabasa ang akda na kaniyang

isinulat at hindi rin siya maligoy sa paglalahad ng bawat detalye ng kwento. Kung mapapasin

Page 3 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

ang kanyang isinusulat at base sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao na kapupulutan ng aral

na maaari magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Nakilala ko ang manunulat na si Sandy Ghaz batay sa kaniyang akda. Siya ay isang

responsableng mamamayan na may pagmamalasakit sa ating wika sa pamamagitan ng

pagsusulat ay naihahayag niya ang mga aral na kinakailangan natin upang magkaroon ng gabay

sa ating pamumuhay. At base sa kaniyang akda pumasok sa akin kaisipan na siya ay isang

ordinaryong kabataan na may simpleng buhay na masasalamin sa akdang ito ang kaniyang

naging buhay noong panahon siya ay nagsisimula pa lamang.

I. Buod

May dalawang mag-asawa na sina Julio at Aling Vina Cruz. Sila ay nasa katamtamang estado

ng pamumuhay ang mayroon sila. Si Julio ay nagtatrabaho sa isang paggawaan ng mga kasangkapan sa

bahay. Samantalang ang si Aling Vina Cruz ay isang kahera sa tindahan. Sila ay binayayaan ng dalawang

anak na lalake. Ang panganay ay si Nicholas Cruz o kilala bilang kulas sa kanilang kalye at si leon naman

ay ang bunsong anak at kapatid.

Isang araw, habang tinatali ni Aling Vina ang sapatos ng kanyang anak ba si Kulas ay nagtataka

ito. Nak bakit ang lumang “rubber shoes” mo ang iyong suot? Diba binilhan kita ng bago? Kulas kaya kita

binilhan ng bagong pares ng sapatos para may maisuot ka sa pag-aaral mo. Hindi kumibo si Kulas at

nagmamadaling lumabas ng bahay dahil nandoon na ang bus na kanilang sasakyang papuntang paaralan

kasama ang kanyang bunsong kapatid na si Leon.

Page 4 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

Nang kinahapunan din iyon ay may naabutan na naman si Kulas na isang bagay na nakakarton

at binulalat niya ito at naglalaman na naman ng bagong pares ng sapatos. Naisuot naman ulit ito ni Kulas

ngunit isang beses lamang. Napansin ni tatay Julio na ang suot niyang sapatos ay yung luma ulet. Mabilis

na kinausap ni Mang Julio ang kaniyang asawa patungkol sa sapatos na ipinabili nito. Sumagot naman si

Aling Vina patungkol sa sapatos na ng kaniyang anak. Julio binili ko ng bagong sapatos si Kulas dahil ng

diyan ay nagkautang ako sa tindahan. Nagtataka rin ako kung bakit lumang sapatos parin ang suot – suot

niya.

Napagdesisyon ni Aling Vina na kausapin ang kaniyang anak kung saan ang mapunta ang binili

nitong bagong pares ng sapatos at pagdaragdag pa ni Aling Vina kung bakit hindi niya suot ang mga yun

sapagkat pang-apat na beses na niya ito binili. Hanggang sa pinagtapat ni Kulas sa kaniyang ina ang tunay

na nangyayari. Sinabi niya na ibinibigay niya raw ito sa kanyang kaibigan na walang mga sapatos sa

kadahilanang wala silang maisuot na pamasok sa paaralan. Dali – dali naman na humingi ng tawad si Kulas

sa kanyang ina na si Aling Vina. Pinagsabihan si Kulas sapagkat bakit niya ipinamigay ang sapatos

at kung bakit siya nagsinungaling. Pero sa kabila nangpangyayari ay pinuri niya si Kulas sapagkat siyang

ay may pagmamalasakit sa kapwa ngunit pinapaalahanan nga rin ito na sana Kulas pahalagahan mo pa rin

ang mga pinaghihirapan namin ng inyong ama.

II. Uri ng Panitikan

Ang uri ng panitikan ay di – piksyon. Ang kaniyang akda ay talaga

naman kapupulutan ng mga leksyon at aral ng mga kabataan na magbabasa

kaniyang isunulat sinasaad dito ang mga aral na kinakailangang ipaalam sa mga

Page 5 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

kabataan ngayon. Sa ganitong paraan ay mabigyan sila ng kaliwanagan o gabay

upang piliin kung ano ang tama tungo sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan,

upang magkaroon ng disiplina sa mga sarili at maging tapat sa taong nakapaligid

sa kanila. Estilo ng Pagkakasulat

Layunin

Ang layunin ng may-akda sa mga mambabasa bukod sa sila at malibang na bumasa ng

kaniyang akda ay kapulutan nila ito ng aral. Sapagkat alam naman nating habang

lumilipas ang panahon marami ang pagbabago patungkol sa pag-uugali ng mga

kabataan. Ang aral na mapupulot nila dito ay maaari nilang magamit sa pang-araw-

araw na pamumuhay upang sa ganun ay mas lalo pa silang maging epektibong tao.

Tema / Paksa

Ito’y tumutukoy sa suliranin na kinahaharap ng mga pangunahin tauhan sa maikling

kwento na tunay na nangyayari sa atin lipunan katulad ng mag-inang Vina at si Kulas

ng dahil sa pagiging mapagbigay ni Kulas ay natuto siyang magsinungaling para hindi

siya pagalitan ng kaniyang ina. Ipinapakita lamang dito na ang pangyayaring ito ay

talaga namang nangyayari sa tunay na buhay.

Page 6 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

Paano winakasan?

Winakasan ang maikling kwento sa pamamagitan ng pagbibigay aral kay Nicholas Cruz o

kilala bilang kulas sa kwento sa na maling ginawa njya at kalaunan sa pagiging tapat at mapagbigay sa

kapwa ay pinuri nila ito. At winakasan rin ang maikling kwento sa pagbabahagi o pagbibigay ng malinaw

sa mensahe ng akda.

Paano nagsimula?

Ipinakilala isa isa ang mga tauhan sa kwento at isinalaysay sa simula ang tagpuan ng pangyayari

at binaggit din sa simula ang suliranin na kinakaharap dito.

II. Tuon sa karikitan

A. Tauhan

Pagpapakilala sa mga tauhan sa maikling kwento.

Nicholas Cruz pangunahing tauhan sa maikling kwento. Kilala rin siya bilang kulas sa kanilang kalye

mahilig siyang bilhan ng sapatos ng kaniyang mga magulang ng maganda at mamahalin sapatos. Pagiging

mapagbigay at maawain ang ilan sa mga katangian niya ngunit dahil rin sa kanyang pagiging maawain sa

ka kanyang kapwa bata ba walang sapatos na sinabayan ba ng kanyang pagiging mapagbigay ng natuto

siyang maglihim at magsinungaling sa kaniyang magulang.

Leon Cruz ito ay ang anak ni nina Aling Vina at Mang Julio at kapatid ni Kulas.

Page 7 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

Vina Cruz nagtatrabaho bilang isang kahera sa isang tindahan. Ina nina Kulas at Leon at ang asawa ni

Julio.

Julio Cruz tatay ni Kulas at Leon siya naman nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa

bahay. Isang ama na tutok sa pangangailangan ng kaniyang pamilya lalo na sa sapatos ni Kulas sapagkat

ito ay luma na. Asawa rin ni Aling Vina.

Tumatak na linya ng tauhan sa maikling kwento.

“Walang mali sa pagbibigay anak pero sana isipin mo rin na binili namin ng ama mo para sa iyo”.

-Aling Vina Cruz.

B. Talinhaga

Mga simbolo / Tayutay

Sapatos – gamit ni Kulas, ito rin ang dahilan sa problema ng mga magulang ni Kulas at

pagsisinungaling ni Kulas sa kanyang magulang.

Talinhaga

Balisa – di mapalagay, ligalig ang kalooban

Estado – kalagayan

Sweldo – sahod, kapital

Kasangkapan – kagamitan

Page 8 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

C. Tunggalin

Ang tunggalian ng maikling kwento na sinuri ko ay Tao Vs Tao dahil ipinapakita rito ang pagkakaroon

ng konprontasyon sa pagitan ng bidang si Kulas at kaniyang ina na si Aling Vina patungkol sa pagkawala

ng sapatos nito at ipinapakita kung anong pag-uugali ang mayroon sa mga pangunahing tauhan sa maikling

kwento ni Sandy Ghaz.

III. Tuon sa Damdamin

A. Himig

Ang nangingibabaw na emosyon sa maikling kwento na aking sinuri ay ang pagmamahal

at pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa tao. Ipinapakita rito na ang mga magulang.

Kahit gaano kahirap kumita ng pera ay hindi pinababayaan ang mga anak na hindi mabigay

ang mga pangangailangan pampaaralan man o pang personal na gamit. At sa sitwasyon

naman ni Kulas ay ipinapakita niya rito na kahit gaano kahirap ang buhay ay matututong

magbahagi at makonteto kung anong mayroon ka sa buhay.

IV. Bisa

Page 9 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

Isip

Sa naging pagsusuri ko sa maikling kwento na napili ko ay lumawak at napag-isip isip ko na

hindi naman na nasusukat kung gaano ka kayaman upang ikaw ay tumulong sa kapwa tao.

Basta taos sa inyong puso ang pagtulong ay maaari kung nagbabahagi at mabigay sa inyong

kapwa.

Damdamin

Pagkatapos kung basahin ang maikling kwento ay nabago ang aking pananaw namangha ako

kay Kulas dahil sa pagiging mapagbigay niya. Patunay lamang na walang mayaman at mahirap

pagdating sa pagtulong at pakikipagkapwa tao. Ang pinakaimportante ay bukal sa puso mo ang

iyong pagtulong sa kapwa at magkaroon ng kakuntentuhan sa mga bagay na mayroon ka.

Kaasalan

Laging maging mabuti sa kapwa wag basta - basta manghusga ng isang tao base kung ano

ang estado ng buhay ng niya. Katulad ni Kulas siya ay isang maganda halimbawa ng isang mabait,

mapagbigay na kabataan sa pagiging kontento niya sa kanyang mga gamit ay nakakapagbahagi siya sa iba

na mas nangangailangan.

V. Sanggunian

Page 10 of 11
Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga (2013)
Taong Pampanuruan 2022-2023
Unang Semestre

https://www.scribd.com/document/428385249/Ang-Mga-Nawawalang-Sapatos-Ni-Kulas

https://www.coursehero.com/file/81057111/REPORTINGFILIPINOCRITIQUEpptx/

Page 11 of 11

You might also like