You are on page 1of 11

A Detailed Lesson Plan in Grade 8 Filipino

Time Allotment: 60 minutes


Teacher: Bridget Marchelle G. Batoy
Grade 8 Filipino First Quarter

I. LAYUNIN

Sa Katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Matukoy ang iba't-ibang uri ng mga elemento ng Balagtasan


 Maunawaan at maipahayag ang mga Elemento ng Balagtasan sa paggamit nito sa wastong
pamamaraan.
 Makapagbuo ng isang Balagtasan gamit ang iba't-ibang uri ng mga elemento ng balagtasan
at mailapat ito sa gagawing piyesa.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Mga Elemento ng Balagtasan

Reperensya:

1. Baisa-Julian, Ailene G. et al. 2014. Pinagyamang Pluma 8 Mga Elemento ng Balagtasan pp.
194-196.
2. Maestro, Valle Rey (September 04, 2019) Elemento ng Balagtasan - Ano ang mga Iba't Ibang
mga Elemento Nito_philnews. Retrieved from https://philnews.ph/2019/09/04/elemento-ng-
balagtasan-ano-ang-mga-ibat-ibang-mga-elemento-nito/
3. Youtube • TitserMJ TV (November 03, 2020) Balagtasan at mga Elemento Nito_youtube.
Retrieved from https://youtu.be/LZs2qlYp5T8

Teaching Strategy:
- Pagtatalakay, kooperatiba na panayam, Active Learning

Kagamitang Panturo (kumuha ng mga litrato sa mga kagamitang nabanggit)

- Textbook / Aklat
- Video Clip
- Laptop
- Visual Aid
III. PAMAMARAAN

TEACHER’S ACTIVITY STUDENT’S ACTIVITY


A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang Umaga sa aking mga aktibo, Magandang Umaga din po sa iyo, Binibining
magaganda at gwapo kong mga estudyante! Bridget!

Bago natin umpisahan ang ating klase, maaari Opo ma'am.


ko bang tawagin si Binibining Delostrico para sa
panalangin, Ms. Shane?

Maaari mo nang umpisahan ang panalangin. Lord, God, maraming Salamat sa mga biyayang
ipinagkaloob niyo po sa amin. Maraming
Salamat sa araw na ito na kung saan kami po ay
magkakaroon ng pag-aaral sa aming Filipino na
Subjek. Gabayan niyo po ang aming guro lalong
lalo na rin sa aming mga estudyante na sana po
ay madali naming matututunan ang aming
tatalakayin ngayon. Sana po ay maisa-isip at
maisapuso po namin ang aming mga tatalakayin
at mai-apply ito sa wastong paggamit. Kami po
ay nanghihingi ng tawad sa mga kasalanang
aming naggawa Panginoon. Kayo na po ang
bahala sa amin sa pang araw-araw na gawain.
Ilayo niyo po kami sa mga kasamaan, disgrasya
at temtasyon, Amen.

Teka! teka! teka! Hindi ko pa sinabing umupo na Yeheeeyyyy!


ang lahat. May inihanda akong short dance
video na kinuha ko sa youtube para naman mas
maging aktibo pa ang mga estudyante ko at
makita ang galing sa pagsasayaw! kaya maaari
bang tumayo muna at lahat tayo ay sasayaw!

(Pinlay ang video…) (Sinimulan ang pagsayaw…)

Nag enjoy ba ang lahat? Opo ma'am. Aliw na aliw po kami sa sayaw!

Mabuti naman at naaliw kayo. Pero bago umupo Maraming Salamat po, ma'am.
ay pulutin muna ang mga nakakalat na papel at
iba pang dumi na iyong nakikita malapit sa
inyung inuupuan at maaari nang umupo ang
lahat.

Para sa ating Attendance Ngayon, Ms. Wala po'ng absent ngayon ma'am Lahat po
Secretary maaari ko bang hingin ang mga nang aking mga kaklase ay Present ma'am.
pangalan ng mga hindi pumasok sa klase?
Wow! Maraming Salamat Ms. Secretary.

B. PANLINANG NA GAWAIN

Ito ay isa lamang pagbabalik-tanaw sa ating Ma'am, Ako po ma'am!


itinalakay kahapon. Mula sa itinalakay natin
kahapon kung inyo pa itong naalala, ano nga ulit
ang kahulugan ng Balagtasan? At saan ba ito
nagmula?

Okay Ms. Ania, maaari mo bang sagutin ang Ang ibig sabihin po nang Balagtasan Ma'am ay
mga katanungan na makikita sa imahe? isang Pilipinong uri ng pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig na ukol sa isang paksa. Ito ay
kadalasang ginawa sa taladtad. Ito ay binubuo
ng tatlong magtatanghal na may dalawang
magtatalo o magkaiba ng pananaw at isang
tagapamagitan na lakandiwa kung lalaki, o
lakambini kung babae. May mga hurado rin na
magdedesisyon kung sinong pangkat ang
mananalo.

Magaling Ms. Anya. Ngunit saan ba nagmula Opo ma'am. Unang nagsimula ang balagtasan
ang isang Balagtasan? Maaari mo bang sagutin sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng
ang isa pang katanungan? mga pangkat na manunulat para alalahanin ang
kapanganakan ni Francisco Balagtas. Ginawa
nila ang unang balagtasan na may tatlong hanay
ng mga makatana na ipinapahayag ng isang
naka iskrip na pagtatanggol. Binatay nila ang
anyo sa mas naunang uri ng pagtatalo na
gumagamit din ng elemento ng tula katulad ng
karagatan.

Napakahusay ng sagot mo Ms. Ania. Nagagalak Opo ma’am. Interesado po kasi akong malaman
akong malaman na at naaalala niyo pa ang mga kung ano ba talaga ang pinagmulan ng
naituro ko kahapon. Talagang nakikinig ka Ms. Balagtasan.
Ania!
C. PAGGAYAK

Para sa ating Aralin ngayon, ito rin ay may


Opo ma'am.
koneksyon ng ating Aralin kahapon. Gamit ang
aking laptop, may ipapakita ako sa inyo na isang
imahe. Sa imaheng inyong nakikita, masasabi
niyo bang isang Balagtasan ang senaryong ito?

Kasi po ma'am sa imahe po ay may tatlong


At paano mo naman nasabi Mr. Dela Cruz?
tauhan na kung saan napapagitnaan nila ang
tinatawag na Lakandiwa na siyang
namamagitan sa dalawang panig na
nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at
masining na pamamaraan habang ang
dalawang binibini sa imahe ay tinatawag
namang Mambabalagtas sila ang mga nasabing
tauhan na nagtatalo sa balagtasan kung saan
ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa
panig ng di sang-ayon sa paksang
pinagtatalunan.

D. PAGLALAHAD

Magaling Mr. Dela Cruz! Ang iyong sagot ay


napakatumpak sa imaheng aking ipinakita. Mula
sa mga sagot ni Mr. Dela Cruz, may nakakaalam
ba kung ano ang ating Aralin ngayon?

Anong masasabi mo Mr. Loid? May isasagot ka


Seguro po ma’am ay ang mga tauhan sa
ba?
balagtasan.

Tama, Mr. Loid. Nakalaan ang mga Tauhan sa


ating tatalakaying Aralin ngayon. Ngunit may
mga sagot pa ba diyan na maaaring maging
exakto sa hinihingi ko? Sinuman sa inyo ay
bibigyan ko ng isang chocolate bar ng cloud 9.
Noong nakasagot sa nakaraaang mga tanong
ay bibigyan rin ng rewards.

Yes Mr. Bryan? Ano ang iyong sagot. Mga kinakailangan sa Pagbabalagtas po ba
ma’am.

Maraming salamat sa iyong sagot ngunit hindi


pa rin ito ang exaktong sagot na hinahanap ko.
Ang iyong sagot ay malapit nasa hinihingi ko Mr.
Bryan.

Ms. Yuri, nagtaas ka ng kamay. Ano ba ang Ang ating tatalakaying Aralin ngayon ma’am ay
posibleng tatalakaying aralin natin ngayon? Sa tungkol sa mga Elemento ng Balagtasan.
tingin mo? Gamit ang mga sagot ni Mr. Dela
Cruz kanina.

Magaling Ms. Yuri. Napakatumpak ng iyong Maraming Salamat po, Ma’am Dget!
sagot sa aking hinihingi. Nang dahil dyan, sa iyo
mapupunta ang isa sa mga chocolate bar ng
cloud 9. Mahusay!

Para sa ating talakayin ngayon, ito ay


kontinuasyon sa ating talakayan kahapon.
Nalaman niyo na ang ibig sabihin ng Balagtasan
at saan ito nagmula kaya ngayon ang aalamin
natin ay ang mga Elemento ng Balagtasan na
kung saan nahulaan ito ni Ms. Yuri.

E. PAGTATALAKAY

Ang Balagtasan ay binubuo ng apat na


Elemento at ito ay ang mga Tauhan,
Pinagkaugalian, Paksa/Isyung Pagtatalunan at
ang panghuli ay ang Mensahe/Mahalagang
kaisipan.

Simula tayo sa unang Elemento at iyon ay ang


tauhan. Kumuha tayo sa sinagot ni Mr. Dela
Cruz kanina. Nabanggit niya na may tauhan na
pinagigitnaan ng dalawang lakambini na inyong
nakikita sa screen din kanina. Ang tauhan ay
may tatlong bahagi. Maaaring magtaas ng
kamay kung may isasagot. Ano-ano ang mga
hinihinging tauhan sa Pagbabalagtas?

Ms. Ania? Ano ang iyong sagot? May Lakandiwa po ma’am.


Magaling Ms. Anya. Maaari mo bang mabigyan Ito ay makatang namamagitan sa dalawang
ng explanasyon ang salitang Lakandiwa? panig na nagtatagisan ng mga katwiran sa
matulain at masining na pamamaraan. Ang
lakandiwa ang kalimitang nagsisimula ng
balagtasan sa pamamagitan ng pagpapakilala
sa mga pangkat na magtatalo at gayundin sa
paglalahad sa madla ng paksang pagtatalunan.

Magaling Ms. Anya! Mahusay na sagot.

Sino pa ang makapagbibigay ng mg tauhang Ma’am ako po!


gumaganap sa Balagtasan?

Okay Mr. Tyron. Ano ang iyong sagot? Maaari Bukod sa Lakandiwa, isa rin ang sa mga tauhan
mo ba itong ibahagi sa iyong mga kaklase? ang tinatawag na Mambabalagtas na kung saan
sila ang nagtatalo sa balagtasan na ang isa sa
kanila ay maaaring sang-ayon sa paksa at ang
isa naman ay di ito sang-ayon.

Magaling at Mahusay Mr. Tyron.

Para sa karagdagang explanasyon, Hangarin ng


bawat panig na mapaniwala ang katalo at ang
mga tagapakinig sa kanyang pangangatwirang
inilahad. Samakatuwid, dapat gumamit ang mga
mambabalagtas ng mga salitang tiyak at
malinaw upang ang kanilang mga
pangangatwiran ay ganap na mauunawaan.
Dapat din silang magbigay ng mga patunay na
makatotohanan kaya’t nararapat na ang bawat
panig ay may sapat na kaalaman sa paksang
pinagtatalunan upang maging handa sa
pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng kalaban
tungkol sa paksang pinagtatalunan.

Ang Balagtasan ay may dalawang panig na


nagtatalo at ang bawat panig ay maaaring
gampanan ng isa, dalawa o tatlong kalahok na
mambabalagtas o makata, depende sa
kagustuhan at pagkakasunduan ng mga
naghahanda ng balagtasan. May kani-kaniyang
oras ng pagtindig ang bawat panig kaya may
unang tindig sa panig ng sang-ayon at di-sang-
ayon, may ikalawa, ikatlo, at ikaapat depende
kung gaano kahaba ang balagtasan.

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng


isang mambabalagtas:
1. Marunong at Sanay tumindig sa harap
ng madla.
2. May magandang kaasalan sa
pakikipagtalo, hindi pikon.
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa
kanyang katalo, sa lakandiwa, sa mga
nakikinig.

Sa tingin ninyo, diyan na ba nagtatapos ang mga May nakalimutan pa po’ng tauhan.
tauhang hinihingi sa Pagbabalagtas?

At ano naman iyon Ms. Becky? Maaari mo bang Hindi po mabubuo ang Balagtasan kung wala
ihayag ito sa buong klase? itong Madla o Mga Manonood ma’am.

Magaling Ms. Becky! iyan ang panghuli sa mga


tauhang kinakailangan sa isang balagtasan.
Ngunit tanong ko sa buong klase?
Kinakailangan ba talaga ng isang tagapanood
ang Balagtasan? Bakit ba mahalaga ang mga
Manonood?

Ms. Christine? Nagtaas ka ng kamay. Ano ang Para sa akin po ma’am, ang mga Manonood ang
posibleng sagot sa tanong. mga tagapakinig na minsa’y sila ring magbibigay
ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng mga
katwiran ng magkabilang panig.

Mahusay na sagot Ms. Christine. Ngayon


dumayo naman tayo sa pangalawang Elemento
ng Balagtasan at ito ay ang Pinagkaugalian.

Gaya din ng ibang tula, taglay rin ng balagtasan


ang mga katangian ng tulang Pilipino: tugma,
sukat, at indayog. Tugma ang tawag sa pag-
iisang tunog ng mga huling pantig sa huling
salita ng bawat taludtod. Ang Inayog naman ang
sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay-
kariktan sa balagtasan na siyang umaakit sa
mga tagapakinig. Hindi magiging maganda ang
balagtasan kung hindi ito bibigkasin nang may
indayog. Ito ang ikinaiiba nito sa karaniwang
pagtatalo o debate.

Magpatuloy tayo sa ikatlong Elemento ng


Balagtasan at iyon ay ang Paksang
Pinagtatalunan.
Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng
mga mambabalagtas. Kalimitang ito ay mga
napapanahong isyung nagdudulot ng
malalaking katanungan sa mga mamamayan.
Kinakailangang ang tema ng balagtasan ay
maging tiyak upang sa gayon ay malimitan ang
sakop at lawak ng paksang pagtatalunan. Ang
kalimitang paksain o isyung pinagtatalunan sa
balagtasan ay mga paksang may kinalaman sa
politika, ekonomiya, kultura, pag-ibig, kalikasan,
lipunan, edukasyon, at maging mga karaniwang
bagay.

Ilan sa mga halimbawa ng mga


Paksa ay ang sumusunod:

1. Paksang may kinalaman sa Politika –


“Sino Ba ang Higit na Nakatutulong sa
Pag-unlad ng Bansa—Mamamayan o
Pamahalaan?”
2. Paksang may kinalaman sa Kultura –
“Dapat ba o Di-dapat Uliranin ang nga
Katangiang Pilipino?”
3. Paksang may kinalaman sa
ekonomiya/kultura – “Dapat ba o Hindi
Dapat Magtrabaho sa ibang Bansa ang
mga Kababaihan?”
4. Paksang may kinalaman sa Pag-ibig –
“Sino ang Lalong Karapat-dapat sa
kamay ni Gatbini—si Gatpilak o si
Gatdunong?”
5. Paksang may kinalaman sa kalikasan –
“Masama nga ba o Mabuti ang Bunga ng
Pag-unlad ng Agham at Teknolohiya sa
Mundo?”
6. Paksang may kinalaman sa Lipunan –
“Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang
Pambansa o Wikang Pandaigdig?”
7. Paksang may kinalaman sa Edukasyon
– “Dapat nga bang Dagdagan ang pa ng
Isang Taon ang Hayskul sa Pilipinas?”
8. Paksang may kinalaman sa mga
Karaniwang Bagay – “Ginto o Bakal,
Mataba at Payat, Baso at Tabo, at iba
pa.

Iyon ay ilan lamang sa mga halimbawa na


nabanggit. Dumayo naman tayo sa panghuling
elemento ng balagtasan at ito ay ang Mensahe
o Mahalagang kaisipan.
Isa pa sa mahahalagang Elemento ng
balagtasan ang paghahatid nito ng malinaw na
mensahe sa mga nakikinig. Ang balagtasan ay
hindi lamang isang uri ng libangan kundi ito ay
mainam ring paraan upang maipabatid sa madla
ang mga napapanahong isyung dapat pag-
isipan ng mga mamamayan. Upang malinaw na
maihatid ang mensaheng nais iwan sa mga
nakikinig o manonood, may mahalagang
tungkuling ginagampanan ang galaw, kumpas at
ekspresyon ng mukha sa pagpaparating ng
damdaming nais ipadama ng mambibigkas sa
kanyang mga tagapakinig.

F. PAGLALAPAT

Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang grupong


gawain. Sa buong klase kayo ay 40 na bilang na
mag-aaral sa seksyon na ito at walang absent
tama ba? Kinakailangan ko ng apat na grupo sa
gawaing ito. Sa isang grupo ay may Sampung
(10) miyembro. Hahatiin ko sa apat na kahon
ang chalkboard sa pagguhit ng linya gamit ang
chalk. Ang bawat miyembro ay dapat ring
nakahanay ng Pila. Kinakailangan na apat na
pila ang makikita ko ito ay ang group 1, group 2,
group 3, at group 4. Kailangan ninyong humarap
sa Board at ibibigay ko sa inyo ang Panuto kung
ano ang gagawin ninyo sa gawaing ito. Ibibigay
ko sa inyo ang Chalk na gagamitin ninyo sa
Pagsulat sa board.

Ito ang Panuto: Bumuo ng mga makabuluhang


tanong hinggil sa napapanahong isyu o paksang Opo ma’am.
maaaring pagtalunan o gawing paksa ng
balagtasan sa kasalukuyan. Itala ang iyong
sagot sa tsart na makikita sa inyong board.
Makikita ang isang Halimbawa na nakalagay sa
unang numero. Ipinagbabawal ang pandadaya.
Ako ay nakabantay sa inyung likuran at kung
sino man ang makikita kong nandadaya ay
walang score na macocollect naiintindihan ba?

Tema Isyu/Paksang Maaaring Pagtalunan


Pag-ibig “Dapat ba o Hindi Dapat Manligaw ang
mga Kababaihan?”
Kultura
Ekonomiya
Lipunan
Kalikasan
Politika
Edukasyon
Karaniwang Bagay
MGA PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG
PUNTOS

20% Orihinal na Ideya at Pagkakaroon


ng Teamwork

15% Makatutuhanang Impormasyon

15% Organisado at may koneksyon sa


mga isyung nangyayari sa paligid.

50% Pangkalahatang Puntos / Total


Score

G. PAGLALAHAT

Okay! Nag enjoy ba ang lahat sa paggawa sa Opo ma’am. Marami po kaming ideyang naiisip
gawain? at nagtutulungan po kami sa paggawa ng mga
kakaiba at orihinal na mga paksa.

Balik-tanaw tayo sa ating diniscuss kanina may


inihanda akong mga katanungan kung
naunawaan niyo ba ang ating Aralin sa araw na
ito.

1. Sino-sino ang mahahalagang tauhang


bumubuo sa Balagtasan?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong
lumahok sa isang balagtasan, aling
tauhan ang nais mong gampanan?
3. Paano naiiba ang balagtasan sa isang
karaniwang pagtatalo o debate?
4. Bakit mahalagang taglayin ng
balagtasan ang mga katangian ng
tradisyunal na tulang Pilipino na tulad ng
tugma, sukat at indayog?
5. Bakit mahalagang magkaroon ng
malawak na kaalaman ang
mambabalagtas sa paksang
pagtatalunan.
IV. PAGTATAYA

Panuto: Para sa inyong indibidwal na gawain, kayo ay inaatasan na Gumawa ng sarili ninyong
Balagtasan na nakapaloob ang bawat elemento nito. Kayo ay binibigyan ng kalayaan kung ang inyong
piyesa ng balagtasan ay maaaring mahaba o tama-tama lamang.

RUBRIKS

SCORE

30% Orihinal na Ideya

20% Organisado

10% Uniqueness

10% May koneksyon sa mga isyung nangyayari sa paligid.

30% Nakapaloob ang bawat Elemento ng Balagtasan

100% Pangkalahatang Puntos / Total Score

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Kayo ay inaatasang manood ng mga bidyo ng balagtasan (maaaring manood sa Youtube)
kung saan makikita ang mga tamang kilos at gampaning dapat taglayin ng mga taong kalahok sa
balagtasan. Gamit ang Text Map sa ibaba ay Ipaliwanag ang mga ito batay sa iyong nakita o
napanood.

Mga Gampanin/Katangiang
Dapat Taglayin ng mga
Tauhan sa Balagtasan

LAKANDIWA MAMBABALAGTAS MGA MANONOOD

You might also like