You are on page 1of 3

Si Ana at si Tandang

Unang araw ng pasukan ngayon! Si Tandang ay maagang-maagang gumising. Nais niyang

makatulong sa bawat batang papasok sa araw na iyon. Lumipad siya sa tuktok ng bubong ng

pinakamataas na bahay sa buong baryo. Doon ay buong gilas siyang tumilaok nang tumilaok na para

bang sinasabi niyang, Magandang umaga, Bayan! Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!

Nagsigising na halos lahat ng tao sa buong baryo. Ang mga inang may papasok na mga anak ay

nagsipagluto na ng agahan. Ginising at pinaghanda na ang mga bata para sa pagpasok. Lahat ng mga

mag-aaral ay abala na at gustong-gusto nang makarating muli sa paaralan para makita at makilala ang

kanilang mga bagong guro at kamag-aaral.

Iginala ni Tandang ang kanyang paningin sa buong kapaligiran. Napansin niyang tanging sa bahay

lang nina Ana walang nagising. Alam ni Tandang ang dahilan.

Si Ana ang pinakamabait at pinakamatulunging bata sa lugar na iyon. Kapag bakasyon ay

tumutulong siya sa kanyang nanay sa pagtitinda. Nang nakaraang gabi ay medyo natagalan silang

makaubos ng paninda at ginabi ng uwi, Bago matulog ay binalot pa niya ang mga notbuk na pinamili nila

at inihanda ang lahat ng kagamitan sa kanyang lumang bag. Ito ang dahilan kung bakit tulog pa rin si

Ana at ang kanyang nanay kahit na gising na ang lahat ng kapitbahay nila.

Dahil doon ay napilitang lumipad pababa si Tandang at pumuwesto sa silong ng bahay nina Ana.

Doon ay tumilaok siya ng pagkalakas-lakas. Tiktilaok! Tiktilaok! Ana, gising na! Tiktilaok! Saka lamang

niya naramdamang may nag-inat at kumaluskos sa loob ng kwarto. Maya-maya pa ay may nagbukas ng

ng bintana. Nakita ni Ana na papasok na ang iba niyang kalaro. Mabilis pa sa alas-kwatrong tiniklop niya

ang kumot at inayos ang kama. Wala siyang ibang nasambit kundi, Salamat, Tandang. Kung hindi dahil

sa iyo ay mahuhuli sana ako sa unang araw ng pasukan.

Naghanda na siya para sa pagpasok. Mabilis siyang kumain ng agahan at nagbihis. Pagkatapos
ay lumabas na siya ng bahay at lumakad ng mabilis. Dumating siya sa paaralan limang minuto bago

tumunog ang bell para sa pagpupugay sa watawat. Bumulong siya ulit ng isang pasasalamat kay

Tandang para sa pag-gising sa kanya sa araw na iyon.

Teacher Abis Worksheets

teacherabiworksheets.blogspot.com

FILIPINO 2

PAGTUKOY SA DETALYE

WORKSHEET

Panuto: Basahin ang bawat tanong at gumuhit ng sa patlang ng tamang sagot.

1. Kailan naganap ang kuwento?

_______ noong isang taon

_______ noong Pasko

_______ noong unang araw ng pasukan

_______ noong isang buwan

2. Anong hayop ang pangunahing tauhan sa kuwento?

_______ isang aso

_______ isang ibon

_______ isang kabayo

_______ isang tandang

3. Paano ipinakita ni Tandang ang pagtulong sa mga tao?

_______ sa paggising sa kanila

_______ sa pagbibigay ng pagkain

_______ sa pag-aani ng mga pananim

_______ sa paglaban sa sabungan


4. Alin sa mga sumusunod ang ibig ipahiwatig ni Tandang sa pagtilaok niya sa umaga?

_______ Maraming salamat, Bayan!

_______ Walang anuman, Bayan!

_______ Aalis na ako, Bayan!

_______ Magandang umaga, Bayan!

5. Bakit nagpasalamat si Ana kay Tandang?

_______ dahil pinasaya siya nito

_______ dahil pinakain siya nito

_______ dahil tinulungan siya nitong mag-ayos ng kama

_______ dahil ginising siya nito

You might also like