You are on page 1of 3

Wikang Filipino: Tanglaw sa Makabagong Mundo!

Ni: Comet

Kung gaano kabilis ang pag-inog ng mundo


Ay siyang tulin nang pagbabago
Pagbabago ng ating lipunan
Dihital na mundo ang unti-unting kinamulatan

Tayo ay nasa makabagong panahon


Napabilis ang transaksyon at komunikasyon
Ang kabataan ngayon sa teknolohiya'y bihasa
Ngunit tila malimit na lang gamitin ang sariling wika

Nagigisnan ng mga kabataang gamitin ang mga salitang dinaglat


Mga salitang kanilang ginagigiliwan sa online din nagkalat
Patunay na ang dihital na pagbabago ay kalakip na ng mundo
Naisasantabi ba o mas lalong nabubuhay ang Wikang pamana ng ating mga ninuno?

Ang teknolohiya ba ay salot o biyaya,


Para sa ating kultura at wika?
Mapapangalagaan pa ba ang bawat tradisyon?
Aabot pa ba sa susunod na mga henerasyon?

Nangangamba na baka mawala ang tunay na kahulugan ng ating wika


Wikang nakagisnan at ating sinasalita
Dahil sa mga salitang balbal na nauuso ngayon, ika'y mapapatanong
Ano ang mangyayari sa Wikang Filipino sa modernong panahon?

Pagkabahala'y ating tanggalin


Sapagkat ang teknolohiya ay maari nating gamitin
Upang bawat pamana ng ating mga ninuno
Mas lalo pa nating mapalago
Dihital na preserbasyon ay gagawing instrumento
Nang mapalawak pa ang kaaalaman ng bawat Pilipino
Tungkol sa pinagmulan at kasaysayan ng Wikang Filipino
At kung paano pa natin mapapayaman ito

Inakalang mga wikang matagal nang namatay


Muling pagkakalooban ng buhay
Ito ay mabibigyang bihis muli
Kultura at wika ay ating mapapanatili

Sabay-sabay gamitin ang modernisasyon


Patungo sa inobasyon
Pagiging malikhain ay pairalin
Wikang Filipino mas lalong palaganapin

Ang makabagong teknolohiya


Tunay ngang kahanga-hanga
Hindi maipagkakailang isa itong biyaya
Gamitin sa wasto at hindi sa masama

Ang pagpreserba ng ating wika ay mahalaga


Dahil ito ang tulay sa pagkakaisa
Ang nagbubuklod sa bawat mamamayan
Upang maipamalas ang kani-kanilang kakayahan

Ang wika ay simbolo ng ating kalayaan


Kung paano ito ipinagkait ng mga dayuhan
At ang magigiting na bayani, kanila itong ipinaglaban
Ito ang alaala ng ating nakaraan

Ang pag-usbong ng Dihital na mundo ay siyang patunay


Na ating Wika ay dinamiko, namamatay nabubuhay
Huwag nating ikabahala ang makamundong sistema
Bagkus gawin nating kasangkapan sa pag-unlad ang mga ganitong dilema
Ang Wikang Filipino ay siyang ugat ng ating pagkakakilanlan
Wikang nagbibigkis sa lipunan
Nawa'y kahit sa pagdaaan ng mga araw
Ito pa rin ang siyang magsisilbing tanglaw

You might also like