You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 1
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
PARANG ELEMENTARY SCHOOL
BACARRA II

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 5

I. MGA LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
• Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
• Nasusunod ang ang napakinggang/ nabasang panuto o hakbang ng isang gawain.

C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang ay inaasahang:


 Nasasabi ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng tono at
damdamin at paglalarawan;
 Natutukoy ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa pangungusap.

 Nakapagbibigay halimbawa ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar kasunod ang kahulugan


ng mga ito;
 Nagagamit sa sariling pangungusap ang pamilyar at di-pamilyar na salita at;
 Nakapagpapatibay ng kaalaman sa pagsagot ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar.

II. PAKSANG ARALIN: Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Pamilyar at Di-pamilyar

A. Sanggunian: F6WG-Ia-d.2
B. Kagamitan: power point presentation, gawain na nakalagay sa tarpapel

PAGPAPAHALAGA: Kooperasyon

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay:
 Tukuyin ang kahulugan ng salita o pariralang may salungguhit sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Tama na! a. nakabibingi
2. Sikat siya sa klase. b. niluto sa bahay
3. Masarap pa rin ang lutong-bahay. c. tumigil
4. Huwag basta maniwala sa mga sabi-sabi. d. kilala
5. Nakaririndi ang ingay ng sigawan sa labas. e. tsismis

2. Balik-Aral

Parang Elementary School


Brgy.27, Duripes Bacarra, Ilocos Norte
paranges41118@gmai.com STR/stramos
 Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang kasalungat ng pang-uring may salungguhit sa
pangungusap. I-click ang lobo ng tamang sagot.
 Marami akong kaibigang matangos ang ilong, kahit na ang ilong ko ay ________.
 Mga sariwa at hindi __________ na gulay at prutas ang dapat itinda ng mga tinder sa
palengke upang magkaroon ng malusog na pangangatawan ang mga mamimili.
 Mataba ang bunso niyang kapatid di-gaya ng panganay na __________ naman.
 Masaya ang karamihan habang __________naman si Alex dahil namatay ang
kanyang alagang pusa.
 Matakaw sa pagkain si Chad samantala si Ana ay ________.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Ngayon, mga bata ay magkakaroon tayo ng isang gawain na magpapalawak sa inyong isipan.
Iklick ang THUMBS UP na emoji kung ang salita ay kilala ninyo o madaling maunawaan,
iclik naman ang THUMBS DOWN kung di-kilala ang salita.
A B
matalino nag-aalimpuyo
natakot salumpuwit
bahay pasamano
nagmamadali batalan
makinis alibugha
Itanong: Anong tawag sa mga salitang ito?

2. Paglalahad
 Pagbabasa ng mga salita na nasa pisara.
 Paglalahad ng mga paraan ng pagbibigay kahulugan ng mga salita at ilang halimbawa nito.
 Sabihin: Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar.
Tatalakayin din natin ang mga paraan ng pagbibigay kahulugan ng mga ito.

3. Pagtatalakay
 Mga Gabay na Tanong:
 Balikan natin ang mga pangkat ng salitang nasa pisara.
 Itanong: Ano ang inyong masasabi sa unang hanay ng mga salita? sa ikalawang
hanay naman ng mga salita?
 Ano ang inyong pagkakaunawa sa salitang pamilyar? sa di-pamilyar na salita?
 Ano ang mga paraan ng pagbibigay kahulugan sa salitang pamilyar at di-pamilyar?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
 Ano ang ibig sabihin ng pamilyar na salita?
Ang pamilyar na salita ay mga salitang madaling maunawaan.
 Ano naman ang ibig sabihin ng di - pamilyar na salita?
Ang di-pamilyar na salita ay matalinghaga at mahirap maunawaan.
Kailangang pag-isipan at palawakin upang maging maayos ang
pakikipagtalastasan.
 Ano ang mga paraan ng pagbibigay kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na
salita?

Parang Elementary School


Brgy.27, Duripes Bacarra, Ilocos Norte
paranges41118@gmai.com STR/stramos
2. Paglalapat
 Pansanayang Gawain:
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Iclik lamang ang
kahon ng tamang sagot.
1. Tangan-tangan ko na ang pagkain ni Chan-Chan at pakakainin na siya.
A. hawak-hawak C. inihanda
B. bitbit D. ibinigay
2. Panandalian lamang ang pagbabakasyon sa Pilipinas nina Rose at ng kaibigan niya.
A. matagal-tagal C. maikling panahon lamang
B. saglit lamang D. matagal
3. Nakahanda na ang telon para sa ipapalabas na pelikula sa plasa.
A. malaking screen C. malaking telebisyon
B. puting tela D. kurtina
4. Mula sa balkonahe ng munisipiyo, tanaw ang buong bayan ng San Felipe.
A. entabladong nakausli sa dingding ng gusali
B. isang uri ng teleskopyo
C. isang bahay o gusali
D. lugar para sa pagpapalipas-oras
5. Ang aming mayor ay magaling sa diplomatiko.
A. mahusay magsalita
B. pulitiko
C. taong matalino, matalas at mahusay sa pakikipag-unawaan
D. kasanayan sa personal na ugnayan
6. Kapag araw ng pista sa aming bayan, madaling araw pa lamang ay umiikot na ang banda
ng musiko para salubungin ang magandang araw ng pagdiriwang.
A. pangkat ng mananayaw
B. pangkat ng musikero
C. pangkat ng mga mamamayan
D. pangkat ng mga payaso
7. Marami ang mga banyagang nagnanais na makapamasyal sa ating bayan.
A. likas na mamamayan
B. makabayan
C. mahilig makipagsapalaran
D. dayuhan; hindi mamamayan ng bansa
8. Naging maunlad ang aming barangay dahil sa masinop na pamamahala ng amin kapitan.
A. pangangasiwa C. pagkontrol
B. pagtrato D. pagdisiplina
9. Kay gandang pagmasdan ang pagmartsa ng mga kadete.
A. pagkandirit
B. paghawak ng mga instrumento
C. pagtataas ng mga watawat
D. sabay-sabay na paglalakad
10. Mga huwarang kawani ang aming mga magulang.
A. manggagawa C. dyanitor
B. empleyado D. mensahero

IV. PAGTATAYA
A. Pagtambalin ang mga salita na nasa Hanay A sa katumbas nitong kahulugan sa Hanay B. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_________ 1. panirahan A. mga tuntuning dapat sundin
_________ 2. nagbabanta B. tirahan
_________ 3. regulasyon C. karaniwang marurumi ang tubig na dumadaloy sa lugar na ito

Parang Elementary School


Brgy.27, Duripes Bacarra, Ilocos Norte
paranges41118@gmai.com STR/stramos
_________ 4. imburnal D. inanod ang lupa
_________ 5. pag-agos E. nanganganib
B. Tukuyin ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_________ 6. “Palimos po”, ang sabi ng batang nasa lansangan.


A. ayaw ng pagkain C. nagtitinda ng pagkain
B. bumibili ng pagkain D. nanghihingi ng pagkain
_________ 7. Si Shiela ang lagi kong kasama kahit saan ako magpunta. Sia ang aking katoto.
A. kaaway C. kaibigan
B. kalaro D. kapatid
_________ 8. Hanep! Ang galing niyang maglaro.
A. mahusay C. maganda
B. madali D. mabili

_________ 9. Napakarami ng kanilang mga paninda sapagkat bulto sila kung mamili.
A. maramihan C. karaniwan
B. gusto D. bunga
_________ 10. Huwag mo akong pababayaan.
A. minsan C. bawal
B. dapat D. palagi

V. TAKDANG-ARALIN
 Maglista ng tiglilimang salitang pamilyar at di-pamilyar at gamitin ang mga ito sa
pangungusap.

Prepared by:

SUSAN T. RAMOS
Teacher III
Noted:

CESARIA A. VISITACION
Head Teacher III

Parang Elementary School


Brgy.27, Duripes Bacarra, Ilocos Norte
paranges41118@gmai.com STR/stramos
Parang Elementary School
Brgy.27, Duripes Bacarra, Ilocos Norte
paranges41118@gmai.com STR/stramos

You might also like