You are on page 1of 13

Dahon ng Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat angaming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal at sa iba


pang mga naging bahagi sa aming pananaliksik para sa walang humpay na suporta, tulong at
kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpay ang pag aaral na ito.

Sa aming mga magulang, na tumulong at umintindi sa amin sa panahong abala kami sa


paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta, pagmamahal at
inspirayon sa amin.

Kay Dr. Marianne O. Baquial, ang aming minamahal na guro at tagapayo sa asignaturang
Filipino, ipinaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong walang sawang pagsuporta,
pagtulong, paggabay at pag-unawa sa amin habang isinasagawa namin angaming pananaliksik at
lalung-lalo na sa pagbabahagi ng kaalaman ukol dito.

Sa aming mga kapwa mag-aaral para sa pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at


pagsuporta upang matapos ang aming pananaliksik.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa


at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay kaalaman na aming ginamit sa pananaliksik. Sa
pagdinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng
loob na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik
Disenyo ng Pananalisik

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng kritikal na pagsusuri sa pananaliksik. Ang


pagsusuring kritikal ay kalipunan ng mga kasanayan ng isang indibidwal na makapagbigay ng
interpretasyon, makapagsuri at mataya ang mga impormasyon tungo sa paglikha ng ideya at
perspektiba. Ang nasabing uri ay ginagamitan din ng pagsusuring pampanitikan upang mapag-
aralan, masuri at mapaliwanag ang panitikan. Sa pamamagitan ng kritikal na pagsusuri sa tatlong
maiikling kwento, madaling matukoy at maayos ng mga mananaliksik ang mahahalagang
impormasyon at datos na gagamitin sa pag-aanalisa sa pananaliksik. Madali ring napaghihimay
ang mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha. Naniniwala ang mananaliksik na ang disenyong
ito ang pinakaangkop gamitin sapagkat mas madaling kumuha ng mga kinakailangang datos
gamit ito

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kinakailangang datos sa pag-aaral ay


ang tatlong maiikling kwento sa kontemporaryong panahon. Ang maiikling kwento ay ang mga
sumusunod: (a) “Darleng” ni Mar Anthony dela Cruz Simon; (b) “Ang Ugat ng Kahirapan” ni
Gregorio V. Bituin Jr.; at (c) “Sandosenang Sapatos” ni Luis Gatmaitan. Ang maikling kwento
na “Darleng” (2012) ni Mar Anthony dela Cruz Simonay tungkol sa isang pamilya na dahil sa
hirap ng buhay ay napipilitang mangibang bansa. Ang maikling kwento na ito ay nagwagi ng
ikatlong gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2012. Ang
maikling kwento ni Gregorio V. Bituin Jr. na pinamagatang “Ang Ugat ng Kahirapan” (2003) ay
tumatalakay sa iba’t-ibang dahilan ng ugat ng kahirapan. Ang kwentong ito ay nalathala sa
Talibang Maralita, Hulyo-Setyembre 2003. Sa huli, ang “Sandosenang Sapatos” (2001) ni Luis
Gatmaitan ay tungkol sa pagmamahal ng isang magulang sa isang anak at hindi hadlang ang
kapansanan sa pagkakaroon ng normal at matagumpay na buhay. Naisulat ito ni Luis Gatmaitan
nang magkaroon siya ng pasyenteng ipinanganak na putol ang paa. Ang kwentong ito ay
nagkamit ng unang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards at Catholic Mass Media
Awards noong 2001.

Kaligiran ng Pananaliksik

Ang Unibersidad ng Cebu, na karaniwang tinutukoy bilang UC, ay isang pangunahing


institusyong pang-edukasyon sa rehiyon ng Visayas. Itinatag ang unibersidad noong 1964 ni
Atty. Augusto W. Go bilang isang institusyon ngmas mataas na pag-aaral na nakatoun sa tunay
na eduksayon.

Ang Unibersidad ng Cebu ay kasalukuyang may apat na kampus, particular ang (1) Main
Campus, na matatagpuan sa kahabaan ng Sanciangko St., (2) ang Unibersidad ng Cebu Lapu-
Lapu and Mandaue Campus na siyang campus para sa mga mag-aaral sa lugar ng Lapu-Lapu ang
Mandaue, (3) ang Unibersidad ng Cebu Maritime Educational Training Center (METC), na
matatagpuan sa Alumnos St., sa Mambaling (4) ang Banilad Campus na matatagpuan sa
kahabaan ng Gov. Cuenco Ave., sa Banilad.

Una ng itinatag ang Unibersidad ng Cebu bilang Cebu College of Commerce at inalok
nito ang mga degree ng Bachelor of Science in Commerce at Associate in Secretarial Science sa
panahon ng unang taon. Sa ika-walong taon nito, binuksan ng institusyon ang maraming mga
kurso kabilang ang Edukasyon, Liberal Arts, Customs at Criminology. Ang Cebu College of
Commerce ay pinalitan ang pangalan nito noong 1972, at pagkatapos ay kilala bilang ang Cebu
Central Colleges, na nag-alok ng higit pang mga undergraduate curriculum program, isang
nagtapos na paaralan, at isang kurso sa pagsasanay para sa mga Marine Officer. Noong 1983,
ang Unibersidad ng Cebu ang unang nag-alok ng Computer Science sa Cebu at sa buong
Rehiyon VII.

Samantala, ang pananaliksik na ito ay idinaos sa isa sa apat na kampus sa Unibersidad ng


Cebu, sa Unibersidad ng Cebu Banilad Campus. Noong Hunyo 2002 ay ang paglipat ng College
of Nursing saUnibersidad ng Cebu Banilad Campus. Ang Unibersidad ng Cebu Banilad Campus
ay nagsasanay sa mga Nursing at Health Care undergraduates bukod sa Engineering at
Education, at iba pang mga kurso. Ang iba pang mga espesyal na kurso na inaalok sa kampus ay
sa kasalukuyan ay Bachelor of Science in Business and Administration, Accountancy,
Management Accounting, Accounting Information System, Midwifery, Information System,
Animation, Tourism Management, Law, Criminology, Hotel and Restaurant Management at ang
dalawang bagong kurso sa kampus ang Hospitality Management at Medical Technology.

Sa kasalukuyan, dahil sa K to 12 Curriculum, ang Unibersidad ng Cebu ay tumatanggap


na rin ng mga mag-aaral sa Senior High School. Dahil dito, nagpatayo ng bagong gusaliang
Unibersidad ng Cebusa Banilad Campus at Main Campus para sa mga mga-aaral. Noong April
2017, pinasinaayan ang gusali ng Senior High School sa J. Alcantara St., Urgello, Cebu City,
isang ekstensyon ng Main Campus. Noong taong 2019 naman ay opisyal ng binuksan ang gusali
ng Senior High School sa Banilad para sa taong 2019-2020.

Hanggang ngayon, ang Unibersidad ng Cebu pa rin ang isa sa pinakamagandang


unibersidad sa Pilipinas. Ang unibersidad ay iginawad ng Commission on Higher Education na
isang “Deregulated” na katayuan at nakatanggap ng akreditasyon mula sa Philippine Association
of Colleges and Universities Commission on Accreditation.

Presentasyon ng Datos (Sandosenang Sapatos)

I. Talambuhay ng Awtor
Si Luis P. Gatmaitan ay isang doktor at maituturing na alagad ng Sining at
Panitikan. Ginamit niya ang kanyang kaalaman bilang isang doktor upang
makapaglimbag ng mga makabuluhang mga librong pambata. Ang kanyang mga
likha ay madalas na tumatalakay sa mga isyung panlipunang pagtrato sa mga may
kapansanan, paguulyanin, pag-ampon at iba pa. Hinimok niya ang kaisipan ng
mga tao na alisin ang pangungutya, takot at mga maling ideya tungkol sa mga ito.
Ninais niya maudyok mabago ang lipunan ng Pilipinas o mabigyan man lang ng
boses ang mga isyung nabanggit.

II. Boud ng Maikling Kwento

Sapatero ang ama ni Karina. Sa tuwing may okasyon, ginagawa siya nito ng bagong
sapatos. Natuwa ang mga magulang niya nang magkaroon siya ng kapatid. Nang malamang
babae ang kasunod niya, sinabi ng tatay niya na magiging ballet dancer ito. Ngunit di ito
nagkatotoo; isinilang ang sanggol na putol ang dalawang paa bunga ng pagkakasakit ng ina
nnag ipinagbubuntis pa lang siya.

Susie ang pangalan ng bunsong kapatid ni Karina. Sa tuwing igagawa si Karina ng


sapatos ng kanyang tatay, napatingin ito sa bunso at napapabuntung-hininga. Isang araw,
ikinuwento ni Susie na napanaginipan niyang may suot siyang sapatos. Inilarawan pa niya
ito. Sa tuwing nalalapit ang kaarawan ni Susie, nananaginip siya ng sapatos.

Nang 12 taong gulang na si Susie, namatay ang kanilang amaa. Isang araw, pinasok
ni Karina ang bodega upang maghanap ng mga sapatos na ibibigay sa bahay-ampunan.
Napansin niya ang ilang kahon ng maingat na nakasalansan. Nang buksan niya ang mga ito,
nakita niya ito, nakita niya ang isang dosenang sapatos na may iba’t ibang laki at para sa iba’t
ibang okasyon. Laking gulat niya na may liham-pagbati pang nakasulat mula sa tatay niya-
para sa pinakamamahal nan aka nitong si Susie.

Nang Makita ang mga ito ni Susie, sinabi niya na ito ang mga sapatos na
napapaginipan niya.

Sangkap ng Maikling Kwento

A. Tauhan
1. Ang Amang Sapatero- Siya ang huwarang ama nina Susie at Karina. Pangarap niya nap
ag-aralin ng ballet si Susie. Hindi niya ipinagkait ang pagkakataong paunlarin ang
kakayahan ng kanyang anak na may kapansanan. Hindi niya ikinahiya ang bata. Pinalaki
niya ito ng maayos.
2. Karina- Siya ay sabik na sabik na magkaroon ng kapatid. Siya ang tumupad sa kanyang
tungkulin bilang ate ni Susie. Tulad ng ama niya hindi rin niya alintana ang kapansanan
ng kapatid. Kahanga-hanga si Karina dahil minahal niya si Susie at nagging
tagapagtanggol ng nakababatang kapatid.
3. Susie- Siya ang kapatid ni Karina na may kapansanan. Ipinanganak siya na walang paa.
Siya ay ang mabuting anak dahil hind naging sagabal ang kapansanan niya upang
makapag-aral at mapaunlad ang kakayahan.
4. Ina- Ang nanay nina Susie at Karina. Siya ang unang tumanggap sa kalagayan ni Susie.
5. Tagapangalaga. Ito ang nag-aa
B. Tagpuan
Ang kwento ay umiikot sa bahay ng pamilya, bodega at ospital.
C. Banghay
A. Panimula. Kilalang-kilala ang ama ni Karina sa mga likha niyang sapatos sa kanilang
bayan. Marami ang pumpunta sa kanya para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi,
tatalunin pa raw ng mga sapatos na gawa nito sa mga sapatos na gawang Marikina.
Matibay,Pulido at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.
B. Saglit na Kasiglahan. Nasa Grade II na si Karina ng muling magbuntis ang kanyang
Nanay. Kay tagal na itong hinihintay na magkaroon ng kapatid. Sabi ng Lola nito, sinagot
na raw ang matagal nilang dasal sa masundan ito.
C. Kasukdulan. Noong may isang mama na nakakita kay Susie at kinutya ito. Biglang
namula ang ama ni Korina at tinikom ang kamao nito at galit nag alit na nakatitig sa
mama. Muntik na sana itong suntukin at mabuti nalang pinigilan ito ng ina. Namatay ang
ama ni Susie nang siya ay labing dalawang taong gulang pa lamang.
D. Kakalasan. Isang araw, hindi sinadya ay napagawi si Karina sa bodega ng bahay nito.
Naghahalungkat siya ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bahay-
ampunan. Sa paghahalughog niya, nabuksan nito ang isang kahong mukhang matagal
nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na
maingat na nakasalansan. Napaiyak ito nang Makita ang mga sapatos. Hindi nito akalaing
ganu’n pala kalalim ang pagmamahal ng ama. Binitbit nito ang sandosenang sapatos at
ipinakita kay Susie.
E. Wakas. Nagwakas ang kwento sa pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos na may
kalakip na sulat pagbati sa minamahal na anak. Nang makita ni Susie ang sapatos, nagulat
siya dahil ang mga ito ang nakita niya sa panaginip.

III. Suliranin.Ang suliranin sa maikling kwento ay noong ipinanganak nang walang paa
si Susie.
IV. Tunggalian. Ang tunggalian sa kwento ay laban sa lipunan. Ipinapakita sa kwento na
ang kapansanan ni Susie ay kinukutya at ikihihiya ng mga tao.
V. Paksang Diwa. Ang maikling kwento ay tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa
isang anak. Makatotohanan ito dahil walang sukatan ang pagmamahal ng isang
magulang sa isang anak. Ibig sabihin nito, kahit na may kapansanan pa ang isang
anak, mamahalin niya ito. Ang anak ay anak, mamahalin at tatanggapin anumang
maging itsura o kalagayan niya.

Ang Buong Kwento ng Sandosenang Sapatos

Sandosenang Sapatos
ni Luis P. Gatmaitan, M.D.

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami
ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga
sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga
disenyo ng kanyang mga sapatos.
“Paano mo ba naiisip ang ganyang mga istilo? Kay ganda!”
“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!”
Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang
magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas na kinaiinggitan ako ng mga
kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag
pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase.
Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.
“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin
napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na
magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na
masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming
igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak na ballet dancer !
Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang- ballet.”
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago
kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay
binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw
raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos
si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie
sa manika.
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”
“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measleshabang
ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging epekto, malungkot na kuwento ni
Nanay.”
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n ang
naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin
ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.
“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria
class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na
masyadong mailap.
Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay
bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang
nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. “Ano’ng problema mo,
ha?”
Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.
Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mahal na mahal ka naming ng Nanay mo. Alam
naming espesyal ka sa mata ng Diyos. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang
mabuting tao… at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan
niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.
“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay.” bulong
ko sa kanya.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya
ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga
niya akong tinatalo sa sungka, jackstone,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya
kapag may nanunukso sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming kamay
kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala,
si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos.
Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.
“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may
dekorasyong sunflower sa harap!”
Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan,
nananaginip siya ng mga sapatos.
“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malakingbuckle sa
tagiliran.”
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri
niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa
maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang
sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye
ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins,beads , o buckle . Inaangkin
niya ang mga sapatos na ‘yon.
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko.
Ikaw ang magdodrowing, ha?”
Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na
lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan,
niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na
lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na
ballet dancer.
“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.
Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si
Tatay.
Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang
sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog, nabuksan ko
ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon.
Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!
” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang
pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May
sapatos na pambinyag. May pampasyal. May pampasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May
sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata’t iginagawa
ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si
Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim magmahal si
Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.
“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang luha sa mga
mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”
“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang
isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.
“Ha?”
Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking
buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may
kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga
bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa
harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa
kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa
kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang
pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

2.
Pamagat Linya / Pangyayari Teorya
Sandosenang Sapatos Ang kwentong ito ay kaibig-ibig sapagkat ito’y Romantisismo
naglalaman ng isang pagmamahalang walang
pinipili. Dahil sa kabila ng kapansanang
tinataglay ni Susie ay labis parin ang
pagmamahal at pag-aaruga nila rito. Imbis na
talikuran ng pamilya lubos nila itong tinanggap
ng buong puso. At handa silang ipaglaban ito
sa mga kutya at puna ng mga tao. Makikita ito
sa linyang “Anak, hindi baleng kulang ang
mga paa mo. Mahal na mahal ka naming ng
Nanay mo. Alam naming espesyal ka sa mata
ng Diyos. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo
na lumaki kang mabuting tao… at buo ang
tiwala sa sarili.”

Ang kwento na ito maganda sapagkat ito ay Moralismo


nagpapakita ng katangian magpahayag hindi
lamang ng literal na katotohanan kundi mga
panghabangbuhay at unibersal na mga
katotohanan at mga di mapapawing mga
pagpapahalaga at kaasalan.Ipinapakita ng Tatay
ang pagmamahal nya sa kanyang anak sa
pamamagitan ng paglikha ng sapatos taon-
taon.Kahit na walang mga paa si Susie ay hindi
nya ito pinaramdam na may kakulangan sa
kanya.Makikita ito sa linyang “ Ang tiyak ko
lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng
hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko.
Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng
mga sandaling nilikha ni Tatay ang
pinakamagagarang sapatos para kay Susie.”

Ang “Sandosenang Sapatos” ni Luis Gatmaitan ay napaloob sa teoryang romantisismo


sapagkat ang tema ng kwento ay tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa anak. Ang
Sandosenang Sapatos ay kwento ng pagmamahal, pag-asa, at kagalakan sa kabila ng mga hamon
ng buhay. Ang buong kwento ay nagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pag-aalay ng pagmamahal
sa anak at pamilya. Ang “Sandosenang Anak” ay nagpapahayag ng masidhing pagmamahal ng
ama sa anak sa kabila ng kapinsanan, itsura at kalagayan ng kanyang anak. Ito ay
nagpapahiwatig walang sukatan ang pagmamahal ng maguilang sa anak. Lahat ay gagawin ng
mga magulang para ipagtanggol at suportahan ang kanilang anak. Higit sa lahat, ipinapakita rin
sa akdang ito na gagawin at gagawin ng ama ang lahat maipaalam lamang ang kanyang
pagmamahal sa kanyang mga anak at pamilya. Ang kwentong ito ay nagpamalas ng ibang
klaseng pagpapakita ng pagmamahal sa anak. Ito ay ipinapakita sa paggawa ng sapatos sa
kaniyang mga anak.

Napaloob rin sa teoryang moralismo ang ‘Sandosenang Sapatos’ sapagkat ito ay kwento
ng na punong-puno na pag-aaral hindi lamang sa tunay na pagmamahal sa pagitan ng ama at
anak kundi pati na rin sa pagiging kontento sa kung anuman ang bigay ng Diyos sa atin.
Naglalahad ito ng mga magagandang asal kagaya ng pagpapahalaga ng mga bagay, maliit man
ito o malaki. Ang kwentong ito nagtatak ng matinding aral na ang bawat tao ay ginawang hindi
perpekto, lahat tayo ay imperpekto. Sa mga taong may mahigit na kapanasanan, nagsisimula sa
sariling pamilya ang pagtanggap ng kakulangan ng isang miyembro ng pamilya. Ito ay
nagpamalas ng disiplina sa isang pamilya at pagpapahalaga sa moralidad.

References:

http://panitikan.ph/2014/06/12/sandosenang-sapatos/
https://jelamaefilipinoliterature.wordpress.com/2017/03/27/sandosenang-sapatos-ni-luis-p-
gatmaitan/

https://www.panitikan.com.ph/authors/g/lgatmaitan.htm

http://www.everythingcebu.com/lifestyle/public-services/schools/university-of-cebu/

You might also like