You are on page 1of 4

MINSAN SA ISANG TAON

Dokumentaryo ni Kara David

October 8, 2012

Sa ating pang araw-araw na pamumuhay, normal na ang kumain ng tatlong beses sa isang araw. At para
maging malusog ang ating katawan, kumakain tayo ng sari-saring masusustansyang pagkain. Pero hindi lahat
ng pamilyang Pilipino, may kakayanang gumawa nito.

Sa isang malayong barangay sa probinsya ng Saranggani, kamote ang kinakain ng isang pamilya para
mabuhay. Mula umaga hanggang gabi, halos wala silang kinakain kundi ito. Pero kada taon, may espesyal na
araw kung saan nagiging iba ang putaheng hinahain sa kanilang hapag kainan. Ang inaabangang araw na ito
ay ang anihan at pagbebenta nila ng abaca.

Bago pa man makakain ng ibang ulam, mahigit anim na oras tinatahak ni Mang Tusan ang bundok ng
Saranggani para ibaba ang kanyang inaning abaca. 30 kilo ang bigat ng abaca na pinapatong niya sa kanyang
ulunan. Lahat ng paghihirap ay kanyang tinitiis dahil ito lang kasi ang nag-iisang panahon at pagkakataon na
maiiba ang ulam ng kanyang pamilya.

Samahan si Kara David at saksihan ang isang importanteng araw ng isang pamilya sa Saranggani. Abangan
ang "Minsan sa isang taon" sa I-Witness Lunes, pagkatapos ng Saksi. –

“ISANG BOTE NG BINHI”

Dokumentaryo ni Kara David
September 23, 2013

Kilala ang mga Pilipino sa kanilang “tibay ng loob”. Matiisin…Hindi bumibigay sa panahon ng pagsubok.
Higit dalawang dekada na ang tibay ng loob ng mag-asawang Fernando at Ma. Luna Man-Oblahan. Kailangan
nilang magtipid para sa anim na anak. Nakaugat ang kinabukasan ng mga ito sa kanilang bawat pagsisikap.

Si JR Man-Oblahan, ang bunso, ay saksi sa sipag ng kanilang mga magulang. Sumasama siya sa bukid para
magtanim… hanggang sa gubat, kung saan pinuputol ang mga puno ng falcata. Dahil sa falcata, patuloy na
nakakapag-aral sa bayan ang kanyang mga kapatid. May kita sa mabibigat na troso nito.

Sa kanilang liblib na baryo, hindi raw magbabago ang kapalaran ng mga lumad gaya ng mga Man-Oblahan.
Pero nandoon ang mga binhi at mga pagtitiis na siyang daan para sa kanilang mas mabuting kinabukasan. May
puno pa ba para sa pag-aaral ni JR?

Mapapanood ang dokumentaryo ni Kara David, “Isang Bote ng Binhi” ngayong Lunes (September 23) sa I-
Witness. Para sa mga komento, magtweet sa @karadavid at @IWitnessGMA, #chatwithkara. - See more at:
http://www.gmanetwork.com/news/story/327466/publicaffairs/iwitness/isang-bote-ng-binhi-the-new-
documentary-by-kara-david-airs-september-23#sthash.opRC4bNu.dpuf
“BATANG BALAU”
Dokumentaryo ni Kara David
June 13, 2015

Dalawang araw bago ang pasukan, abala pa rin sa paghahahapbuhay ang magkakapatid na sina Dizza, James,
at JR. Ito kasi ang nakikita nilang paraan para manatiling buo ang kanilang musmos na pamilya. Trese anyos
lang si Dizza, pero siya na ang tumatayong magulang para sa kanyang mga nakababatang mga kapatid. Nitong
Pebrero lang, namatay ang kanilang ama. Ang kanilang ina naman, matagal na silang iniwan; sanggol pa lang
ang bunsong si JR noon.

Naghahanapbuhay ang magkakapatid sa pamamagitan ng pagbabalaw o ang pagkuha ng dagta sa puno ng

Balau. Isa itong mahabang proseso na inaabot ng isang linggo. Una muna nilang inuukitan ng butas ang puno
at pagkatapos ay nililiyaban para maglabas ng dagta. Matapos ang isang linggo, babalikan nila ang puno para
kolektahin ang naipong dagta at saka ibibenta. Tuwing Sabado at Linggo pumupunta ang magkakapatid sa
gubat para tumulong sa pagbabalaw. Kumikita sila ng P25 kada araw, sapat lang para makabili sila ng
kalahating kilo ng bigas. Ano mang natirang pera, iniipon ito ni Dizza nang mapaaral ang sarili at mga kapatid.

Marami nang nagtangkang umampon sa magkakapatid pero tinanggihan nila ang mga alok. Kabilin-bilinan
kasi ng ama nila bago ito mamatay na huwag silang maghihiwalay. Hanggang kailangan kaya ito
mapaninindigan ni Dizza? Kayanin pa kaya niyang pasanin ang responsibilidad ng pagtataguyod at
pagpapaaral sa sarili at sa mga kapatid?

Mapapanood ang “BATANG BALAU” sa I-Witness (GMA 7) ngayong Sabado, June 13, 2015, pagkatapos
ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/503046/publicaffairs/iwitness/batang-balau-

dokumentaryo-ni-kara-david-ngayong-sabado-sa-i-witness#sthash.e4fNgJgA.dpuf
“Sa Gitna ng Dilim”
ni MiL Adonis
Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing
kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni
Kara David na “Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa
kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan.
Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng
mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at
bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap,
nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,
nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay.
Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang
naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan
ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at
maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit
na atensyon.
Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan
nglahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay
sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass
Communication.
Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga
bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan
ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga
letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na
maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga
tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa
gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng
kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang
ganap na tanglaw at liwanag.

You might also like