You are on page 1of 18

PANUNURING PAMPANITIKAN EDFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Pangalwang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

Pagadlumat sa Panitikan

Isang pagsusuri ng mga maikling kwento at salawikain gamit ang iba’t ibang teoryang
pampanitikan.

Isinumite Kay:
PROP. CARMELA ONG PH.D
PAN 155 – Panunuring Pampanitikan

Tagapag-ulat:
GUIMARY, JUNNA TRESCHIA A.
3rd Year – BSED FILIPINO (C12-3)
HUNYO 16, 2022

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN
PANUNURING PAMPANITIKANAT HUMANIDADES EDFIL
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Pangalwang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

PANGALAN: Guimary, Junna Treschia A. SEKSYON: C12.3

PAMAGAT NG GAWAIN: Pagadlumat sa Panitikan PETSA: June 16, 2021

A. INTRODUKSYON

Ang panunuring pampanitikan ay tila karugtong na ng aking piniling


larang. Nang unang ibinahagi ang asignaturang ito ay nanibago pa sapagkat
hindi alam ang mga termino at konsepto. Subalit, hindi nagtagal, nabago at
naging malalim ang aking pananaw. Kahit sa ikli ng panahong ginugol ay
natulungan at natuto. Kung sa gayon, isa lamang itong magiging patunay ng
aking mga natutuhan sa klase. Ang kakayahan ko’y masusubok at maipapakita
sa papel na ito.

Kaya naman ito ay maglalaman ng pagtatalakay patungkol sa mga


teoryang gagamitin na ilalapat sa mga akdang pampanitikan na maikling
kwentong pinamagatang, “Ang Walong Taong Gulang” ni Genoveva E. Matute,
at “Sandaang Damit” ni Fanny A. Garcia – pati na ang paglalapat sa limang
salawikain. Dito ay ilalahad ang mga patunay at paliwanag kung paano nailapat
ang mga teorya sa mga akda.

Hindi pa man dalubhasa sa panunuri, ay susubukan nang maibahagi sa


mga mambabasa, at tagapag-tangkilik ng panitikang Pilipino na may ningning
ang sariling atin. Ito ang magiging daan upang maipagkaloob kung ano ang
kagandahan sa pagbabasa nitong mga akda.

PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO #1

Ang unang gagamiting teorya sa papel na ito ay ang pagdulog realismo.


Ang teoryang ito ay nagmula sa pananaw na nais ipakita ng may-akda ang
kanyang nasasaksihan sa lipunan. Subalit mas binibigyang tuon nito ang
kasiningan, kaya ay hindi ito ang siyang tiyak na pangyayari sa totoong buhay.
Samakatuwid, ito ay salamin lamang ng totoong-buhay. Karamihan sa mga
paksa nito ay napapatungkol sa kahirapan, korapyson, katiwalian at maraming
pang ibang suliraning panlipunan at pang-gobyerno.

B. MAIKLING KWENTO #1

SANDAANG DAMIT
Ni Fanny A. Garcia

May isang batang babaing mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay


kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang imik. Madalas ay nag - iisa siya.
Lagi siyang nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Lagi siyang
nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro,
halos paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang
kanyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila
iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na
pamasok sa paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit. Ang
kanyang damit, kahit malinis ay halatang luma na, palibahasa ay kupas na at
punung-puno pa ng sulsi.
Kapag oras ng kainan at labasan nag kani-kaniyang pagkain, halos ay
ayaw niyang ipakita ang kanyang baon. Itatago niya sa kanyang kandungan ang
pagkain, pipiraso nang kaunti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman
ng mga kaklase kung ano ang dalang pagkain. Sa sulok ng kanyang
mata’y masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng kanyang mga kaklase
gaya ng mansanas, sandwiches, mga imported at mamahaling tsokolate.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagtatapos sa kanyang mga
damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y
magtatawanan kapag nakita nila na ang kanyang baon ay isa lamang pirasong
tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Siya ay
naging walang kibo at mapag -isa.
Ang nangyayaring ito ay batid ng kanyang ina. Pag uwi sa bahay,
madalas siyang umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase at siya’y
nagsusumbong sa ina. Mapapakagat - labi ang kanyang ina, matagal itong hindi
makakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok at may pagmamahal na
sasabihin sa kanya, “Bayaan mo sila, anak, huwag mo silang pansinin. Hayaan
mo, kapag nagkaroon ng trabaho ang iyong ama, makapagbabaon ka na rin ng
masasarap na pagkain. Maibibili rin kita ng maraming damit.”
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama ay hindi pa rin
nakakuha ng trabaho kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ang bata naman
ay unti-unting nakauunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan
niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya
nagsusumbong sa kanyang ina.
Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kanyang mga kaklase na
siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
Lumang damit. Di-masarap na pagkain. Mahirap. Pilit na ipinasok nila sa
kanyang isip.
Hanggang nang isang araw ay natuto siyang lumaban.
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang natutong sumagot ang mahirap
na batang babae na laging luma, kupas at puno ng sulsi ang damit. Ang batang
babae na ang laging baon ay tinapay na walang palaman. Isa na naman iyong
pagkakataong walang magawa ang kanyang mga kaklase kung hindi ang
tuksuhin siya.
“Alam ninyo,” sabi niya sa malakas at nagmamalaking tinig, ”ako’y may
sandaang damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase. Hindi sila makapaniwala. “Kung
totoo iyan ay bakit lagi na lang luma ang isinusuot mo?”
Mabilis ang sagot niya, “dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa amin para kami maniwala!” iisang
sabi nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto
ninyo ay sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano
ang kulay, kung may ribbon o may bulaklak.”
At nagsimula na nga siya sa kanyang pagkukwento. Paano ay
inilalarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang
sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pamparti. Makintab na
rosas ang tela na maraming mumunting bulaklak, bolga ang manggas, may tig-
isang ribbon sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O
kaya ay ang kanyang dilaw na pantulog na may burda. O ang kanyang puting
pansimba na may malapad na sinturon at malaking bulsa.
Mula noon ay naging kaibigan na niya ang mga kaklase. Ngayon, siya na
ang laging nagsasalita at sila ang nakikinig. Lahat sila ay natutuwa sa kanyang
kwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagiging mahiyain.
Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit
na ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o
sandwich.
Isang araw, hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaing may
sandaang damit. Saka ng sumunod na araw at ng sumunod pang araw.
Pagkaraan ng isang linggong hindi pagpasok ay nag-alala ang kanyang mga
kaklase at guro.
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal ng absent sa
klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Lumabas ang isang babaing payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila
ay pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat
sa marangyang kasangkapan. Sa isang sulok ay isang lumang papag at
doon nakaratay ang batang babaing may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay
di agad ang maysakit ang napagtuunan ng pansin kundi ang mga papel na
maayos na nakadikit sa dingding sa may tabi ng papag. Lumapit sila sa sulok at
nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay yaong mga drowing ng
bawat isa sa sandaang papel. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang
kanyang naikuwento. Totoo at naroroon ang sinasabi niyang rosas na damit na
pamparti. Naroroon din ang drowing ng kanyang damit pantulog, ang kanyang
pansimba, ang mga sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y
hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago at iniingatan sa
bahay.
Sandaang damit na pawang drowing lamang.
(Mula sa :http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/08/sandaang-damit-ni-fanny-garcia
.html)

Paglalapat Teorya

Teoryang Realismo
 Kahirapan

Patunay:

“Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang payat na babae at nakita nila
ang isang bahay na tagpi- tagpi lamang, luma at salat sa marangyang
kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na nakahiga at
may sakit pala. Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na
nakapaskil sa dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng
batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni minsan ay hindi pa
nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.” (Talata – 20)

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO #2

Ang susunod na teorya ay ang romantisisimo na siyang karaniwang nagagamit


sa iilang panitikan. Sapagkat may layunin itong ipakita ang pag-ibig hindi lamang sa
dalawang indibidwal na nagmamahalan, kundi pati na ang pag-ibig sa bayan, sa mga
mag-aaral, sa mga magulang o sa mga anak, at marami pang iba. Ang teroyang ito ay
mas pinahahalagahan ang damdamin kaysa sa pag-iisip.

Walong Taong Gulang


Ni Genoveva Edroza-Matute

Ang batang iyon, higit sa lahat, ang nakatawag ng aking pansin, hindi sa
una pa lamang malas kundi sa tinagal-tagal ng panahong aming ipinagkilala. Sa
loob ng may dalawang linggo, ang batang yao’y isa lamang sa animnapung
batang aking kinakausap, tinatanong, sinasagot, pinangangaralan, inaalo. Siya’y
isa sa animnapung nangakilala ko sa ayos ng mukha lamang.

Lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan natandaan nang natandaan


kong ang mukhang iyon na may kaitiman sa karaniwan, may sarat na ilong, may
bibig na makipot ngunit makapal na mga labi, at may maamong mata, ay isang
batang lalaking may walong taong gulang lamang at nagngangalang Leoncio
Santos.

Leoncio Santos! Yaon nga- ang pangalang naging palatandaan ko sa kanya


upang tumayo, upang magsalita, upang sumunod sa bawat iutos ko. Isa lamang
siya sa animnapung bata na sa loob ng limang araw sa isang linggo ay
nakakaharap ko sa tinurang silid. Isa lamang sa pulutong na yaon na kung
bagamat nagkakaiba-iba ay ipinalalagay kong magkakawangki sa maraming
bagay. Gaya halimbawa sa karaniwang ugali ng mga batang makipagtuksuhan,
makipagbabag upang pagkatapos ay makipagsundo.

Ang malaking kinaiiba ni Leoncio sa mga kasamahan niya ay ang kanyang


pagkamaibigin sa pagiisa. Ito’y aking napansin nang lumalakad na ang ikatlong
linggo ng pasukan, kasabay ang pagkakatanda ko na ang may maitim na
mukhang iyun na may sarat na ilong at ay bibig na makipot at makakapal na labi
ngunit may maamong mata ay tumutugon sa pangalang Leoncio Santos.

Sa isang paglalaro ng mga bata sa loob ng bakuran ng paaralan ay nakit kong


may malaking ikinaiiba si Leoncio Santos sa mga kapwa bata. Nakita ko siyang
titingin-tingin lamang sa mga naglalaro, hindi nakikiisa sa pagsasay’t pag-iingay
ng mga ibang bata. Napuna ko siya at mula noo’y pinag-ukulan ko ng panahon
ang pagmamatyag sa batang iyon.

Nang unang naisip kong marahil ay may karamdaman lamang si Leoncio


Santos kung kaya ayaw makipaglaro sa mga kamag-aaral. Ngunit sa loob ng
silid ay napansin ko namang wala siyang karamdaman. Ni hindi man siya
nagkululang sa pagpasok upang hinuhain kong si Leoncio ay may sakit.

Araw-araway nakikita kong si Leoncio, sa oras ng paglalaro ay patingin-tingin


lamang; kung minsa’y nakasandal sa puno ng manggang nasa loob ng bakurang
kung minsa’y nakaupo sa damong malamig at luntian.

“Baka kaya siya walang kabaitan,” ang nasabi ko sa sarili habang minamasid
ang kaawa-awang anyong iyon na nakahilig sa puno ng mangga. Bagamat
naniniwala ako sa palasak na ksabihang ang mga bata’y madaling
magkaunawaan, ano man ang kanilang wika, bumukas naman sa aking dibdib
ang pagtulong sa kanya ng hindi niya namamalayan. Kinausap ko ang ilang
batang kamag-aaral ni Leoncio. Iminungkahi kong makipaglaro sila kay Leoncio,
sapagkat ito’y mabait, mapagbigay at hindi magaso. Nangako naman ang mga
batang kanilang tutuparin ang aking hiling sa kanila.

Ngunit nang muli akong dumungaw sa aking silid, nang ipukol ko ang aking
paningin sa lilim ng punong mangga, ay naroroo’t nakahilig si Leoncio Santos –
na katulad ng dati. Hinanap ng aking paningin ang mga batang kausap ko at
sila’y nakita kong masayang- masayang nagsisipaglaro.

Nang sila’y muling nag-akyatan, ang mga bata’y tinawag ko at sa isang tinig na
marahanay ipinadama ko sa kanilang hindi nila ako sinusunod. Gaano ang aking
pagtataka nang sabihin ng isa na ganito:

“Amin nga po siyang tinawag upang maglaro- pinilit pa po namin, eh ayaw pong
talaga.”

“Bakit daw? hindi ba sinabi ang dahila?” ani ko naman. “Hindi po. Basta’t ayaw
pong sumali sa amin.”

Kaya’t nang sumunod na araw sa oras ng paglalaro ay tinawag ko ang aking


mga tinuturuan at sa kanila’y itinanong ko kung ako’y nais nilang isali. Gayon na
lamang ang katuwaan at sa isang kisapmata’y napaligiran ako ng may
animnapung kaluluwang nanabik. Isang tingin lamang sa mga nakapaligid na
iyon – at tila natiyak ko na wala ang maliit na batang aking hanap. At tunay nga –
sa umpukang yao’y wala si Leoncio.

Tinanaw ko siya, at nakita kong nakaupo sa damong malamig at luntian na


malapit sa bakod ng paaralan. Kinawayan ko siya. Lumingon siyang tila
nangangamba na mayroon akong tinatawag sa kanyang likuran, at nang
nakitang nag-iisa lamang siya sa damuhang yaon ay tumindig. Nakita kong
ibang-iba sa karaniwang bata kung siya’y tumindig. Hindi siya mabilis na gaya ng
iba. Habulan ang iminungkahing laro ng mga bata. Hahabulin ng pusa ang daga.
Isang malaking bilog ang ginawa ng mga bata sa pamamagitan ng paghawak sa
kamay ng isa’t isa.
Isang batang nagngangalang Anselmo ang pinatupad ko ng tungkuling pusa, at
si Leoncio, na nais kong magsaya’t makipaglaro, si Leoncio na ayaw kong
makita tila isang matandang may alalahanin sa buhay, ang pinatupad ko bilang
daga.

Sinimulan ko ang awiting dapat isaliw sa larong iyon. At limamput walong tinig
ang sumunod sa akin. Nakita kong tumakbong palingun –lingon si Leoncio na
paligid – ligid sa limampu’t walong kalaro, pumasok at lumabas sa kabilugan ng
magkakapit na mga kamay, muling tumakbong palayo sa mga kalaro. Kitang –
kita ko ang kanyang pagkahingal.

Mabilis ang sibad ni Anselmo. Nang halos aabutan na lamang ang munting
daga-dagaan ay parang isang tinig ang pahiyaw na nagsabing, “Takbo! Takbo!”
Muling lumingon si Leoncio at lalong binilisan ang pagtakbo – at kitang – kita ko
ang kanyang pagkarapa. Lampang – lampa! Di sanay maglaro ang katotohanang
natambad sa aking isipan. Mula noon, madalas ko siyang kausapin pagkatapos
ng klase.

“Leoncio,” ang madalas kong sabihin sa kanya, “mabuti sa bata ang naglalaro.
Lalakas ang iyong katawan at darami ang iyong kaibigan. Ayaw mo bang
lumakas katulad ni Anselmo? Ayaw mo bang dumami ang iyong kaibigan?”

“Opo, Miss de la Rosa,” ang kanyang isinagot, “gusto ko po.”

At siya’y pinapangako kong makikipaglaro sa mga kamg-aaral. Dapatwa’t sa


tuwing ako’y durungaw sa oras ng paglalaro ay nakikita kong naroror’t naksandal
din sa puno ng mangga ang maliit na si Leoncio, o kaya’y nakaupo sa damong
malamig at luntian, nanonood gaya nang dati. Pigilan ko may di mapigil ang
pagkalungkot sa kanyang anyo. Ngunit higit ang pagdaramdam na yaon kapag
makita ko siyang dali-daling sumasali kapag ako’y natatanaw.
Sa loob ng klase ay isa sa pinakamatalino si Leoncio Santos. Ang totoo’y
madali siyang makapangunguna sa lahat ng mga batang iyon kung di lamang sa
ilang bagay.

Ang ilang bagay na ito’y ang pangyayaring si Leoncio ay madalas na tila


nakikinig, madalas na tila walang malasakit, at tila wala sa loob ang pag-aaral.
Madalas na hindi masagot ang mga katanungang hindi ko inuulit. Siya’y inupo ko
sa gawing unahan, ngunit gayundin ang inaasal niya.

Si Leoncio ay laging malinis – pati kanyang damit bagaman ang karamihan sa


mga ito ay hindi agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba at ang ilan ay
maiksi naman na tila pinagkalakihan.

Minsan, noong hindi pa oras ng klase, si Leoncio ay napasukan kong


nakasubsob sa harap ng kanyang upuan. Nilapitan ko siya at tinanong kung
inaantok, ngunit umiling siya nang bahagya at tumindig sa kanyang mabagal na
gawi. Nang ako’y lumingon nakita ko siyang palabas na ng silid. Sinundan ko
siya ng tingin at nakita kong siya ay pumunta sa damuhang malapit sa bakuran.
Dumapa si Leoncio sa malamig at luntiang damo.

Higit na balisa si Leoncio ng hapong iyon. Ayaw makinig at tila inaantok. Wala
siyang nasagot sa king mga tanong.

Sa pag-uuwian ang dating mapag-isang si Leoncio ay sumabay sa isang


batang lalaking nagngangalang Cesar. Tinanaw ko sila mula sa pintuan ng
bakuran. Nakita kong si Leoncio ay nakahawak sa bisig ni Cesar at marahan ang
kanilang lakad.

Isang araw na hindi pumasok si Leoncio. Walang makapagsabi kung ano ang
dahilan ng di niya pagpasok.

Nang siya’y dumating nang sumunod na araw ay tinawag ko’t tinanong ang
dahilan ng di niya pagpasok. “Nahilo po ako, Miss de la Rosa.” ang kanyang
sagot. “Ngayon ba’y hindi ka na nahihilo?” ang aking tanong. At ang sagot niya’y
hindi raw. “Sabihin mo sa iyong nanay,” ang aking patukoy,” at ikaw ay pakanin
nang madalas ng gulay, itlog ng manok at mga bungang-kahoy at painumin ng
gatas na sariwa.” “Opo,” anya. Anong lambat ng laman ni Leoncio sa kanyang
payat na bisig!

Nang tanungin ko siya kung sinabi niya sa kanyang ina ang aking ipinagbilin,
sinagot niya ako ng isang bahagyang tango. “Ano ang sagot ng Nanay,
Leoncio?” ang aking tanong.

Tumingin siya sa akin nang isang saglit, pagkatapis ay binawi ang mga mata,
ipinako sa ibaba at sa isang maliit na tinig ay sinagot ako ng “Wala po.”

May ilang buwan na ang nakaraan ay wala pa ring pagbabago akong


namamalas kay Leoncio. Maliban sa sout niyang kung bagaman malinis ay parati
rin naman may tanda ng kalumaan. Lagi rin siya sa lilim ng punong mangga at sa
damuhan kung oras ng paglalaro. Isa rin siya sa pinakamatalino sa klase, ngunit
kailanma’y hindi nanguna dahilan sa kanyang pinagkaugaliang di pakikinig at di
pagsasaloob sa pag-aaral.

Payat pa rin ang kanyang maliit na katawan at makalawa na siyang nahilo sa


loob ng klase. “Bakit, ayaw mo ba ng gulay at itlog? Hindi ka ba kumakain ng
bungang-kahoy na sinabi ko sa iyo?” ang minsa’y naitanong ko sa kanya. “At ang
gatas na sariwa?”

Aywan ko kung ako’y kanyang narinig, ngunit ako’y hindi niya sinagot.
Kinakailangan kong ulitin ang mga katanungan bagi niya ako tinugon ng isang
marahang iling. “Bakit, hindi mo ba sinabi sa iyong nanay na yao’y makabubuti
sa iyo?” “Sinabi po.” “Hindi ka ba niya ibinili?”

Muli siyang hindi sumagot. Ang kanyang paningi’y may pinagkakaabalahan sa


sahig ng silid. Sinapo ko ang kanyang baba at itinaas ko ang kanyang mukha.
Isinunod niya ang pagtaas ng kanyang mukha, ngunit ang maamo niyang mata’y
ayaw niyang ititig sa akin. “Hindi ka ba niya ibinii Leoncio?” ang aking ulit.

Sabay sa kanyang pag-iling ay may gumulong sa maitim niyang pisngi na


nagmula sa maaamo niyang mata. Nang araw rin yaon, sa oras ng pagkakaina.
tinanaw ko ang paglalabasab ng aking animnapung tinuturuan. Sa hagdanan pa
lamang ay nakita ko ang sa pook na binibilhan ng pagkain sila nangakatanaw.
Tila mga kalapating nabulabog, ang animnapung ito’y nagkawatak-watak. Ang
karamiha’y patakbong tumungo sa pook ng bilihan ng pagkain; ang ilan ay
nagsitabi at binuksan ang maliliit na balutan ng baon.

Patungo ako sa karatig silid nang aking marinig ang salitaan ng dalawang bata.
“Pirming walang baon, ano?” “Oo nga, at naku! Kung makatingin sa ating
pagkain. Nakikita mo ba?”

Biglang nasok sa aking isipan ang isang munting batang walong taong gulang
na nakataas sa akin ang mukha ngunit ang mata’y ayaw ititig at mula sa mga
yao’y …. Nanaog ako. Hinanap ko siya. Nakita kong nakatayo siya sa isang tabi.
Ang isang paa’y nakataas sa bakod na kinasasandalan, at sa isang paa lamang
ang nakatayo. Isang batang may kinakain na tinapay ang malapit sa kanya, at
ito’y kanyang tinitingnan.

Madaling tinungo ang isang pultong na nagsisipaglaro nang ako ay makita.


Ngunit siya’y tinawag ko at pinapanhik sa aking silid. Napakamahiyain ni Leoncio
Santos. Ako’y naggalit-galitan bago niya pinaunlakan ang aking ipinagkaloob.
Hindi ko natagalan ang natambad sa aking paningin. Ni ayaw ko nang alalahanin
pa ngyon kung paano akong lumabas ng silid – sapagkat di matagalan ang
kanyang naging ayos.

May ilang araw nang hindi pumapasok si Leoncio. Kung makita ko ang upuang
walang tao ay para kong nakikita ang isang maitim na mukhang may sarat na
ilong, may makipot na bibig at makakapal na mga labi, at may maaamong mga
mata. Kung ako’y dumurungaw ay nakikita ko sa lilim ng punong mangga, gayon
din sa malamig at luntiang damo, ang isang batang may walong taong gulang na
titingintingin lamang sa – sa paglalaro, sa pagkakainan. Gaya ng una, walang
makapagsabi kung bakit hindi pumapasok si Leoncio.

Limang araw nang hindi siya pumapasok nang ako’y sumama sa dalawang
batang umuuwi sa dako ng tahanan ni Leoncio. Baku-bakong landas ang aming
tinunton. Nakiraan kami sa maraming bakuran. Nang dumating kami sa
kinaroroonan ng tahanan ng dalawa kong kasama, sila’y pinauwi ko na at ako’y
nagpatuloy nang nag-iisa. Malayu-layo rin ang aking nilikas buhat sa tahanan ng
dalawang batang sinamahan ko.

Sa wakas ay nakita ko ang tahanang may bilang na gaya ng nasa talaan. Isang
babaing nasa katanghalian na ng buhay ang sumagot sa aking pagpapatao-po.
Pagbungad ko sa pintuan ay nakita ko ang malaon ko nang pinangangambahang
makit. Sa isang banig na nakalatag sa sahig ay naroon ang munting katawan ni
Leoncio Santos. “Ano yun, titser?” anya ng ako’y makita. “Halikayo maestra,”
anang babaeng nagpatuloy sa akin. “Salamat at inyong nadalaw ang aking anak.
Halikayo dito kayo maupo,” at nagpalinga-lingang tila may hinahanap na
luklukan. Madaling lumabas at nang pumasok ay may dala ng upuan, ngunit
ako’y nakaupo sa sahig at hinahaplos ang noo ni Leoncio. “Naku, maestra
huwag diyan. Dito, dito kayo umupo,” anang babaing nagpupumilit. “Kahiyahiya
sa inyo. Hindi ako sanay.” “Huwag, huwag ninyong sabihing ako’y…sanay po,
sanay!” At ang aking tinig ay nagbago.

May humalang sa aking lalamunan. “Napatingnan niyo na po ba sa


manggagamot?” Hinaplus-haplos niya ang ulo ng maysakit bago siya tumugon.
“Hindi po. Paano po’y…Alam ninyo may kapitbahay kami riyang nagsabing ang
dinikdik na murang dahon ng bayabas ay mabuti, gayon din ang pagtatapal ng
dahon ng ikmo…”

Hindi ko gaanong napakinggan ang sinasabi ng aking kausap. Paano’y sinisisi


ko ang aking sarili sa pagkakatanong ng gayon. Lubog na ang araw nang aking
ipukol ang mga paningin sa gawing durungawan. “Leoncio.” ang sabi ko sa
maysakit. “Magpagaling kang madali. Kanin mo itong dala ko sa iyo, hane?
Pagpasok mo’y mayroon akong ipapakita sa iyo.”

Ako’y inihatid ng ina ni Leoncio. Ako’y naggalit-galitan bago niya napaunlakan


ang aking ipinagkaloob. Ngunit sa kanyang pagpapaunlak ay nakita kong
nasaling ko ang isang pusong sugatan. “…Pamahalaan…pag-aalsa

(Mula sa: https://pdfcoffee.com/walong-taong-gulang-2-pdf-free.html)

Paglalapat ng Teorya

Teoryang Romantisismo

 Pagmamahal ng isang guro sa kanyang estudyante – Sa kasagsagan ng


kuwento ay nandoon ang pagiging mabait at mapagmalasakit ni Miss de la Rosa
sa kanyang estudyante. Nahinuna ko na ang isang guro ay totoong hindi lamang
sa pagtuturo ng mga pangunahing kaalaman ang tungkulin kundi ay isang ina rin
sa loob ng paaralan at hindi lang sa silid tumitigil ang tungkulin nitong maging
pangalawang ina.

Patunay:
I. “Napuna ko siya at mula noo’y pinag-ukulan ko ng panahon ang
pagmamatyag sa batang iyon.”

II. “Nang siya’y dumtaing nang sumunod na araw ay tinawag ko’t tinanong
ang dahilan ng di niya pagpasok. “Nahilo po ako, Miss de la Rosa,” ang
kanyang sagot. “Ngayon ba’y hindi ka nahihilo?” ang aking tanong. At ang
sagot niya’y hindi raw. “Sabihin mo sa iyong nanay”, ang aking patuloy,
“na ikaw ay pakainin niyang madalas ng gulat, itlong ng manok at mga
bungangkahoy at painumin ng gatas na sariwa, hane?”
III. “Limang araw nang hindi siya pumapasok nang ako’y sumama sa
dalawang batang umuuwi sa dako ng tahanan ni Leoncio.”

 Pagmamahal ng anak sa magulang – Mula sa panghuling bahagi ng kuwento


ay naisalaysay doon ang pagtawag ni Leoncio sa ina upang kumain na.
Ipinahihiwatig lamang nito talagang mahal nito ang ina, at isa ito sa
pinakaimportanteng tao sa buhay niya.

Patunay: “Humakbang na ako sa tarangkahan… “Inay, umalis na ba ang titser?


Ang sarap ng kanyang dala. Halina kayo, di pa kayo nanananghalian, a!”. Sa
kadiliman ng landas na aking tinatahak ay nakikita ko ang isang batang
wawalong taong gulang, maitim sa karaniwan, sarat ang ilong, makipot ang bibig
na may makakapal na labi, maamo ang mata, na tinatanong ko ng: “Bakit, ayaw
mo ba ng gulay at itlog? Hindi ka ba kumakain ng bungangkahoy na sinabo ko
sa iyo? At ang gatas na sariwa?”

MGA SALAWIKAIN

Salawikain #1
“Ang taong walang kibo, nasa loob ag kulo.”
 Teoryang Sikolohikal

Ang teoryang ito ay may layong maipaliwang ang naging salik sa pag-uugali ng isang
tauhan sa akda. Ito ay nakabatay sa damdamin at emosyong namayani tungo sa
pagkilala sa tunay na kulay ng isang tauhan o indibidwal.

Patunay: Ang gustong ipaliwanag ng salawikaing ito na ang isang taong kalma, hindi
masyadong nagsasalita, nag-oobserba lang at nananatiling tahimik kahit pa man sa
gitna ng anumang suliranin ay siyang mas nakakatakot kung ilalabas at ipahahayag na
ang galit kung mapupuno. Samakatuwid, ito ay malalapatan ng sikolohikal na teorya
dahil naka tuon ito sa pagbabago ng katangian ng isang indibidwal kapag may nag-
udyok dito.

Salawikain #2
“Ang tumatakbo ng matulin, pag masusugat ay malalim.”
 Teoryang Eksistensiyalismo

Ang teoryang ito ay may layuning ipakita na may kakayahan ang tao na mag desisyon
para sa kanyang sarilil. Ibig sabihin ay mas nagagamit at pinapagana ang utak ng tao
rito. Tanging ang tao ang siyang makakagawa ng kanyang desisyon.

Patunay: Ang salawikaing ito ay may layong magparating ng aral na bilang isang tao at
indibidwal na gumagalaw sa mundo, dapat na matutong pagisipan ang lahat bago
gumawa ng desisyon sa buhay. At higit lahat ay dapat na intindihin o tanggapin ang
anumang kalalabasan ng kanyang desisyon.

Salawikain #3
“Kapag ang pag-ibig ang namayani. Ang lahat ay magbubunyi.
 Teoryang Romantisismo

Ito ang madalas na nagagamit sa iilang panitikan. Sapagkat may layunin itong ipakita
ang pag-ibig hindi lamang sa dalawang indibidwal na nagmamahalan, kundi pati na ang
pag-ibig sa bayan, sa mga mag-aaral, sa mga magulang o sa mga anak, at marami
pang iba. Ang teroyang ito ay mas pinahahalagahan ang damdamin kaysa sa pag-iisip.

Patunay: Ang salawikaing ito ay gustong magbigay ng mensahe na ang


pagmamahalan ay mahalaga, dahil ito ang magbibigay ng kasiyahan sa bawat isa sa
atin. Kung lahat tayo ay nagmamahalan, ang pinaka-inaasam nating kapayapaan ay
makakamit. Ibig sabihin, nilapatan ito ng teoryang romanitisismo dahil nakauton ito sa
pagmamahalan ng sangkatauhan.

Salawikain #4
“Huwag mong gawin sa iba, ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo.”
 Teoryang Naturalismo

Ito ay nakabatay sa pananaw na kilalanin muna natin ang tao bago ito husgahan, dahil
babalik at babalik sa iyo ang mga bagay na ayaw mo naman gawin saiyo.
Samakatuwid, ang lahat ng indibidwal ay malaya sa kanyang sarili dahil hinubog
lamang siya ng kaniyang kapaligiran.

Patunay: Ito ay malalapatan ng teoryang naturalismo dahil isa sa pangkalahatang


pananaw nito na huwag huhusgahan ang tao bagkus ay alamin muna ang pinagmulan
ng katangiang ito. Dahil ang mga taong madalas nanghuhusga ay sumasalamin ito sa
kung sino siya. Kung kaya’t kapag mabuti ka saiyong kapwa at tiyak kabutihan rin ang
babalik saiyo. Ito ay isang natural na pananaw sa mundo.

Salawikain #5
“Huli man raw at hindi magaling ay nakakahabol rin.”

 Teoryang Markismo

Ito ay may layong maipamalas ang kakayahan ng isang tao na umangat sa buhay sa
kabila ng hamon na natanggap at nakaharap – kahirapang nagdulot mula sa
ekonomiyang paghihirap o pampolitikal man. Sa panitikan, ito ang nagbibigay
inspirasyon sa mga mambabasa na tumayo rin sa kalugmukan.

Patunay: Samakatuwid, ang salawikaing ito ay may layong magbigay ng mensahe sa


atin na kapag nagsikap talaga aang tao, balang araw ay makakaraos din. Kahit pa man
hindi tulad ng iba na mayaman o di kaya ay magaling sa lahat ng bagay, darating at
darating ang panahon na ibibgay naman saiyo ang pagkakataon na ikaw naman
ang magtatagumpay.

You might also like