You are on page 1of 1

Q3.M4. WRITTEN WORK (ISAGAWA p.

5-6)

“ Sa Gitna ng Dilim “
ni Mil Adonis

Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa
pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na “
Gamu-gamo sa dilim “ ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at
sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at
higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng
kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap,
nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan. Dahil sa
inspirasyong idinulot sa aking puso ng dukumentaryong ito, nabago ang aking naunang mga
pangarap sa buhay. Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin
ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit
na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging bases at mata ng
mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon. Nang tumuntong ako sa
kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang
pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, kinuha
ko ang kursong AB Mass Communication.6 Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka
sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking
ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga
letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan at
makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto
ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang
kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat
at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Gawain A.
( Sagutin ang mga katanungan sa ibaba hango sa binasang teksto sa itaas Na may pamagat na
“ Sa Gitna ng Dilim” ni Mel Adonis)

Mga Gabay na Tanong :

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang binasa ang pagsasalayasay ng may
akda sa napanood na dokumentaryo?

2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?

3. Anong ganapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?

You might also like