You are on page 1of 10

ISANG MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I

I. Mga Layunin
Sa katapusan ng 50-minutong aralin, ang mga magaaral sa ikaunang baitang ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang mga taong bumubuo ng paaralan;
b. nailalarawan ang mga tungkulin ng mga taong bumubuo sa paaralan; at
c. naipapakita ang pagpapahalaga sa mga taong bumubuo ng paaralan sa
pamamagitan ng paggalang at pagrespeto sa mga ito.
LC CODE: AP1PAAIIIb-4

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Mga Tungkuling Ginagampanan ng mga Taong Bumubuo sa
Paaralan
b. Sanggunian: AP MELC page 3
c. Kagamitan: Mga larawan ng tao na nasa paaralan at ng kanilang mga
kagamitan, at mga kahon.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Magaaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating
aralin, tayo muna ay tumayo
yumuko at manalangin. (Ang lahat ay mananalangin.)

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po aming guro!

Bago kayo maupo tignan


muna ninyo ang mga ng
inyong upuan at damputin ang
mga kalat.
Paki tsek nga ang inyong mga
katabi kung mayroon sila.
May lumiban ba?
Wala po ma’am.

3. Balik Aral
Ating balikan ang paksang
ating tinalakay noong
nakaraan.
Ano nga ulit ang ating huling
pinagaralan ?
Ito po ay tungkol sa mga epekto ng pisikal na
Mahusay! Magbigay nga kayo kapaligiran sa ating pag-aaral.
ng mga halimbawa na
naglalarawan sa ating
kapaligiran.
Maingay.
Malinis.
At ano na nga ba ang mga Maraming puno at halaman.
epekto neto sa ating pagaaral?
Kapag maingay po magulo at mahirap
magaral.
Kapag malinis ang kapaligiran kaaya-ayang
mag-aral.
Kapag maraming puno at halaman
makakapaglaro kami sa labas dahil hindi po
Natutuwa ako at naalala niyo mainit.
ang ating huling aralin.

B. Pagganyak

(Maglalagay ang guro ng


dalawang kahon sa ibabaw ng
mesa.)

Mga bata ano ang nasa ibabaw


ng mesa?
Ano sa tingin niyo ang laman Mga kahon po guro.
ng mga kahong ito?
(Magbibigay ng iba’t ibang opinion o hula
Ang laman ng mga kahong ito ang mga magaaral.)
ay mga litrato o larawan ng
mga tao sa paaralan at ang
kanilang mga kagamitan.
Kaya naman magkakaroon
tayo ng laro. Gusto niyo bang
maglaro?
Makinig kayong mabuti. Opo guro.
Ngayon ay kailangan ko ng
sampung magaaral.
1. Ang unang lima ay pumila
dito sa pulang kahon,
naglalaman ito ng mga
larawan ng mga taong
bumubuo sa paaralan.
2. Ang natitirang limang
mag-aaral ay sa dilaw na
kahon naman kayo pumila
at naglalaman ito ng mga
larawan ng mga bagay na
ginagamit ng mga tao sa
paaralan.
3. Isa-isa kayong bumunot ng
tag-iisang larawan sa
kahon.
4. Pagkatapos ay ipagtapat
niyo sa kabilang linya ang
inyong nabunot.
5. Hanapin niyo ang tamang
larawan o pares na sa
tingin niyo ay konektado
sa inyong nabunot na
larawan.

Naiintindihan niyo ba? Opo guro.

(Maglalaro ang mga bata.)


Ngayon ay idikit ninyo sa
pisara ang mga magkakapares
na larawan. (Ididikit ng mga bata ang mga magkapares na
larawan sa pisara.)
C. Paglalahad
Ang inyong ginawa ay may
kinalaman sa ating talakayan ngayong
araw.
Sinu-sino ang mga taong nasa larawan Guro, mag-aaral, nars, dyanitor, at guwardya
na inyong nakita? po guro.

Tama. At ano ang kanilang mga Sa guro po ay pisara.


kagamitan? Sa mag-aaral ay lapis at papel.
Sa nars ay hiringgilya.
Sa dyanitor ay walis.
Sa guwardya ay pitu.

Mahusay mga bata! Saan nga ba natin Makikita po natin ang guro, mag-aaral,
makikita ang mga taong ito? school nars, dyanitor at guwardya sa
paaralan.
Magaling, sila ang mga taong
bumubuo sa ating paaralan. Ngayon
ay ating tatalakayin ang tungkol sa
tungkuling ginagampanan ng mga
taong bumubuo sa paaralan.
Sino nga ulit ang mga taong bumubuo
sa paaralan? Guro, mag-aaral, school nars, dyanitor at
guwardya.
Tama.

D. Pagtatalakay

Makikita natin ang mga taong ito sa


paaralan.

Ano nga ba ang paaralan?


Ang paaralan po ay ang lugar kung saan kami
Magaling. Ano ang madalas niyong natututo.
ginagawa sa ating paaralan?
Nagsusulat, nagbabasa, nag-aaral at kung
Oo, tama. Dito tayo matututong minsan po ay naglalaro at naglilinis po guro.
magsulat at magbasa. Ang paaralan ay
para din nating pangalawang tirahan.
Sa tingin niyo bakit ko nasabing ito ay
ang pangalawa nating tirahan?
Dahil parang pamilya na din po ang turing
namin sa sa aming mga kaklase at sa inyo na
Mahusay at dahil na din ang ating din po guro.
paaralan ay binubuo ng mga taong ito:

1. Guro- ang pangunahing


tungkulin ng isang guro ay ang
pagtuturo sa mga estudyante.
May kilala ba kayong guro?
Opo guro, ikaw po binibining Angelica
2. Magaaral- tungkulin ng isang Granadozo.
mag-aaral ang mag-aral ng
mabuti, intindihing mabuti ang
mga tinatalakay at sumunod sa
mga tuntunin ng paaralan.
Halimbawa ng mga magaaral
ay kayong mga nakaupo at
nakikinig sa akin. Sa tingin
niyo bakit niyo kailangang
magaral ng mabuti?
Upang makapagtapos po kami ng pagaaral at
3. School Nars- tungkulin ni nars maabot ang mga pangarap.
na manggamot o magpagaling
kaniyang pasyente sa paaralan.
4. Diyanitor- siya ang naglilinis
sa kapaligiran ng paaralan.
5. Guwardya- pinapanatili ang
kapayapaan at kaayusan ng
paaralan.

Mga bata, sa tingin ninyo


paano natin maipapakita ang
pagpapasalamat at
pagpapahalaga sa mga taong
bumubuo ng ating paaralan?

Tayo ay magbigay galang at respeto sa mga


taong bumubuo ng ating paaralan.
Tandaan natin na huwag maging pasaway at
Tama, lagi nating isipin na ang sumunod sa patakaran ng paaralan.
paaralan ang ating Huwag din tayong magkakalat ng mga basura
pangalawang tahanan kaya kung saan-saan.
dapat din natin itong linisin at
pangalagaan dahil dito tayo
namamalagi upang magaral.

E. Paglalahat

Sinu-sino nga ulit ang mga taong


bumubuo sa paaralan?

Ano ang tungkulin ng isang guro?


Guro, mag-aaral, nars, dyanitor at guwardya.
Kung ang guro ay nagtuturo, ano
naman ang tungkulin ng magaaral? Tungkulin ng guro na turuaan ang mga
magaaral.
Sino ang nagpapagaling at
gumagamot sa mga may sakit? Tungkulin ng mga magaaral ang magaral ng
mabuti.
Ano ang tungkulin ng guwardya?
School nars po guro.
Sino naman ang nagpapanatili sa
kalinisan ng ating paaralan? Tungkulin niyang mapanatili ang kapayapaan
at kaayusan ng paaralan.
Ano ang ating gagawin o laging
tatandaan upang mapahalagahan ang Dyanitor po guro.
mga taong bumubuo sa paaralan?

Magbigay galang po sa mga guro o kanino


man.
Irespeto po ang mga taong bumubuo sa
paaralan.
Huwag maging pasaway at sundin ang mga
patakaran ng paraalan.
Mahusay mga bata, naunawaan niyo Tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa
nga ang ating talakayin ngayong araw. paaralan gaya na lamang ng pagtapon ng
basura sa tamang lalagyan.

F. Paglalapat

Ngayon naman ay igrugrupo ko kayo


sa tatlong pangkat. Bawat grupo ay
magkakaroon ng gawain.

Unang Pangkat
Panuto: Kilalanin ang mga tauhang (Gagawin ng mga mag-aaral ang kanilang
bumubuo ng paaralan batay sa kailang gawain.)
tungkulin. Punan ng titik ang patlang
upang mabuo ang salita.

1. Sinisuguro niyang ligtas ang mga


mag-aaral at siya ang nagbabantay
sa paaralan.
G _ W_ _ DYA
2. Siya ang nagtuturo ng mga aralin
para sa m ga mag-aaral.
G_ R_
3. Nag-aalaga sa mga may sakit na
mag-aaral.
N_ _S
4. Sila ang mga nag-aaral ng mabuti.
MA_-AA_A_
5. Pinapanatili niyang malinis ang
paaralan.
DYAN_T_R

Pangalawang Pangkat
Panuto: Piliin ang angkop na salita
sa kahon at idikit ito sa patlang
upang maibigay ang tungkulin ng
tao na nasa bawat litrato.
1. Siya ang ________ ng
paraalan.

2. Siya ang mahigpit na


___________ sa paaralan.

3. Siya ang __________


sa mga may sakit.

4. Siya ang ________ sa


mga mag-aaral.

5. Tungkulin niya ang


____________ ng mabuti.

Ikatlong Pangkat
Panuto: Piliin sa hanay B ang tamang
sagot na hinihingi ng hanay A at isulat
ito sa patlang bago ang numero.
HANAY A HANAY B

____1. Nag-aaral ng a. guro


aralin. b. nars
____2. Nagtuturo sa c. guwardya
mga mga mag-aaral. d. dyanitor
____3. Naglilinis ng e. magaaral
paaralan.
____4.Nagpapanatili
sa kaauysan at
kaligtasan ng
paaralan.
____5. Ginagamot
niya ang mga may
sakit sa paaralan.

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit ang tsek (/) sa patlang bago ang numero kung ang pangungusap ay
tama at isulat naman ang ekis (X) kung ito ay mali.

_____1. Ang guro ang nagtuturo sa mga magaaral.


_____2. Ang dyanitor ang gumagamot sa mga may sakit sa paaralan.
_____3. Ang tungkulin ng magaaral ay magaral ng mabuti.
_____4. Ang guwardya ay ang nagtuturo sa mga magaaral.
_____5. Ang tungkulin ng school nars ay nag-aalaga at gumagamot sa mga may
sakit.

V. Takdang Aralin

Panuto: Pumili kayo ng isa sa mga taong bumubuo sa paaralan, at isulat niyo ang
mensaheng nais niyong iparating sa kanila.

Inihanda nina: para kay Inihanda:


GINOONG NOVER D. ESTEBAN
GRANADOZO, ANGELICA V.
GRANADOZO, JINELYN B.
DACANAY, LEA MAY T.
para kay Inihanda:
GINOONG NOVER D. ESTEBAN

You might also like