You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


CANDABA CAMPUS
Pasig, Candaba, Pampanga

I. Mga Layunin:

Sa katapusan ng isang oras pag-aaral nap ag-aaral, inaasahang matatamo ng may 90%
bahagdan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Natutukoy kung anong aral ang nais ipahiwatig ng paksang natalakay.

b. Naipapaliwanag kung anong isyung panlipunan ang mayroon tayo.

c. Nakakabuo ng sariling pagpapaliwanag ng may kagalingan at organisado patungkol sa


mga katanungan sa aralin natalakay.

II. Paksang Aralin

A.Paksa: Panitikan Hinggil sa isyung Pangkasarian.

B.Sanggunian: Aralin 7. Panitikan hinggil sa isyung pangkasarian.

https://www.slideshare.net/CcstMidelToledo/aralin-7panitikan-hinggil-sa-isyung-
pangkasarianpptx

C. Kagamitang Panturo

Visual Aids, Power Point Presentation, Laptop at Projector, Yeso at Pisara

III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimula Gawain:

Isang maganda at mapagpalang araw sa Isang magandang umaga rin po.


inyong lahat BSED Filipino 2B.

Sa oras na ito maaari bang tumayo ang lahat


para sa ating pambungad na panalingin at ito (Tatayo ang mga mag-aaral at mananalangin)
ay pangungunahan ni Bb. Mikaela.
Bago kayo umpo, maaari niyo bang pulutin
muna ang mga kalat na inyong makikita sa
harap at ibaba ng inyong kaniya-kaniyang (Pupulutin ang anumang kalat na makikita.)
mga upuan, mas mainam na ibulsa o kaya
ilagay ninyo ito sa inyong mga bag at
mamaya paglabas ng silid-aralin ay maaaari
ninyo ito itapon sa basurahan.

Ngayon Ginoong Edlimuel maaari bang


malaman kung may lumiban sa klase ngayon
araw? Kung mayroon maaari muna itong
pakisulat sa isa’t kapat na papel.

Muli isang magandang umaga sa inyong


lahat! Isang magandang umaga rin po!

B. Pagganyak

Bago tayo tumungo sa talakayan natin


ngayong araw. Nais ko muna na magkakaroon
tayo ng isang pampagising na laro upang sa
ganun ang lahat ay magising at maging
ganado sa pagtatalakay ng ating paksa.Ang
laro na ito ay tatawagin natin “Hulaan mo
ako Babe”. Sa pagkakataon ito ay
hinihikayat ko ang lahat na makibahagi. Ang
panuntunan ng ating laro ay may ipapakita Opo malinaw po.
akong larawan at sa bawat larawan na aking
ipapakita ay may kalakip na mga letra na akin
ginulo ang gagawin lamang hulaan at tukuyin
ang tamang salita na may kinalaman sa
larawan. Kung sino ang nais na sumagot
maaari lamang na magtaas ng kanang kamay
at hintayin lang na matawag ang inyong
pangalan. Kapag narinig ninyo ang inyong
pangalan tsaka lang kayo magsisimula na
sumagot sa aking mga katanungan. Itoy ay
isang paraan upang maiwasan ang anumang
ingay at kaguluhan sa loob ng silid-aralan.
Pakiusap lamang sa mga hindi na tawag ay
manatiling tahimik at makinig upang sa ganun
ang lahat ay magkakaroon ng kaalaman sa
paksa. Malinaw ba ang aking naging panuto
sa araw na ito?
(Magsisimula ng tumingin ang mga mag-aaral
sa larawan.)
Kung gayon ating ng simulan. Muli handa na
ba ang lahat?

Sige atin ng umpisahan. Ano kaya inyong


kasagutan sa unang larawan? Sige nga. Opo. Handang-handa na po.

Ang sagot ko po ay LGBT.

GLBT

(LGBT)

Tama magaling. Bigyan ng dalawang (Sabay- sabay ang mag-aaral na papadyak ng


padyak at isang palakpak ang sumagot. dalawa at isang palakpak)

Nagyon ay dumako na tayo sa ikalawang


larawan. Sa pagpapatuloy magtaas lamang ulit
ng kanang kamay ang nais sumagot at hitayin
na matawag ang inyong pangalan.

ebaab at ilalak Babae at Lalake po.

(Babae at lalake)

Mahusay. Muli bigyan natin ng dalawang


palakpak at isang padyak ang sumagot.
(Papalakpak ng Dalawa at isang padyak ang
mga mag-aaral)

Ikatlong larawan sino nais sumagot? Sige nga.

Ribaghaah
Bahaghari po.
(Bahaghari)

Napakagaling tama ang naging kasagutan sa


larawan. Ngayon bibigyan kita ng tatlong (Papalakpak ang ng tatlo at isang padyak ang
palakpak at at isang padyak. mga mag-aaral.)

Nag-enjoy ba ang lahat? Opo.

Okey. Kung gann ay maraming salamat sa


inyong pakikilahok sa ating pambungad na
palaro ngayon bigyan natin ang lahat ng
limang malakas na palakpak para sa mga
nakibahagi at syempre para sa ibang mag-
aaral na sumunod sa akin panuto na panatiliin
ang ating klase.

(Papalakpak ang mga mag-aaral)


C. Pagtalakay

Ang mga larawan na ating hinulaan kanina ay


may malaking kauganayan sa ating paksang
pag-aaralan ngayong umaga. At ito ay
pinamagatang Panitikan Hinggil sa Isyung
Pangkasarian.

Ngayon sa pagsisimula ng ating talakayin


nais kung itanong sa inyo kung saan
patungkol ang larawan na ito.

Kita na ba ang larawan?


Opo.

Okey. Salamat sa pagtugon ngayon ang


kailangan ninyo gawin ay pagmasdan at suriin
ang larawan na aking ipinapakita. Bibigyan
ko lamang kayo ng tatlong minuto para
masuri ito. Pagkatapos ng tatlong minuto tayo
ay tutungo nasa mga katanungan na aking
Nakukuha po.
inihanda. Nakukuha ba ang nais kung
mangyari sa ating talakayan ngayon araw?

Tapos na ang tatlong minuto. Handa na ba Opo. Handang- handa na po ang lahat.
ang lahat?

Mabuti at salamat sa inyong pagtugon. Para sa


unang katanungan sa larawan na sinuri ninyo Para po sa akin ang nais ipahiwatig ng
kanina ano ang nais na ipinahihiwatig ng dalawang simbolo sa timbangan ay ang
dalawang simbolo sa timbangan? Sige nga. dalawang kasarian ng tao na ang lalaki at ang
babae.
Napakahusay na kasagutan tunay nga na Mayroon po. Ang hindi po napabilang sa
sinuri ang larawan. Tayo naman ay tumungo representasyon na ipinahihiwatig ng larawan
sa ikalawang katanungan sa inyong palagay ito, ay ang mga taong may dalawang kasarian.
mayroon kaya hindi napa bilang sa
representasyon na ipinahihiwatig ng larawan
na ito? Sino? Sige nga.

Salamat sa mahusay at makabuluhang


kasagutan.
Opo.
Nakakasabay pa ba ang lahat?

Handang-handa po.
Handa pa bang makinig?

Sige kung ganun ay narito na ang ikatlong


katanungan sa tingin ninyo ano ang
pangkalahatang mensahe ng larawan? Sige
Ang pangkalahatang mensahe ng larawan na
nga.
nais ipahiwatig ay ipanapakita na mas
superior at makapangyarihan ang lalaki kaysa
sa babae pagdating sa tinatawag na batas.

Mahusay na kasagutan sinabe na mas


makapangyarihan ang lalaki kaysa sa babae.
Ngayon nais kung kuhanin ang inyong panig
batay sa naging kasagutan ng inyong kamag-
aral na sinasabe na mas superior ang lalaki
kaysa sa babae. Kayo ba ay sumasangayon sa
kasagutan na iyon? Sige nga. Para po sa akin ay sumasangayon po ako
sapagkat hindi naman lingid sa atin na sa
pisikal na kaanyuan palang ng lalaki ay
naipapakita na ang pagiging superior nila. Sa
pagkakaroon ng malalaking braso at matikas
na pangangatawan.

Mahusay ibang kasagutan pa. Sino ang nais


na magbahagi?
Sa akin sariling opinyon ako po ay may
pagsasalungat sa tinuran ng aking kaklase
hindi po ako sumasangayon sapagkat
naniniwala po ako na hindi nasusukat ng
pagkakaroon ng malaking pangangatawan
para maging isang superior. Patunay na
lamang po sa ating bansa Pilipinas pagdating
sa pamamahala ating bansa kung di po ako
nagkamali ay mayroon na tayong dalawang
pangulong babae na namuna sa ating bansa.
At pagdaragdag pa po dito na patunay lang
din po si Hidily Diaz na naging kampeon
pagdating sa pagbibuhay ng mabigat na
dumbel. Kaya hindi po ako sumasangayon sa
pagiging superior ng mga lalaki.

Napakahusay ng inyong kasagutan parehas


naman na may punto at wala naman maling
sagot. Napakainit ng ating talakayan ngayon
araw. Sa pagkakataon ito binibigyan ko ang
limang palakpak ang mga nagbagi ng
kaninilang naging opinyon.
(Papalakpak ng lima ang mga mag-aaral)

Muli salamat sa mga nagbagi nagsimula


lamang ang pag-uugali na yan o yung
tinatawag nating “stereotypes “simula na
sakupin tayo ng mga kastila mula taong 1565
– 1898 ay tumagal ng 333 taon. Dahil ang
kanilang paniniwalan na ang babae ay
kinakailangan lamang gumagwa ng mga
gawain bahay at nakapokus sa pagaalaga ng
mga anak samantalang ang mga lalaki naman
ay sila ang gagawa ng paraan upang mabuhay
niya ang kaniyang pamilya kaya sila aya
magtatrabaho. Pero ngayon kasalukuyan
nating panahon ay unti- unti na tayong
namumulat sa makabagong gawi na hindi
nalamang ang babae ang nagtatrabaho sa
bahay mayroon na ring lalaki ang gumagawa
ng gawain bahay at may mga babae na
nagtatrabaho sa ibang ibang ahensiya ng Opo. Nakuha po at wala po katanungan.
Gobyerno at bansa. Nakukuha nyo ba ang nais
kung sabihin? Wala bang katanungan?
Okey. Kung ganun sa pagpapatuloy ng ating
talakayan upang lubusan ninyo pa
maintindihan ang ating talakayan ngayon Si Gloc 9 po ay kilala sa larangan ng pag-
araw nais kung iparinig sa inyo ang isang awit siya po ay kilala bilang isang magaling
awiting ni Gloc 9. Pamilyar ba ang lahat kay na rapper sa Pilipinas.
Gloc 9? Sino si Gloc 9? Sige nga.

Mahusay tunay nga na kialala nyo nga si Gloc


9.

Ngayon ay sisimulan ko na iparinig sa inyo


ang awiting “Sirena” Ni Gloc 9. Ang
gagawin ninyo lamang ay makikinig ng
mabuti at itala ang mahahalagang salita o
“Lyrics ” ng kanta dahil pagkatapos nating
pakinggan ay may katanungan ako sa inyo.
Handa na bang makinig ang lahat? Handa na po.

(Sabay sabay na makikinig ang mga mag-


aaral)

Base sa napakinggan ninyong awiting tungkol


saan ang kantang “Sirena”ni Gloc 9 o
Aristotle Pollisco?

Ang awiting obra po ni Gloc 9 ay patungkol


sa isang lalaking may pusong babae na hindi
tanggap ng kanyang ama ngunit kalaunan ay
natanggap rin.

Napakahusay na kasagutan! Tunay nga


nakinig kayo ng mabuti.

Sa awiting muli ni Gloc 9 na Sirena sa


lirikong nitong. “Kahit anong gawin nila Para po sa akin anuman pong pangungutya
bandera ko ay ko’y di tutumba.” Ano ang ang maranasan kahit kailan po ay hindi
ibig ipakahulugan nito? Sige nga. susuko.
Salamat sa mahusay na kasagutan. Sige iba pa
nais magbahagi ng kanilang sumagot.

Para naman po sa akin ano man hamon at


pagsubok ng buhay ang maranasan isang
lalaki na may pusong babae. Mananatiling pa
rin po na matatag at hindi susuko upang sa
ganun po ay manatili po ako nakatayo at
lumalaban sa buhay walang sinuman o unos
ang makakapagpatumba.

Napakahusay ng inyong naging kasagutan


tunay nga kayo ay nakinig. Dahil lahat ng
akin katanungan ay nabigyan ninyo ng
tumpak na kasagutan. Binigay ko muli ng (Sabay sabay na pumadyak ang mga mag-
limang padyak ang lahat. aaral)

May katanungan pa sa naging talakayan natin


patungkong sa “Panitikan Hinggil sa isyung
Pangkasarian”? Wala na po.

D. Pangkatang Gawain

Kung wala na kayong katanungan sa ating


pinag-aralan magkakaroon kayo ng
Pangkatang Gawain. Papangkatin ko kayo sa
apat na grupo. Ito ang Una, kayo ang Ikalawa,
kayo ang Ikatlo at kayo ang Pang-apat na
grupo. Makinig ng maigi sa panuto. Pipili ang
bawat grupo ng kinatawan upang siya ang
mamuno at magbasa ng inyong samasamang
gagawin. Ang inyong gagawin ay gagawa
kayo ng isang slogan patungkol sa awiting ni
Gloc 9 na Sirena. Ang ating panuntunan sa
ating pangkatang gawain ay kailangan lamang
ng makita ko kayong nagtutulungan at
kailangan na makita ko muna ang inyong
slogan bago basahin ng sa harap ng napiling
representate upang maiwasan ang anumang
pandaraya.
Malinaw ba ang panuto? Opo.

Ngunit bago niyo simulan ang pag-uusap sa


inyong gagawin. Narito muna ang aking
Pamatayan sa pag bubigay ng marka.

Nilalaman, kaangkupan ng kosepto - 20%

Kooperasyon ng bawat miyembro - 15%

Pagiging malikahain ng inyong


ginawa/Orihinalidad - 30%

Kalidad ng ginawa - 35%

Kauuan - 100%

Malinaw ba ang pamatayan? May katanungan


ba?

Kung gayon maaari ng umpisahan.

E. Paglalahat/Paglalagom

Napakahusay mabisang naipakita ang


mensahe at may malaking kauganayan sa
paksa ang slogan na inyong ginawa. Ngayon
ating balikan muli ang ating tinalakay na
patungkol sa Panitikan Hinggil sa isyung
Pangkasarian.

Maaari ba kayong magbigay ng aral na iyong


natutunan sa ating tinalakay. Sige nga.

Napakahusay tunay nga na nakinig kayo sa


ating talakayan.

Malinaw naba sa inyo ang ating paksang


Opo. Malinaw po at walang katanungan.
tinalakay?
E. Ebalwasyon

Magkakaroon kayo ng maikling pagsusulit.


Itago na lahat ng gamit tanging isang buong
papel at panulat. Kayo mayroon lamang
limang minuto para sagutin itong katanungan.

1. Ano ang katangian ng tauhan sa kanta


ni Gloc 9 na “Sirena” na maaari
tularan ng mga kabataan upang
maging kapakipakinabang sa lipunan?

Pamantayan:

Nilalaman -15 Puntos

Gramatika - 35 Puntos

Kabuan - 50 Puntos

May katanungan paba?

Kung gaano ay maaari na kayong magsimula. Habang tinatalakay po natin ang ating paksa.
Ang nakuha ko pong aral ay ang pagkakaroon
ng respeto sa bawat tao sa ating lipunan
G. Takdang-Aralin ginagalawan. Sapagkat ano kasarian kaman
napapabilang kinakailangan po nating bigyan
Para sa inyong takdang aralin ay inaatasan ko ng respeto at pagpapahalaga dahil sa
kayo na panuorin ang pekikulang ni Paolo mundong ibawbaw tayo ay pantay pantay yun
Ballesteros na pinamagatang “Die Beautiful” lamang po.
para susunod natalakayan at magkakaroon
kayo ng maikling pagsusulit.

Malinaw ba ang takdang aralin? Malinaw na p

Sige tumayo na ang lahat para sa ating


pagwakas na panalangin.
(Magsisitayo ang lahat para sa pangwakas na
Bb. Mikaela pangunahan mo muli ang ating panalangin)
pangwakas na panalagin.
Inihanda ni:

Pangalan

Carlo Garcia Taruc

BSED Filipino 2B

Pinagtibay ni:

G. Jeffrey A. Liwanag
Instructor I
Faculty, DHVSU-Candaba Campus
1st Semester, A.Y 2022-2023

You might also like