You are on page 1of 24

SACRED HEART ACADEMY OF PASIG

#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

MALIKHAING PAGSULAT

Petsa: Enero 24 – 28, 2022


Pangalan:

Baitang/Strand: Ikatlong Kahulugan ng Tula at


Markahan Kaligirang Pangkasaysayan
nito

Mahal kong mga Magulang,


Maupay nga adlaw! Sa kabila ng pinagdadaanan natin ngayong pandemiya ay patuloy
pa rin ang inyong pagsusumikap upang ihandog sa inyong anak ang magandang edukasyon.
Kaya naman sa iyong walang hanggang pagsuporta sa pamilyang SHAP ay sisikapin naming
na tugunan ang pangangailangan ng inyong anak sa larang ng edukasyon. Sa tulong ng
modalidad na ito ay sisikapin naming ipaabot ang edukasyon na may kalidad. Kaya pauna na
ang aming pasasalamat sa inyong taos-pusong pag-agapay sa inyong anak upang suungin ang
pagsubok na ito.

Kasihan nawa kayo ng Poong Maykapal.

Bb. Princess Lyka G. Hobo


Guro sa Filipino

Mahal kong mga Mag-aaral,


Maupay nga adlaw! Hindi hadlang ang pandemiya upang magpatuloy sa iyong pag-
aaral. Kaya binabati kita sa iyong pagpupursige para matapos ang bawat kagamitan na
naiaatang sa iyo. Ipagpatuloy ang alab ng iyong determinasyon sa pag-aaral. Ito ay magandang
pag-uugali na iyong marapat na baunan sa hinaharap.

Kung ikaw man ay may paglilinaw o nais ng gabay, huwag mahihiyang magtanong at
padalhan ako ng mensahe sa aking sulatroniko (e-mail) – princesslyka.hobo@shap.edu.ph. Ang
aking linya ay laging bukas tuwing Biyernes, 12:50 ng tanghali hanggang 1:40 ng hapon.

Padayon!

Bb. Princess Lyka G. Hobo


Guro sa Filipino

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


1
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Isang Linggong Kalendaryo

Araw Mga Gawaing Pagkatuto

Lunes

Martes Kahulugan ng Tula at Kaligirang Pangkasaysayan nito

Miyerkules

Huwebes

Biyernes Konsultasyon via email sa princesslyka.hobo@shap.edu.ph (12:50 – 1:40


ng hapon)

INTRODUKSYON

Maituturing na pinakamatandang uri ng panitikan ang tula sa kulturang


Pilipino. Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang
magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang
maanyong paraan kaya kinakitaan ng sukat at tugma. Bukod pa ito sa pagkakaroon
ng sukat na itinugma sa bilang ng paghinga ng tao. Ang pagkadiwang makata ay
likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay
may ibig sabihin at may katuturan.” Sa madaling sabi, bawat sambitin nila ay
matalinghaga at makatuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung
bakit nabuo ang tinatawag nating ngayong kasabihan, kawikaan, at salawikain na
nakasulat sa anyong patula.

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


2
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Komponent Deskripsyon Mga Pinagkunan


Paksa: Mga Layunin:  PowerPoint
Kahulugan ng a. Naiisa-isa ang mga kaganapan sa  Pinagyamang Pluma: Malikhaing Pagsulat,
Tula at Kaligirang kasaysayan ng tula sa Pilipinas. pahina 50 – 54
Pangkasaysayan b. Napahahalagahan ang mga iniwang  Hobo, Phiel G. (2022). Mga Piling
nito salita o aral ng mga tanyag na Tungkulin ng Wika (M.A.K Halliday.
Pilipinong nagkaroon ng malaking Mula sa https://jamboard.google.com
ambag sa tula sa Pilipinas. /d/15stqzZMy6Au3wts91AHISvUIfi
c. Nakakikibahagi sa pagsagot ng mga QMXmuXk6apYeSp10/viewer?f=0
bugtong na nakalagay sa inihandang  Editoryal Staff. (2022). Bugtong,
presentasyon. Bugtong: 490+ Mga Halimbawa ng
d. Nakagagamit ng mga uri ng tayutay Bugtong na may Sagot. Mula sa
sa gawang masining na pagkukuwento. https://noypi.com.ph/ bugtong/
e. Naibabahagi sa mga mamamayan ang  Robie317. (Pebrero 1, 2020).
kamalayan at aral sa napiling isyung Dandansoy (Tagalog Version) |
panlipunan gamit ang paggawa ng iskrip Filipino Folk Song / Awiting Bayan.
para sa masining na pagkukuwento nito. Mula sa https://www.youtube.com/
f. Nakagagawa ng bidyo ng masining na watch?v=uQLCHm90kiE
pagkukuwento hinggil sa napiling  Editoryal Staff. (2022). SALAWIKAIN:
akdang pampanitikan na makikitaan ng 550+ Mga Halimbawa ng Salawikain
isyung panlipunan. (Filipino Proverbs). Mula sa
https://noypi.com.ph/salawikain/

Iskedyul ng Pag- Pagpapahalaga: Nabibigyang Subject Integration:


aaral: importansiya ang sining ng tula sa  Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Enero 24 – 28, Pilipinas Kultura
2022  Creative Industries 2: Performing Arts

Panalangin ng Mag-aaral
Ama naming bukal at tagapagtaguyod ng karunungan
Nawa’y tanggapin ang aming pasasalamat sa iyong mga biyaya
At buong pusong paghingi ng kapatawaran sa aming mga nagawang
pagkakasala sa Iyo at sa aming kapwa
Gabayan Ninyo po kami sa aming mga gawain sa araw-araw
Bigyang lakas at husay sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay
Habang nananatiling nagpupunyagi at nagsusumikap
Para sa ikauunlad ng aming sarili at pamayanan
At para sa ikararangal ng aming paaralan at ng bansang Pilipinas. Amen.

Maupay nga
adlaw!
Kay bilis nga ng panahon, tayo ay nasa huling linggo na Enero.
Papalapit na matapos ang buwan na ito, papalapit na rin ang pagsalubong sa
buwan ng Pebrero. Kaya sa pagkakataon na ito tapusin natin ang buwan ng
Enero na maraming matutunan sa modalidad na iyong pinili.
Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)
Halina at ihanda mo na ang iyong sarili para simulan ang pagsulat. 3
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

BALIK-ARAL:

Panuto: Isulat ang iyong saloobin hinggil sa tanong ng guro sa ibaba. Isulat ang sagot sa
espayong nakalaan sa ibaba.

Bakit mahalaga ang iskrip


sa isang paggawa ng
masining na pagkukuwento?

_________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

______________________________________________________

_____________________________________________________

____________________________________________________

___________________________________________________

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


4
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

PAUNANG GAWAIN

Panuto: Isulat sa patlang (___________) ang tamang


Angsagot sa bugtong.
bahaging ito ay kasama sa isusumite sa guro.

1. Tumingin ka sa akin,
Ang makikita mo’y ikaw din.
Sagot: _____________________________

2. Binatak ko ang baging,


Bumuka ang tikin.
Sagot: _____________________________

3. Pinilit na mabili,
Saka ipinambigti.
Sagot: _____________________________

4. Kung kailan ko pa pinatay


Saka nagtagal ang buhay.
Sagot: _____________________________

5. Narito na si Katoto,
May dala-dalang kubo.
Sagot: _____________________________

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


5
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Ang bahaging ito ay kasama sa isusumite sa guro

ARALIN: KAHULUGAN NG TULA AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NITO

Ayon kay Amado V. Hernandez,


Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan,
“Ito ay hiyas-diwa ng pinaglangkap na
karanasan at damdamin at guniguni ng makat
sab isa ng mga salita.” Sa madaling salita, ito
ay paglalarawan ng buhay, pagpaparating ng
damdamin at pagpapahayag ng mga
makabuluhang salita na hinango sa guniguni at
karanasan ng isang may-akda.

Mabusisi ang ganitong sangay ng panitikan


sapagkat nangangailangan ito ng maingat ng
pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig at
paggamit ng mga makakatugmang salita upang
madama ang isang damdamin o kaisipang nais
ipabatid ng isang makata.

Sambit naman ni Lord Macaulay, isang


Manunulat at historiyador, “Katulad ito ng
paggagagad ng pintor, manlililok at ng artista sa dulaan.” Ang tula ay isang paggagagad. Ito ay
nangangahulugan ng masining na paggaya o paglalarawan ng isang tao, bagay, lugar, pangyayari at
iba.

Sinusugan naman ito ni Iñigo Ed. Regalado, isang


Manunulat, “Ito ay kagandahan, diwa, katas, larawan at
kabuoan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang
langit.” Sa madaling sabi, ang tula ay makikita mo saan mang
dako o sulok ng mundo. Ito ay nagpapakita ng kagandahan,
diwa, at imahen ng isang bagay o tao.

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


6
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

Sa pagpapakahulugan naman ni Julian


Cruz Balmaseda, isang kilalang manunulat,
“Ang tula ay kaisipang naglalarawan ng tatlong
bagay: kagandahan, kariktan at kadakilaan.”
Matatawag na tula ang isang sulatin kung ang
Tatlong bagay na ito ay pinagsama-sama sa
isang
bagay, ideya o kaisipan sa paggawa ng tula.

Sa huli, winika ni Jose Villa Panganiban,


“Marami na ang nagtangkang bumuo ng isang
Ganap na kahulugan ng tula.” Ngunit, mula pa
noong unang panahon mapahanggang ngayon ay
hindi pa rin tumitigil ang mga makata sa pagbuo ng
isang malinaw at ganap na kahulugan ng tula. Ang
mga manunulat ay nagtatangka, nangangalap at
naghahanap ng mga sangkap na mahalaga sa pagbuo nito. Sa mundo ng mga makatang hitik sa
imahinasyon, may matayog na damdamin at bukas na kaisipan.

KASAYSAYAN NG PANULAAN

1. BAGO DUMATING ANG KASTILA

May likhang tula na ang ating mga ninuno bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay ang
awiting-bayan, salawikain, at mga bugtong. Sa panahong ito, sumasalamin ang mayamang
paniniwala, kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng ating bansa dahil sa bukod-tanging panitikang
nagpapahayag ng kalinisang budhi, katutubong mga kaugalian, tradisiyon at gawain. Hindi
maitatanggi na buhay ang paglalarawan ng kanilang pamumuhay gamit nito.
Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)
7
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

HALIMBAWA

Magtanim ay Di Biro

I. Magtanim ay di biro IV. Sa umagang pagkagising


Maghapong nakayuko Lahat ay iisipin
Di naman makatayo Kung saan may patanim
Di naman makaupo May masarap na pagkain.

II. Bisig ko’y namamanhid V. Halina, halina, mga kaliyag,


Baywang ko’y nangangawit. Tayo’y magsipag-unat-unat.
Binti ko’y namimintig Magpanibago tayo ng lakas
Sa pagkababad sa tubig. Para sa araw ng bukas

III. Kay-pagkasawing-palad VI. (Braso ko’y namamanhid


Ng inianak sa hirap, Baywang ko’y nangangawit.
Ang bisig kung di iunat, Binti ko’y namimintig
Di kumita ng pilak. Sa pagkababad sa tubig.)
Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)
8
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

HALIMBAWA

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


9
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

2. PANAHON NG KASTILA

Pinagtibay ng mga kasulatan at ebidensiyang nakalap nang dumating ang mga Espanyol na
may sarili ng sistema ng pagbasa at pagsulat ang ating mga ninuno. Subalit ang mga Kastila ay may
pinakilala na Abecedario sa kadahilanan na pagnanais na maipalaganap ang pananampalatayang
Katoliko Romano. Kasabay nito, unti-unti nilang pinag-aralan ang mga tulang bukambibig ng ating
mga ninuno. Hindi nagtagal ay nabuo ang tulang magkahalong Tagalog at Kastila na ito ay
ipinagpalagay na pinakamagandang uri ng tula noong ikalabing-anim na dantaon. (1600 A.D). Ang
mga taong nakaaalam ng wikang Tagalog at Kastila ay tinatawag na Ladino. Ang mga kilalang
manunulat sa panahon na ito ay sina Fernando Bagongbanta, Tomas Pinpin at Pedro Suarez Osorio.

Sa mga nagdaang dekada, unti-unting natanggap ng mga Pilipino ang tulang haluan at
natutunan na rin ng mga nakapag-aral ang wikang Kastila. Dahil dito, napabilis ang adhikain ng mga
Espanyol na mapalaganap ang Kristiyanismo. Kasabay nito, umusbong ang awit at korido.
Lumaganap din ang pasyon – patulang pasalaysay na nagsasaad ng buhay, hirap at sakit ng ating
Panginoong Hesukristo. Gayundin ang karagatan at mga dula tulas ng komedya at Moro-moro.

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


10
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


11
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

Sa panahon na ito ay nagsambit ng pangunahing tinig ng kilusang propaganda para sa


Kalayaan at hinain ng bandang Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ang mga
kilalang manunulat dito ay sina Dr. Jose Rizal – kagila-gilalas at pinakadakilang Pilipino, Marcelo H.
Del Pilar – abogado at mamamahayag at Graciano Lopez Jaena - lider ng kilusang repormista,
manunulat, peryodista, at orador.

4. PANAHON NG HIMAGSIKAN

May dalawang katangian sa panulaan sa panahong ito. Una, maalab ang pambansang
damdamin at pangalawa ay pagkahimig panunuligsang pampolitika. Ang nakilalang manunulat sa
panahon na ito ay si Andres Bonifacio – Ama ng demokrasya sa Pilipinas at Emilio Jacinto – utak ng
Katipunan.
Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)
12
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

5. PANAHON NG AMERIKANO

Nagsusumigaw ang damdamin ng mga Pilipino sa pagtatamasa sa kalayaan ng tinubuang


lupa. Kaya ang paksa sa tula ay may kinalaman sa nasyonalismo – pagkakaroon ng pagmamahal sa
bansa, kalayaan sa pagpapahayag ng paglawak ng karanasan, paghanap at paggamit ng mga bagong
pamamaraan. Lahat ng tula sa panahong ito ay liriko.

Ang liriko o tulang liriko ay tinatawag ng mga griyego sa tulang inaawit na sinasabayan ng
lira. May himig pa rin ito hanggang sa ngayon bagama’t pinatutunayan ng makata na hindi na
kailangan ng isang lira o anupamang instrumento upang umawit. Nakalilikha ng musika sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita. Sa kabuoan, naglalarawan ito ng mayabong na
damdamin. Ang ikagaganda nito ay sa indayog ng mga taludtod at ang makakatugmang tunog ang
mga huling pantig bukod pa sa paggamit ng marikit na paglalarawan sa loob ng taludtod.

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


13
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

HALIMBAWA NG AWIT

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


14
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

HALIMBAWA NG SONETO

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


15
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

HALIMBAWA NG ELEHIYA

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


16
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

HALIMBAWA

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


17
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

6. PANAHON NG HAPONES

Ito ang gintong panahon ng panitikang Pilipino. Ito ay sa kadahilanan na higit na malaya ang
mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa
mga ito. Sa larang ng pagsulat ng tula, makikita na ang mga manunulat ay nahahati sa tatlong
katangian: 1. Kabiguan at kawalang pag-asa, 2. Panakip-butas o panlibang sa tunay ng damdaming
maisisiwalat, 3. Yaong nagpapatangay sa agos ng digmaan.

7. PAGKARAAN NG DIGMAAN HANGGANG KASALUKUYAN

Dito nakapaloob ang kumbensyonal na tula. Ito ay nangangahulugan ng nakaugalian,


tradisyunal o matagal nang ginawa batay sa tanggap ng mga tuntunin o pamantayan.

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


18
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

HALIMBAWA

Pagsunod ugaliin
Paghugas ng kamay sundin
COVID-19 puksain

TANAGA

Apat (4) na taludtod


Pitong (7) pantig sa bawat taludtod
Matatalinhagang salita
Tugmaan: a-a-a-a, a-b-a-b, a-b-a-a. a-b-b-a

HALIMBAWA

Tag-init
ni Ildefonso Santos

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

HAIKU

Lambingpitong (17) pantig


Nahahati sa tatlong (3) taludtod
Maikli at ‘di naglalaman ng talinghaga

HAIKU

BALATKAYO
mula sa haikutagalog.blogspot.com

May kaibigan,
Nasa tabi mo lamang,
Kung kasayahan.
Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)
19
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Pagpapatuloy ng aralin…

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


20
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

Bilang ng Pagtatapos …

Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang iyong sagot sa espayong nasa ibaba.

___________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)
_________________________________________________________________________________ 21
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

(Ang bahaging ito ay kasama sa isusumite sa guro.)

Kaya mo iyan! Ito na ang tinakdang linggo sa pagpasa ng masining na


pagkukuwento at iskrip hinggil dito. Isaalang-alang ang mga paalala para
sa ikagaganda ng resulta ng iyong pagganap. Ito ay makikita sa ibaba:

Basahin at unawain ang pamantayan. Sumunod dito upang maayos ang


kakalabasan ng iyong pagganap. Isama na ipasa ang iskrip kasabay ng bidyo na
ginawa para sa Masining na Pagkukuwento.

Kunin ang mga pamantayan noong nakaraang kagamitan, sagutan ang


ebalwasyon sa sarili para sa paggawa ng iskrip at para sa masining na
pagkukuwento, markahan ang sarili batay sa iyong ipapasang bidyo at iskrip
Malikhaing Pagsulat ngayong
– Panglimang Linggo
araw. (Ikatlongkakaligtaan
Huwag Markahan) ang parteng ito dahil malaki ang magiging
22
epekto nito sa kabuaong puntos mo.
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

HOME LEARNING PACKETS FEEDBACK FORM


LINGGUHANG ISKEDYUL: Ika – 24 hanggang 28 ng Enero, 2022

Mahal kong Mag-aaral,

Ilagay lamang sa ibaba ang inyong mga katanungan sa bawat gawain na inyong gagawin
o sasagutin upang ito ay aming mabigyan ng atensyon at kasagutan.

Pangalan: ______________________________________________

Unang Araw

Ikalawang Araw

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


Bb. Princess Lyka G. Hobo, LPT
23
Guro sa Filipino
SACRED HEART ACADEMY OF PASIG
#3 M. Suarez Avenue, Maybunga Pasig City

Senior High School Department


TP 2021-2022

(Ang bahaging ito ay kasama sa isusumite sa guro.)

Malikhaing Pagsulat – Panglimang Linggo (Ikatlong Markahan)


24

You might also like