You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
SANDAANG DAMIT
ni Fanny A. Garcia
(Panunuring Pampanitikan)

Inihanda para sa pakitang-turo ni:

JERICHO D. CUSTODIO
(Gurong Nagsasanay)

Inihanda para kay:

MAILA M. MACAM
Instructor

Petsa ng Pagpasa:
10 OCT 2022

Araw ng Pakitang-turo:
10 OCT 2022
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60-minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo
ang mga sumusunod nang may 75 % na tagumpay:

A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa pinakinggang awitin;


B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng pagguhit;
C. Naiuugnay ang tekstong binasa hinggil sa pansariling realisasyon patungkol sa
pag-aaral; at
D. Nailalahad ang mga pangarap sa buhay na nais makamtan.

II. NILALAMAN
Paksa: Pangarap
Tatalakaying Genra: Maikling Kuwento
Pamagat ng Teksto: SANDAANG DAMIT ni Fanny A. Garcia
Mga Kagamitan: show me board, marker, call bell, flaglets at radyo.
Sanggunian: Julian, Balmaceda V.et.al. (Interaktibong Aklat sa Filipino IV Wika at
Panitikan). pahina 212-214
Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag
- Pagtukoy ng paksa ng pinakinggan awit
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Pagpupursige sa pag-abot ng mga pangarap

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral

B. Pagganyak
a. Papangkatin sa lima ang klase. Sa pamamagitan ng tableau ay
isasagawa ng bawat pangkat ang sumusunod na sitwasyon:
1. flag ceremony
2. klase sa PE
3. card day
4. mga batang nanagrerebyu dahil sila’y may pagsusulit
5. mga batang naglalaro dahil vacant nila
6. Araw ng Pagtatapos

C. Paglinang ng Talasalitaan
A. MIX AND MATCH. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang sumusunod
na salita ayon sa mga salitang magkakasingkahulugan.

Batid Alam
Nakaratay Nakahiga
Sumidhi Umigting
Salat Kapos
Nakagiray Nakatumba
B. Vissible quiz. Itaas ang dilaw na flaglet kung ang sagot sa sumusunod na
tanong ay “OO’ at pulang flaglet naman kung hindi.
1. Kung batid mo ba ang isang bagay ay wala kang alam tungkol
dito?
2. Kapag nakaratay ka ba ikaw ay nakatayo?
3. Kapag salat ka ba sa bagay-bagay ibig bang sabihin ay marami ka
nito?
4. Kapag nakagiray ba ang isang tahanan ito ay nakatumba?
5. Kapag sumidhi ba ang iyong nararamdaman na maabot ang iyong
pangarap ay nawawalan ka nang bautin ito?

D. Paglalahad
1. Pagpaparinig ng awit na “Lipad” ni Lea Salonga
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napakinggang awit.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng pinakinggang awit.
c. ANAGRAM. Bubuo ang mga mag-aaral ng panibagong mga salita na
mahahango mula sa salitang PANGARAP.

2. Ang pangarap ng tao ay sinasabing nag-uusbong mula sa kanyang


kamusmusan hanggang sa panahon ng kanyang pagkamulat. Ngayon ay
masasaksihan natin ang isang batang babaing mahirap na magbibigay
inspirasyon sa atin sa patuloy na pangangarap at kumilos sa pagbibigay-
katuparan sa mga ito. Isang maikling kuwentong isinulat ni Fanny A. Garcia,
ang “Sandaang Damit”

E. Pagtalakay
1. Pagbasa ng teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong babasahin pagkatapos
ay iguguhit nila ang buod ng kanilang binasa sa show me board.
3. Tatawag ang guro ng kinatawan ng pangkat na siyang magsasalaysay ng
ibinuod na kuwento sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento.
4. Pabubunutin ang bawat pangkat ng tig-iisang katanungan at bibigyan sila ng
tatlong minuto upang isulat ang kanilang sagot sa show-me-board. Sa
pamamagitan ng TEAM STAY, TWO STRAY ay ibabahagi ng dalawang
kinatawan ng grupo ang kanilang sagot sa ibang pangkat.

Mga Gabay na Tanong:


a. Bakit naging mahiyain ang batang babae noong siya’y nag-aaral pa?
b. Paano lumaban ang batang babae? Ano-ano ang kanyang ikinuwento sa
kanyang mga kamag-aral?
c. Ano ang natuklasan ng mga kamag-aral ng batang babaeng may
sandaang damit nang siya’y kanilang dalawin.
d. Nagsinungaling ba ang batang babae nang sabihin niyang mayroon
siyang sandaang damit? Oo o hindi? Pangatwiranan.
e. Kung may mga kamag-aral kang umaapi o nambubuli sa iyo, titigil ka ba
sa iyong pag-aaral?
f. Ipaliwanag: “Ang kamatayan ng pag-asa ay kamatayan ng pangarap.”

F. Paglalahat
1. Lihim ng Mahiwagang Kahon. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral
patungkol sa kanilang pag-aaral.
a. Bakit kayo nag-aaral? Mahalaga ba ito?
b. Bilang mga mag-aaral na nagtapos sa elementarya, ano-ano na ang
mga nagawa ninyo upang maabot ang inyong mga pangarap?
G. Paglalapat

1. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga pangarap sa papel na hugis


damit. Ibabahagi ng mag-aaral sa kanyang kapangkat ang kanyang pangarap.
Ididikit ang mga papel sa lobo at paliliparin.

IV. Pagtataya: Vissible Quiz

A. Itaas ang letrang H kung ang sumusunod na pahayag ay tama at W naman kung
mali.
1. Namatay ang babaing batang mahirap na may sandaang damit kaya’t di siya
nakakapasok sa paaralan.
2. Nagwalang-bahala ang guro sa hindi pagpasok ng batang may sandaang
damit.
3. Naiinis ang batang babae sapagkat ipinangangak siyang mahirap
4. Ang sumulat ng tekstong binasa ay si Fanny A. Garcia
5. Ang kamatayan ng mga kamag-anak ay kamatayan ng mga pangarap.

B. Itaas ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa bawat


bilang.
1. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong binasa?
a.
b. nobela d. sanaysay
c. maikling kuwento e. epiko
2. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang sinabi ng babaeng may sandang
damit kung bakit hindi niya isinusuot sa paaralan ang kanyang mga damit.
a. Baka ito’y marumihan
b. Sapagkat ito’y mga drowing lamang
c. Kagagalitan siya ng kanyang nanay
d. Baka ito’y maluma agad
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan sa batang babaing mahirap.
a. Ang karaniwan niyang baon ay tinapay na kadalasang walang palaman
b. Nanahimik na lang siya at hinayaan ang mga panlalait sa kanya ng
kanyang mga kamag-aral.
c. Ang damit niya’y bagamat malinis ay mapaghahalataang luma.
d. Batid ng kanyang ina ang mga dinaranas na pang-aapi sa kanya.
4. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag na ito, “Sinungaling ka!
Ipakita mo muna sa amin para kami maniwala!”
a. naninigurado c. nagugulumihanan
b. nagagalit d. nagpapaliwanag
5. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang hindi masasalamin sa tekstong
binasa
a. Walang maaapi kung walang paaapi
b. Walang magulang na di nasasaktan sa sakit na nararamdaman ng
kaniyang anak.
c. Ang pamahalaan ang dapat sisihin kung bakit maraming Pilipino ang
naghihirap.
d. Ang kahirapan ay di sagwil sa pag-abot sa mga pangarap.

V. Kasunduan

A. Bumuo ng isang liham para sa iyong mga magulang at guro na nagsilbing katuwang
mo sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

You might also like