You are on page 1of 6

Si Danteng Matulungin

Umuwi agad si Dante pagkatapos ng klase. Hindi siya naglaro tulad ng


karamihan sa kanyang mga kaibigan. Tumutulong siya kanyang Nanay sa
bahay.
Sa sandalling makarating ng bahay si Dante, hinuhubad niya ang
kanyang damit na pamasok. Isunusuot niya ang damit na pantrabaho.
Nagdididlig siya ng halaman, nagpapakain ng baboy at umiigib ng tubig.
Nagwawalis din siya sa bahay at bakuran. Ginagawa niya ang lahat ng ito
dahil wala na siyang ama.

Regalo para sa Pasko


Namili ang Tatay at Nanay para sa Pasko. Nais nilang maging maligaya
ang lahat sa panahon ng Pasko. Ibinili nila ng regalo ang bawat isa sa
kanilang mga anak. Bumili sila ng isang apres na sinelas para kay Elsa. May
asul na polo si Nilo at itim na pantalon si Honesto.
“Magugustuhan ni Josephine ang manikang ito, pumikit at umiiyak,” sabi
ng Nanay.
Binili nila ang manika para kay Josephine.

Ang Nais ni Julieta


“Pasko sana ara-araw!” wika ni julieta.
“Bakit naman?” tanong ng Nanay.
“Mangyari, po, tiyak na maraming masasarap na pagkain kung pasko,”
paliwanag ni Julieta. “Marami akong aginaldo mula sa aking mga tiyo at
tiya. Ibinili Ninyo ako ng bagong damit at sapatos. May magagandang
palamuti ang bahay. At higit sa lahat, nagiging mabait at maalalahanin ang
bawat isa."
“At kaarawan ni Hesus ang araw ng pasko,” dagdag ng Tatay na noon
ay nakikinig sa may pintuan.

Ang Bagong Telebisyon


“Nanay, Nanay!” tawag ni Carding na patakbong umaakyat sa
hagdan. Natagpuan niya sa kwarto ang Nanay. “Nag-uwi po ng bagong
telebisyon ang Tatay ni manuel. Ang ganda po, Nanay. Kailan din po tayo
bibili ng bagong telebisyon?”
Tumigil sa pamamalantsa ang Nanay at nagsalita. “Hindi tayo makabibili
ng telebisyon, Carding. Doktor ang Tatay ni Manuel at guro namn ang
Nanay niya. Mahina ang kita ng iyong Tatay at alam mo naming sa bahay
lamang ako tumitigil.”
Nag-isip si Carding. Kailangan mag-aral siyang Mabuti at sa darating na
panahon ay makabili rin sila ng isang telebisyon.

You might also like