You are on page 1of 8

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ESP 2

March 01, 2023

Kompetensi

Nakapagpapakita ng mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan


at kapayapaan sa paaralan.

I – Layunin

Pagkatapos ng 30 minutong diskusyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang


magawa ang mga sumusunod ng may 80% na antas ng kawastuhan:

a. Nakikilala ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa kasapi ng


pamayanan;
b. Nalalaman ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa bawat miyembro ng
paaralan;
c. Nasasabi ang mga gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa bawat miyembro
ng paaralan.

II. Nilalaman

Aralin: Pagpapakita ng Pagmamalasakit sa mga Miyembro ng Paaralan


Sanggunian: MELC (EsP2PPP- IIId- 3)

Kagamitan: Kagamitang Biswal, kartolina, activity sheets, slide decks, larawan

III – Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin

Magsitayo ang lahat at ating iyoko ang ating


mga ulo para sa panalangin.

b. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat mga Magandang umaga po naman.


bata.
Mabuti po naman.
Kumusta kayo?
Mabuti kung ganoon.

c. Pampasiglang Gawain

Mga bata ating awitin ang “Ako Malipayon, (Umawit)


Siya Malipayton”. Handa awit!

d. Pagtala ng Liban

Ngayon, ating alamin kung sino-sino baa ng


lumiban sa ating klase ngayon. Tatawagin ko
ang inyong pangalan at sabihing “Narito”
Opo, titser!
kung kayo ay naririto. Nakuha ba mga bata?

e. Pagsagot sa Takdang-Aralin

Mga bata, may ibinigay ba akong takdang


aralin sa inyo kahapon? Wala po titser!
Sige.

f. Pag-alala ng Panuntunan sa Silid-


Aralan

Mga bata, bago natin simulan ang


ating diskusyon ngayong araw alalahanin
muna natin ang mga panuntunan sa ating
silid aralan. Ano ang inyong gagawin habang
tayo ay nagtatalakay at habang kayo ay Iwasang gumawa ng ingay, huwag iwan
nasa pangkatang gawain? ang upuan, huwag disturbuhin ang mga
kaklase at itaas ang kanang kamay kapag
sasagot.
At anong mangyayari kung hindi nyo
susundin ang mga patakarang ito?

Tama. Gusto ninyo bang mabawasan ang Mababawasan po ang aming puntos.
inyong puntos?
Hindi po!
Kaya dapat palagi ninyong isaalang-alang
ang ating mga panuntunan sa ating silid-
aralan.

Mamaya magkakaroon tayo ng pangkatang


gawain, kaya ngayon ay igugrupo ko kayo sa
apat. Ang una at ikalawang hanay ay ang
magiging unang pangkat. Ang ikalawa at
ikatlong hanay naman ay ang ikalawang
pangkat, ang ikalima at ika-anim na hanay
ay ang magiging ikatlong pangkat, at ang
ika-pito ay ang magiging ika-apat na hanay.
Nakuha ba mga bata?

Mga bata, mayroon ako ritong inihandang


bagay sa pisara (Incentive Chart) na Opo, titser!
gagamitin ko sa pagsubaybay sa inyong mga
kilos sa buong klase natin ngayong araw.
Ang mga pangkat o indibidual na susunod sa
mga alituntunin natin sa klase, susunod sa
mga sasabihin ko at hindi mag-iingay ay
makakatanggap ng puntos at ang natanggap
na puntos ay ilalagay ko dito saaking
inihandang bagay (Incentive Chart).
Naintindihan ba mga bata?

Magaling.

Opo, titser
B. Panlinang na Gawain
a. Pagsasanay
Mga bata may inihanda ako ritong flashcard.
Ang inyong gagawin ay inyong babasahin
ang mga nakasulat sa Flashcard.
Naintindihan ba? Opo, titser!
Kaklase
Guro kaibigan
(Binasa)
klasmeyt paaralan

C. Pagganyak
Mga bata magkakaroon tayo ng gawain,
may mga larawan at mga salita ako ritong
ipapakita sa inyo at ang inyong gagawin ay
ididikit ninyo sa tabi ng larawan ang mga
salitang umaangkop o tawag sa mga bagay
at taong makikita ninyo sa larawan. Handan
a ba kayo? Opo, titser!
Paaralan Punong Guro Guro

Mag-aaral Klasmeyt
Mga miyembro ng paaralan.
Sino-sino ang mga nasa larawan?

Dapat ba natin silang igalang at mahalin?


Opo, titser!

Dahil sila ang palagi nating kasama sa


Bakit dapat natin sila igalang at mahalin? paaralan

Paano natin maipapakita ang paggalang at


pagmamalasakit sa bawat miyembro ng
Tumulong sa gawain ng mga guro, huwag
paaralan?
awayin ang mga kaklase, tumulong sa
mga kaklaseng nangangailangan ng
tulong, batiin ang mga guro kapag nakita
at marami pang iba.
Tama mga bata!
D. Paglalahad
Ang leksyong tatalakayin natin
ngayong araw ay tungkol sa kwentong
“Pagpapakita ng Malasakit sa mga Miyembro
ng Paaralan”. Ano nga ulit ang leksyong Tungkol sa Kwentong “Pagpapakita
tatalakayin natin ngayong araw? ng Malasakit sa mga Miyembro ng
Paaralan’
E. Pagatatalakay

Tignan ang nasa larawan mga bata, ano ang Masaya po ang mga mag-aaral.
napapansin ninyo sa mga mag-aaral?

Tama! Nag-aaway-away ba sila? Hindi po!

Magaling. Gusto niyo ba maging ganyan din


kayo kasaya sa loob ng ating silid-aralan? Opo, titser!

Kung ganon ano ang dapat ninyong gawin


upang maging ganito kasaya ang ating silid- Dapat respetuhin po namin ang isa’t-isa,
aralan? huwag awayin ang kaklase at magtulong-
tulongan po kami.

Magaling!

Sa larawang ito mga bata, ano ang nakikita Binato po ng mga papel ang kanilang
ninyo? guro.

Nagpapakita ba sila ng pagrespeto sa


kanilang guro? Hindi po!

Mabuti ba ang kanilang ginawa? Hindi po.

Bakit hindi mabuti? Dahil dapat nirerespeto at tinutulungan nila


ang kanilang guro.

Anu-ano ang dapat ninyong gawin upang


maipakita ninyong nagmamalasakit kayo sa
inyong kapwa mag-aaral? Huwag po silang awayin, mag-share sa
kanila ng mga bagay na wala sila,
makipaglaro sa kanila, at tulungan kapag
F. Paglalapat
Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain.

Ang gagawin ng bawat grupo ay inyong


tutukuyin kung ang mga sumusunod ba ay
nagpapakita ng pagmamalasakit sa bawat
miyembro ng paaralan. Lagyan ng hugis
puso ( ) kung ang mga larawan ay
nagpapakita ng pagmamalasakit at hugis
bituin ( ) naman ang hindi. Nakuha ba
mga bata? Opo, titser!

Magaling! Narito na ang Rubriks para sa


aktibidad na ito.
4 3 2 1
Puntos Puntos Puntos Puntos
Pagiging
Maagap

Pagkakaisa at
kooperasyon

Tamang Sagot

Pangkatang Gawain:

Panuto: Lagyan ng hugis puso ( ) kung


ang mga larawan ay nagpapakita ng
pagmamalasakit at hugis bituin ( )
Mga sagot:
naman ang hindi
1.
1. Kunin ang krayola ng klasmeyt ng hindi
nagpapaalam.
2.
2. Sinauli mo ang librong hiniram kay
titser.
3.

4.
3.
5.
4.

5.

G. Paglalahat
Tungkol saan nga ulit ang ksyong tinalakay
natin ngayong araw? Ang kwentong tinalakay natin
ngayong araw ay tungkol sa Pagpapakita
ng Malasakit sa mga Miyembro ng
Paaralan

Anu-ano ang mga gawaing nagpapakita ng


pagmamalasakit sa mga miyembro ng
paaralan? Huwag mag-aaway-away, magtulungan,
respetuhin ang bawat isa at magmahalan
ang bawat isa.

Mahalaga bang may malasakit tayo sa mga


miyembro ng paaralan na ating
nakakasalamuha? Opo!

Bakit ito mahalaga? Upang maging masaya, walang gulo at


maayos ang ating paaralan.

Mahusay mga bata!

IV- Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (/) sa loob ng kahon kung ito
ba ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa bawat miyembro ng paaralan at ekis (x)
naman kung hindi.

1. Sinamahan ni Malou si si Riza sa kantina dahil hindi nito alam kung saan.

2. Tinulak ni Tony ang bago nilang kaklase.

3. Tinulungan ni Sammy ang kanyang guro sa pagbubuhat ng libro.


4. Kinuha ni Renz ang lapis ni Jane ng hindi nagpapaalam.

5. Sinuntok ni Glen ang kanyang kaklase.

Sagot:
1. / 2. x 3. / 4. x 5. x

V- Takdang Aralin

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa


kapwa. Isulat ang Tama kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit at Mali naman
kung hindi.

_________1. Tinulungan ko ang aking guro sa paglilinis ng silid-aralan.


_________2. Sumakit ang tiyan ni Tina, Dinala siya ni Berto sa klinika.
_________3. Bumagsak si Andie sa exam, tinawanan siya ng buong klase.

Inihanda ni:

Jennie D. Anuddin Mrs. Mary Jane E. Mostrales


Student Teacher Supervising Teacher

You might also like