You are on page 1of 2

KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYANG

PANAHON
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga
mamamayan at nagbibigay tuong sa pag- unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang
isang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa
pakikipag ugnayan at pakikipag talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonimiya ay hindi
uunland o lalago kung ang mga mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan .

Pitong dekada na ang lumipas ng tayo ay magkaroon ng wikang pambansa ngunit


hanggang ngayon hindi parin natin masasabing lubos nga ang pagpapahalagang ibinigay
natin dito. Sa katunayan usapin parin magpahanggang ngayon kung may kakayahan nga
ba ang ating wikang Filipino na makipagsabayan sa iba pang global na wika ng mundo.
Nakakatuwang isipin na ang Pilipinas lamang ang may taunang pagdiriwang para sa
sariling wika. Sa kasalukuyang panahon, malaki parin ang pagpapahalaga ng mga
kabataan sa wikang Filipino. Sa kabila ng pagkalat ng iba't-ibang lenggwahe sa panahon
ngayon, ipinamamalas parin ng mga kabataan ngayon ang kanilang malaking respeto at
pagtangkilik sa ating sariling wika.

Sa panahon ngayon, alam naman siguro nating lahat na mas nangingibabaw ang mga
makabagong teknolohiya na naglipana sa kahit saang bansa sa buong mundo. Kung kaya’t
marami na sa ating mga kababayan ang tumatangkilik ditto. Subalit, ang tanong ay
kamusta na kaya ang kalagayan n gating sariling wika sa panahon kung saan yumayabong
na ang mass media at mga teknolohiya.

Bilang isang mamamayang Pilipino nakasanayan na nating gumamit n gating sariling


wika. Sapagkat nakakamakabayan ito at nakakapagpahayag tayo tayo n gating sariling
mga saloobin. Ginagamit din natin an gating wika makipag komunikasyon sa ating kapwa
Pilipino. Ngunit sa pagdaan ng maraming panahon, ang ilang mga Pilipino lalong lalo na
ang mga bata ay nagiging “jejemon.”

At dahil sa patuloy na pagusbong ng mga makabagong teknolohoya, marami na sa


ating mga Pilipino ang hindi gumagamit n gating sariling wika, sapagkat ginagawa nila ang
kanilang naririnig, nakikita, at nababasa sa ibat ibang media tulad ng internet, telebisyon,
telepono (cellphone) at iba pa. Kaya malaki ang epekto nito sa kalagayang pang wika ng
kulturang Pilipino. Ganon paman , atin paring pagyabungin at paunlarin ang ating sariling
wika para sa kapakanan n gating bansa.

You might also like